You are on page 1of 6

Filipino 10 Quarter 3 Modyul 1

TUKLASIN

Gawain 1
1. Ang tulang binasa ay tungkol sa suliraning pinagdadaanan ngayon ng kasalukuyang mundong ating ginagalawan
at ang kasiyahang taglay mayroon ang kabilang daigdig na puno ng mahika.
2. Ang may-akda ay tumalakay sa suliraning ng pagkakaroon ng COVID-19 ngayon sa ating mundo at iba pang
suliraning nagaganap dito sa sanlibutan. Ang naisip niyang solusyon sa suliranin ay parang hindi makatotohanan
dahil sa pawang kathang isip lamang ang nabuo niyang solusyon sa suliranin at hindi naman natin alam na
mayroong mundong puno ng mahika at ang mga tao’y mayroon kapangyarihang taglay.
3. Mula sa mitolohiyang binasa, inilarawan ng may-akda ang lugar na puno ng mahika at inilarawan naman niya
ang mga tauhan na mayroong mga kapangyarihan. Mayroong mabuting Bathalang nagbabalik sa kaayusan ng
lugar pagkatapos magkaroon ng suliranin sa lugar na pinangyarihan.
4. Sa mga nakaraang aralin, masasabi kong, oo, may natagpuan din akong kakaibang daigdig tulad sa nabanggit sa
tula. Ang mitolohiyang aking nabasa ay mayroong mga diyos-diyosan din na nagbabantay at nagpapanatili ng
kaayusan ng isang lugar. Siya din ang nagpapataw ng parusa kapag ang mga tao ay lumabag sa kanyang gustong
mangyari sa kanyang lugar na nasasakupan. At mayroon ding mga tauhang may aking kakayahan at
kapangyarihan na hindi tinataglay ng sinumang ordinayong mamamayan.
5. Batay sa tula, naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang panitikan dahil ang mitolohiya ay pawang kathang-isip
lamang na binatay lamang sa kultura at tradisyon ng pinagmulan ng isang lugar. Ang mga pangyayari sa
mitolohiya ay pawang isang imahinasyon lamang sapagkat ang mga lugar na puno ng misteryo ang mga
kapangyarihang taglay ng mga tauhan sa mitolohiya ay hindi kailanman tinataglay ng isang ordinaryong lugar at
ordinaryong taong namumuhay sa mundong ito.

Gawain 2
Pahalang
1. NAKAWALA
2. MAHULI
3. KATAGALAN

Pababa
1. NAGTAKSIL
2. PLANO

Gawain 3
1. karamihan
2. pang-araw-araw
3. tahanan
4. pagsusuot
5. mapangalagaan
6. pagtitipon
7. pamahalaan
8. mag-aaral
9. banta
10. umaasa
PAGYAMANIN
Gawain 1
A.

LIONGO

1. Ano ang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan sa akda?

Sagot: Ang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan sa


akda na si Liongo ay ang pagkakadena at pagkakakulong nito
dahil sa kagustuhan ni Haring Ahmad na sya ay mawala.

2. Ilarawan ang naging kilos at gawi ni Liongo.

Sagot: Si Liong ay isa sa pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.


Ginamit niya ang pagiging makata at talino nya upang sya ay makatakas sa
pagkakabilanggo. Naging mahinahon siya sa kanyang mga kilos dahil kahit
masama ang pakikitungo sa kanya ni Haring Ahmad ay hindi parin niya ito
ginantihan Siya ay nagsanay ng Mabuti sa paghawak ng pana at busog at
kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan. Ngunit tinraydor sya ng kanyang
anak at pinatay.

3. Ano ang naging desisyon ni Liongo? Makatuwiran ba ito? Bakit?

Sagot: Ang naging desisyon ni Liongo ay ang pagtanggap niya ng


alok ng hari na maging bahagi ng kanilang pamilya sa
pamamagitan ng pagpapakasal sa anak nito. Ang desisyon niyang
ito ay hindi makatuwiran dahil naipahamak niya ang kanyang
sarili dahil sa pagtatraydor ng kanyang sariling anak at napatay
siya ng kanyang sariling anak.

4. Anong mensahe ang nais ipabatid ng akda sa mambabasa?

Sagot: Layunin ng may-akda na ipaliwanag sa mga mambabasa ang


kasaysayan, kultura at mga paniniwala ng mga taga-Africa. Ang
Sistema ng pamumuno sa Kenya ay naisaad sa mitong ito.
Ipinapahayag din ng may-akda na minsan kahit na ikaw ang
pinakamalakas, pinakamakapangyarihan, kahit bayani ka pa, may
mga tao pa ring kagagalitan, kaiinggitan at ipagkakanulo ka. Kung
minsan pa nga, kung sino pa ang malalapit sa buhay mo ay siya ang
magpapahamak at papatay sa iyo.
B.

Kaisipan Makatotohanan Di-makatotohanan Paliwanag


Nakakalipad ang mga tao  Sa totoong buhay, ang mga tao ay walang
pakpak at hindi ito nakakalipad. Walang
kakayahan ang mga tao para makalipad ng
kusa.
Pagsasambit ng mga  Ang kaisipang ito ay hindi makototohanan at
mahiwagang kataga upang pawang kathang isip lamang. Ito ay gawa-gawa
makalipad ang mga tao lamang ng imahinasyon at hindi nangyayari sa
totong buhay.
Pagdurusa at paghihirap ng  Totong nangyayari ito sa ating buhay, lalong-
mga malilit at mahihirap na lalo na sa mga makapangyarihang mga taong
tao sa kamay ng mga nag-aabuso ng mga maliit na tao dahil sa hindi
makapangyarihang tao nila kayang gumanti sa mga ito. Halimbawa
lamang nito ay ang mga pang-aabuso ng mga
namamasukan na mga kasambahay sa mga
mapang-abusong mga amo. Isa din sa mga
halimbawa ang ang pang-aalipin sa mga tao.
Sapilitang pagtatrabaho  Totoong nangyari ito lalong-lalo na noong
unang panahon mula sa mga pananakop ng
mga dayuhan. Nagkaroon ng sapilitang
pagtatrabaho noong panahon ng pananakop
ng mga Kastila.

Gawain 2
Elemento ng Liongo Maaaring Lumipad ang Tao
Mitolohiya (Mitolohiyang binasa) (Mitolohiyang pinanood)
A. Tauhan  Liongo (pangunahing tauhan)  Toby
 Haring Ahmad  Sarah
 Mbwasho  Anak ni Sarah
 Anak ni Liongo  Mga taong lumilipad
 Ang tagabantay
 Mapang-aping may-ari ng lupa
B. Tagpuan  Ang mga pangyayari ay naganap sa  Ang mga pangyayari ay naganap sa
Kenya, Ozi at Ungwana sa Tana Delta, isang palayan sa isang lugar sa
Shangha sa Faza o isla ng Plate, sa Africa
loob ng bilangguan at sa Watwa
C. Tema  Ang tema ng mitolohiya ay  Ang tema ng mitolohiya ay
nagpapahayag kung sino si Liongo at nagpapahayag na huwag sumuko
ang mga matagumpay niyang nagawa. sa anumang hamon ng buhay.
Sa mitolohiyang ito may matutunan  Ang tema ay may kaugnayan sa
tayo tulad ng pagiging maraming at temang pang-aalipin ng mga tao
hindi sumusuko sa anumang pagsubok
na darating at hindi dapat tayo
magtiwala kahit kanino.
 Ang akda ay may kaugnayan sa
temang pagkanulo. Ipinakulong ni
Haring Ahmad si Liong. Sa bandang
huli ay pinatay si Liong ng kanyang
sariling anak.
D. Banghay  Ang mga pangyayari ay nakatuon sa  Sa isang malawak na lupain na
mga pagsubok sa buhay ni Liongo. kanilang binubungkal may mga
Katulad ng matagumpay niyang alipin na doon ay nagtatrabaho at
pananakop ng trono ng Plate na naninilbihan. Ang mga taong ito ay
napunta sa pinsan niyang si haring mga itim. Isa sa mga ito ay ang
Ahmad na nagtraydor sa kaniya. May mag-amang sina Toby at Sarah.
pangyayari ding ikinadena at ikinulong Pinamamahalaan ito ng isang
si Liongo dahil sa kagustohan ni haring mabagsik na tagapagbantay na
Ahmad na mawala si Liongo. Subalit laging may hawak na latigo. Sa
nakatakas siya at nanirahan sa Watwa pagtatrabaho nasa likod ni Sarah
kasama ang mga taong naroroon sa ang anak na lalaki habang
kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa nagbubungkal ng lupa sa pilapil.
paghawak ng busog at palaso. At Minsan umiyak ang bata at hindi
sumali siya sa paligsahan ng pagpana napigilan ay hinampas sila ng
at nanalo. Sa kasamaang palad ay latigo. Hindi na nakapaghintay si
pakana pala nf hari iyon at nadakip Toby na palisanin na ang mag-ina.
muli si Liongo. Ngunit nagwagi parin si Binigkas ni Sarah ang “Kum… yali,
Liongo dahil sa kaniyang taglay na Kumbuba tambe,” na isang
katalinuhan kaya naibigay ng hari ang makapangyarihang salita at silay
dalagang anak upang mapabilang si nakalipad. Hindi natigil ang pang-
Liongo sa kaniyang pamilya. At aapi ng tagabantay hanggang ang
nagkaanak sila ng isang lalaki na mga tauhan na iba ay mahirapan.
nagtraydor at nagpatay sa kaniya. Dahil sa awa ni Toby binigkas niya
ang mga salitang na kung saan
tinulungan niyang makalipad ang
mga tao. Agad na hinabol ng
tagabantay ngunit hindi niya ito
maabutan dahil sa malakas na
hangin. Sinabi niya ito sa amo kung
ano ang nangyari sa alipin ngunit
hindi ito naniwala.
Paliwanag tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang mitolohiya.

 Ang pagkakatulad ng dalawang mitolohiya ay parehong nanggaling sa Africa ang dalawang mitolohiya. Halos
magkatulad din ang tema ng dalawang mitolohiya sapagkat nakaranas ng matinding pag-aabuso ang mga
pangunahing tauhan mula sa kamay ng mga makapangyarihang tauhan sa dalawang mitolohiya.
 Ang pagkakaiba ng dalawang mitolohiya ay ang Liongo ay nakatuon sa pakikipagsapalaran ng bayaning si
Liongo. Nakipaglaban siya upang magtagumpay. Ngunit siya ay pinatay mismo ng kanyang sariling anak. Sa
kuwento naman ng Maaaring Lumipad ang Tao, hinayaan ng mga pangunahing tauhan na apihin sila ng mga
makapangyarihang tao at wala silang nagawa ditto.

Gawain 3
A.

Pangungusap Salin sa wikang Ingles


1. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na The disguised themselves to be people from Africa with
may maiitim na balat having dark skins.
2. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng He/she is working in the rice fields from sunrise until
araw hanggang sa paglubog nito. sunset.
3. Samantalang si Sarah at ang kaniyang anak ay Meanwhile, Sarah and her child are flying over the yard
lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga and in some tall trees without the guard seeing them.
nagtataasang puno na hindi sila nakikita maging
ng tagapagbantay.

B.
Tula Salin sa Wikang Filipino
The light has passed by, Liwanag ng ilaw ay nagdaan,
Right into my very sparkling eye. Tungo sa mata kong nagkislapan.
Seeing you waving goodbye, Ang makitang kang nagpapalam,
Turns my night into a darkest sky. Ay nagdulot sa aking gabing puno ng kadiliman.

Isaisip
1. Natutuhan ko mula sa araling tinalakay na ang mitolohiya ay isang akdang panitikan na hinggil sa pinagmulan ng
sansinukuban kalipunan at iba’t-ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga
mahihiwanagn nilikha.
2. Nagkaroon din ako ng kaalaman sa pagbibigay ng sariling reaksiyon tungkol sa isang isyu o akdang binasa gamit
ang spoken word poetry na naging popular sa mga kabataan dahil isa ito sa nauusong oral art sa mga kabataan
na ginagamitan ng word play at intonasyon upang maipahayag ang kanilang saloobin. Minsan, ginagamitan din
ito ng hugot lines upang maipabatid ang nararamdaman mo para sa inaalayan mo ng spoken word poetry.
3. Sa pagsasaling-wika, mahalagang isaalang-alang ang mga bagay o pamantayan tulad ng pagsagawa ng unang
pagsalin, pagbasa at pasuri ng mabuti sa pagkakasalin, at pag-rebisa sa salin upang ito ay maging totoo sa diwa
ng original.

Isagawa
Spoken word poetry script:
Araw-araw ay tayo ay nagdedesisyon
Sa kung anong isusuot at kakainin natin ngayon
Malaya natin itong nagagawa
Gawin natin itong mabisa

Sa pagdedesisyon sa buhay
Kailangang isip at puso’y dalisay
Upang makapagbitiw ng salitang nabagagay
Sa mga taong maliliit lamang ang pamumuhay

Isiping mabuti ang desisyong gagawin


Sapagkat maliit o Malaki man ang diin
Mahirap na itong bawiin
Lalong-lalo na kung buhay na ang napain

Ipabatid natin mga kaibigan ko


Ang pagdedesisyon ay hindi madali kahit na kanino
Ibayong pag-gabay ang kailangan mo
Upang ang sa paligid mo ay hindi maapekto

Minsan, ang pinakamaliit na desisyon


Ay siyang may pinakamalaking implikasyon
Na maaaring magdulot sa buhay ng pagkalugmok
Mula sa ibayong taas na pinakatuktok.
Tayahin
1. B
2. B
3. D
4. B
5. C
6. D
7. D
8. D
9. D
10. A

You might also like