You are on page 1of 8

Joey Anne B.

Beloy
BSEDFIL-3A

MODULE 4: Mga Katangian ng Isang Mahusay na Kritiko sa Panitikan


Kritisismong Pampanitikan: Kabuluhan at Kahalagahan

GAWAIN 1: Gumawa ng graphic Organizer sa pagkakaugnay at pagkakaiba


ng isang mahusay na kritiko ng panitikan at isang mahusay na manunulat ng
panitikan.
GAWAIN 2: Manaliksik ng sikat na maikling kuwento noong unang panahon.
Suriin ang katangian ng bawat karakter batay sa mahahalagang pangyayari at
ang nilalaman ng kuwento.
GAWAIN 3: Sa iyong maikling kuwento na nabasa. Suriin ito ayon sa nilalaman,
organisasyon, teknikalidad, pinaglalaban ng bawat karakter, saan umiinog ang
kuwento, istilo ng manunulat at aral na nais ipabatid.

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO


NI: JOEY ANNE B. BELOY

I. PANIMULA

a. Pamagat: Bangkang Papel


b. May-akda: Genoveva Edroza-Matute

Si Genoveva Dizon Edroza-Matute (Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009) ay


isang Pilipinong may-akda. Noong 1951, siya ang tumanggap ng kauna-
unahang Palanca Award para sa Maikling Kwento sa Filipino, para sa
"Kuwento ni Mabuti", na binanggit bilang ang pinaka-anthologized na
maikling kuwento sa wikang Filipino.

c. Sanggunian:
https://www.academia.edu/13113974/Bangkang_Papel_ni_Genoveva_E
droza_Matute

II. TAUHAN

Batang lalaki: Panngunahing tauhan sa kuwento. Isang inosenteng bata


at maalahanin sa kanyang magulang at kapatid. Sa gabi na hindi pa
dumating ang kanyang ang ama ay lubos ang kanyang bahala kung
saan ito matutulong kapag ito ay hindi uuwi sa kanilang tahanan. Siya rin
ang bata na gumawa ng tatlong bangkang papel na kailanman ay hindi
na niya napalutang sa tubig.
Ina: Ina ng batang lalaki at Miling at asawa ng isa sa namatay sa
trahedya. May kalmang pag-uugali at mapagmahal sa kanyang mga
anak at asawa.

Miling: Kapatid ng pangunahing tauhan sa kuwento. Inosenteng bata at


mahilig rin sa paglalaro ng bangkang papel.

Mga Kapitbahay (Aling Berta, Mang Pedring, Aling Ading, Feli, Turing at
Pepe) : Mga kapitbahay na dumalaw sa bahay ng mag ina pagkatapos
nakabalita sa pangyayari. Sila ay lubos na may maawain na puso, lalong
lalo na ng masaksihan nila ang pagdadalamhati ng mag ina.

III. TAGPUAN

Lansangan at tahanan (pinaglalaruan ng bata)

IV. BUOD

Ang “Bangkang Papel” ay kuwento tungkol sa pagbabalik tanaw ng


tagapagsalaysay sa tuwing siya ay makakakita ng mga batang naglalaro ng
bangkang papel. Gumawa ang bata ng tatlong bangkang papel na dapat ay
lalaruin niya kina umagahan. Gabi pa lamang ay malakas na ang ulan at hindi
pa nakarating ang kanyang ama. Sinabihan na lamang siya ng kanyang ina na
matulog na lang para kinabukasan ay laruin nila ng kanyang kapatid na si
Miling ang tatlong bangkang papel na kanyang ginawa. Kinaumagahan ay
nadatnan niya ang maraming tao kasama ang kanyang ina at kapatid na
umiiyak, may masamang balita silang natanggap at ito ay isa sa nasawi ang
kanyang ama sa nangyaring engkuwentro laban sa mga kawal sa gabi kung
kailan malakas ang ulan. Labis ang paghihinagpis ng bata at ng kanyang ina at
kapatiid sa nangyari sa kanilang haligi ng tahanan. Mula noon kailanman ay
hindi na niya nalaro ang ginawa ng bangkang papel.
V. BANGHAY

A. SIMULA
Tatlong araw na ang ulan sa kanilang lugar. Masayang naglalaro
ang mga bata sa ulan. Isa ito sa kanilang pinakahihintay. May mga bata
na naglalaro ng mga bangkang papel na pinapaanod nila, sinasalpok at
inilulubog sa tubig.

B. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Ang batang lalaki ay hindi makatulog dahil sa ingay na akala niya
ay Bagong taon na, dahil paran may mga pumutok o may naririnig
siyang mga ingay sa kanilang bubungan.

C. SULIRANIN
Malakas ang ulan at hindi pa dumating ang kanilang haligi ng
tahanan. Nagtaka ang bata kung bakit hindi pa dumating kanyang
ama, at dumating sa punto na tinanong niya na ang kanyang ina na
kung saan matutulog ang kanyang ama o kung uuwi ba ito, ngunit ay
pinatulog na lamang siya ng kanyang ina para kinabukasan ay
makapaglaro na sila ng kanyang kapatid na si Miling ng kanyang
bangkang papel na ginawa.

D. TUNGGALIAN
TAO LABAN SA TAO: Ang nangyaring tunngalian sa kanyang ama
at kawal na siyang naging dahilan sa pakamatay ng kanyang ama.

E. KAKALASAN
Nagising ang bata na maraming tao sa kanilang lugar na kung
saan nakita niya ang kanilang mga kapitbahay na may awa sa kanilang
mga mata na tumingin sa kanya,

F. KASUKDULAN
Labis ang pagkataka ng bata sa kung ano ang nangyari, kung
bakit umiiyak ang kanyang ina at kung bakit maraming mga tao sa
kanilang tahanan, nagtanong siya sa kanyang mga kapitbahay ng “bakit
po?” ngunit walang sumagot sa kanya at ang tanging narininig niya
lamang ay ang pag-uusap ni aling Aling Feli at Mang Pedring na
“Labinlimang lahat ang namatay”

G. WAKAS

Ipinaliwanag sa kanya ng kanyang ina ang nangyari sa gabi kung


kailan naghinatay siya sa kanyang ama. Pinaslang ang kanyang ama ng
mga kawal. Tanging katanungan kung bakit lamang ang naiwan sa
isipan ng kanyang ina at bata na katanungan kung bakit pinatay ang
kanyang ama ng mga kawal. Mula noon ay kailanma’y hindi na niya
nalaro ang kanyang ginawang papel.

VI. PAGSUSURI

A. Uri ng Panitikan- MAIKLING KUWENTO dahil ito ay may isa o ilang tauhan
lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at
nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
B. ESTILO NG PAGLALAHAD- Ang estilo naman ng author sa paglalahad ay
“flashback” o pagbabalik tanaw, dahil ayon sa nagsasalaysay ay kapag
may nakikita siyang batang naglalaro ng bangkang papel ay naaalala
niya ang bata na gumana ng bangkang papel na kailanman ay hindi
niya nalaro dahil sa isang trahedya.

VII. ARAL
May mga pangarap tayo na kailanman ay hindi magiging atin dahil sa
mga hindi inaasahang mga trahedya sa ating buhay, may mga pangyayari na
siyang wawasak sa kung ano ang ating mga plano sa buhay. Isa sa mga aral sa
kuwentong ito ay ang pagmamahal sa pamilya at sa bayan.

You might also like