You are on page 1of 8

PINAGMULAN NG UNANG PANGKAT NG TAO SA Ang mga ninunong Austronesyano ay kinikilalang mga bihasa sa pandaragat at paglalayag.

Ito ay
maiuugnay sa imbensyon ng bankang may karatig na pagpakilala sa mga kakayahan sa sopistikadang
PILIPINAS paglalayag.
Ang sasakyang balangay ay sinasabing ginamit ng ating mga ninuno upang makarating sa Bakit sinasabi ang mga austronesyano ang ninuno ng mga Pilipino?
kapuluan ng Pilipinas. Dito nagmula ang salitang “Barangay”. Sinasabi ng mga antropologo na 1. Pagkakahawig ng mga kultura at wika, kumalat o nagpalipat
magkakamag-anak ang mga nakasakay sa mga balangay. 2. Ang wikang austronesyano ay batayan ng maraming wika sa Pilipinas mayroon tayon 87 na wika sa
Pilipinas na nauugnay sa Austronesian
3. Mga kultura na namana natin sa mga Austronesyano
a. Tradisyion sa paggawa ng palayok; magkakahawig sa ang mga palayok mula sa Madagascar at
Vietnam na nakuha sa kuweba na Tabon sa Palawan at kweba ng Ayub sa Cotobato
b. Paglilibing sa tapayan; manunggul jar
c. Paghahabi
d. Paggawa ng abaloryo (bead works, palamuti)
e. Kaalaman sa paglalayag at pandaragat
A. Teoryang Austronesyano
B. Mito o Alamat
Ayon sa arkeologong Australian na si Peter Bellwood, ang mga Austronesian ang ninuno ng mga
a. Alamat ni Malakas at Maganda
Pilipino. Naging batayan niya ang pagkakatulad ng wikang gamit sa Timog-silangang Asya at sa Pacific.
b. Pagluluto ng Luwad
Pinaniniwalaan na ang mga ito ay dumating noong 2500 B.C.E mula Taiwan. Ang teoryang ito ang mas
C. Relihiyon o Biblikal
pinaniniwalaan sa kasalukuyan.
Ang Bibliya ay ang banal na aklat ng mga Kristiyano. Dito nakalahad ang pinagmulan ng tao. Sa
aklat ng Genesis mababasa ang paglalang ng Diyos sa daigdig.
Mapa ng pagkalat ng
Ayon sa Bibliya, ang mundo ay nilalang ng diyos sa loob ng pitong araw. Ang tao ay mula sa
Austronesian sa
alabok na hinulmang tao ng Diyos at binigyan ng buhay. Pitong araw na Paglikha ng Diyos sa Daigdig
Timog Silangang Asya
Unang Araw – Ang paglikha ng daigdig at liwanag.
Ikalawang Araw – Ang paaghihiwalay ng tubig sa kaitaasan at sa ibaba at ang pagkakaroon ng kalawakan.
Ikatlong Araw – Ang paglalang ng mga buhay na halaman.
Makikita natin ang paglalakbay
Ika-apat na Araw – Ang paglalang sa araw, buwan, at bituin.
Sumatra, sa Indonesia at Malaysia, pati na rin sa
Ikalimang Araw – Ang paglalang sa mga isda at mga hayop na lumilipad.
Papua New Guinea, Samoa, Hawaii, Easter Island,
Ikaanim na Araw - Ang paglalang sa mga hayop sa lupa at tao.
New Zealand, hanggang sa Madagascar, at iba pang
Una ay nilikha niya si Adan, ang unang lalaki sa mundo at mula sa kanyang tadyang ay hinulma
mga lugar sa Pacific
niya si Eba, ang unang babae sa mundo. Sila ang kauna-unahang tao na nalikha ng Diyos at sa kanila
Isa pang pag-aaral sa pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang teorya ni Wilhelm Solheim II. Taliwas
nagmula ang lahat ng tao sa daigdig. Sa mga sumunod na kabanata ng Genesis ay mababasa ang pagdami ng
sa teoryang ito sa teorya ni Bellwood. Kabilang ang mga Pilipino sa mga taong galing sa Timog Silangang
lahi ni Adan at Eba at kumalat ang mga ito sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang mga Pilipino.
Asya na mahilig maglakbay dagat patungo sa mga kalapit na lugar. Naniniwala na Austronesian ang mga
Ikapitong Araw – Hangganan ng paglalang ng Diyos sa daigdig.
unang Tao sa Pilipinas batay sa kanyang Nusantao Maritime Trading and Communication Network
Hypothesis. Nusantao ay hango sa salitang Austronesian na nusa at tao nangangahulugang “tao mula sa
timog”. PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PILIPINO SA
Ang mga Austronesian ay nanggaling naman sa Indonesia at nagtungo sa Pilipinas mula sa
Mindanao. Nagpatuloy ang mga Austronesian mula sa Pilipinas patungo sa hilaga hanggang makarating sa
PANAHONG PRE-KOLONYAL
Timog China. Ang pangunahing dahilan ay ang pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano sa Panahong Prehistoriko ang tawag sa panahon kung kailan hindi pa naisusulat ang kasaysayan. At
pakikipagkalakalan. Pinaniniwalaang nagmula ang mga ito sa Celebes at Sulu, lumawak at nauwi sa ang mga yugtong ito ay tinawag na Panahon ng Bato na kung saan nahati sa dalawa (Panahong Paleolitiko o
pakikipagkasunduan, kasalan at migrasyon ng mga tao sa Timog Silangang Asya hanggang makarating sa Lumang Bato at Panahong
Pilipinas. Neolitiko o Bagong Bato) at Panahon ng Metal.
Panahon ng Bato - dito nagsimulang umusbong ang sinaunang kultura at paggamit ng bato sa mga gumawa ng mga patubig. Isang patunay nito ay ang mahusay na paggawa sa bantog na Banawe Rice
kagamitan. Ito ang itinuturing na dahilan ng pagkakatuklas ng mga kasangkapan kasama ng mga labi sa Terraces na likha ng mga magsasakang Ifugao.
yungib ng Palawan at Cagayan. Pangangaso
Panahong Paleolitiko o Lumang Bato (500 000 – 6000 B.C.E) Pangangaso naman ang ikinabubuhay ng ibang mga sinaunang Pilipino, lalo na ang mga nakatira
- ito ay nagmula sa salitang griyego na palios na nangangahulugang lumaa at lithos naman na ang malapit sa kagubatan. Gumamit sila ng sibat, pana at mga patibong upang makapanghuli ng mga hayop sa
ibig sabihin ay bato. gubat. Pero nang maglaon ay natutuhan din nila ang pag-aalaga sa tirahan ng kanilang mga hayop gaya ng
- pinaniniwalaan sa panahong ito nabuhay ang mga Taong Tabon sa Palawan at Taong Callao sa baboy, baka, kambing, manok at iba pa upang hindi na nila kailanganing mangaso.
Cagayan.Nanirahan sa mga yungib at gumamit ng mga tinapyas na magagaspang na bato sa mga Pagmimina
kasangkapan. Namuhay sila sa pangangaso, pangingisda at pangangalap ng pagkain. Natuklasan din ang Dumating naman ang panahon ng matuklasan ng ating mga ninuno ang kahalagahan ng metal at
apoy. Walang permanenting tirahan at pagalagala lamang sila. gamit nito. Natuto sila ng paraan ng pagmimina ng iba’t ibang uri ng metal tulad ng ginto, tanso, bakal at
Panahong Neolitiko o Bagong Bato(6 000 – 500 B.C.E) pilak. Ang ginto ay ginagamit nila sa paggawa ng mga palamuti at alahas. Ang tanso ay ginagawang
– ito ay nagmula sa salitang griyego na neo na nangangahulugang bago at lithos naman na ang ibig kagamitan sa pagluluto tulad ng kawali at kaldero. Ang bakal naman ay ginagamit nila sa paggawa ng mga
sabihin ay bato. kagamitan sa pagsasaka, mga sandata at iba pa.
- pinakinis ng mga sinaunang tao ang mga magagaspang na bato at nagsimulang paunlarin ang Pagkakaingin o Pagtotroso
kanilang pamumuhay ayon sa kanilang pangangailangan. Ito ay ang paglilinis ng ilang bahagi ng lupa sa mga kabundukan sa pamamagitan ng pagsusunog
Nagsimula din silang manirahan sa tabi ng dagat at ilog. Lumawak ang kanilang kaalaman at ng mga damo at iba pang ligaw na halaman. Ito rin ay ang pagpuputol ng maraming puno. Sinasabi na
napaunlad ang kanilang pamumuhay. Natuto silang mangisda, magsaka, mag-alaga ng mga hayop, maghabi, pagkatapos ng paglilinis, ito ay tinataniman ng mga halamang pagkain tulad ng palay, mais, gulay at iba
gumawa ng mga bangka, banga, at palayok na ginamit upang maging imbakan ng mga sobrang pagkain at pang halamang ugat. Ang mga pinutol naman na puno ay ginagawang sasakyang-dagat tulad ng barko at
sisidlan ng mga buto ng kanilang mga yumao. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ang bangka na ginagamit sa pakikipagkalakalan.
naging dahilan upang maging permanente ang kanilang tirahan. Ang pagkakaingin ay mga paraang nakatutulong sa pamumuhay ng tao, ngunit sinasabi ring hindi
Panahon ng Metal – sa panahong ito, natutunan ng ating mga ninuno ang paggamit ng metal. ito lubos na mabisang paraan sapagkat nagdudulot ito ng kapinsalaan tulad ng pagbabaha at pagka-kalbo ng
Maagang Panahon ng Metal (800 BCE-250 BCE) kagubatan dahilan upang mawalan ng tirahan ang mga ibon.
- natagpuan sa Palawan, Masbate, at Bulacan ang mga ilang kagamitan sa panahong ito tulad ng Paghahabi
sibat, palaso at kutsilyo. Gawa ang mga ito sa tanso at bronse. Ang tanso ay maaaring galing sa kabundukan Ang paghahabi ay proseso kung saan sinasala ang mga sinulid mula sa mga kulay na nakapahalang
ng Pilipinas at ang mga bronse ay maaaring dala ng mga mangangalakal ng Timog-silangang Asya na at pababa nito upang makabuo ng tela. Ito ay isa sa pinakakilala sa pagbuo ng tela na may iba’t ibang uri ng
nakipagkalakalan sa mga sinaunang Pilipino. disenyo. Gumagamit sila ng habihan upang makabuo ng magandang disenyo ng tela.
Maunlad na Panahon ng Metal Ang paghahabi ay isang sinauna o daan-taon nang tradisyon at bahagi ng ikinabubuhay ng mga
- higit na napaghusay ng mga Pilipino ang kanilang galing at kasangkapang metal. Patunay na rito sinaunang Pilipino sa bansa at kadalasan itong ginagawa ng mga kababaihan.
ang mga nahukay na talim ng sibat, kampit, gulok, kutsilyo, at iba pang sandata sa Kalanay sa Masbate at Ito ay tradisyong pangkabuhayan ng mga tao mula sa Ifugao, Kalinga, Basilan, Mindanao at iba
Novaliches sa Quezon City. pang lugar sa Pilipinas.
EKONOMIKONG PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO SA Isa sa mga kilalang halimbawa ay ang tradisyon ng mga Yakan sa probinsya ng Basilan na
tinatawag na "tennun", nagpapakita ito ng kanilang kakaibang galing sa paghahabi gamit ang iba’t ibang
PANAHONG PRE-KOLONYAL kulay ng sinulid upang makabuo sila ng kakaibang disenyo ng mga tela. Ito ay natutunan nila sa kanilang
Mga Kabuhayan ng mga Sinaunang Pilipino mga ninuno at hindi nawawala bagkus mas lalo pa nila itong pinagyaman sa pamamagitan ng pagtuturo rin
Pangingisda sa kanilang mga anak at mga nakababatang kaanak upang mapanatili ang pagsasalin-salin sa mga
Ang pangingisda ang naging hanapbuhay ng mga naninirahan sa tabing-ilog at tabing-dagat. Mga henerasyon.
isda at lamang-dagat ang pangunahin nilang pagkain. Natutuhan nilang gumawa ng mga panghuli sa mga ito Ang mga telang gawa sa tennun ay madalas ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang mga produkto
gaya ng lambat, pamingwit, sibat, patpat, kawayan, pana at iba pa. tulad ng mga kasuotan, bag at mga dekorasyon. Ipinagmamalaking suot ito kadalasan ng mga taga Basilan
Pagsasaka at Pagtatanim kapag dumadalo sila ng ibat ibang mga okasyon dito sa probinsya at maging sa ibang lugar. Anila, isa itong
Ang pagsasaka at pagtatanim naman ang ikinabubuhay ng mga sinaunang Pilipino na nanirahan sa paraan upang mas maipakita nila at maipakilala ang taglay na talento ng mga Yakan at ipinagmamalaki nila
mga kapatagan, kabundukan at iba pang mga kalupaan. Naging pangunahin nilang pagkain ang mga ito bilang simbolo ng kanilang makulay at makasaysayang tradisyon.
pananim at mga bungang-kahoy. Natutunan nila ang pagtatanim at pangbubungkal ng lupa upang maging Pakikipagkalakalan
mataba ang kanilang pananim. Kalabaw ang ginamit nilang katulong sa pag-aararo. Marunong din silang Natuklasan ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang pangangailangan na makipagkalakalan. Upang
magkaroon sila ng mga gamit na wala sa kanilang lugar, nakipagpalitan sila ng kalakal sa mga karatig
barangay. Hindi naglaon ay natutuhan na rin nila ang pakikipagkalakalan sa mga taga-ibang bansa, bunga ng Ina ang karaniwang nagbibigay ng pangalan noong sinaunang panahon. Malimit na ang
pagiging malapit ng Pilipinas sa ilang bansa sa Silangan. pagpapangalan ay batay sa isang particular na pangyayari. Wala silang apelyido. Idinudugtung ang “in” sa
pangalan kung babae ang kanilang anak. Halimbawa, ang pangalan ng lalaki ay “Ilog” ang magiging
pangalan ng babae ay “Iloguin”.
SOSYO-KULTURAL AT POLITIKAL NA PAMUMUHAY Noon, ang mga magulang ay tinatawag batay sa pangalan ng kanilang panganay na anak.
Halimbawa, ang tatay at nanay ni Ilog ay tinatawag na “Ama ni Ilog” at “Ina ni Ilog”.
NG MGA PILIPINO
Bago pa tayo masakop, taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang mayamang kulturang
maipagmamalaki hanggang sa kasalukuyan. “Kultura” ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng tao. Kaugalian sa Paglilibing
Maraming natatanging kultura at kaugalian mayroon ang mga sinaunang Pilipino. Ilan sa mga ito ay ang Inihahanda ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang yumao para sa kabilang buhay sa pamamagitan
sumusunod. ng paglilinis, paglalangis at pagbibihis ng magarang kasuotan sa bangkay. Pinababaunan din nila ito ng mga
kasangkapan tulad ng seramika at palamuti upang may magamit sa kabilang buhay.
May dalawang bahagi sila ng paglilibing. Una, inililibing nila ang yumao sa lupa kasama ang ilang
kasangkapan. Pangalawa, kapag natuyo na ang mga labi, hinahango ito mula sa libingan at isinisilid sa loob
ng banga. Ang banga na ito ay tinatawag na manunggul jar. Ang “Manunggul Jar” ay nagsilbing kabaong
o libingan ng mga sinaunang Pilipino.
Paniniwala at Tradisyon ng mga Sinaunang Pilipino
Likas na sa mga sinaunang Pilipino ang pagiging relihiyoso bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Naniniwala sila na may mga espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran, tinawag itong “anito”
ng mga Tagalog at “diwata” ng mga Bisaya.
Pinaniniwalaan din ng mga sinaunang Pilipino na ang mga bagay sa kalikasan tulad ng araw,
bituin, at ilog ay tirahan ng kanilang mga yumaong ninuno. Ang tawag sa paniniwalang ito ay “animismo”.
Dito humihingi muna sila ng gabay at pahintulot mula sa mga espiritu ng kalikasan bago sila magpatayo ng
tahanan, magtanim at maglakbay. Ito ay pinangungunahan ng tagapamagitan sa mundo ng tao, mundo ng
Diyos at mga yumao na tinatawag na Katalonan (sa mga Tagalog) at Babaylan (sa mga Bisaya).
May mga sinaunang Pilipino rin na sumasamba sa maraming Diyos at pinaniniwalaang banal ang
daigdig. Pinaniniwalaan nila na may isang pangunahing Diyos o dakilang nilalang na siyang may likha sa
langit at lupa. Tinatawag nila itong Bathala ng mga Tagalog; Abba ng mga Cebuano; Kabunyian ng mga
Ifugao; at Laon ng mga Bisaya.
Mumbaki naman ang tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsisilbing
tagapamagitan ng tao sa mga espiritu. Itinuturing din siyang manggagamot ng kaluluwa.
Bahagi na rin ng tradisyon ng mga sinaunang Pilipino ang pagpapahalaga sa paggawa, pakikisama,
pagdamay, pagtanaw ng utang na loob, paggalang sa nakakatanda at kababaihan, katapangan at katapatan.
Bagamat sinasabing impluwensya ng mga Asyano ang paniniwala sa mga pamahiin, hindi maikakailang
naging ugali na rin ito ng mga Pilipino. Hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang ilan sa mga
paniniwala at tradisyong Pilipino. Ang mga ito ay bahagi na ng pamanang kultural ng mga sinaunang
Pilipino.
Mahilig magsuot ng mga palamuti sa katawan ang mga sinaunang kalalakihan at kababaihang Politikal na pamumuhay ng mga Pilipino
Pilipino. Kadalasang gawa ang mga palamuting ito sa ginto. Ang sistema ng pamamahala sa kapuluan noon ang nagpatupad ng mga batas. Ang pagsunod ng
Pomaras, isang alahas na hugis rosas at Gabanes na isang uri ng gintong pulseras na isinusuot ng tao sa mga batas at pamahalaan ang tumiyak sa maayos at makatarungang ugnayan ng mga tao sa sinaunang
mga kababaihan sa kanilang braso at binti. lipunang Pilipino. Nakaatang sa balikat ng mga pinuno ang tungkuling pagpapanatili ng kaayusan,
Para naman sa mga kalalakihan, naglalagay sila ng Tato, isang permanenteng disenyo o marka sa kapayapaan sa pamayanan at pangangasiwa ng kanilang kabuhayan.
balat. Pintados ang tawag ng mga Espanyol dito. Dalawa ang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas, ito ang barangay at
Kaugalian sa Pagpapangalan ang sultanato.
Barangay ang isa sa mga sistema ng pamahalaan ng mga sinaunang Pilipino na lumaganap sa 2. Kristiyanismo – ito ay ang may pinaka malaking bilang sa lahat ng relihiyon. Batay sa buhay at turo ni
Luzon at Visayas. Ang barangay ay mula sa salitang balangay na tumutukoy sa sasakyang pandagat. Ito Kristo na tagapagligtas na ipinadala sa sanlibutan. Ito ay mula sa relihiyong Judaismo mula sa Lumang
ay isang yunit na pampolitika, panlipunan at pangkabuhayan noong sinaunang panahon sa Pilipinas. Tipan.
Datu ang tawag sa pinuno ng isang barangay at karaniwang binubuo ito ng 30 hanggang 100 3. Islam - ay isang pananampalatayang namana ng mga Pilipinong naninirahan sa Sulu, Mindanao. Ito ay
pamilya. Siyang ang kinikilalang pinakamalakas, pinakamatapang at pinakamayamang lalaki sa barangay. isang relihiyong may paniniwala sa iisang Diyos, si Allah. Ang propeta ng Islam ay si Muhammad. Ito ay
Gumagawa siya ng mga batas at naggagawad ng parusa sa mga lumalabag. Ang mga bagong batas ay isang uri ng paniniwalang monoteismo na nangangahulugang “pananampalataya sa iisang diyos.” Ang
ipinapaalam sa mga nasasakupan sa pamamagitan ng isang tagapagbalita o mas kilala sa tawag na salitang Islam ay nangangahulugang “pagsuko sa kagustuhan ng Diyos na si Allah.”\
umalohokan.
Ang isa namang uri ay ang Sultanato. Isang sistema ng pamamahala batay sa katuruan ng Islam. Paglaganap ng Islam sa Pilipinas
Sultan ang tawag sa pinuno rito na ginagampanan ang tungkuling sibil at panrelihiyon. Ang katangiang Bunsod ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga Arabong Muslim. Isa sa
taglay ng mga sultan ay may angking kayamanan, mataas na bilang ng mga tagasunod at may mahalagang mahalagang impluwensiya na naimbag ng makarating sa Pilipinas ay ang mayamang kultura ng mga
ambag kaugnay sa pagpapahalaga sa lipunang Muslim. Pilipino, ito ay ang relihiyong Islam.
Pagpapataw ng Parusa Ang Islam ay isang pananampalatayang namana ng mga Pilipinong naninirahan sa Mindanao. Ito
May mga angkop na kaparusahan sa sinumang nagkasala o lumabag sa batas. Ang mga nagkasala ay isang relihiyong may paniniwala sa iisang Diyos, si Allah. Ito ay itinatag ni propetang Muhammad.
ay inihaharap sa Datu at sa kalipunan ng mga matatanda para ito ay litisin. Ang kaparusahan ay naaayon sa Ang Islam ay wikang Arabe na ang kahulugan ay pagsunod o pagpapasailalim nang walang
bigat at gaan ng kasalanan. pagtutol kay Allah. Koran ang banal na aklat ng mga Muslim. Moske ang tawag sa lugar na kanilang
Ang ilan sa mga itinuturing na magagaan na kasalanan ay ang pagsisinungaling, pandaraya at sambahan at sa Mecca naman ang sentro ng kanilang pagsamba. Nararapat na alam ng mga Muslim ang
pag-awit sa gabi kung tulog na ang mga tao. Sa ganitong kasalanan, ang parusa na maaaring nilang lahat ng mga katuruan ng Koran.
matamo ay paglalatigo, pagtatali sa puno na maraming langgam, paglangoy ng walang tigil sa loob ng
itinakdang oras at pagmumulta ng hindi gaanong malaking halaga.
Itinuturing naman na mabigat ang kasalanan kapag nagnakaw, pumatay at nilapastangan ang
mga kababaihan. Ang hatol ay pagputol sa ilang bahagi ng katawan tulad ng daliri sa kamay o paa at
parusang kamatayan.
Mahalaga ang mga batas sa pag-uugnayan ng mga sinaunang Pilipino. Nagsisilbi itong tulay tungo
sa mabuting pakikitungo ng mga ninuno sa kanilang kapwa. Naaayos ang mga alitan at hidwaan sa
pamamagitan ng pagkilala sa mga batas na pinaiiral. Pinarurusahan ang mga lumalabag sa mga batas na ito.
Sa pagsunod sa mga batas, nagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan ang mga naninirahan sa bawat
barangay o kalipunan ng mga barangay.
Ang mga sinaunang batas din ang nagdudulot ng kaayusan sa pamumuhay ng ating mga ninuno.
Dahil dito, talaga nga namang nakasisiguro ang mga tao noon na ang kanilang kapakanan ay ligtas at
mapangangalagaan.

PAGLAGANAP NG ISLAM SA PILIPINAS


Iba’t iba ang mga relihiyon sa mundo sapagkat magkakaiba ang ating mga paniniwala, kulturang
kinagisnan, at ang mga tradisyon. Nag-iiba ito base sa kanilang kinagisnan at kinamulatan. Kaya ang
paggalang at pagrespeto ang nararapat na ibigay sa ating kapwa kung ano man ang nais nilang paniwalaan.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga relihiyon sa mundo:


1. Judaismo – ito ang kauna-unahang monoteismong relihiyon sa mundo. Ito ay nagmula sa salitang Greek
na mono at theos na nangangahulugang paniniwala sa Diyos. Ito ay isa sa pinaka matandang relihiyon at ito
rin ay naging batayan ng Kristiyanismo at Islam.
Samantala, noong huling bahagi ng ika-15 siglo, nanguna sa pagpapalaganap ng Islam sa
Mindanao si Sharif Kabungsuan mula sa Johor, Malaysia. Siya rin ang nagtatag at naging unang sultan
ng pamahalaang itinatag niya sa Mindanao.
Mula sa Sulu, Mindanao ay mabilis na lumaganap ang Islam sa Luzon at Visayas. Gayumpaman
mabilis din natuldukan ang paglaganap na ito sa pagdating ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo.
Nagtungo ang mga Pilipinong Muslim sa katimugang bahagi ng Pilipinas upang mapanatili ang kanilang
pagsasarili mula sa mga Espanyol. Sa kabila ng mga hangarin ng mga Espanyol na binyagan ang mga
Muslim sa Kristiyanismo, patuloy pa ring pangunahing paniniwala ang Islam sa rehiyon.
Ayon sa mga matatandang kasulatan na tinatawag na Tarsila, ang mga mangangalakal at
misyonerong Arabe na unang nakarating sa Malaysia ang nagpalaganap ng relihiyong Islam sa bansa.
Samatalang si Makdum, isang Arabeng iskolar na nagpalaganp ng Islam sa mga Malay.
Ang Ramadan ay ang ika-siyam na buwan sa kalendaryo ng mga Muslim. Ito ay buwan ng pag-
aayuno para sa kanila. Hindi kumakain o umiinom mula sa liwayway hanggang sa paglubog ng araw.
Naniniwala ang mga Muslim sa banal na teksto ng Koran. Ito din ang paraan ng pagdidisiplina nila sa sarili
sa pamamagitan ng pag-aayuno. Matapos ang paglubog ng araw ang mga Muslim ay magtitipon-tipon sa
kanilang mga tahanan upang tapusin ang kanilang ayuno sa pamamagitan ng salu-salo. Mayroon ding mga
panalangin na sinasambit sa loob ng Moske at may mga bahagi ng Koran na binibigkas sabay-sabay Ang
pagtunog ng kampana ay hudyat na maaari ng kumain. Ang pagkain sa hindi itinakdang oras ay tinuturing
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga aral ng Koran na hindi katanggap tanggap at ang nawalan na araw na ito ay tinatawag na sawn o maaaring bawiin sa ibang
araw na itinakda sa bilang ng araw na pag-aayuno. Eidl Fitr naman ang tawag sa tanda ng pagtatapos ng
Ramadan – kapag ang mga Muslim sa buong mundo at itinigil na ang kanilang isang buwan na pag-aayuno.
Ang pagtatapos na ito ay nangangahulugang pagdagdag ng mabuting gawa at tanda ng pagsuko sa isang
Diyos, si Allah.
Ang Madrasah Education System ay ang sistema na sinusundan ng mga mag-aaral na Muslim.
Kung ang asignatura sa Pilipinas ay may siyensya, matematika, ingles, kasaysayan, Filipino, Pisikal at
Sining at tungkol sa Kristiyanismo. Ang mga Muslim naman ay kinakailangan pag-aralan ang Koran.
Sinasabi na kailangan nila itong makabisa dahil ito ang pamantayan sa mga dapat gawin ng mga Muslim. Ito
ay nanggaling sa Arabic na salita sa “paaralan”. Madrasah Curriculum ang sinusunod ng mga Muslim sa
kanilang pag-aaral.
Mayroong tatlong uri ng Madrasah:
1. Tradisyonal na Madrasah – ito ay ang pagtitipon ng mga Muslim upang pag-aralan ang Koran.
Kadalasan ito ay Sabado at Linggo.
2. Pormal na Madrasah – ito ang pagtuturo ng Koran mula kinder hanggang kolehiyo. Ito ay nagaganap
sa loob ng paaralan.
3. Integrated Madrasah- ito naman ay ang pagsasama ng kurikulo ng Pilipinas at ang Arabic na mag-
aaral.
Ang kodigo o batas ng kaugaliang Islam ay tinatawag na Sharia. Maaaring patawan ng parusang
kamatayan ang sinumang lumabag sa kodigo o batas na ito. Kung pinatawad siya ng pamilya na nagawan ng
pagkakasala ang halaga ng diyya ay nakadepende sa kanila.

Impluwensya ng Islam sa ating Lipunan


a. Uri ng Pamahalaan – ang sistema ng sultanato ay dinala rito nina Sharif Kabungusuwan at Abu Bakr
noong ika-15 siglo. Hindi lang kinikilalang pinunong tagapagpaganap kundi pinunong panrelihiyon din.
Dito, ang pamahalaang sultanato at relihiyong Islam ay tinuturing na iisa. Ang posisyon ng sultan ay
namamana at hindi katulad ng datu. Ngunit, maaari parin siyang pumili bagama’t kailangan lamang itong ilan sa kanilang mga tala ay inukit nila sa mga kahoy, palayok na gawa sa luwad, at sa dingding ng mga
pagtibayin. yungib.
b. Edukasyon – Madrasah ang tawag sa Sistema ng edukasyon mayroon ang mga Muslim. Dito tinuturo Edukasyon
ang Koran. Bukas para sa babae at lalaki ito ngunit ang pinakamataas na antas ay para lamang sa lalaki. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay mayroon nang edukasyon ang ating mga ninuno. Ang
c. Sining – ipinapakita lamang ng mga Muslim dito ang paniniwala tungkol sa pinagmulan ng mundo. Ang mga bata, lalaki man o babae ay nag-aaral sa sarili nilang tahanan kasama ang kanilang mga magulang
kanilang sining ay ang mga sumusunod: bilang kanilang mga guro. Sila ay tinuturuang magbasa, magsulat, magbilang at manampalataya. Hindi
lamang mga araling pang-akademiko ang itinuturo sa kanila.
Pag-ukit ng kahoy Ang mga lalaki ay tinuturuang maging mandirigma, mangangaso, mangingisda at magsasaka.
 Paggawa ng metal Tinuturuan din sila ng mga kaalamang nauukol sa pagmimina, paggawa ng sasakyang-dagat, at pagiging
 Paghahabi at pagbuburda platero.
 Paggawa ng banig at basket Ang mga babae nama’y sinasanay sa mga kaalamang ukol sa pagluluto, pananahi, paghahabi, at
Noon ay iniiwasan ng mga Muslim ang gumamit ng imahe o larawan ng tao o hayop. Ngunit sa paghahayupan. Paghahanda ito sa kanilang pagiging maybahay at mabuting asawa sa hinaharap.
kasalukuyan ay gumagamit na sila ng disenyo. Ito ay mapapatunayan sa kanilang mga okir at sarimanok. Sa paglipas ng panahon ay unti-unti ng nagbago ang edukasyon sa ating bansa na dala ng
Ang okir ay magandang lapida na handog sa mga mahal sa buhay. Maaari itong yari sa metal, modernisasyon, makabagong teknolohiya at mga istratehiya ng pag-aaral ang edukasyon ngayon ay
kahoy o anumang matigas na bagay at banig o tela. makulay, masining, maalam at maunlad. Ginagamit ang demokratiko na kaisipan, may malayang
d. Musika – iniuugnay ng mga Muslim ang kanilang mga sayaw sa kanilang mga ritwal at pagdiriwang. pagdedesisyon tungkol sa mga bagay-bagay kung paano uunlad bilang isang tao at ang pagsasagawa ng mga
Mayroon silang mga instrumento tulad ng kalintang, kudyapi, at kubig. Pero maaari din namang gawi sa pag-angat kung paano mapapaunlad ang sarili, ang bayan at ang bansa.
instrumental ang musika. Sa kasalukuyan ay mayroong kinahaharap na krisis ang buong mundo. Ang coronavirus disease
e. Sayaw – ang kanilang sayaw ay batay sa mga kwentong epiko na nagbabadya ng isang kasaysayan o (COVID19) ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Ito ay isang hindi nakikitang
pakikipagsapalaran ng mga bayani. banta na patuloy na sinusugpo. Ito ay isang hadlang sa pagkatuto ng mga mag-aaral, sapagkat hindi
f. Pagliligawan at Pag-aasawa – nagbibigay-kaya ang lalaki sa babae at mangangakong bubuhayin ito maaaring makisalamuha ang mga tao sa panahon ng pandemya upang maiwasan ang pagkakahawa sa sakit.
hanggang kamatayan. Nakikipagkasundo siya sa pamilya ng babae sa pamamagitan ng kamag-anakan. Kailangan ang pag-iwas sa matataong lugar, at isa ang paaralan sa mga ito.
Hinahayaang magkaroon ng apat na asawa ang lalaking Muslim kung kaya niya naman itong buhayin. Ang “bagong normal” na sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa gitna ng pandemya na kinahaharap
sa kasalukuyan ay naglunsad ng isang komprehensibong Learning Continuity Plan (LCP) na tutugon sa
mga hamon kabilang ang mga kinakailangang pagsasaayos sa kurikulum, pagkakahanay ng mga materyales
PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO sa pagkatuto, at karampatang suporta para sa mga guro at magulang.
Wika, Sistema ng Pagsulat, at Edukasyon May mga pamamaraan ng “distance learning” na maaaring pagpilian ng magulang na naaangkop
Wika para sa kanilang mga anak katulad ng; online learning, telebisyon, radyo, at pagkatutong modyular.
Dahil sa pagkakapangkat-pangkat ng mga sinaunang Pilipino, marami at iba't iba ang nabuong Pagsasalin ng Kultura
wika sa Pilipinas. Sinasabing may 87 wika ang mga sinaunang Pilipino. Hango ang mga ito sa wikang Iba't ibang uri ng sining at panitikan ang nabuo noong sinaunang panahon. Sa pamamagitan ng
Malayo-Polynesian. Ilan sa mga wikang ito ang mga ito, hindi lamang naipahayag ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang damdamin, paniniwala, at mga
Tagalog, Ilocano, Bicolano, Pampango, at karanasan; naisalin din sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura sa pamamagitan ng
Pangasinense. musika, awit, sayaw, at panitikan. Ilan sa mga ito ay nananatiling bahagi ng modernong kultura ng
Sistema ng Pagsulat Pilipinas. Tunghayan ang ilang halimbawa ng sining at panitikan na mayroon ang mga sinaunang Pilipino.
Baybayin ang tawag sa alpabeto ng mga
sinaunang Pilipino. Binubuo ito ng 17 titik na may 3 Musika at Sayaw
patinig at 14 na katinig. Gumagamit ang mga May kaalaman ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng
sinaunang tao ng mga balat ng punongkahoy at musika. Isinaliw nila ang musika sa kanilang pagsasayaw, gayundin sa mahahalagang pagdiriwang at
dahon ng saging bilang papel; matalim at matulis ritwal sa kanilang pamayanan.
na bakal at kahoy bilang panulat; at dagta ng
halaman bilang tintang panulat. Sa halip na isulat Instrumento
ang mga titik sa kanilang mga kunwang-papel, ang Gangsa – isang uri ng tansong gong na ginagamit pa rin ng mga katutubong taga-Cordillera.
tambuli – instrumento ng mga Tagalog na yari sa sungay ng kalabaw.
kaleleng – pinatutugtog ng mga Bontok gamit ang ilong
mga palamuting yari sa kabibe at luwad, mga tapayan na ginamit sa paglilibing, at mga larawang guhit na
natagpuan sa loob ng yungib sa Angono at Palawan.
Maipagmamalaki din ang kahusayan at kasanayan ng mga katutubong Pilipino sa paggawa ng mga
Awit kasangkapan at palamuting yari sa ginto (ang isa sa pinakamahalagang kalakal ng bansa mula sinaunang
dallot - hinaharana ng mga sinaunang Ilocano ang kanilang iniirog sa pamamagitan ng isang mahabang panahon).
berso na binibigkas nang paawit. Nahukay sa mga labi sa Batangas, Mindoro, Samar, Butuan, at Surigao ang mga gintong punyal,
ayeg-klu - awitin ng mga Igorot na katumbas ng dallot. sisidlan, ngipin, at alahas na animo ay hinabing tela. Patunay ang mga ito sa pagkamalikhain ng mga
Filipino at sa sopistikadong teknolohiya nila sa metallurgy (paraan ng paglusaw at paghubog ng
Sayaw mahahalagang metal gaya ng ginto) bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop.
Tinikling - sayaw na hango sa galaw ng ibong tikling. Liban sa ginto, nahukay din ang hindi mabilang na banga, palayok at tapayan na may iba't ibang
Pagdiwata - isang sayaw ng pasasalamat para sa magandang ani, ng mga Tagbanwa sa Palawan. disenyo, ukit, kulay, hubog, at laki. Ipinakikita nito ang mayaman at magkakaibang kultura ng mga
Pagtatanim at Paggapas - sayaw ng mga magsasaka sa Katagalugan. lalawigan sa Pilipinas gayundin ang magkakaiba nilang istilo sa paggawa ng mga palayok. Ang mga ito ay
Pamulad Isda - sayaw ng pagpapatuyo ng isda ng mga taga-Negros. naging mahalagang bakas ng sinaunang sining ng mga Pilipino.
Salidsid - sayaw ng panliligaw ng mga Kalinga.
Bangibang - sayaw para sa paglilibing ng yumaong nakaranas ng marahas na kamatayan ng mga Ifugao. Panahanan ng mga Sinaunang Pilipino
Malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagpili ng panirahan ng mga sinaunang Pilipino. May
mga nagtayo ng tirahan malapit sa mga baybayin at sa tabing-ilog. Ito ay upang mapalapit sila sa
kanilang mapagkukunan ng yamang tubig. Bukod pa rito, higit na mabilis din silang nakapaglalakbay sa
tubig gamit ang Bangka kaysa sa bako-bakong daan.
May mga sinaunang Pilipino ring nanirahan sa kabundukan. Ito ay upang makapagkaingin sila
sa mga kagubatan nito. Ang pagkakaingin ay ang pagputol at pagsunog ng mga puno at damo upang
gawing pataba sa lupa. Isinasagawa ito upang magkaroon ng bakanteng lupang maaaring mapagtaniman.
Malimit lumipat ng tirahan ang mga taong ito upang maghanap ng mapunong lugar na kanilang
mapagtatamnan.

Estruktura at Estilo ng mga Tirahan


Iba-iba ang uri ng tirahan ng mga sinaunang Pilipino. May mga nanirahan sa yungib at
mababatong gilid ng bundok. Patunay rito ang Angono rock shelter sa hangganan ng Anggono at
Binangonan sa Rizal. Ito ay may lawak na 63 metro, lalim na walong metro at taas na umaabot sa limang
metro. Pinanirahan din ng mga unang Pilipino ang mga yungib ng Callao sa Peñablanca, Cagayan; Bato
Panitikan sa Sorsogon; at Puyong at Tabon sa Palawan.
Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang panitikan upang maipaliwanag kung paano nilalang ang Nang matutuhan nilang magsaka ay nagsimula silang manirahan nang pangmatagalan sa isang
daigdig at ang tao, at upang maisalaysay ang kabayanihan ng mga pambihirang tao o Diyos. lugar at bumuo ng mga pamayanan. Ang estruktura ng tahanan ng mga sinaunang Pilipino ay naaayon sa
Pasulat at Pasalita - dalawang anyo ng panitikan ng mga sinaunang Pilipino. topograpiya ng kanilang lugar, at sa industriya o ikinabubuhay dito.
Halimbawa ng pasalitang panitikan: Tunghayan sa ibaba ang iba’t-ibang uri ng sinaunang tahanan sa Pilipinas.
sabi, sawikain, bugtong, suliranin at indulanin (uri ng awiting kalye), talindaw (awit sa bangka), Maliliit lamang ang itinatag na pamayanan ng mga sinaunang
uyayi at hele, at tigpasin (awit ng pagsasagwan). Pilipino. Binuo ito ng may 50 katao. Nang ito ay lumawak at lumaki, binuo na
Halimbawa ng pasulat na panitikan: ito ng mahigit sa 2000 katao. Kalimitang nakahanay nang pabilog o pahalang
Darangan ng mga Maranao at Ibalon ng mga Bicolano, at tarsila (salaysay ng pinagmulan at ang mga tirahan sa isang pamayanan sa pampang ng ilog o baybaying dagat.
pinagnunuan ng mga taga-Sulu at Maguindanao. Ang mga tahanan sa kabundukan naman ay kalimitang magkakalayo.

Sining Iba't ibang Uri ng Sinaunang Tahanan sa Pilipinas


Makikita sa mga kasangkapan at kagamitang pandigma ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang
pagiging malikhain at ang angking husay sa sining. Patunay nito ang mga nahukay na kagamitang bato,
Ang payag o kamalig ay ang katutubong tirahan ng mga
Pilipino na kilala rin sa tawag na bahay-kubo. Yari ito sa mga
materyales na madaling matagpuan sa kalikasan. Hugis parisukat ito
na may isa o dalawang silid. Mayroon din itong mga haligi na may
taas na tatlo hanggang apat na metro mula sa lupa at hagdang
maaaring tanggalin, iakyat, at itago. Ang bubong nito ay gawa sa
dahon ng nipa o kugon. Gawa naman sa pawid at kawayan ang
dingding nito. Naaangkop din ang payag o kamalig sa tropikal na
klima ng Pilipinas. Naging mainam ang tirahang ito upang
mapangalagaan ang mag-anak mula sa mainit na panahon habang pinapanatiling presko ang loob nito.
Tinatawag namang fayu o fale ang tahanan ng mga katutubong
naninirahan sa hilagang bahagi ng Pilipinas, partikular sa Cordillera. Ito ay
may isang malawak na silid lamang kung saan isinasagawa ang lahat ng
mga gawaing-bahay at pagsasalo-salo ng pamilya. Ang mga haligi at
kisame nito ay nakahilig at mistulang hugis globo ang loob nito. Kaiba sa
bahaykubo, ang bubong ng fale ay higit na malaki at mataas, at halos
kalahati ng buong taas ng bahay. Ito ay hugis pyramid at yari sa makapal na
patong ng kugon kung kaya't madilim ang loob nito. Sa kabila nito, mainam itong proteksyon sa matinding
sikat ng araw at malakas na pag-ulan sa rehiyon.
Ang torogan ay hindi pangkaraniwang tahanan sa sultanato,
bagkus ay para sa datu. Marangya ang torogan. Malawak ang sahig at
malaki ang buong estruktura, isang paraan ng pagpapakita na ang mayari
ng bahay ay isang makapangyarihang pamilya. Ang mga bintana nito ay
may tiyakad at may disenyong okir o geometric at mabulaklak na
disenyong pinatanyag ng mga Maranao. Hindi rin makukumpleto ang
estruktura ng torogan kung wala ang maalamat na ibon ng mga Maranao,
ang Sarimanok.
Dulot ng lokasyon nito, kaiba ang tahanang nabuo sa Batanes. Binubuo ito ng dalawang silid: ang
rakuh kung saan matatagpuan ang sala at tulugan, at ang kusina. Ito ay walang tiyakad at nakatayo sa
mismong lupa. Ito ay upang matiyak ang katatagan nito laban sa malakas na pag-ihip ng hangin sa
lalawigan. Ang bahay na ito ay yari sa lime at bato. Matatagpuan ang pinto at bintana ng bahay na ito sa
direksiyon kung saan hindi pinakamalakas na umiihip ang hangin.
Ang tradisyonal na tirahan ng mga Badjao na tinatawag
na bangkang-bahay ay makikita sa Mindanao partikular sa mga
baybayin ng Sulu Sea at Celebes Sea. Ang karaniwang tirahan
nila ay may mga tiyakad na nakaangat sa katubigan sa baybaying-
dagat. Ang mga tiyakad na ito ay maingat na ipinupuwesto sa
pagitan ng mga coastal rock at koral upang maiwasan ang
pagkasira nito.

You might also like