You are on page 1of 6

INTERWORLD COLLEGES FOUNDATION INC.

BURGOS ST., PANIQUI, TARLAC

Aralin 6: Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asia

Layunin:

 Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na


nagbibigay- daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa
pagbuo ng pagkakilanlang Asyano;
 Nasusuri ang paghubog, pag- unlad at kalikasan ng mga pamayanan at
estado;
 Nakabubuo ng mga kongklusyon hinggil sa kalagayan, pamumuhay at
development ng mga sinaunang pamayanan.

Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asia

A. Ebolusyong Kultural
Ang Kultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang
pangkat ng tao. Kabilang dito ang kanilang mga paniniwala, pag- uugali,
pagpapahalaga, at mga kagamitan o pag- aari.
Nakapaloob sa ebolusyong kultura ang apat na uri ng kultura batay sa
panahon kung kalian ito naganap. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Kultura sa Panahong Paleolitiko
Ang salitang “paleolitiko” ay salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
“Matandang panahon ng bato”. Ang mga tao sa panahong ito ay walang
pemanenteng tirahan. Ang paggamit ng wika at paggamit ng apoy ang
pinakamahalagang tuklas ng panahong ito.
Paniniwala at Pilosopiya Naniniwala ang mga sinaunang tao na
ang kanilang kapangyarihan ay batay
sa kung ilan ang kaniyang nahuhuling
hayop sa kanilang kapaligiran. Ang
mga nahuhuling hayop ang
nagsisilbing kanilang pagkain.
Naniniwala rin ang mga tao sa Asia sa
panahong ito na mayroong kabilang
buhay pagkatapos ng kamatayan.
Mataas ang antas ng kanilang
espiritwalidad. Kaya mababaw nilang
inililibing ang labi ng kanilang yumao.
Pinaniniwalaan nila na ang init ng lupa
ang maghahatid sa kanila sa kabilang
buhay. Pinababaunan din nila ang
mga yumao ng kanilang mga gamit at
ari- arian.
Kalikasan ng pamayanan at estado Nakaasa ang mga sinaunang Asyano
sa kanilang kapaligiran. Ang mga lalaki
ang nangangaso. Karaniwang ang
pinakamatanda sa kanilang pangkat
ang namumuno dahil siya ang mas
may maraming karanasan at
kaalaman. Ang mga babae naman ay
nangangalap ng mga bunga mula sa
mga halaman. Sila rin ang
nagbabantay ng apoy na ginagamit
sa pagluluto.
Mga Kagamitan Nakalikha sila ng mga matatalim na
kagamitan na gawa sa bato upang
INTERWORLD COLLEGES FOUNDATION INC.
BURGOS ST., PANIQUI, TARLAC

hiwain ang katawan ng hayop na


kanilang nahuhuli. Agad naman nilang
itinatapon ang mga ito pagkatapos
gamitin.
2. Kultura sa Panaho ng Mesolitiko
Ang ibig sabihin naman ng mesolitiko ay “gitnang panahon ng bato”. Natutong
manirahan ang mga Asyano sa pampang ng ilog at dagat.
Paniniwala at Pilosopiya Nagkakaroon ng ritwal ang
pagbuburol at paglilibing sa kasapi ng
mag- anak o pamayanan. Mayroong
awit at sayaw upang makarating sa
kabilang buhay ang mga yumao
nilang kaanak.
Kalikasan ng pamayanan at estado Nagkaroon ng konsepto ng “mag-
anak” ang mga Asyano sa panahong
ito. Naging permanente ang kanilang
tirahan at ang bawat mag- anak ay
may sariling bahay. Maliban sa mga
nahuling hayop at nakalap na bunga
ay naging pagkain na rin ang mga
lamang-dagat at mga produktong
mula sa ilog tulad ng isda at laman ng
kabibe. Dahil na rin sa kasalatan ng
mga nahuhuling hayop sa
pangangaso, natutong mag- alaga at
magpaamo ng mga hayop ang mga
sinaunang Asyanong tulad ng aso.
Mga Kagamitan Ang karaniwang kagamitan ay yari sa
pinagsamang bato, kahoy at buto ng
hayop. Kabilang dito ang blade,
arrowhead, at scraper.
3. Kultura sa Panahon ng Neolitiko
Ang ibig sabihin ay “bagong panahon ng bato” nagsimulang maging
sedentaryo ang mga Asyano at bumuo ng mga lungsod.

Paniniwala at Pilosopiya Napagtanto ng mga Asyano na hindi


maaaring lubusang umasa sa
kapaligiran. Sa halip siya ay
kinakailangang maging katuwang ng
kapaligiran. Nagpatuloy ang
paniniwala sa mga espiritu at sa
kabilang buhay. Sumasamba sila sa
mga diyos at diyosa na
pinagmumulang puwersa ng
kalikasan.
Kalikasan ng pamayanan at estado Natuklasan ng mga sinaunang Asyano
ang pagsasaka. Nagsimula na ring
itatag ang mga lungsod kung saan
permanente na ang paninirahan.
Kasabay nito ang pagtatag ng
pamahalaan na tinatawag na
lungsodestado. Ito ang kanilang
pamamaraan upang mabigyang
proteksyon ang kanilang buhay at ari-
arian mula sa mga banta ng kalikasan
at banta mula sa ibang lungsod.
INTERWORLD COLLEGES FOUNDATION INC.
BURGOS ST., PANIQUI, TARLAC

Mga Kagamitan Ang paggawa ng kagamitang bato


ay mas polido. Natutuhan na rin ang
paghahabi ng tela. Dahil nagkaroon
ng higit na pangangailangan sa
pagkain, nagsimula ang paggawa ng
basket o buslo at mga palayok upang
sisidlan ng pagkain.

4. Kultura sa Panahon ng Metal


Nahahati sa dalawa ang panahon ng metal. Ang una ay ang Panahon ng
Bronse at ang pangalawa ay Panahon ng Iron.
Paniniwala at Pilosopiya Naniniwala ang mga Asyano sa
panahong ito na mas kalugod- lugod
sa mga diyos at diyosa ang pag-
aalay ng mga bagay na gawa sa
bronse o tanso. Dahil sa paglaganap
ng banta mula sa kalaban, nagkaroon
na rin sila ng diyos at diyosa ng
digmaan.
Kalikasan ng pamayanan at estado Naging mas organisado ang
pamayanan at ang estado. Ang
pagkakaroon ng mga armas gawa sa
tanso ay nangangahulugan ng
proteksiyon at katiwasayan.
Karaniwang hinihirang na pinuno ang
pinakamagiting na mandirigma.
Mga Kagamitan Nakadiskubre ng mga sinaunang
Asyano ang proseso ng paggawa ng
metal. Dahil dito, nakagawa sila ng
mas matitibay na kagamitang
pansaka at panlaban sa mababangis
na hayop. Ang mga lungsod ay
gumawa rin ng mga armas na may
matutulis at matatalim na bahagi
bilang panlaban sa mga kalabang
lungsod na naghahangad na
sumakop sa kanila.

B. Kahulugan, Konsepto, at Katangian ng Kabihasnan


Ang mga nabanggit na kultura sa apat na panahon ang nagbigaydaan
upang ang mga Asyano ay makabuo ng sariling kabihasnan. Nagbukas ng
bagong pinto ng kasaysayan ang mga kaganapan, karunungan, at karanasan
ng mga sinaunang Asyano. Isinilang na nga ang salitang “kabihasnan.” Ang
kahulugan nito ay pamumuhay na kinabihasaan at pinipino ng maraming
pangkat ng tao. Nakapaloob dito ang wika, kaugalian, paniniwala at sining.
Malimit na nagiging tanong kung magkasingkahulugan ba ang
kabihasnan at sibilisasyon. Ang sibilisasyon ay mula sa salitang Latin na civitas na
ang kahulugan ay lungsod. Mas malawak ang saklaw ng salitang kabihasnan
kaysa sibilisasyon. Ang sibilisasyon ay tumutukoy lamang sa pamamaraan ng
pamumuhay sa isang lungsod samantalang saklaw naman ng kabihasnan ang
pamumuhay sa lungsod maging ang hindi sa lungsod.
May mga batayang salik upang ituring na isang kabihasnan ang isang
lugar sa loob ng isang panahon. Una ay ang pagkakaroon ng organisado at
sentralisadong pamahalaan. May mga itinakdang namumuno ang isang
INTERWORLD COLLEGES FOUNDATION INC.
BURGOS ST., PANIQUI, TARLAC

kabihasnan at may mga batas at alituntunin na sinusunod ang mga


mamamayan nito. Susunod naman ang pagkakaroon ng relihiyon o paniniwala
sa mga bagay na spiritual. Ang paniniwala sa puwersa ng kalikasan at sa
kanilang buhay ay mahalagang salik ng isang kabihasnan. Pangatlo ang
pagkakaroon ng tanging gawaing pang- ekonomiya na tumutustos sa
pangangailangan ng pamayanan. Kabilang sa salik ay ang uring panlipunan
kung saan nahahati ang katayuan ng mga mayayaman. Ang mga may
kapangyarihan at mayaman ang nasa itaas samantalang ang mga
manggagawa, magsasaka at mangingisda ay nasa laylayan ng pamayanan.
Kasama sa batayang salik ang mataas na antas na kaalaman sa
teknolohiya. Ang teknolohiya ay tumutukoy sa kasanayan ng tao na lumikha ng
mga kagamitan na tutugon sa kaniyang pangangailangan at kabilang dito ang
paggamit sa mga ito. Ang sining at arkitektura ay parehong mahalagang salik.
Ang pinakahuling batayang salik ay ang Sistema ng pagsusulat. Ito ay tanda ng
pag- unlad ng kakayahan ng tao kompara sa mga sinaunang nilalang.

Sanggunian:

Abulencia, Arthur S. Ph.D, et.al.(2020), “Kayamanan Araling Asyano” (Binagong


Edisyon), Rex books Store: Recto Ave., Manila.
INTERWORLD COLLEGES FOUNDATION INC.
BURGOS ST., PANIQUI, TARLAC

PANGALAN: _____MARKA: _______

ANTAS: _____PETSA: _
ARALING PANLIPUNAN

I. Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1) Alin ang angkop na kahulugan ng “kabihasnan”?
a. Ito ay tumutukoy sa masalimuot na pamumuhay sa lungsod.
b. Ito ay ang pamumuhay na kinabihasaan at pinipino ng maraming
pangkat ng tao.
c. Ito ay ang pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng
tao.
d. Ito ay ang panniniwala sa mga espiritu, diyos at diyosa.
2) Aling batayang salik ng kabihasnan ang inilalahad sa pagkakaroon ng
pinuno at mga batas na dapat tuparin ng mga mamamayan?
a. Pagkakaroon ng espesyalisasyon na gawaing pang-ekonomiya
b. Pagkakaroon ng relihiyon
c. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan
d. Pagkakaroon ng uring panlipunan
3) Aling batayang salik ng kabihasnan ang inilalahad ng mga larawang
guhit at pininta ng mga sinaunang Asyano?
a. Sistema ng pagsulat
b. Mataas na kaalaman sa teknolohiya
c. Masalimuot na relihiyon
d. Sining at arkitektura
4) Sa aling batayang salik nakapaloob ang paniniwala sa mga bagay na
espiritwal?
a. Masalimuot na relihiyon
b. Orgaisado at setralisadong pamahalaan
c. Uring panlipunan
d. Sining at arkitektura
5) Aling batayang salik ang inilalahad ng gawaing pagsasaka upang
matustusan ang pagkain ng mga kasapi sa kabihasnan?
a. Sistema ng pagsulat
b. Gawaing pang- ekonomiya
c. Sining at arkitektura
d. Masalimuot na relihiyon
6) Aling panahon ang tumutukoy sa matandang panahon ng bato?
a. Mesolitiko
b. Neolitiko
c. Paleolitiko
d. Imperyo
7) Kalian nagsimulang manirahan ang mga Asyano sa pampang ng ilog at
dagat?
a. Metal
b. Mesolitiko
c. Neolitiko
d. Paleolitiko
8) Kalian napagtanto ng mga Asyano na hindi maaaring lubusang umasa
sa kapaligiran at sa halip ay mas mainam na magig katuwang nito?
a. Metal
INTERWORLD COLLEGES FOUNDATION INC.
BURGOS ST., PANIQUI, TARLAC

b. Mesolitiko
c. Neolitiko
d. Paleolitiko
9) Bakit sinasamba ng mga sinaunang Asyano sa panahon ng Neolitiko ang
mga diyos at diyosa?
a. Dahil naniniwala sila na ang mga diyos at diyosa ang mga
kaluluwa ng kanilang mga ninuno.
b. Dahil sila ang pinagmumulan ng puwersa ng kalikasan.
c. Dahil sila ay nagpapakita sa kanila.
d. Dahil sila ay tuwirang nakikipag- usap sa kanila.
10) Aling diyos o diyosa ang nadagdag sa mga sinasamba ng mga Asyano
sa panahon ng Metal?
a. Diyos ng digmaan
b. Diyos ng karunungan
c. Diyos ng kapayapaan
d. Diyos ng katubigan
II. Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang pinakamahahalagang tuklas ng bawat panahon?

2. Bakit mahalaga na pag- aralan ang sinaunang kabihasnang Asyano?

3. sa anong paraan natin maipapakita an gating pasasalamat sa mga


sinaunang Asyano?

You might also like