Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa EPP 4
Banghay Aralin Sa EPP 4
Oktubre 7, 2013
I. Mga Layunin
Natutukoy ang iba’t ibang hayop na maaaring alagaan
Nasasabi ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop
Naipapakita ang wastong pag-aalaga ng hayop
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aralan ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop
2. Tanungin ang klase kung sino ang nag-aalaga ng hayop sa kanila. Hayaang magbahagi sila ng
kanilang karanasan kung paano ang paraan ng pag-aalaga nila sa kanilang hayop.
B. Panlinang na Gawain
1. Magpakita ng iba’t ibang larawan ng hayop. Tanungin ang klase kung alin sa mga ito ang
maaaring alagaan at hindi alagaan. Tanungin kung bakit hindi maaaring
2. Talakayin ang mga sumusunod:
-paraan ng pag-aalaga ng hayop
-pag-aalaga ng kalapati
-pag-iingat sa pag-aalaga ng hayop
-pagtatala ng mga progreso ng mga alagang hayop
3. Paglalahat
Sundin ang wastong paraan ng pg-aalaga ng hayop
Ang talaan sa pag-aalaga sa hayop ay makatutulong sa iyo.
4. Paglalapat
Itala ang iba pang hayop na ibig mong alagaan. Isulat kung paano aalagaan ang bawat isa.
Buuin ang sumusunod:
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek ( ) ang gawaing dapat isagawa sa pag-aalaga ng kalapati
____1. Bumili ng kalapati sa mga naglalako.
____2. Pakainin ng kangkong ang kalapati.
____3. Laging linisin ang kulungan ng kalapati.
____4. Paitlugin ang kalapati sa gabi.
____5. Tiyaking lagging malinis ang inuming tubig.