You are on page 1of 3

‘REMEMBER ME’ NI SANDRA AGUINALDO

KIMBERLY: Magandang umaga sa inyong lahat. Alam nating lahat kung gaano kasayang makapiling
ang mga mahal natin sa buhay, may mga pagkakatampuhan at hindi pagkakaunawaan mang nagaganap
ay lagi pa rin tayong umuuwi sa piling ng isa't isa ngunit, naranasan nyo na bang mawalay sa inyong mga
magulang? kung oo ay wala na siguro pang tutumbas sa paghihirap na nararanasan ninyo ngayon.
Ngayon ay tunghayan natin ang kwento ng isang dalagang nagngangalang Angelyka 'Mai Mai' Lucero na
naghahangad na makitang muli ang kanyang nawalay na ama. Maraming beses nang binabasa ni Mai-Mai
ang bawat salitang isinulat ng kanyang amang nasa korea. Kopino si Mai-Mai, Kopino ang tawag sa mga
batang ipinanganak na may lahing Koreano at Pilipino. Si Angelyka Lucero o tawagin natin sa palayaw
na mai-mai, isang dalagang nangungulila sa kanyang amang nasa South Korea, labing pitong anyos, first
year sa kursong civil engineering sa kolehiyo. Anim na taon na ang nakakaraan nang kinailangang
bumalik ng kanyang amang si Kim Wonsik sa Korea matapos mastroke habang nasa pilipinas. Nang mga
panahong iyon ay labing isang taon pa lamang si Mai-Mai na aminadong daddy's girl, ayon sa kanya ay sa
tuwing may gusto daw siya ay binibilhan siya ng kanyang ama dahil ayaw nitong hindi siya mapagtuonan
nito ng atensyon. Mabait at malambing ang kanyang ama, hindi rin ito nawawala sa mga event na
ginaganap sakanilang paaralan sa kadahilanang ayaw nitong magtampo ang kanyang anak. Ngayon ay
nangungupahan si Mai-Mai kasama ang kanyang Lola sa isang apartment sa Urdaneta, Panggasinan
habang nagtratrabaho naman bilang cleaner sa Middle East ang kanyang inang si Jennifer Lucero . Sa
mahigit dalawampung sulat at ilang pagsusulat sa telepono, nalaman ni Mai-Mai na lumala na ang
kalagayan ng kanyang ama at naka- confine na sa isang health facility sa Korea. Ayon naman kay Mai-
Mai ay nag-aalala sya ng lubos sa kanyang ama habang ito ay nasa South Korea at malayo sa kanya dahil
baka maulit ang pagka-stroke na nangyari sa kanyang ama roon. Nang tanungin si Mai-Mai kung ano ang
kanyang balak, sinabi nitong gusto niyang makapunta sa South Korea para kahit papaano raw ay makita
niya’t makasamang muli ang kanyang ama dahil ito ay matanda na at hindi niya na hawak pa ang mga
susunod pang mga manyayari at hindi pa sila nagkita sa matagal na panahon.
SHANNE: Si Marissa, tiyahin ni Mai-Mai, regular itong nakakatanggap ng allowance kay Mr. Kim
noong nasa kolehiyo pa, ngayon ay isa na siyang guro. Lubos ang pagpapasalamat niya dahil sa tulong ni
Mr. Kim. Sabi pa ni Marissa, nakagraduate silang magkakapatid, dalawang guro at dalawang pulis, dahil
sa tulong ni Mr. Kim kaya’t pamilya na daw ang turing nila dito. Hinanap naman ng Ina ni Mai-Mai sa
internet ang Kopino Center matapos mapanood ang dokumentaryong appa sarangheyo ng I-Witness. Sa
Kopino Center buong pusong tinanggap si Mai-Mai ng mga kabataang Kopino rin at agad na sinimulan
ang proseso para sa muling pagkikita ni Mai-Mai at ng kanyang ama. Sa Kopino Center sa Quezon City
nakita ni Mai-Mai na hindi siya nag-iisa at nasa mukha ng bawat isa ang kapiraso Korea. Nag-aaral ang
mga batang nasa Kopino Center sa tulong ng Kopino Children Association na itinatag ng Koreanong si
Cedric Son at kanyang Pilipinang misis na si Normie Son. Ang mag-asawa ay tumutulong sa mga batang
gaya ni Mai-Mai na nais makitang ang kanilang koreanong ama. Habang inaalam kung nasaan ang ama ni
Mai-Mai ay sinimulan na nilang asikasuhin ang koreas VISA ng dalaga at lahat ng ito ay may pahintulot
ng ina ni Mai-Mai. Ayon sa ina ni Mai-Mai ay hinahangad nyang magkasama na si Mai-Mai at ang
Daddy nito dahil 72 years old na ang ama ng kanyang anak at ito nga ay matanda na, at gusto raw nyang
madama ng mga ito na kahit papaano ay magkaroon sila ng bonding kahit panandalian man lang matapos
ang ilang mga taong hindi sila nagkasama.
Sa Kopino Center, may isa ding kopino na kagaya ni Mai-Mai. Ito si Lorie, katorse anyos, siya ay maaari
at posible ring makadalaw sakanyang ama sa korea. Ang unang pagsasama ni Lorna, ina ni lorie, at ng
kanyang mister ay tumagal lamang ng pitong buwan dahil sa madalas nitong pagtatalo kaya’t nasasabik
man sa ama si Lorie ay tila may pag-aalinlangan sya. Ayon kay Lorie ay nais nya munang makita kung
mabait ang kanyang ama. Tatay na rin ang turing ni Lorie kay Mr.Son dahil isang beses pa lamang nyang
nakita ang tatay nya, walong taon na ang nakararaan. Makalipas ang ilang araw nabigyan ng visa si Mai-
Mai pero si Lorie, hindi muna makakasama sa Korea sa kadahilanang hindi pa handa ang kanyang ama sa
kanilang pagkikita at nag-aalala rin daw ito kung paano siya mapag-aaral nito. Walong taong naghintay si
Lorie pero hindi pa pala ito ang tamang panahon upang sila ay magkita ng kanyang ama. Tahimik at
walang salitang lumabas sa bibig ni Lorie hanggang sa unti unting pinakawalan ang mga luhang nag-
uunahan sa pagtulo. Malungkot na nagpaalam sa isa't isa si Lorie at Mai-Mai dahil sa ngayon, isa lang
ang makakaalis papunta sa South Korea.

YEZZHA: Dumating na nga ang araw na pinaka-aasam ni Mai-Mai at ramdam na ramdam ang
kasiyahan ng dalaga at ang pananabik nito sa muling pagkikita nila ng kanyang ama. Napuno ng galak
ang paligid para sa muling pagkrukrus ng landas ng dalawang nilalang na hindi sumuko sa kanilang
paghihintay.
Walang record ang gobyerno kung ilan ang mga batang ipinanganak sa pilipinas na koreano ang tatay,
ang Kopino Children Association ay may ugnayan sa isang libo kopino sa pamamagitan ng facebook at
telepono. Dihado raw na higit marami pa ang tunay na bilang na mga kopino, ang masaklap may mga
batang naiiwan sa oras na bumalik na ang kanilang mga ama sa Korea kaya mapalad si Mai-Mai na
makarating sa bansa ng kanyang ama.
Isang umaga sinundo na ni Mr. Son ang tatay ni Mai-Mai na si Mr. Kim Wonsik mula sa isang health
facility sa labas ng syodad. Si Mai-Mai ay naghihintay naman sa isang coffee shop sa Seoul. Makalipas
ang ilang oras ay nakarating na ang ama nito at ito ang kauna-unang sulyap ni Mai-Mai sa kanyang ama
makalipas ang anim na taon kaya ngayon niya lang nakitang naka wheelchair na ang daddy niya, “I love
you, Daddy” sa wakas nasabi na ni Mai-Mai ang katagang ito na dati ay laman lang ng kaniyang
panaginip. Naka wheelchair man at naka confine sa isang health facility ng ilang taon, halatang
nagpapakatatag si Mr.Kim para sa kanyang anak. “You’re my daughter” ani Mr.Kim. Naka-aantig ng
puso na makalipas man ang mahabang panahon, si Mai-Mai pa rin ang daddy's little girl. Habang
pinapakita ni Mai-Mai ang kanilang litrato sa kanyang ama, doon na nila napansin na pumapalya na ang
memorya ni Mr.Kim. Kumupas man ang alaala ni Mr.Kim, sana'y hindi makalimot ang kaniyang puso.
Nakarating kay Mr.Kim ang mensahe ng pamilya ni Mai-Mai na punong-puno ng pag aalala para sa
kanyang malaki raw ang naitulong sa kanilang pamilya. Bago pa man magkasakit si Mr.Kim at
mapilitang bumalik sa Korea, naghiwalay na sila ng ina ni Mai-Mai, pero naroon pa din daw ang
pagmamahal sa dating kinakasama lalo't tinalikuran na umano nito ng kanyang unang pamilya sa Korea.
TEFANY: Kinabukasan ay pumunta si Mai-Mai kasama ang kanyang ama sa City Hall upang dito ay
irehistro si Mai-Mai bilang anak ni Mr. Kim. Hindi simple ang prosesong ito dahil kinakailangan ni Mai-
Mai na magpresent ng mga dokumento at kinakailangan talagang kilalanin ng ama ang kanyang anak
kaya’t kinakailangan talagang iharap si Mr.kim sa City Hall. Kapag nailista na si Mai-Mai bilang isa sa
mga anak ni Mr. Kim ay pwede nang ayusin ang Korean citizen ship nito, pero ayon sa Kopino Children's
Association gagastos ang Kopino ng hindi bababa sa ₱100,000 para makapunta sa Korea at mamalagi
doon ng ilang araw habang inaayos ang mga papeles nya. Ayon Kay Mr. Son ito ang dahilan kaya
mahalaga sa kanila ang donasyon ng mga taong nag mamalasakit sa mga kopinong naiwan sa Pilipinas ng
kanilang mga ama. Ayon naman Kay Raul Hernandez, Ambassador ng Pilipinas sa South Korea,
naniniwalang may magagawa naman ang kopinong naiwan sa Pilipinas, yun nga lng hindi madali ang
kanilang pag dadaanan. Ang mga sumunod na araw ay ginugol ni Mai-mai ang kanyang oras kasama ang
kanyang ama, gusto sana ng pamilya ni Mai-Mai na dalhin si Mr. Kim sa pilipinas upang maalagaan ito
pero tumanggi ito at kung sa Korea naman ay wala silang sapat na kakayahang mamuhay bilang isang
pamilya, lalot hindi naman kalakihan ang pensyong natatanggap ni Mr. Kim. Ayon kay Mai-Mai ay uuwi
muna sya’t doon mag-aaral at pag-iisipan ang sinabi ng kanyang ama na mag guro na lamang. Kung sya
ay makauwi na, mag-iipon daw sya ng pera doon upang makabisita syang muli sa kanyang ama.
KIMBERLY: Kapansin-pansing iba na ang Mai-Mai na uuwi sa Pilipinas, mas matibay at mas buo dahil
bitbit nya ang munting piraso ng Korea sa kanyang pagbalik. Magandang gabi, ako si Kimberly Quilala,
at kami ang Pangkat 3.

You might also like