You are on page 1of 2

Plano para sa Karagdagang Garbage Truck ng Barangay P.I.

Garcia

Mula kay Chester Ken A. Delima


Padre Inocentes Street
Barangay P.I. Garcia
Naval, Biliran
Ika-7 ng Nobyembre, 2022
Haba ng Panahong Gugugulin: 1 buwan at 1 linggo

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang Barangay P.I. Garcia ay isa sa barangay sa lungsod ng Naval. Ito ay patuloy na umuunlad at
gumaganda na kung saan marami ng mga establisyemento ang nadagdag.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay P.I. Garcia ay ang kakulangan ng garbage truck. Ito
ay nagdudulot ng problema na kung saan hindi kayang makolekta ng maayos ang mga basura araw-araw.
Ang mga basura na hindi nakolekta ay makikita kahit saan na pakalat-kalat lalo na sa mga sulok o
nakatagong lugar.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng karagdagang garbage truck upang mapabilis at
maayos ang pagkolekta ng mga basura araw-araw. Kung ito ay mabibigyang pansin ng gobyerno, tiyak na
maging mas malinis at walang nakakalat na mga basura sa paligid. Kinakailangan na maisagawa ang
proyektong ito sa madaling panahon para sa kalinis at kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin
Magdagdag ng dalawang garbage truck upang makatulong sa pagkolekta ng mga basura araw-araw.
At upang maging malinis ang kanto ng bawat barangay.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpasa, pag-apruba, at paglabas ng badyet (5 araw)
2. Pagpupulong ng mga konseho ng barangay tungkol sa karagdagang garbage truck (1 araw)
3. Pagbili ng truck sa tulong ng mga konseho ng barangay (1 buwan)
4. Pagsusuri kung maayos at ligtas ang gagamitin na mga garbage truck (1 araw)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng mga bagong garbage truck (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

1. Halaga ng bilbilhing truck. ₱ 450,000

2. Bayad sa magsusubok ng truck. ₱ 2,000

Kabuoang Halaga ₱ 452, 000

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Ang pagdaragdag ng garbage truck ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay P.I. Garcia.
Ang mga basura sa iba’t ibang kanto ay mawawala at maging malinis ang kapaligiran. At higit sa lahat maging
ligtas sa sakit ang mga mamamayan dahil wala ng mga basurang nakakalat na nagdadala ng sakit.
Republic of the Philippines
BILIRAN PROVINCE STATE UNIVERSITY
ISO 9001:2015 CERTIFIED
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION

Senior High School


S. Y. 2022 - 2023

FILIPINO SA PILING LARANG

Ipinasa ni:
Chester Ken A. Delima
12 STEM A

Ipinasa kay:
Mr. Kent Tracy P. Ancero
Guro

You might also like