Professional Documents
Culture Documents
Articles:
El Pensamiento
La Universidad de Manila: Su Plan de Estudio
Los Nuevos Ayuntamientos de Filipinas
Si Jose Ma. Panganiban y Enverga ay isang propagandista, linggwistiko at manunulat. Isa siya sa mga
pangunahing manunulat at taga-ambag para sa La Solidaridad, sa ilalim ng sagisag-panulat na "Jomapa"
at "J.M.P."
Isinilang si Panganiban noong Pebrero 1, 1863 sa Mambulao, Camarines Norte kina Vicente Panganiban
at Juana Enverga. Ang kaniyang ina ang nagturo sa kaniya ng kartilya, katon, at katekismo. Nang
mamatay ang kaniyang ina, pinag-aral siya ng kaniyang ama sa isang seminaryo sa Naga, Camarines Sur
at nakatapos ng kursong Pilosopiya noong 1882. Sa tulong ng direktor ng kaniyang pinasukang
seminaryo, nakapag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran. Pagkaraan ay kumuha ng medisina sa
Universidad de Santo Tomas. Noong 1887, isinulat niya ang Anatomia de Regines na kinilala bilang isa sa
mahusay niyang katha. Ang mga isinulat niya tungkol sa general pathology, therapeutics at surgical
anatomy ay pinarangalan din. Ang isang antolohiya ng kaniyang mga akda ay tinipon ni Padre Gregorio
Echevarria, rektor ng Universidad de Santo Tomas, at ipinadala sa Exposicion General de Filipinas sa
Madrid noong 1887.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Universidad de Barcelona sa España noong 1888. Habang
nasa España, nabasa niya ang mga isinulat ng mga Filipinong propagandista. Naging dahilan ito upang
sumapi siya sa grupong Asociacion Hispano-Filipina at La Solidaridad. Sumulat siya tungkol sa maling
sistema ng edukasyon sa Pilipinas at ang hangarin ng malayang pagpapahayag ng saloobin ng mga
Pilipino. Kinilala mismo ni Jose Rizal ang kaniyang husay sa pagsulat at dakilang adhika para sa bansa.
Ang ilan sa mga artikulong isinulat niya ay “El Pensamiento,” “La Universidad de Manila: Su Plan de
Estudio,” at “Los Nuevos Ayuntamientos de Filipinas.” Sumulat din siya ng mga tula at maikling kuwento
gaya ng “Ang Lupang Tinubuan,” “Noches en Mambulao,” “Sa Aking Buhay,” “Bahia de Mambulao,” “La
Mejerde Oro,” “Amor mio,” “Clarita Perez,” at “Kandeng."
Nang magkaroon ng tuberkulosis si Panganiban, humingi siya ng tawad kay Rizal na hindi na siya
makatutulong pa sa kilusan. Namatay siya sa Barcelona noong 19 Agosto 1890 sa kaniyang tinitirhan sa
Rambla de Canaletas 2. Noong 1 Disyembre1934, sa pamamagitan ng Act No. 4155 ay ipinangalan sa
kaniya ang bayan ng Mambulao, Camarines Norte. Sa tulong ng historyador na si Domingo Abella ay
naibalik sa Pilipinas ang kaniyang mga labi mula sa Barcelona.