You are on page 1of 6

Graciano Lopez

Jaena
(18 Disyembre 1856
20 Enero 1896)
Kinikilala si Graciano Lopez
Jaena bilang isang lider ng
kilusang repormista, manunulat,
peryodista, at orador. Maraming
historyador ang kumikilala sa
kaniya bilang isa sa “tungkong
kalan” o triumvirate ng Kilusang
Propaganda, kasama sina Jose
Rizal at Marcelo H. del Pilar.
 Isinilangsiyá sa Jaro, Iloilo noong 18
Disyembre 1856
 Placido Lopez at Maria Jacobo Jaena.
 Pumasok siyá sa seminaryo ng Iloilo at
nag-ambisyong maging doktor
 Sinubukan niyang pumasok sa
Unibersidad ng Santo Tomas ngunit hindi
pinahintulan sapagkat walang handog
na Bachiller en Artes ang kaniyang
seminaryo. Nabigyan siyá ng
pagkakataóng matuto sa ospital ng San
Juan de Dios,
 Sa mga akdang Fray Botod (na isinulat niya sa
edad 18) at La Hija del Fraile ay isiniwalat niya ang
mga pagmamalabis ng fraileng Español.
 Nagalit ang mga fraile at ipinadakip siyá. Tumakas
siyá patungong España noong 1879 at naging
masigasig sa Kilusang Propaganda.
 Sumikat bilang isa mga nangungunang
orador,manunulat, at tagapagsalita ng mga
repormistang Filipino
 Sinubukan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng
medisina sa Unibersidad ng Valencia ngunit hindi
rin ito tinapos.
 Isa siya sa nanguna sa pag-tatatag ng La
Solidaridad noong 1889 at naging unang
editor nitó.
 Tinipon niya noong 1891 ang kaniyang
mga akda at nilimbag bilang Discursos y
Articulos Varios (Mga Talumpati at iba
pang Lathalain). Namatay siyá sa
Barcelona, España noong 20 Enero 1896 sa
sakit na tisis. Hindi na naibalik sa Filipinas
ang kaniyang mga labí.

You might also like