Modyul 2, Aralin 1 IBONG ADARNA AT FLORANTE AT LAURA (EDITED)

You might also like

You are on page 1of 18

Modyul 2

ANG TULANG LIRIKO AT PASALAYSAY

Aralin 1
ANG IBONG ADARNA AT FLORANTE AT LAURA

Bahagi ng pag-aaral ng asignaturang Filipino sa Junior High School ay ang dalawang


obra maestra ng mga kilalang makata. Ang una ay akdang pinaniniwalaang mula pa sa ibang
bayan at ang pangalawa ay isa sa itinuturing na akdang napapakita ng pagkamakabayan. Sa
modyul na ito, hihimayin natin ang mga nakatagong kayamanan na nakatago sa mga salita,
taludtod at saknong ng mga tula. Ang susunod na mga pahina at gawain ay magbibigay sa atin ng
mga dagdag kabatiran sa mga mahahalagang punto na dapat ay itinuro sa mga kabataang
Filipino.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahan na:


a. Nakapag-iisa-isa ng mga mahahagang kaisipan ng akda;
b. Nakagagawa ng isang gawaing pampagkatuto na magbibigay-diin sa mga
kaisipan ng akdang tinalakay; at
c. Nakapaghahambing ng mga akdang awit at korido.

Natutuhan natin noong nasa hayskul pa lamang tayo na ang koridong IBONG ADARNA
at awit na FLORANTE AT LAURA ay nagkakanlong ng maraming nakakapukaw interes na
karakter. Subukin natin ang ating alaala sa pamamagitan ng pagpuno ng mga detalye sa ayon sa
kahingian sa ibaba.

Gawain 1
Larong PANTs. Punan ng angkop na detalye ang talahanayan. Ang mga sagot ay dapat
nagsisimula sa ibinigay na titik sa bawat hanay.
Ibong Adarna
P A N T
(Place/Pook) (Animal/Hayop) (Name/Pangalan) (thing/Gamit)
P Piedras Plata palaka
L Loob ng balon lobo Leproso labaha
(matanda)/Leonora
S Silangan (patungong
Kaharian de los Sisdlang frasco
Cristales)
Florante at Laura
A Albanya/Atenas Ahas /arkon (ibon)
B burol/ balaraw
Beata (Ilog)
L Lupain (ng Lupa/laso
Krotona)

Gawain 2
CHARACTER PROFILE. Sa pagkakataon ito, nakiliti na ang inyong mga isip sa
pagbabalik gunita ng kuwento nina Florante at Laura, Aladin at Flerida at marami pang iba. Para
lalong maalaala ang mga detalye, hahatiin natin ang mga karakter na gagawan natin Character
Profile.
Mga dapat tandaan:
1. Ang klase ay hahatiin ayon sa unang titik ng kanilang apelido at ang karakter na
gagawan ng profile.
APELIDO KARAKTER
A-E Florante, Haring Linseo, Antenor, Flerida, Adolfo,
F-J Laura, Sultan Ai-adab, Menalipo, Duke Briseo, Konde Sileno
K-O Aladin, Princesa Floresca, Menandro, Haring Fernando, Reyna
Valeriana
P-T Don Perdro, Don Diego, Don Juan, Matandang leproso,
Ermitanyo
U-Z Prinsesa Juana, Prinsesa Leonora, Maria Blanca, Haring
Salermo, Ibong Adarna
1. Ang Character Profile ay maglalaman dapat ng mga sumusunod na detalye: pangalan,
lugar ng kapanganakan/lahi, katangian, kalakasan, kahinaan.
2. Ilagay ang gawa sa isang buong LONG SIZED bond paper. Lagyan ng angkop na palugit
at maging malikhain sa gagawing presentasyon.
3. Ipasa ang malinaw na kopya ng soft copy (screenshot o PDF file) sa google classroom.
MAHAHALAGANG KAISIPAN TUNGKOL SA IBONG ADARNA

Sino si Huseng Sisiw at Ibong Adarna?

Huseng Sisiw ang palayaw ni JOSE DE LA CRUZ sa dahilang sisiw ang kanyang
hinihinging bayad kapag may nagpapagawa ng tula o nagpapaturo sa kanya. Kinilala siyang Hari
ng mga Makata sa Katagalugan. Pinanganak siya sa Tondo noong Disyembre 21, 1746. Ilan sa
kanyang mga gawa ang ang tulang ―Awa sa Pag-ibig‖ at ―Sayang na Sayang‖, at ang ―Conde
Rodrigo de Villas‖ ang kinikilalang kanyang pinaka-obra maestra.
Dagdag pa, ayon sa mga nabasa natin tungkol sa buhay ni Huseng Sisiw, sinasabi na ang
koridong IBONG ADARNA ay pinaniniwalaang kinatha ni Jose de la Cruz subalit may iilan din
ang nagsasabi na ito ay maaaring saling-wika o adaptasyon at hindi orihinal na akda sapagkat
kinakitaan ito ng parehong banghay sa iba pang mga karatig bansa, halimbawa ang sumusunod
na mga akda:
A. Espanya: El Cuento del Pajaro Adarna
B. Armenya: Ang Makababalaghang Ruisenyor
C. Eskosya at Irlanda: Ang Haring Ingles at Tatlong Anak
D. Rusya, Litbiya, Estonya: Ang Ibong may Ginintuang Tinig
E. Portugal, Gresya at Bulgarya: Salaming Mahiko o Ibong Marilag

Maliban pa sa mga nabanggit, sinasabi na ang pangyayari sa korido ay nagbabanggit ng


mga lugar na hindi sa Pilipinas makikita, kagaya ng Bundok Tabor na kung saan nananahan ang
mahiwagang ibon. Ito ay kilala na Har Tavor o ―Mt. of Transfiguration‖. Ang Bundok Tabor ay
matatagpuan o makikita sa Silangang bahagi ng Jezreel Valley, 11 milya (17km) ng kanluran
(west) ng Sea of Galilee. 1,843 talampakan (575m) ang taas (high).
Anuman man ang nakabalot na hiwaga sa pag-akda ng koridong IBONG ADARNA, iisa
lamang ang namamayani dito, ang pagkilala sa kabuoang panulat bilang isang obra maestra.

Ano ang Korido?


Ang korido (sa Espanyol ay ‗corrido‘) ay isang anyo ng tulang Espanyol. Ito ay isang
tulang inaawit o sinasayawan sa saliw ng gitara katulad ng pandanggo (dela Costa). Gayunpaman
sa Mehiko, ito ay binalbal na salitang Mehikano na ―occurido‖, na ang ibig sabihin ay isang
pangyayaring naganap.
Katulad ng iba pang mga tula, kakaiba ang korido dahil sa sukat nito na walong pantig
bawat taludtod at ang pagbigkas ay nasa himig na mabilis o pamartsa. Ang kuwento nito ay
napapalamutian ng mga maharlikang tauhan at may mga kakaiba o supernatural na mga
pangyayaring lubhang hindi kapani-paniwala sa totoong buhay (pansinin na lamang ang Adarna
na isang ibong kayang umawit at magpalit ng kulay ng balahibo nang maka-pitong beses).
Maliban pa sa nabanggit, likas din sa mga korido ang impluwensiya ng Kristiyanismo. Partikular
sa koridong Ibong Adarna, ilang beses na narinig sa pangunahing tauhan ang pananalangin sa
Diyos at paghingi ng saklolo sa Inang Birheng si Maria gaya ng:

Virgeng Inang mariquit


Emperadora sa Langit,
Tulungan po yaring isip
Matutong macapagsulit.

Sa aua mo po‘t, talaga


Virgeng ualang macapara,
Acong hamak na oveja
Hulugan nang iyong gracia.

Sa kabuoan, ang koridong Ibong Adarna ay may 1,722 na saknong na binubuo ng limang
hati:
Unang Bahagi: Saknong 1 – 256
Ikalawang Bahagi: Saknong 257 – 492
Ikatlong Bahagi: Saknong 493 – 858
Ikaapat na Bahagi: Saknong 859 – 1298
Ikalimang Bahagi: Saknong 1299 – 1722

Kung mamapansin natin, ang orihinal na korido (ang kopya ay nasa google classroom) ay
pa-ladino ang pagkaksulat maliban pa sa saknungan at taludturan nitong porma. May kaunting
kahirapan ang pagbabasa nito lalo na sa ilang mga mambabasang indi pamilyar sa Espanyol.
Gayunpaman, marami na rin sa kasalukuyan ang nasa akdang tuluyan para lalo itong mas
maunawaan.

MGA MAHAHALAGANG NUMERO O BILANG NA BINANGGIT SA IBONG ADARNA


A. 7 Pitong Kulay ng Ibong Adarna at 7 Pitong Awit
Unang Awit: Perlas
Ikalawang Awit: Kiyas
Ikatlong Awit : Esmaltado
Ikaapat na Awit: Dyamante
Ikalimang Awit: Tinumbaga
Ikaanim na Awit: Kristal
Ikapitong Awit: Karbungko
B. 3 Prinsipe
Don Juan, Don Diego, Don Pedro
C. 3 Matanda/Ermitanyo
D. Matandang Leproso, Ermitanyo 1, Ermitanyo 2
E. 7 dayap na hinog
F. 7 ulo ng Serpyente
G. 3 bote ay ginamit pinansalok ng tubig sa Ilog Jordan
H. 3 taong naglakbay patungo sa Reyno delos Cristales si Don Juan
I. 5 buwang paghahanap at naglakad patungo sa Reyno de los Cristales
J. 7 bundok ang binagtas ni Don Juan
K. 7 dusa at 7 hirap ni Don Juan

BUOD NG IBONG ADARNA

Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan nila Haring
Fernando at Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Don Pedro, ang
panganay, Don Diego, ang pangalawa at Don Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng
nasabing kaharian.

Isang gabi'y nanaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may nagtapon daw
kay Don Juan sa isang malalim na balon. Nang magising ang hari, siya'y nagsimulang
magkasakit. Ipinayo ng mga manggagamot na ang tanging kanta lamang ng Ibong Adarna na
matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng hari.

Unang nagtangka si Don Pedro ngunit siya'y nabigo. Nang marating niya ang Piedras
Platas, ang punong tinitirhan ng Ibong Adarna, ay nahimbing siya sa awitin ng naturang ibon. Di
sinasadyang naiputan siya ng ibon at nanigas at naging bato. Sunod na nagtangka si Don Diego
ngunit sinapit din niya ang nangyari kay Don Pedro. Noon na tumulak sa paglalakbay si Don
Juan na siya na lamang tanging pag-asa ng Kahariang Berbanya, bago umalis si Don Juan ay
humingi muna siya ng basbas sa hari.

Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor. Nasalubong niya sa daan ang
isang Matandang Leproso na nagpayo sa kanya na mag-ingat sa nakakahalinang ganda ng
punong Piedras Platas. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay niya ang
kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan
siya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Iniwasan nga niya ang pagtigil
sa nasabing puno at natanaw niya ang isang bahay kung saan may matandang Ermitanyong
nakatira. Ito ang tumulong sa kanya upang makuha ang Ibong Adarna at mapabalik sa dati mula
sa pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego.

Kapwa tinahak ng tatlong prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng lalang sina Don
Pedro at Don Diego. Silang dalawa'y kapwa bumalik sa Kahariang Berbanya at iniwan si Don
Juan na nakalupasay sa gitna ng daan bunga ng tinamong bugbog. May naparaang isang
Matandang Ermitanyo. Samantalang sa Kahariang Berbanya ay hindi napaawit nina Don Pedro
at Don Diego ang Ibong Adarna. Siya namang pagdating ni Don Juan na noo'y nanumbalik na
ang dating lakas. Noon umawit ang Ibong Adarna at isinalaysay ang kataksilang ginawa nina
Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Nawala ang sakit ni Haring Fernando at iniutos na
parusahan and dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don Juan ay pinatawad ng hari ang
dalawa.

Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid ngunit


muling gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Pinakawalan nila ang ibon sa hawla
nito nang minsang mahimbing si Don Juan na noo'y siyang nakatoka sa kasi pagbabantay bunga
ng pagkakapuyat niya noong mga nakaraang gabi. Nang maratnan ni Don Juan na wala na ang
Ibong Adarna, naglayas siya sa kaharian upang hanapin ang ibon. Nalaman ni Haring Fernando
ang nangyari at iniutos kina Don Pedro at Don Diego na hanapin si Don Juan. Natagpuan nga ng
dalawa si Don Juan at sumumpa ang tatlo na sila'y maglalagalag na lamang sa kagubatan ng
Armenia.

Sa kanilang paglalagalag ay nakatuklas sila ng balon na kung saan sa ilalim nito ay may
kaharian. Tanging si Don Juan ang nakapasok sa kaharian sa balon samantalang matiyaga
namang naghintay sa taas sina Don Pedro at Don Diego. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si
Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don
Juan para sila ay mabigyan ng posisyon sa kaharian. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang
balak ng kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay.
Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi siya halos makagapang sa bugbog na tinanggap
mula sa dalawang kapatid.

Natagpuan ni Don Juan si Donya Juana na noo'y bihag ng isang higante. Nang mailigtas
si Donya Juana buhat sa kuko ng higante ay iniligtas naman ni Don Juan si Donya Leonora, ang
kapatid nito na bihag ng isang serpyenteng may pitong ulo. Nagawa ni Don Juan na matalo ang
serpyente at silang dalawa ni Donya Leonora ay naging magkasintahan.

Muling umakyat si Don Juan kasama na ang dalawang donya palabas ng balon. Ngunit
may naiwanang singsing si Donya Leonora na pinamana sa kanya ng kanyang mga magulang
kaya't kinailangan muli ni Don Juan na bumalik pababa. Nang siya'y malapit ng makaahon ay
gumawa na naman ng lalang sina Don Pedro at Don Diego na may sampung dipang lalim ang
balon. Kanilang pinutol ang lubid na siyang kinakapitan ni Don Juan. Bumagsak si Don Juan at
siya'y nagtamo ng matinding sugat samantalang sapilitan namang isinama ng dalawang prinsipe
and dalawang donya patungong Berbanya. Ikinasal sina Don Diego at Donya Juana ngunit
nanaghoy si Donya Leonora sa pagkakahiwalay nila ni Don Juan.
Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot kay Don Juan.
Tinulungan siya nitong makaahon sa balon. Noon muli niyang nakita ang Ibong Adarna na
nagpayo sa kanya na limutin na si Donya Leonora sapagkat makakakilala siya ng bagong
mamahalin sa Kahariang tinatawag na Reino Delos Cristales. Kapagkadaka'y nalimot nga niya si
Donya Leonora ngunit patuloy niyang hinanap ang berbanya niyang mahal. Tinulungan siya ng
tatlong ermitanyong nasalubong niya ang isa ay 100 taong gulang na at hindi siya ito natulungan
ngunit nagpayo na pumunta sa kanyang kapatid na 500 taon gulang na ngunit sa tanda niyang
iyon, hindi niya malaman kung saan ang Reyno Delos Cristales kaya't pinapunta niya ito sa
kanyang kapatid na 800 taong gulang na at siya'y pinasakay sa isang malaking agila patungong
Reino Delos Cristales at sinabi na sa kahariang iyon, may makikilala siyang dilag na laging
naliligo tuwing 4 ng madaling araw, kung kaya't kailangan niyang magmadali doon niya
makikita sa kaharian ang daan patungong Berbanya.

Nakikilala niya si Donya Maria Blanca, anak ni Haring Salermo. Hiningi ni Don Juan kay
Haring Salermo ang kamay ni Donya Maria Blanca na noo'y naging magkasintahan na subalit
kung magagawa nito ang mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari.

Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at ito'y pawang matagumpay sa


pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca. Subalit napag-alaman ni Donya Maria Blanca
na ibig ipakasal sa isang tiya sa Inglatera ng kanyang ama si Don Juan. Nagkaroon ng labu-labo
at nagtanan ang dalawang magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni
Don Juan si Donya Maria Blanca kapag may ibang babae ang unang tumingin sa mata ni Don
Juan.

Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kaya't si Don Juan ay itinakdang ipakasal
kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at sa araw ng kasalan ay dumating itong
bihis ang isang magandang kasuotan at sakay sa magarang karosa. Sa pamamagitan ng mahika ni
Donya Maria Blanca ay naalala ni Don Juan kung sino ang tunay niyang iniibig at hiniling na
niyang silang dalawa ni Maria Blanca ay ipakasal. Mariing tumutol si Donya Leonora at
nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at pagtatalo. Isinangguni sa arsobispo ng Berbanya ang
naturang usapin at iminungkahi nitong dapat pakasal si Don Juan kay Donya Leonora. Nagalit si
Donya Maria Blanca at pinabaha ang buong palasyo sa tulong ng kanyang mahika. Si Don Juan
na ang nagpasiya. Ibig niyang makasal sila ni Donya Maria Blanca at sina Donya Leonora at
Don Pedro naman. Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at
reyna ng Kahariang Berbanya sina Don Juan at Donya Maria Blanca. Tumutol ang huli sapagkat
babalik daw sila sa Kahariang Reyno Delos Crystales kaya't nauwi ang trono kina Don Pedro at
Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik nga sa Kahariang Reyno
Delos Cristales at silang dalawa ang namuno roon.
MAHAHALAGANG KAISIPAN TUNGKOL SA FLORANTE AT LAURA

Sino si Balagtas at ang Florante at Laura?


Kilala si Francisco Baltazar sa palayaw na ―Balagtas‖. Siya ang kinikilalang Ama ng
Balagtasan at Panulaang Tagalog. PInanganak siya sa Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas),
Bulacan noong Abril 2, 1788 at namatay noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74 dahil a sakit na
pulmonya at katandaan.
Maraming akda ang naisulat ni Kiko subalit 30 taon matapos ang kanyang pagkamatay ay
nasunog ang kanyang bahay kasama ng kanyang mga akda maliban sa Florante at Laura. Ilan sa
mga ito ay :
a. Mahomet at Constanza (1841)
b. Almanzor y Rosalina (1841) Orosman at Zafira (1860) (komedya na may apat na
bahagi)
c. Don Nuño at Zelinda (komedya na may tatlong bahagi)
d. La India Elegante y el Negrito Amante: sayneteng may isang yugto
e. Hatol Hari Kaya (kundiman)
f. Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (tula)
g. Paalam sa Iyo (awit) Rodolfo at Rosamunda (komedya)
h. Pagpupuri kay Isabel II, Reyna sa España (tula)
i. Auredato y Astrone (komedya)
j. Bayaseto at Dorlisca (komedya 1857)
k. Nudo Gordiano (komedya) Abdol y Miserena (1859) (komedya) Clara Belmori
(komedya)

Florante at Laura. Ito ang pamosong awit ni Francisco ―balagatas‖ Baltazar. Ang AWIT
ay isang tulang nagkukuwneto ng pakikipagsapalaran ng mga magigiting n atao, kalimitan ay
mga Maharlika ang pangunahing karakter. Ito ay may sukat na lalabindalawahing pantig sa
bawat taludtod at kung binibigkas ay sa melodiyang pag-awit. Marami sa mga iskolar ang
nagsabi na ang kanyang awit ay nagsasalamin din ng ilang mga pagkakataon ng kanyang
paghihirap lalo nan ang siya ay mabilanggo dahil sa kanyang karibal sa pag-ibig na si Maria
Asuncion Rivera. Ngunit sa kalaunan ay nagpakasal din matapos ang paglaya sa piitan kay Juana
Tiambeng.

Maliban sa pagiging makata ni Balagtas, masasabi tin na isa siyang tunay na bayani ng
bayan. Mas nauna pa sa mga bayaning sina Burgos, Rizal, at Bonfacio sa panunuligsa at
paghihimagsik laban sa malupit at masakim na kapangyarihan, kaya tinawag siyang ―precursor‖
ng mga huling bayani. Ito ay masasalamin sa kanyang akdang awit na pinamagatang Florante at
Laura.
Ayon sa kay Santos (na isinapanahong bersyon ni Almario, 2016), May apat na himagsik
ang makikita sa awit na Florante at Lauara, ito ay:
1. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan;
2. Himagsik laban sa hidwang pananampalataya;
3. Himagsik laban sa maling kaugalian; at
4. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.

Tungkol sa Unang Himagsik


Inilarawan ni Balagtas ang iba‘t ibang kalupitan at masasamang pamamalakad ng
pamahalaang Español sa kanyang awit, subalit para hindi makasagabal sa paghihigpit ng sensura,
ito ay pinangyari niya sa ―kaharian ng Albanya‖ sa halip na Filipinas. Ginamit din niya ag mga
pangalang Kristiyanong Español at ang mga Moro ay may pangalang Arabe na mula sa mga
nobela at kuwentong Español.
Pansin na sa pagsisimula pa lamang ng awit ay inilarawan na ang sakdal-sungit na
panahon, mistulang gubat na madilim, mahayop na mabangis at walang kasinsukal na lupaing
kinaroroonan ng tinawag niyang ―kaharian ng Albanya‖.
Ang pagkakagapos ni Florante sa ―puno ng higera‖ ay paglalarawan sa pamunuang bayan
na ubod ng sungit at bangis. Si Florante ang salimpalad na bayang Filipino at ang higera naman
ang pamahalaang Español.Pansin din na ang panaghoy ni Florante at pagsusumbong sa
Maykapal at paghingi sa Langit na maghiganti laban sa nagwawagayway ng ―bandila ng lalong
kasama-an‖ (Español).
Bahagi din ng panunuligsa ang pagkakaroon ng mga karakter na gay ani Konde Adolfo
bilang larawan ng katauhan na may diwang pagkamangangagaw ng kapangyarihan sa
pamahalaan at pagkasakim sa kayamanan at karagalan, at ang diwang pagtataksil sa kanila ring
kalahi at kasamahan sa pamamagitan ng pagbabalatkayo. Ito ay masasalamin sa winika ni
Antenor na, ―kaiingat kung ang isasalubong sa iyo ay masayang mukha at pakitang giliw, pagkat
sila‘y kaaway na lihim.‖, hanggang sa mga linyang‖ lihim na pita sa yaman, kapangyarihan at
dangal.‖
At sa pagwawaks ng awit, hindi pinahintulutan ni Balagtas si Konde Adolfo na manalo,
sa halip ginupo siya ng pana ng isang babaeng Mora –si Flerida, kagaya ng pagkakaligtas kay
Florante sa gubat ng isang Morong nagngangalag Aladin.

Tungkol sa Pangalawang Himagsik


Noon ang pamahalaan at ang simbahan ay iisa lamang kaya naman walang lubos na
kalayaan ang mga tao sa pagsamba. Inaasahan noon na ang tanging relihiyon ng sambayanan ay
Iglesya Katolika Apostolika Romana, na siyang kinikilala ng pamahalaang ―religion official del
estado.‖
Kaya naman, sa pagliligtas ng mga Moro sa mga pangunahin karakter ng awit ay isang
mapangahas na pagtuligsa sa mababang pagtingin sa mga Moro noong panahon ng ating
makatang si Balagtas. Sabi pa ng isang paring propesor, ―el moro Bueno es el muerto‖—ang
mabuting Moro ay ang patay.
Sinalungat ni Balagtas ang paniniwalang ang Moro ay di nakakakilala ng Diyos; na ang
Moro‘y di-marunong ng gawang kabanalan; na nga Moro‘y walang kaluluwa‘t sumasamba
lamang sa mga hayop; na walang batas ng kagaandahang-asal; na laging taksil sa pakikisama, at
ubod ng palamara sa mga kaaway.
Sina Haring Linceo, Prinsesa Laura, Duke Briseo, Florante at Konde Adolfo ay pawang
mga Kristiyano; datapwa‘t sila-sila na rin ang nagtaksilan. Inagaw ni Adolfo ang korona ng
Haring Linceo, pinatay si Duke Briseo. Binalak at tinangkang patayin si Florante at binalak na
sirain ang puri ni Laura. Magkakamag-anak, magkababayan at mga Kristiyano na kaaway ng ang
Moro, ngunit sa huli Morong Persyano pa rin ang tumulong sa kanila na , parehing kay Florante
na sinaklolohan ni Prinsipe Aladin sa gubat at Laura naman ay iniligtas ni Flerida sa kamay ni
Adolfo.

Tungkol sa Pangatlong Himagsik


Ang mga kamalian at kasalanang totoong namalasak at nagkaugat nang malalim, sa di
mabuting mga kaugalian ng ating lahi na inabot at napagpakuan ng pagmasid na mga mata ni
Balagtas, ay ang masagwang papapalayaw sa anak, ang pagkamapaniwalain, mapagbalatkayo at
pagkamainggitin, ang pagkamapanghamak at mapaghiganti sa kaaway, ang pangangagaw sa pag-
ibig ng ibaat iba pang masamang pinagkaugalian sa lipunan. Inari ni Balagtas na malaking
kasiraampuri ng lahi ang paglaganap at pananatili ng mga di-magandang kaasalang ito.
Halimbawa nito ay:
―Di dapat palakhin ang mga bata sa saya,
At sa katuwaa‘y kapag namihasa,
Kung lumaki‘y wmalang hihinting ginhawa.‖

Pansin din ang mga taludtod para sa kaibigang taksil at mapagbalatkayo, ito ang pangaral
ni Antenor, guro ni Florante:
―Huwag malilingat at pag-ingatan mo
Ang higanting handa ng Konde Adolfo;
Tapat ang puso mo‘t di nagunamgunam
Na ang paglililo‘y nasa kagandahan.‖

Tungkol sa Pang-apat na Himagsikan


Ang agwat ng pagtula at pananagalog ni Balagtas sa kalakatan ng mga manula at
mananagalog nang mga panahong iyon ay tunay na anpakalaki at napakahirap matulusan sa mga
hanggahan at saklaw. Lumitaw siya at nagagitna nang kasalukuyang ang panitikang Tagalog ay
sakbibing lubos na lubos na pananampalataya.
Sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa panitikang Tagalog, natutuhan nilang
nangangailangang magtaglay ng apat na sangkap: tugma, sukat, talinhaga at kasiningan. Ang
unang dalawang sangkap ay sapilitan at pangunahing kailangan, at ang dalawang huli‘y mga
panghiyas lamang; bagaman kapuwa nagagamit maging sa tula at maging sa tuluyan. Subalit
kapag wala ang dalawang huling sangkap ang tula ay magiging pangkaraniwan lamang. At ang
mga tula ni Balagtas ay nagtataglay ng apat na mga sangkap na ito.

ANG BUOD NG FLORANTE AT LAURA

Kay Celia
Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si
Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog
Beata at Hilom. Ngunt ngayo‘y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka
naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang
makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R. (Maria Asuncion
Rivera)

Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay
parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata
na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may
bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng
pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita
sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

Sa Mapanglaw na Gubat
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng
sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito,
tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali
ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong
buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.

Taksil na Bayan
Taksil na Kasintahan. Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang
kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan.
Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni
Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.

Halina, Aking Laura


Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pagaalaala sa kanya.
Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya‘t nasabi niyang
pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura.
Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya‘y mapayukayok.

Sawing Kapalaran
Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan
ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya‘t nakahanda
siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung
naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng
buhay na walang hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang
baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.

Mga Hinaing ng Lalaking


Nakagapos Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya
sa buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa
namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni
Laura ng luha at ng bandanang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan,
munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata
pinipilit siyang aliwin ni Laura.

Duke Briseo—Mapagkandiling Ama


Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga
ng lalaking nakagapos. Moo‘y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay
ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang
nakapangahas na ito‘y ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng
kaisaisang anak ang nasa isip ng ama.

Huling Paalam ni Florante


Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay
masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang
naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya,
maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng
kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama‘y nagaaway nang dahil sa pag-ibig. Naalaala rin ng
gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal
sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang
pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya‘t di siya nakatikim ng pagmamahal ng
magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay
patuloy pa ring mamahalin si Laura.

Sa Kuko ng mga Leon


Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga
ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam
ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi
ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang
kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura. Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na
daing. Kaya‘t hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputolputol ng gerero ang mga
dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon
ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon
hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.

Ang moro at ang Kristiyano


Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang
mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero
na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya,
nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga
Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa
laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero. Walang kibuan ang dalawa
hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at malinis
na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan.
Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang
magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang
dahilan ng paghihirap ng loob nito.

Ang Laki sa Layaw


Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya‘y si Florante, nag-iisang anak ni Duke
Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip.
Ang kanyang ama‘y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno
sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo. May ilang
mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa‘y muntik na siyang madagit
ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang
biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya‘y
siyam na taon na, pinalilipas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa‘y natuto na
siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan. Lumaki
sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat
sa mundong ito‘y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at
di makatatagal sa hirap. Alam ito ni Duke Briseo. Kaya‘t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit
man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.

Balatkayo sa Atenas
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang
naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na
nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na
taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at
matematikaA

Mag-ingat Ka, Florante


Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una
sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan
nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng
kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.

Pagsubok sa Dulo ng Espada


Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw,
tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina.
Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan
ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral. Di nagtagal nakarating sa Albanya ang
magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa
pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng
Krotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya.
Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita‘y
kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang
mga balita at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang magama. Doon
masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito‘y hirangin ng hari na heneral ng
hukbo.

Pag-ibig, Panghawi ng Ulap


Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni Venus sa
kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni
Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging
marapat sa dalaga.

Tagumpay sa binyag ng Dugo


Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng
pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos
mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang
kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang
magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik.
Ipinagbunyi ng taongbayan si Florante lalo nang malamang ito‘y apo ng hari ng Krotona. Ngunit
nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang
kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa
mundo. Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante
upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang
kinutuban si Florante. Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang
bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon
natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at
ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang
dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito‘y sinampal pa. noon binigkas ni
Laura ang ―sintang Florante.‖ Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang
bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil
sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling
nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.

Nasilo sa Patibong
Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin.
Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang
sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya. Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang
kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo
kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di‘y
ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si
Duke Briseo. Si Laura nama‘y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si
Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.

Lason sa Pag-ibig
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa
Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante,
mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang
buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida.
Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng
sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad
siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagama‘t nakaligtas sa kamatayan, higit pang
ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.

Kamatayan o Pag-ibig
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa
isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa
sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa
sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo
nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-
gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang
kausap. Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di
masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.

Itinali ang mga Buhol


Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin
ng hari ang taong-bayan kaya‘t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni
Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si
Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit
humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-
palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si
Laura nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante.
Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang
pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.

Masayang Wakas
Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo.
Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari
na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na
maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya
sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga
mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura.
Nagwakas ang awit sa hiling ng makata sa kanyang Musa na dalhin kay Celia ang
kanyang ―Ay!..Ay!‖
Gawain 3
Matapos pag-aralan ang dalawang obra maestra na nag-iwan ng malalim na
pagkakilanlan ng ating panitikan. Pagkakataon mo na ngayon na hikayatin ang ibang kabataan na
magbasa rin ng IBONG ADARNA at FLORANTE at LAURA. Gumawa ng isang STORY MAP
gamit ang angkop na graphic organizer.
MGA DAPAT TANDAAN:
1. Pumili ng makakasama, TRIAD ang ating pangkatan.
2. Gumawa ng isang paunang paliwanang kung ano ang awit at korido na nakatuon sa
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
3. Gawan ng Story Map ang dalawang akda.
4. Gumamit ng pinaka-angkop na grahic organizer.
5. Isulat ang sagot sa LONG SIZED bondpaper, maaaring computer encoded o hand
written.
6. Isang katao lamang sa tatlo ang magpapassa ng gawa sa google classroom.

Natalos na natin ang kaibahan at pagkakatulad ng awit at korido, pati na ng Ibong Adarna
at Florante at Laura. Sa pagkakataong ito, gamay na na ninyo ang mga mahahalagang kaisipang
sakop nito. Kaya naman maaari na kayong makagawa ng isang kagamitang pampagtuturo na
magiging sandata mo para maunawaan nang lubos ng iyong (sa mga susunod na taon) estudyante
ang inyong aralin.
Gabay sa pagagawa ng kagamitang pampagtuturo:
1. Maghanap ng kapareha. (Isa lamang sa inyo ang magpapasa ng gawa.)
2. Pumili kung ang akdang pokus ay Ibong Adarna o Florante at Laura.
3. Pumili ng topiko na gagawan ng kagamitang pampagtuturo:
a. mga mahahalagang salitang dapat tandaan (talsalitaan);
b. mga karakter at ang kanilang mga katangian;
c. buod ng kuwento/mahahalagang pangyayari; o
d. pagkakaiba at pagkakatulad ng awit at korido
4. Sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo, maging malikhain. Maaaring gumawa ng
adaptasyon o orihinal na mga larong pang-akademiko o anumang gawaing hihimok
sainteraksyon at kooperasyon ng iyong klase.
5. Ang malaking tipak ng grado ay nakasalalay sa linaw ng panuto at maayos na gawaing
inihanda.
6. Hinihimok na maging masinop at praktikal sa gagawin. Maaaring gumamit ng recycled
na materyal.
Ilahad sa pamamagitan ng isang HUGOT LINE sa iyong mga natutuhan sa modyul na
ito. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.

SANGGUNIAN

SANTOS, L. (2016) ANG APAT NA HIMAGSIK NI FRANCISCO BALAGTAS


(Isinapanahong bersyon ni Virgilio S. Almario). Manila: KWF.

TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR. Kinuha sa


https://istoryangfilipino.blogspot.com/2014/01/talambuhay-ni-francisco-balagtas.html

Quodala, S. Did you know: Poet Jose de la Cruz. Philippine Daily Inquirer Online
December 20, 2012. Kinuha sa https://newsinfo.inquirer.net/327601/did-you-know-poet-
jose-de-la-cruz#ixzz6Wl6MQwGL

You might also like