You are on page 1of 2

Ang Ibong Adarna

Kilala ang Ibong Adarna bilang isang kwento na pinag pasa-pasa ng mga henerasyon
mula noon hanggang ngayon na pinag aaralan ng mga kabataan at ng sinuman. Mula
sa "Ibong Adarna" makikita natin ang ganda ng ating wikang Filipino. At ang korido
ay maaari ring nating ibahagi ang mga iilang tradisyon ng mga Pilipino, lalo na sa
panahon ng mga Espanyol. At ang mga iilan sa tradisyong ito ay bihira na lamang
makita ngayon, pero mahalaga pa rin ito dahil dito natin makikita ang mayamang
kultura at kasaysayan ng mga Pilipino. Ang kwentong ito ay magbabahagi din ng
maraming mga aralin. At Ito rin ay isang kwento ng pag-ibig at paglalakbay na puno
ng iba`t ibang aralin tungkol sa buhay. Ang pagbabasa ng Ibong Adarna ay mahalaga
para sa mag-aaral dahil marami ditong importanteng aral ng buhay ang maaari
mong matututunan. At ang mga aral na nakapaloob dito ay makakatulong sa kanila
habang sila’y tumatanda at nakakasalubong ng mga iba’t ibang karanasan.

Ang kuwentong ito ay naka base sa epiko na patungkol sa isang mahiwagang ibon
nagtataglay ng angking kagandandahan at mahika. Ang epikong ito ay isang
tulasinta. Ito ay mayroong 1722 saknong at nahahati sa limang parte. Ang ibong
adarna ay isang koridong tagalog ngunit hindi kilala ang may akda. Ngunit may mga
nagsasabi na ito daw ay gawa ni Huseng sisiw o Jose de la Cruz. Ito ay isinulat sa
panahon ng mga Espanyol. Kung ating titingnan mapapansin natin na ang ibong
adarna ay nakabase sa mga paniniwala, kultura at pamumuhay ng mga Pilipino. Ang
mga Pilipino ay mahilig maniwala sa mga kapangyarihan mula sa mga di nakikita .
Ngunit ito ay hango sa kuwentong bayan ng iba’t-ibang bansa tulad ng mga bansang
Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia at iba pa.

Mga tauhan ng Ibong Adarna at ang mga katangian nito:

Ibong Adarna - Isang uri ng ibon na umaawit ng pitong beses; nakakapagpagaling sa


pamamagitan ng kaniyang pag-awit; nagiging bato ang sinumang mapatakan ng
kanyang dumi.

Haring Fernando - Namumuno sa Berbanya; makatuwiran at makatarungan na hari.


Reyna Valeriana - Butihing asawa ni Don Fernando; ina ng tatlong prinsipe ng
Berbanya na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.
Don Pedro - Panganay na anak ng hari at reyna ng Berbanya; magiting at matalinong
mandirigma ngunit may lihim na inggit kay Don Juan.

Don Diego - Pangalawang anak ng hari at reyna ng Berbanya; sunud-sunuran sa


kapatid na si Don Pedro.

Don Juan - Bunsong anak ng hari at reyna ng Berbanya; pinakanatatanging prinsipe;


nakatuluyan ni Prinsesa Maria Blanca.

Matandang Leproso - Matandang mahigpit na nagbilin kay Don Juan na dumaan


muna sa ermitanyo bago hulihin ang Ibong Adarna.

Ermitanyo - Matandang nagpayo kay Don Juan ng mga dapat niyang gawin upang
mahuli ang engkantadong Ibong Adarna.

Prinsesa Juana - Kapatid ni Prinsesa Leonora; prinsesang iniligtas ni Don Juan mula
sa higante.

Prinsesa Leonora - Bunsong kapatid ni Prinsesa Juana; iniligtas ni Don Juan sa


serpyenteng may pitong ulo.

Haring Salermo - Hari sa Reyno Delos Cristales; ama nina Prinsesa Isabel, Juana, at
Maria Blanca.

Prinsesa Maria Blanca - Naging Reyna sa kaharian ng Reyno Delos Cristales;


nakatuluyan si Don Juan.

Marami pang henerasyon ang naghihintay para malaman nila kung ano ang ibong
adarna. Malalaman nila na ang Ibong Adarna ay hindi lamang isang kwento, kundi
isang gabay, Ito ang ating magiging gabay sa buhay, ito ang magtuturo sa atin na
mamuhay ng tama sa pamamagitan ng mga aral na mapupulot natin sa kwento.

You might also like