You are on page 1of 2

TAKDANG ARALIN SA FILIPINO

1. Itala ang kaligirang pangkasaysayan ng akdang “Ibong Adarna”


Ang Ibong Adarna ay bahagi ng panitikan at ang genre nito ay epikong tula. Ito ay isang
uri ng korido na binibigkas sa pakantang pamamaraan. Ang korido ay tulang
pasalaysay na ang bawat taludtod ay may sukat at tugma. Akda ito na umiikot
sa pananampalataya, alamat at kababalaghan.
Ang sukat nito ay aapating taludtod bawat saknong at wawaluhing pantig bawat
taludtod. Isahan ang tugma nito. Ito ay isang uri ng tulasinta (metrical romance).
Binubuo ito ng 1,034 saknong.
Naisulat at naitala sa kasaysayan ng panitikang Pilipno ang Ibong Adarna noong
ikalabing-anim naraan siglo na ang nakalilipas.
Mula noon at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring katiyakan kung sino ang totoo
na sumulat ng nasabing epiko.
Mayroon nagsasabi na ito ay sinulat ni Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) at may ibang ulat
naman na ito raw ay epiko ng mga Kastila na dinala ni Manuel Lopez de Legazpi noong
siya ay pumunta ng Pilipinas.
2. Saliksikin ang pagkakaiba ng panitikan ng Ibong Adarna sa akdang
“Florante at Laura”
Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng awit. Ang awit ay isang patula na
nagsasaad ng kabayanihan at at nagsasalaysay sa pakikipag-ibigan at
pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan ay walang sangkap na kababalaghan.
Samantala, ang Ibong Adarna naman ay halimbawa ng korido. Ang korido ay isang
tulang panrelihiyon na nagsasalaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng
isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan.
Ang pagbigkas ng awit ay mabagal habang ang pagbigkas ng korido ay mabilis.
3. Itala ang mga karakter o tauhan nito at katangiang deskripsyon nito
Ang pamagat na Ibong Adarna ay mula sa sa mahabang patnugot na, “Korido at Buhay
na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid, na Anak ng Haring Fernando at
ng Reyna Valeriana sa Kahariang Albania”.

Ang mga tauhan sa Ibong Adarna:

 Don Fernanndo – Siya ang hari ng Berbanya na ama ni Don Pedro, Don Diego at
Don Juan.
 Donya Valeriana – Asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong prinsipe.
 Don Pedro- Pinakamatanda sa tatlong prinsipe na kilala sa pagiging tuso at
mapaglinlang.
 Don Diego – Pangalawa sa tatlong magkakapatid na prinsipe na sunod-sunuran
kay Don Pedro.
 Don Juan – Ang bunso sa tatlo, na may pinakabusilak na puso.
 Donya Juana – Isang magandang prinsesa mula sa kaharian ng Armenya.
 Leonora – Kapatid ni Donya Juana.
 Donya Maria- prinsesa ng Reyno De Los Cristales.

You might also like