You are on page 1of 15

Ano nga ba ito?

Ito ay mga salitang tulad ng


panghalip na nagkakawing sa
mga salita, parirala at sugnay.
Nakakabagot na mabasa at
marinig ang mga salitang pa-
ulit – ulit na ginagamit sa
isang teksto o pahayag.
Maiiwasan ang pagbanggit
na pag – uulit kung gagamit
ng panghalip tulad ng siya,
kanila,ditto, ito at iba pa.
Anapora
Ito ay panghalip na
ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan ng
pangungusap
Halimbawa:

Patuloy na dinarayo ng
mga turista ang Boracay
dahil nagagandahan sila
dito.
Si Gracia Burnham ay
isa sa mga dayuhang
turista na pumunta sa
Dos Palmas Resort dahil
paborito niya ito.
Makikita sa mga halimbawa
ang pangngalang may
salungguhit na nasa unahan
ng pangungusap ay pinalitan
ng kaugnay na panghalip na
makikita sa bandang hulihan
ng nasabing pangungusap.
Katapora
Ito ang panghalip na gina-
gamit sa unahan ng pangu-
ngusap bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa
hulihan.
Halimbawa
Patuloy nilang dinarayo
ang Boracay dahil ang mga
turista ay totoong
nagagandahan dito.
Isa siya sa mga dayuhang
turista na patuloy na
pumupunta sa Dos Palmas
Resort dahil ayon kay
Gracia Burnham paborito
niya itong pasyalan.
Sa mga halimbawa makikita
naman ang pangngalang
nakasalungguhit sa bandang
hulihan ng pangungusap na
pinalitan ng panghalip na
matatagpuan naman sa unahan
ng nasabi ring pangungusap.
Pagsasanay:
Panuto: Isulat ang A kung
anapora at K kung katapora ang
tinutukoy na ayos ng panghalip
sa pangungusap. Salungguhitan
ang pangngalang pinalitan at
ang panghalip na ipinalit.
1. Kilala ang Luneta sa
buong mundo sapagkat
dito namatay si Dr.
Rizal.
2. Isa siyang ekonomista
kaya alam ni Gng.
Arroyo kung paano
patatakbuhin ang bansa.
3. Ang droga ay sanhi
ng maraming krimen sa
bansa kaya patuloy
itong sinusugpo ng
pamahalaan.

You might also like