You are on page 1of 23

Grade 10

Activity Sheets
Quarter 2 Week 7
Pangalan:
Baitang/Pangkat:
Petsa: _______________ Total Score: 0
Performance Score:___
0

Epekto ng Migrasyon
Kasanayang Pagkatuto: Nasusuri ang epekto ng migrasyon dulot ng
Globalisasyon

Alamin Natin

Ang Globalisasyon ay may direktang ugnayan sa migrasyon dahil


sa pandarayuhang ginagawa ng mga tao, nagaganap ang
pagbabagong panlipunan, kultural, ekonomiko, maging
teknolohikal sa bagong lokasyong kanyang pinupuntahan.

Brain drain ang isa sa mga pinakamasakit na


epekto ng pandarayuhan, ang mga dalubhasa at mahuhusay na
manggagawa ay nagpupunta sa ibang lugar upang doon ay
magtrabaho na kung saan ang naiiwang pamayanan ay
nagkukulang ng mga propesyunal. Sa pagtagal ng panahon,
hindi lang mga propesyunal ang nangingibang bayan, sumunod
na rin ang mga skilled workers kaya malaking hanay sa paggawa
ang nawala na nagdudulot ng pagkapilay ng ekonomiya.

Pinahihina rin ng pandarayuhan ang kultura ng


pamayanang iniwanan (cultural degeneration) at maging ng
nililipatan, nagdudulot ito ng:

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

1
1. Paghahalo ng iba’t ibang kultura
2. Paghahalo ng mga lahi
3. Pag-unlad at pagpapayaman ng kultura
4. Pagsabay nito sa makabagong hamon ng panahon

Sa pagpasok ng dekada 70, unti-unting nagbago


ang anyo ng migrasyon, dahil sa dating karamihan ay
kalalakihan ang nangingibang-bayan upang magtrabaho , naging
kapansin-pansin ang paglaki ng bilang ng mga kababaihang
nagpunta sa ibang bansa upang maghanap-buhay (peminisasyon
ng migrasyon).

Napakaraming epekto ng globalisasyon sa


migrasyon, gaya ng demograpikal, politikal, ekonomiko, kultural,
pangkalikasan at teknolohikal ay iilan lamang. Dahil sa
globalisasyon kasabay ng migrasyon, milyun-milyong tao ang
napadpad sa iba’t ibang panig ng mundo na nagdudulot ng hindi
mapigilang pagtaas ng populasyon, nabawasan ang lugar na
pinanggalingan subalit lumipat lamang ito at tumaas naman sa
lugar na pinuntahan.

Dahil na rin sa mabilis na pagdami ng tao at ang


labis na pagtaas ng demand ng mga pangangailangan ng mga
tao, naging hamon ang panustos at hindi na naisa-alang-alang
ang kalagayan ng kalikasan. Nalapastangan ang kalikasan dahil
sa hindi tamang pag gamit kung kaya nagdulot ito ng mga
sakuna at mga hamon gaya ng climate change.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

2
Ayon sa UNIOM, iba’t ibang uri ng paglabag sa
karapatang pantao ang nagiging epekto ng migrasyon, hindi
nabibigyan ng pantay na pagtingin sa lipunan at higit sa lahat ay
hindi nabibigyan ng pantay na proteksiyon ang mga taong
nandarayuhan. Ito ay dahil sa ang mga bansang kanilang
pinupuntahan ay mayroon lamang polisiya para sa kanilang
mamamayan.

Sa nakalipas na dekada, ekonomiya ang


pangunahing dahilan ng pandarayuhan, subalit nagbago ito sa
pagpasok ng bagong dantaon. Ang teknolohiya na ang naging
pang-akit sa mga tao upang mangibang bayan. Naging mas
mabilis, mura, ligtas at makabago na ang paglalakbay. Pinabilis
ng mga online services ang kalakalan, palitan ng karunungan,
komunikasyon at kabuhayan.

Gawain 1.

Panuto: Basahing at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang


pinakatamang sagot, titik lamang ang isulat.

1. Tukuyin ang hindi mabuting epekto ng migrasyon.


a. Nilulutas ang kawalan ng trabaho c. Hindi pantay
ang population distribution
b. Itinataas ang antas ng pamumuhay d.
Pinagyayaman ang katayuang panlipunan

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

3
2. Bakit higit na tumataas ang bilang ng mga kababaihang
nangingibang bayan?
a. Mas magaling magtrabaho ang mga kababaihan
b. Mas maraming alam na gawain ang mga kababaihan
c. Mas malinaw ang disposisyon at layunin ng mga
kababaihan sa pangingibang bayan
d. Lahat ng nabanggit

3. Ang mga iligal na nangingibang bayan ay nagbabasakali na


makapagtrabaho kahit na ito ay pinagbabawal sa bansang
kanilang pupuntahan, alin sa mga sumusunod ang hindi
nila nararanasan sa trabaho?
a. Nakakaranas ng pisikal na pang-aabuso
b. Nakukuha ang trabaho ayon sa kursong natapos
c. Hindi nila natatanggap ang suweldong dapat nilang
matanggap
d. Nakakatanggap sila ng social security services mula sa
bansang pinuntahan

4. Ang lahat ay hindi mabuting epekto ng migrasyon maliban


sa isa:
a. Binabago nito ang nakagawiang katangian ng pamilya
b. Pinababa ang population density at bilang ng mga
ipinapanganak
c. Nahihirapan makapamuhay sa lungsod dahil hindi sanay
sa kalidad ng pamumuhay dito

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

4
d. Pinaliit ang bilang ng mga tao sa kanayunan na
nagdudulot ng pagbagal ng pag-unlad.

5. Bakit kailangang pangalagaan ang karapatan ng mga


migrante na naninirahan sa ibang bansa.
a. Lahat ng tao ay may karapatan
b. Maaaring bumaba ang kalidad ng produksiyon o
serbisyo kung hindi mapangangalagaan ng tama ang mga
migrante
c. Ang mga migrante ay hindi lang nakakatulong sa
bansang pinanggalingan, gayundin sa bansang
pinagtatrabahuan
d. Lahat ng nabanggit

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang tanong at pumili ng gawaing iyong naiibigan

sa ibaba at ilahad ang sagot sa pamamagitan ng Pagpili ng isa sa


tatlong pamamaraan ng paglalahad. Gawing gabay ang rubric sa
ibaba.

Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang


migrasyon sa globalisasyon?

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

5
Mga pamamaraan na pagpipilian
1.Tula
2.Sumulat ng sanaysay
3.

Poster slogan

RUBRIK/ PAMANTAYAN:

PAMANTAY LUBOS NA MAHUSAY- HINDI KAILAN


AN MAHUSAY HUSAY GAANON GAN NG
(15) (13) G PAGSAS
MAHUSA ANAY
Y (10) (7)
WASTO Makatotoha Hindi May mga Hindi
ANG nan ang gaanong bahagi na kapanip
DATOS mga makatotoh hindi aniwala
pahayag. anan ang makatoto ang mga
mga hanan sa pahayag
pahayag. mga .
pahayag.
MAKABUL Makabuluh Makabuluh Hindi Hindi
UHAN an ang mga an ang gaanong makabul
mensahe. karamihan makabul uhan
sa ohan ang ang mga
mensahe.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

6
mga mensah
mensahe. e.
MALINAW Lubhang Malinaw at Hindi Malabo
malinaw at nauunawaa gaanong at hindi
nauunawaa n ang malinaw maunaw
n ang pagkakalah at aan ang
pagkakalah ad ng nauunaw pagkaka
ad ng gawain. aan. lahad ng
Gawain. Gawain.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

7
Gawain 3: Weighing Scale Map

Panuto: Gamit ang weighing scale map, timbangin ang Mabuti at


hindi nabuting epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

Mabuting epekto ng Hindi mabuting epekto ng


migrasyon dulot ng migrasyon dulot ng
Globalisasyon Globalisasyon

https://www. Vhv.rs/viewpic/hTxxxhhh_justice -weighing scale-


law-clip-art-weighing/

Tanong: Sa pagsagot gamiting gabay ang Rubric sa ibaba.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

1
1. Batay sa iyong pagtitimbang, alin ang mas higit na epekto
ng migrasyon? Ipaliwanag

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

2
Gamit ang natutuhang kaalaman mula sa pag-unawa sa aralin,
gumawa ng sanaysay o tula tungkol sa sanhi o dahilan ng
migrasyon. Gamiting gabay ang Rubric sa ibaba.

RUBRIK/ PAMANTAYAN:

PAMANT LUBOS MAHUSAY- HINDI KAILANGA


AYAN NA HUSAY GAANONG N NG
MAHUSA (4) MAHUSAY PAGSASAN
Y (3) AY
( 5) (2)
WASTO Makatoto Hindi May mga Hindi
ANG hanan gaanong bahagi na kapanipani
DATOS ang mga makatotoha hindi wala ang
pahayag. nan ang makatotoha mga
mga nan sa mga pahayag.
pahayag. pahayag.
MAKABU Makabul Makabuluh Hindi Hindi
LUHAN uhan ang an ang gaanong makabuluh
mga karamihan makabuloh an ang mga
mensahe. sa an ang mga mensahe.
mensahe. mensahe.
MALINA Lubhang Malinaw at Hindi Malabo at
W malinaw nauunawaa gaanong hindi
at n ang malinaw at maunawaan
nauunaw pagkakalah ang

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

3
aan ang ad ng nauunawaa pagkakalah
pagkakal gawain. n. ad ng
ahad ng Gawain.
Gawain.

SANAYSAY

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

4
Pagnilayan Natin
Sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga
manggagawa ay ninanais pa rin ng mga ito na magtrabaho sa
ibang bansa. Ikaw susuong ka rin ba? O mananatili sa iyong
bayang sinilangan?

Tandan Natin

Nakabubuti ang globalisayon sa migrasyon dahil


napapabuti nito ang iba’t ibang suliranin sa ekonomiya,
kabuhayan ng tao at pinauunlad nito ang magandang ugnayan
sa mga tao sa buong mundo. Ngunit, sa kabilang banda, may
mga kaakibat din itong mga suliranin.

Sanggunian :

Department of Education (2016) Learners Manual sa Araling


Panlipunan 10 Mga
Kontemporaryong Isyu.

Antonio, Eleonor D., et. al (2017). Kayamanan Mga


Kontemporaryong Isyu Batayan at Sanayang
Aklat sa Araling Panlipunan. Rex Bookstore

ShielaMay T.Bravo Darwin L.Suan


Manunulat Tagalapat
Digos City NHS Digos City NHS

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

5
Pangalan:
Baitang/Pangkat:
Petsa: ________ Total Score:

Saloobin tungkol sa epekto ng Globalisasyon


Kasanayang Pagkatuto: Naipapahayag ang saloobin tungkol sa
epekto ng Globalisasyon
________________________________________________________________________-

Alamin Natin
Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao ay ang
Globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng
telebisyon at maging sa hapag-kainan ay mababanaag ito.

Ang Globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o


paggalaw ng tao , bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon
na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang


pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pampolitika,
pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pangkultural. Bagama’t
napakalaki at napakalawak ng daigdig, nagiging mabilis ang pag-uugnay ng
iba’t ibang tao sa iba’t ibang dako nito dahil sa globalisasyon. Dahil sa
globalisasyon, madaling nakapupunta sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang
mga tao, ideya, kaalaman at mga produkto.

Gawain 1: Mga Epekto….Saloobin Mo!

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

7
Panuto: Ibigay ang mga saloobin o nadarama sa mga epekto ng
Globalisasyon na matutunghayan sa ibaba. Gawing gabay ang rubrik sa
ibaba.

Mga Epekto ng Globalisasyon Mga Saloobin


Pagbilis ng pagbibigay tugon ng iba’t
ibang bansa sa mga nasalanta ng
kalamidad
Pagtaas ng antas ng kahirapan sa ating
bansa dahil sa mataas na antas ng
kawalan ng trabaho at mataas na antas
ng kompetisyon sa trabaho
Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham
na natutuklas ng gamot sa pagsugpo ng
iba’t ibang sakit at mga pandemya
Sinisikap na mapabuti ng mga lokal na
kompanya ang presyo at kalidad ng
serbisyo at produkto upang maging
kompetitibo laban sa mga banyagang
kompanya o mga multinasyonal

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

8
Gawain 2: Suri- Artikulo

Panuto: Basahin at pagnilayan ang teksto sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang


mga tanong. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba.

Pinay na Ginahasa sa Saudi, Pumanaw Na!

Isang Filipina na pinaniniwalaang ginahasa at namatay sa


Saudi Arabia,ayon kay ACTS OFW Rep. Aniceto Bertiz. Sinabi ni Bertiz na
namatay ang 35-anyos na si Irma A. Edloy habang ginagamot sa King
Salman Hospital sa Riyadh dahil sa mga sugat na tinamo nito. Marami
umanong sugat si Edloy sa mukha at katawan nang isugod sa ospital. Puno
rin ng dugo ang damit panloob nito.
Si Bertiz ay miyembro ng delegasyon na pumunta sa Saudi
Arabia upang asikasuhin ang ang mga Overseas Filipino Worker na nawalan
ng trabaho roon.
Dumating si Edloy noong Hulyo 28, na punong-puno ng
pangarap upang makatulong sa kanyang pamilya. Siya man ay namatay na,
ngunit gagawin namin ang lahat upang hindi malimot at mabaon sa lupa
ang kanyang kaso, “ani Bertiz.

Agad namang sinuspinde ni Labor Secretary Silvestre Bello ang


Rejoice Employment International Corporation, ang agency ni Edloy, habang
iniimbestigahan ang nangyari. Ang Principal Employer nito ay ang Al
Savyar Recruitment sa Riyadh .
Sinabi ni Bertiz na kailangan bisitahin ang bilateral labor
agreement sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia na pinirmahan noong
2013 upang mabigyan ng dagdag na proteksiyon ang mga OFW.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

9
“ Kailangan nating bisitahin ang bilateral labor agreement sa
Saudi Arabia para sa manggagawang Pilipino dahil parang hindi ito
gumagana katulad ng napagkasunduan, “ani Bertiz na bumisita kay Edloy
kasama si Bello.
Si Edloy ay inatake sa puso matapos makita ang employer nito
sa Saudi ospital. Marahil, may posibilidad na may kinalaman ang employer
nito sa nangyari sa kanya,”dagdag pa ni Bertiz.

Halaw sa: https://bandera.inquirer.net/129182/pinay-na-ginahasa-sa-


saudi-pumanaw-na#ixzz6Qe2Wn51C

Pamprosesong mga tanong:

1. Bilang isang Pilipino, ano ang iyong nararamdaman sa sinapit ni


Edloy? Ipaliwanag

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

10
2,Sa naging karanasan ni Edloy, ano-anong mga bagay ang dapat isaalang-
alang gawin upang maiwasan ng mga maraming migranteng Pilipino ang
sinapit niya? Ipaliwanag

RUBRIK/ PAMANTAYAN:

PAMANTAYAN LUBOS NA MAHUSAY- HINDI KAILANGAN


MAHUSAY HUSAY GAANONG NG
( 20) (17) PAGSASANAY

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

12
MAHUSAY (10)
(14)

WASTO ANG Makatotohan Hindi May mga Hindi


DATOS an ang mga gaanong bahagi na kapanipaniwa
pahayag. makatotohan hindi la ang mga
an ang mga makatotohan pahayag.
pahayag. an sa mga
pahayag.
MAKABULUHA Makabuluhan Makabuluhan Hindi Hindi
N ang mga ang gaanong makabuluhan
mensahe. karamihan sa makabulohan ang mga
mensahe. ang mga mensahe.
mensahe.
MALINAW Lubhang Malinaw at Hindi Malabo at
malinaw at nauunawaan gaanong hindi
nauunawaan ang malinaw at maunawaan
ang pagkakalahad nauunawaan. ang
pagkakalahad ng gawain. pagkakalahad
ng Gawain. ng Gawain.

Gawain 3: Isulat mo na Yan!


Mula sa nabasa mong artikulo tungkol kay Irma Edloy, mayroong
mga suliranin ng migrasyon na dulot ng Globalisasyon na siyang nangyayari
sa mga OFW na pumupunta sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ngayon, gumawa ka ng isang sulat na makapaglalarawan ng iyong
mga saloobin tungkol sa epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon at
kung paano ka makatutulong para matutugunan ng ating pamahalaan na
mabigyang solusyon o kalutasan ang mga suliraning ito. Maging malikhain
sa paggawa nito.
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Deskripsyon Punto
s

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

13
Nilalaman Ang mensahe ay may malinaw na 5
naipahayag sa sulat na tungkol sa epekto
ng globalisasyon at ang posibleng tugon sa
mga suliraning hatid nito. Ang sulat din ay
nanghihikayat ng sagot mula sa bumasa
nito
Pagkamalikhain Gumamit ng angkop na paraan sa paggawa 5
ng sulat
Mungkahing tugon sa Nakapagbibigay ng wasto at 5
isyu makatotohanang mga mungkahi na
makatutugon sa mga suliraning dulot ng
globalisasyon

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

14
Pagnilayan Natin
Kung ang lahat ng bansa ay magkakaroon ng magandang relasyon,
bawat isa ay uusbong at hindi malilimitahan ang kakayahan ng
sangkatauhan kung lahat tayo ay magtutulungan.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

15
Tandan Natin
Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng Globalisasyon sa
bawat pamilya. May mabuting epekto ito na makatutulong upang makaahon
sa kahirapan. Sa kabilang banda, ang iba ay nasasadlak sa sapilitang
pagtatrabaho at nagiging biktima ng human trafficking.

Sanggunian :

Department of Education (2016) Learners Manual sa Araling Panlipunan


10 Mga
Kontemporaryong Isyu.

Antonio, Eleonor D., et. al (2017). Kayamanan Mga Kontemporaryong Isyu


Batayan at Sanayang
Aklat sa Araling Panlipunan. Rex Bookstore

ShielaMay T.Bravo Darwin L.Suan


Manunulat Tagalapat
Digos City NHS Digos City NHS

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like