You are on page 1of 2

Paksa: “MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAY MAG-AARAL ANG HUMIHINTO NG PAG-AARAL

SA EDAD NA 13-17 YEARS OLD SA ISANG PANG- PUBLIKONG PAARALAN”

Ang kaalaman ay isang katangian na hindi kayang nakawin ng kahit sino man. Ang
pagkakaroon ng mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang magbago ang takbo
ng isang indibwal pati na rin ang lipunan. Sinasabing ang edukasyon ay ang pundasyon upang
magkaroon ng masaganang ekonomiya, mataas na moralidad ng pamumuhay at daan sa
balanseng katarungan sa lipunan. Ang mga kabataan na tinuturing na pag-asa ng bayan ay
nararapat lamang magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan
at pormal na programa na makukuha sa mga nakatayong establisimentong nagtuturo ng mga
kaalaman, na tinatawag nating paaralan. Ngunit sa iba’t-ibang uri ng kadahilanan ay marami sa
mga kabataaan ngayon ay hindi nakakapag-aral at hindi nakakatanggap ng edukasyon na
kanilang karapatan.

Ang mananaliksik ay naglalayong malaman ang kadahilanan kung bakit ang iilan sa
mga kabataang nararapat lamang na nasa paaralan ay pinipiling huminto sa kanilang pag-aral.
Ang mga kabataan na nasa edad labing-tatlo hanggang labing-piting gulang ay nararapat
lamang mabigyan ng edukasyon na magiging susi upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman
na kanilang magagamit sa kanilang kinabukasan. Nais matugunan ng mananaliksik ang
problemang kinakaharap ng tatalakaying paksa upang makatulong sa hindi lamang sa mga
kataang humaharap sa ganitong problema kundi pati na rin upang imulat ang lipunan sa
ganitong problema.

Ayon sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nailabas noong ika-5 ng Marso,
taong 2001, tumaas ang bilang ng mga Out of School Youth ng 1.6 bahagdan simula noong
taong 1969 hanggang 1994. Ang bilang ng mga kabataangOut of Schoolna anim hanggang
dalawampu’t apat na taong gulang na walang trabaho dahil hindinakapagtapos ng kolehiyo ay
tumaas ng 852,000 mula sa 3.0 milyon noong taong 1989 hanggang sa 3.8 milyon noong 1994.
Sa taong 1989, ang Out of School Youth ay higit na mataas sa mga bayan ng rural na may 12.9
bahagdan kaysa sa bayan ng mga urban na may 11.8 bahagdan at ang dalawang ito ay may
pagitan na 1.1 bahagdang puntos. Ito ay bumaba ng 0.6 bahagdang puntos noong taong 1994
pagkatapos ng bilang sa bayan ng urban na tumaas ng 2.0 bahagdang puntos sa 13.8
bahagdan, habang ang bayang ruralay may 1.5 bahagdang puntos sa 14.4 bahagdan.
Ipinakita ang kinalabasan ng pananaliksik ng Functional Literacy Education Mass Media
Survey (FLEMMS) na kung saan natuklasan nila ang bilang ng mga Out of School Children and
Youth ayon sa rehiyon, kasarian at edad at ang iba't ibang dahilan ng mga ito nang hindi
pagpasok sa paaralan. Sa apat na milyong Out of School Children and Youth ay 22.9 bahagdan
nito ay pinasok na ang buhay pag-aasawa, ang 19.2 bahagdan nito ay dahil sa kakulangan ng
kita ng magulang upang ipagpatuloy ang pagpapa-aral sa anak (halimbawa ay ang mga
proyekto o takdang aralin maliban sa matrikula), samantalang 19.1 bahagdan nito ay dahil sa
kagustuhan ng mga mag-aaral na hindi pumasok sa paaralan. Ang ibang Out of School Youth
and Children na nananatili lamang sa kani-kanilang tahanan upang tumulong sa gawaing bahay
ay 9.1 bahagdan, dahil sa kataasan ng matrikula ay 9.0 bahagdan ang nagiging Out of School
Children and Youth, samantalang ang 5.5 bahagdan ay kabataang hindi na nag-aaral dahil ang
mga ito ay mayroon ng trabaho o naghahanap-buhay na. Ayon pa rin sa talaan ng Philippine
Statistics Authority ( PSA), apat sa bawat sampung kababaibang Out of School Youth ang
pinasok na ang buhay pag-aasawa samantalang tatlo sa sampung kalalakihang Out of School
Youth ay walang interes sa pagpasok sa paaralan.

Ang pananaliksik na pinamagatang “MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAY MAG-AARAL


ANG HUMIHINTO NG PAG-AARAL SA EDAD NA 13-17 YEARS OLD SA ISANG PANG-
PUBLIKONG PAARALAN” ay naglalayong alamin at mailahad ang iba’t-ibang suliranin at
dahilan kung bakit pinipiling huminto sa pag-aaral ng mga mag-aaral na sa edad labing-tatlo
hanggang labing-pitong taong gulang. Nais ng mananaliksik na malaman ang iba’t-ibang
suliranion sa nabanggit na paksa. Ninanais din ng mananaliksik mabigyan ng solusyon ang mga
suliraning kakaharapin ng pananaliksik upang maibahagi ang kaalaman sa lahat ng
nasasakupan.

You might also like