You are on page 1of 8

EXT.

SCHOOL – UMAGA

Mataas na ang sikat ng araw. Makikita sa paligid ang maraming upuan na


nakahanda na tila ba may okasyon. Rinig ang palakpakan ng mga tao
kahit sa malayo. Mababakas sa mukha ni Marco ang saya nang tawagin ang
kaniyang pangalan upang umakyat sa entablado. Pag-akyat niya sa taas
ng entablado ay biglang tumahimik ang paligid. Paglingon niya ay wala
nang bakas ng tao sa kanyang paligid, at siya na lamang ang nag-iisang
tao sa lugar. Biglang bumigat ang ulo ni Marco kaya’t siya’y bumagsak
at napaiyak na lamang.

INT. BAHAY – UMAGA

Kasabay ng pagtunog ng alarm clock ni Marco ay ang paggising niya mula


sa kaniyang panaginip. At nang mapagtanto niya na panaginip lamang ang
lahat ay agad siyang bumangon mula sa kaniyang kama at naghanda para
sa pagpasok niya sa eskuwelahan.

INT. SCHOOL – UMAGA

Pagdating sa eskuwelahan ay agad na mapapansin ni Marco ang mga


estudyanteng nagtipon sa harap ng bulletin board upang malaman ang
kanilang mga marka. Nang mapagtanto niya ito, ay agad rin siyang
sumingit sa gitna ng mga estudyante upang hanapin ang kaniyang
pangalan. Pagtingin sa papel na nakapaskil ay biglang nag-iba ang
mukha ni Marco, hinawi niya ang mga tao sa kaniyang gilid at sabay
umalis. Sa kaniyang pag-alis may masasalubong niya ang janitor na si
Mang Josie. Sa inis nito ay sadya niyang itutulak ang nagtatrabahong
janitor at mapapabagsak ito. Makikita naman ito ni Shaina na noon ay
kakarating lang. Si Shaina ay isang matulungin at mapagkumbabang tao
kaya’t agad niyang tutulungang makatayo si Mang Josie.

SHAINA
Okay lang po ba kayo? Hindi po ba kayo
nasaktan?
MANG JOSIE
Ayos lang ako hija. Maraming salamat.
Tatawagin ni Shaina si Marco.
SHAINA
Bakit mo naman ginawa yun? Alam mo bang
nakakasakit ka na ng ibang tao sa mga
ginagawa mo?
MARCO
Bakit mo ba yan tinutulungan? Eh mababang
uri lang naman ng tao yan. Yan ang
mangyayari sayo kapag hindi ka nag-aral
nang mabuti. Wala kang mararating sa buhay.
Dapat lang sa kaniya yan.
Tumalkod na si Marco at tuluyan ng umalis.
SHAINA

Wag niyo pong isipin yung mga sinabi niya


‘tay. Marangal po ang trabaho niyo, at ang
mahalaga ay wala kayong tinatapakan na tao.

MANG JOSIE

Maraming salamat hija. Pero totoo naman


yung mga sinabi niya. Wala talaga akong
angking talino kaya heto lang ang narrating
ko sa buhay.

SHAINA

‘Tay, hindi po talino ang nagpapabuti sa


katangian ng isang tao. Kundi ang
pagtataglay at pagsasabuhay ng
pagpapakatao. Sabi nga po sa kasabihan
diba, “Madaling maging tao, pero mahirap
magpakatao.”

INT. CLASSROOM – UMAGA

Hindi matanggap ni Marco ang kinalabasan ng kaniyang marka kaya’t


pinuntahan niya ang kaniyang guro upang tanungin kung bakit ganun ang
nakuha niya.
MARCO

Ma’am, bakit naman ganun? Bakit hindi ako


ang pinakamataas? Bakit nataasan pa ako ni
Shaina? Hamak naman ang talino ko sa kanya.

GURO

Marco anak. Makinig sa akin. Alam kong


matalino ka, walang duda yun. Alam ko ring
pinagbubuti mo ang pag-aaral mo. At alam ko
rin na pinahahalagahan mo ang pag-aaral mo
higit sa lahat ng bagay.

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Marco at nataasan ng boses ang


kaniyang guro.

MARCO

‘Yun naman pala eh. Ang hindi ko


maintindihan kung bakit may mas mataas
sakin. Ako ang pinakamatalino sa klase,
dapat lang ako ang maging pinakamataas.

GURO

Marco. Hindi lang talino ang bumubuo sa


isang tao. Aanhin mo ang pagiging
pinakamatalino mo sa klase kung hindi ka
naman marunong makipagkapuwa tao. Mahalaga
ang talino, bigay yan ng Panginoon. Pero
kasing halaga rin nito ang respeto at
pagpapakatao.

MARCO

Respeto? Pagpapakatao? Hindi ka madadala


niyan kahit saan. Ang kailangan ko lang,
talino. ‘Yun lang at matutupad ko na lahat
ng pangarap ko.

GURO

Hindi totoo yan anak.

Sa sobrang galit ay tuluyan nang umalis si Marco at tinaluran ang


kaniyang guro. Sa kaniyang paglabas ay makakasalubong niya si Mang
Josie na noon ay naglilinis sa tapat ng classroom, ngunit hindi niya
lamang ito papansinin.

EXT. SCHOOL – UMAGA

Napagpasiyahan muna ni Marco na magpakalma sa ilalim ng puno. Nakita


siya ni Mang Josie kaya sinundan siya nito. Pagkapansin ni Marco kay
Mang Josie ay agad niya itong pinaalis, ngunit hindi umalis ang
matanda.

MARCO

Umalis ka nga dito. Hindi kita kailangan.

MANG JOSIE

Naisip ko lang na baka kailangan mo ng


kausap. Nakita ko kasi ang pagtatalo niyo
ng guro mo.

Napatahimik na lang si Marco habang kinekuwento ni Mang Josie ang


kaniyang kabataan.

MANG JOSIE

Alam mo nung nag-aaral pa ko, lagi akong


huli sa klase. Hindi ako makasunod sa bawat
aralin at hirap din akong magbasa. Kaya
tama ang sinabi mo kung bakit ganito lang
ngayon, isang janitor. Pero alam mo kung
ano hindi ko ipagpapalit para lang sa
talino? Ang pakikipagkupwa tao. Oo, hindi
nga ako matalino, pero marunong akong
makisama sa tao. Oo, wala akong talento,
ngunit hindi hadlang yun upang ilayo ko ang
sarili ko sa tao. Ikaw, bata ka pa at
marami ka pang

MANG JOSIE (CONT’D)

makikilalang tao. Hindi naman siguro masama


kung makipagkaibigan ka diba. Mahalaga na
bumuo tayo ng relasyon sa isa’t-isa. Balang
araw maiintindihan mo rin ang mga sinasabi
ko.

Tumayo ito at tinapik ang balikat ni Marco bago tuluyang umalis.


Pagkaalis ng matanda ay biglang bumalik lahat ng ala-ala ni Marco mula
sa kaniyang panaginip.

BEGIN FLASHBACK

EXT. SCHOOL – UMAGA

Pag-akyat niya sa taas ng entablado ay biglang tumahimik ang paligid.


Paglingon niya ay wala nang bakas ng tao sa kanyang paligid, at siya
na lamang ang nag-iisang tao sa lugar. Biglang bumigat ang ulo ni
Marco kaya’t siya’y bumagsak at napaiyak na lamang.

END OF FLASHBACK

INT. CLASSROOM – UMAGA

Kinabukasan ay dumating na ang araw ng pagpaparangal sa mga


estudyanteng nagkamit ng karangalan. Walang nakapansin na hindi
pumunta si Marco hanggang sa tinawag ang kaniyang pangalan.

GURO

At ang nagkamit ng ikalawang parangal.


Marco Sales!
Hinanap ng guro si Marco ngunit hindi nila ito makita sa loob ng
klase. Sa kabi non ay nagpatuloy pa rin ang guro sa pagpaparangal sa
mga kaniyang estudyante.

GURO

At ang nagkamit ng pinakamataas na


parangal. Shaina Ramos!

Nagpalakpakan ang lahat ng estudyante at mababakas sa kanilang mga


mukha ang saya nang tawagin ang pangalan ng kanilang kaibigan na si
Shaina. Bago pa man makapasok si Marco sa loob ng classroom ay nakita
niya ito. Nakaramdam ng inggit si Marco kay Shaina dahil ito ay
minamahal ng lahat ng kaniyang mga kaklase dahil sa taglay nitong
kabaitan. Napagtanto ito ni Marco kaya’t umalis muna siya at hindi
tumuloy sa loob ng classroom. Mapapansin naman siya ni Shaina mula sa
loob ng kanilang classroom.

EXT. SCHOOL – UMAGA

Hinanap ni Shaina si Marco hanggang sa matagpuan niya ito sa may


ilalim ng puno. Agad niya itong nilapitan at inabot ang medalya na
para kay Marco.

SHAINA

Para sayo yan. Congratulations.

MARCO

Ayokong tanggapin yan. Hindi ko deserve


yan.

SHAINA

Eto nanaman ba tayo sa hindi mo matanggap


na pangalawa ka lang at nataasan kita.

MARCO

Nakita ko kung gaano ka kamahal ng mga


kaklase natin. Alam ko rin kung gaano ka
kamahal ng lahat ng tao. Deserve mo yung
nakuha mo. Ikaw lang ang nararapat na mauna
sa’ting dalawa.

SHAINA

Deserve mo rin naman ang nakuha mo ah. Alam


naming lahat kung gaano ka katalino at
kapursigi sa pag-aaral.

MARCO

Hindi lang talino ang bumubuo sa isang tao.


Hindi madidiktahan ng mga parangal kung
saan tayo makakarating sa buhay. Ang
mahalaga ay ang relasyon na binuo natin sa
isa’t-isa at kung paano tayo nabuhay bilang
isang tao sa mundong ‘to.

Natahimik si Shaina sa narinig na mga salita galing kay Marco. Tila ba


ibang tao ang kausap niya. Napangiti na lamang ito at tinanggal ang
medalyang nakasabit sa kaniya upang isabit kay Marco.

BEGIN FLASHBACK

INT. SCHOOL - UMAGA

Sa kaniyang pag-alis may masasalubong niya ang janitor na si Mang


Josie. Sa inis nito ay sadya niyang itutulak ang nagtatrabahong
janitor at mapapabagsak ito. Makikita naman ito ni Shaina na noon ay
kakarating lang. Si Shaina ay isang matulungin at mapagkumbabang tao
kaya’t agad niyang tutulungang makatayo si Mang Josie.

MARCO (V.O.)

Mahalagang linangin natin ang talino at


talentong ipinagkaloob sa atin ng ating
Panginoon.

You might also like