You are on page 1of 24

Da Fashion King

The Filipino Adaptation of the Korean Telenovela


“Ang buhay ay parang isang damit na kailangan mong isuot at isaayos, pero kung
minsan hindi rin naaayon sa kagustuhan ng tao”.

Kabanata 1: Ang pagkatao ni Mark


TAGAPAGSALITA: Si mark at ang kanyang mga kaklase ay naroon malapit sa
paaralan, naglalakad, tumatawa at naglalaro ng online games ang isa sa mga kasama niya
roon.

BAD BOY 1: Hoy mark, tanga ka ba?(patanong na sinabi)


MARK: Hindi ha!(malungkot na sinabi)
BAD BOY 1: Alam mong naglalaro ako, tapos ang bilis mong lumakad, ikaw yung
dahilan kung bakit talo na naman ako ( galit na sinabi at sabay tulak kay Mark)
MARK: Kung gusto mo, kunin mo nalang itong pocket wifi ko ( malungkot na sinabi)
BAD BOY 1: Sige akin na, ibigay mo sa akin (pahablot na kinuha ang pocket wifi ni
Mark ng iabot niya ito) ganyan nga very good bata, sumunod ka sa master mo, hah!! ( sabay
sampal nang paulit-ulit sa mukha ni Mark at tawa nito)
BAD BOY 1: Ohh, saan ka ngayon pupunta ( patanong na sinabi sa paalis nasi Mark)
MARK: Ouwi na ako, meron pala akong gagawin ngayon
BAD BOY 1: Bago ka umuwi, bilihan mo muna ako nang pagkain, nagugutom ako
(patawang sinabi)
MARK: Sige aalis na ako
BAD BOY 1: Saan ka dadaan? (naka-ngiting sinabi)
MARK: Sa Jubinal Street ( naka-yukong sinabi)
BAD BOY 1: Huwag kang dumaan doon, dito ka sa gitna nang mga paa ko dumaan
(sabay sampal sa mukha ni Mark) naintindihan mo lampa! (naka-ngiting sinabi)
MARK: Oo sige, hmmm ( malungkot na sinabi)
BAD BOY 1: Ganyan nga lampa!, dumaan ka sa mga paa ko (naka-ngiting
pinapanood si Mark na dumadaan sa gitna nang mga paa niya at habang binivideo rin nila si
Mark)
TAGAPAGSALITA: Nagmadaling tumakbo si Mark papunta sa isang store para
bumili ng pagkain ngunit noong bumalik siya, wala na sila roon, napabuntong hininga nalang
siya nang makita ang kanyang pocket wifi na naka-sabit malapit sa puno ng mangga.
Kabanata 2: Planong pag-alis ng pamilya ni Mark
TAGAPAGSALITA: Umiiyak na dumating si Mark sa kanilang tahanan, na tila’y
walang kibo at nakatulala sa kanyang kuwarto, hindi naman ito napansin ng kanyang ina na
animo’y nagtatanong sa kanyang anak.

LORA: Anak kumain kana ba, nang pananghalian


MARK:(Nakatulala at tila walang kibo)
LORA: Anak, (Dalawang ulit na sinabi at lumapit sa kanyang anak) bakit may
masama bang nangyari sayo sa paaralan? (patanong na sinabi)
MARK: Wala po mama (Malungkot na sinabi) oo pala po, maganda po ba sa
Barangay Malannit (patanong na sinabi)
LORA: Aba oo naman, napaka-ganda roon (naka-ngiting sinabi), sandali lang bakit
mo natanong yan, magsabi ka nga ng totoo anong problema
MARK: Mama wala po, gusto ko lang po mag-aral doon
LORA: Talaga, sige sasabihin ko sa tito mo na tayo’y susunduin sa susunod na linggo,
dahil tayo ay lilipat na roon
MARK: Talaga po, pero iniisip ko po baka wala po tayong titirahang bahay doon, sabi
po kasi ni tita wala na pong ispasiyo doon na pwedeng tirahan
LORA: Ano ka ba anak? ako bahala doon, diskarte ni mama yun, basta ang importate
ngayon ay ang pag-aaral mo huwag mo nalang isipin yun hah!
MARK: Opo mama ( naka-ngiting sinabi)

Kabanata 3: Bagong pagkatao, bagong buhay


TAGAPAGSALITA: Umalis nga ang pamilya ni Mark sa kanilang dating tahanan at
doon iniwan niya ang kanyang masalimuot na nakaraan, sa bagong bayan nga na tinitirahan
nila Mark ngayon ay nakilala niya ang babaeng magkakagusto sa kanya, si Jenny.

JENNY: Ahh hello, kayo ba yung bagong lipat dito (naka-ngiting sinabi)
MARK: Oumm
JENNY: Oo pala, kunin mo ito (sabay abot ng isang maliit na pirasong papel kay
Mark).
MARK: Ano Ito? (nagtatakang sinabi)
JENNY: Numero ng business naming kainan iyan, pwede mo iyang tawagan kung
gusto mong umorder at kumain ng halo-halo, pansit at iba pa. Open kami twenty four/seven.
MARK: Alam mo, ang pangit mo
JENNY: Ako ba yun?
MARK: Ahh sorry sa sinabi ko, hindi ikaw yun, kundi siya (gulat na sinabi)
JENNY: Ahh, aso ko ito, si Gizmo pala
LORA: Mark anak (palapit na sinabi), nagkakilala na pala kayo
MARK: Pero hindi ko pa po alam ang pangalan niya
LORA: Ayy ganun ba ( ngumiting sinabi), Mark si Jenny, Jenny si Mark, anak ko
JENNY: Nice to meet you Mark
LORA: Oo pala Jenny, Gusto mong sumama sa amin mamaya, magbebeyk ako ng
keyk
JENNY: Hindi na po tita, may review pa po kasi ako ngayon
LORA: Mark anak, sumama ka mamaya kay Jenny hah! , mag-review ka pala ngayon,
dahil bagong pasok ka sa school nila kailangan mong mag-review
MARK: Mama naman, may gagawin pa po ako
LORA: Sige na anak, kailangan mo rin yun ( panghihikatayat na sinabi)

Kabanata 4: Ang pagtatagpo nila Mark at Liza


TAGAPAGSALITA: Nagtungo nga sila Mark at Jenny sa isang sikat na silid aklatan
malapit sa bahay nila Jenny, sa pagkakataon na iyon, nakilala ni Mark ang magpapaibig sa
kanyang puso.

JENNY: Hayy pagod na ako sa ganitong daming libro na nakikita ko


MARK: Paano naman kasi ang daming libro yang kinuha mo parang mauubusan ka
JENNY: Alam mo, kailangan ko ang lahat nang ito
JENNY: Oo pala bago ka umalis, magpicture muna tayo para may ebidensya sa mama
mo (sabay kuha ng kanilang litratong dalawa)
JENNY: Sige dito muna ako, salamat pala hah sa pagtulong mo sa akin pumunta ka
nalang doon sa kabilang silid aklatan para makita mo yung hinahanap mong libro
MARK: Sige maiwan na kita (naka-ngiting sinabi)
JENNY: May itsura pala siya, medyo guwapo din ( pangiting sinabi sa sarili)
TAGAPAGSALITA: Tumalikod nga si Mark at nagtungo sa kabilang silid ngunit
laking gulat niya, nangmakita ang kompol-kompol ng mga kalalakihan sa isang silid, nagtaka
naman si Mark kung ano ang mayroon doon kaya naglakad siya at nagtungo roon.
MARK: Wow, ang ganda niya (sinabi sa kanyang sarili at sabay tingin sa isang
babaeng naglalakad nasi Liza at kasabay niya rito si Zack, ang body guard ni Liza)
ZACK: Marami talaga ang humahanga sa ganda mo Liza na tila ba isang diwata
LIZA: Noon pa man Zack, hindi ko itinago ang aking ganda sa lahat (sabay tingin sa
kompol-kompol ng mga kalalakihan)
ZACK: Sandali lang, sino naman yung lalaking yun, ka’y samang makatingin sayo
LIZA: Ano ka ba Zack, pati ibang tao pinag-iinitan mo (pangiting sinabi)

KABANATA 5: Pagdating ni Vincent


TAGAPAGSALITA: Nang papalayo na nga ang dalawa sa kompol-kompol ng mga
kalalakihan ay dumating naman ang sikat na lalaki sa campus si Vincent.

MARK: Sino naman yun, parang ang yaman at napaka-porma pa nang kanyang damit
( sinabi sa kanyang sarili at sabay takbo sa gilid nang tatlong nag-uusap)
ZACK: Oh, narito na pala ang famous man dito sa campus natin ( patawang sinabi
kay Liza)
VINCENT: Sasama ka ba sa akin ( sabay tingin sa magandang mukha ni Liza)
aanyayahan sana kitang kumain sa isang sikat na restaurant dito sa campus natin
LIZA: Okay wala naman akong gagawin ngayon
ZACK: Sandali lang, Journalist ka ba? (sabay tingin kay Mark na nakikinig sa gilid
nila)
MARK: Hindi hah! (naka-yukong sinabi)
ZACK: So, bakit ka nariyan at nakikinig sa aming usapan? (sabay lapit kay Mark)
MARK: Hindi hah!, naghihitay lang ako nang masasakyan ko
ZACK: Hmmm! ( Sabay Sapak sa mukha ni Mark) ginagawa mo ba akong tanga,
kanina pa kitang tinitignan ( galit na sinabi)
JEFF: Hayy, narito na naman yung mga sikat, nag-aaway ba sila?, pero sandali lang
sino yun? (nagtatanong habang naroon sa kompol-kompol na mga taong nanonood sa away
nila Mark at Zack)
VINCENT: Zack, pati ibang taong walang laban sayo inaaway mo, anong pangalan
mo? ( patanong na sinabi kay Mark na naka-yuko)
MARK: Oumm, ako si Mark ( naka-yukong sinabi)
VINCENT: Sa tingin ko, mukang bago ka lang dito sa campus, tama ba ako (naka-
ngiting sinabi)
MARK: Oo tama ka, bago lang ako dito, halos kalilipat lang namin ng mama ko dito
VINCENT: Kung ganon, hindi mo pa alam kung sino ang kaharap mo
JEFF: Pati ba naman taong transfer inaaway nila, diba sila naaawa sa taong yan at
yung lalaking yun, diba siya naaawa sa sarili niya, hayy nako naman, tao talaga
ZACK: Yumuko ka sa kanya (sabay sampal sa mukha ni Mark)
LIZA: Huwag, huwag kang yumuko sa kanila, Zack! hayaan mo na siya, hayaan mo
yang taong walang laban sayo
LIZA: Buti pa kunin mo na’to (sabay bigay sa perang twenty pesos) kunin mo na, sige
na, kunin mo na at umalis kana dito
TAGAPAGSALITA: Sa gabing yun, umalis nga si Mark na may pasa sa kanyang
mukha at labis na umiiyak dahil sa nangyari sa kanya ngunit sa kabila nang lahat ng mga
nangyari ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para mabago ang kanyang sariling pagkatao.
LORA: Anak, kamusta unang araw mo sa school ( nagtatanong habang gumagamit ng
cellphone ang kanyang anak)
MARK: Hayy, mama naman (gulat na sinabi) nagtatanong kang wala sa oras
LORA: Ehh, gusto ko lang namang kamustahin at tanungin, ang anak ko kung
kumusta ang unang araw niya
MARK: Ganon po ba mama, okay lang naman po
LORA: Hmmm (sabay ngiti) ganon ba anak
MARK: Pero, mama meron po akong gustong ipakita sa inyo
LORA: Ano yun?
MARK: Ito po oh!, (sabay pakita sa gusto niyang damit sa kanyang cellphone)
LORA: Damit ba yan?
MARK: Opo mama, maganda po ba
LORA: Oo, pero!! ang mahal naman Forty-five thousand dollars, ang mahal!
MARK: Ganon po ba, gusto ko po sanang bilihin ito, pero mukang hindi niyo po
kayang bilihin
LORA: Hindi naman sa ganon anak, pero kung yan ang gusto mong bilihin, eh di yan
ang bibilihin natin
MARK: Talaga po mama?
LORA: Oo naman anak, ngayon lang humiling ang anak hindi ko pa ba pagbibigyan
LORA: Pero may gusto lang akong hilingin sayo anak, sana pagbutihin mo rin ang
iyong pag-aaral
MARK: Sige po mama, pag-bubutihin ko po ang aking pag-aaral
LORA: Talaga?
MARK: Opo mama, salamat po
LORA: Walang ano man! (sabay ngiti sa kanyang anak)

KABANATA 6: Pakikipagkilala ni Jeff kay Mark


TAGAPAGSALITA: Ngumiti nga sa saya si Mark dahil mabibili na niya ang kanyang
gustong damit at sa susunod nga na araw naiyon pumasok si Mark sa paaralan na suot ang
kanyang bagong damit.

MARK: Bagay ba itong damit ko (sabay tingin sa kanyang damit) pero mukang ang
init ng damit na Ito
MARK: Ano na naman yun ( sabay tingin sa mga kalalakihang nagkokompol-
kompolan) si Liza ba yun, talagang ang ganda niya wala paring pinag-bago ang ganda niya
JEFF: Talagang humahanga ka sa kanya? (palapit na sinabi at nagsasalita habang nasa
gilid ni Mark)
MARK: Hayy (pagulat na sinabi) sino ka naman, kilala ba kita?
JEFF: By the way, ako nga pala si Jeff Soriano naka-tira sa barangay dipangit ngunit
nag-aaral ako dito sa barangay malannit ( pangiting sinabi) at ikaw?
MARK: Ako si Mark Dominguez, halos bago lang ako dito
JEFF: Anong section ka pala dito sa campus?
MARK: Section B – Malapit, doon sa pinaka-baba na room dito sa campus natin
JEFF: Eh di magka-section tayo, ngayon ko lang alam na magka-section tayo
MARK: Paano mo naman kasi malalaman, halos absent ka sa klass-room natin
JEFF: Hmmm ganon ba, (sabay ngiti at patingin kay Mark) sa halos isang linggong
iyon marami kasi akong pinagkakaabalahan ngayon
MARK: Tulad naman nang ano?
JEFF: Oumm, tulad ng mga pagbebenta ng motor, pag-kacarwash at marami pang-iba
(sabay ngiti)
MARK: Sa sinabi mong iyan parang hindi ka panipaniwala, na kahit isang taong
walang alam na tulad ko hindi maniniwala sayo
JEFF: Alam mo para ngang hindi ka ganon, na tila ba isa kang tunay na philosopher
( Ngumiting sinabi kay Mark)
MARK: Huwag mo nga akong lokohin, sa ngiti mong iyan nangloloko kana naman
JEFF: Pero!, by the way (sabay tingin sa damit ni Mark) yan ba yung sikat na damit
ngayon “The Aesthetic Shirt”
MARK: Oo, binili ko ito sa “3D Fashion Design” sa isang sikat na website at tapos
pumunta ako sa malapit na store nila at nireceive ko yung inorder kong damit na ito
JEFF: Ahh, pero tignan mo yung tela ng damit mo manipis at tila ba magaspang ang
itsura nito (sabay hawak sa damit ni Mark) at sa pagkaka-alam ko ang original pa nito walang
logo sa manggas (sabay tingin sa manggas ng damit ni Mark) Tignan mo meron
MARK: Pero, meron din namang ( pahinto na sinabi at sabay turo sa manggas ng
damit ni Jeff)
JEFF: Huwag ka nang magsalita tignan mo nalang itong damit ko walang logo sa
mang-gas!, (sabay tingin sa damit niyang may logo rin) hay nako naman pati rin pala itong
damit ko may logo ( sabay kamut sa ulo nito)
MARK: Yan sana ang sasabihin ko kanina pero pinigilan mo ako
JEFF: Eh bakit di mo nalang ako sinapak kanina (pagalit na sinabi kay Mark)
MARK: Talaga! (sabay sapak sa mukha ni Jeff at si Jeff nga ay nawalan nang malay
sa giniwa ni Mark)
JEFF: Hahh (kasabay niyon ay nawalan siya ng malay )

KABANATA 7: Ang lalaking si Dexter o a.k.a Kuya Dan


TAGAPAGSALITA: Sa ginawa nga ni Mark kay Jeff ay nawalan nga siya ng malay
na labis na ikinabahala ni Mark, at dahil dito napag-isip niyang, upang magising si Jeff ay
kailangan niya itong buhusan ng tubing sa pagkakataong iyon nagising si Jeff

JEFF: Hahh! (pasigaw na sinabi), anong nangyari? Bakit ang sakit ng balakang ko?
MARK: Nahimatay ka, pilit sana kitang sinalo pero, dahil nahimatay ka nang wala sa
oras hindi na kita, kanina sinalo pa
JEFF: At bakit naman?
MARK: Ang bigat mo kasi, at dahil nga gising kana aalis na ako ( sabay lakad
patalikod)
JEFF: At saan ka pupunta naman, uuwi kana ba?(patanong na sinabi)
MARK: Hindi, pupunta ako sa pinagbilihan ko nang damit na ito, tatanungin ko kung
bakit sila nagtitinda ng katulad nito na peke pala
JEFF: Sasamahan na kita at pagkatapos mo pumunta naman tayo sa pinagbilihan ko
nang damit ko (sabay ngiti kay Mark) payag ka?
MARK: Oo naman!, yan lang pala eh (pangiting sinabi) tara na
TAGAPAGSALITA: Nagtungo nga ang dalawa kung saan sila parehong bumili ng
damit ngunit ang hindi nila alam doon sila pareho bumili ng damit na kanilang suot.

JEFF: Wait lang, parang kilala ko ang lugar na ito, oo naaalala kuna, dito rin ako
nagreceive ng inorder ko noon na damit at ang pangalan ng store na ito ay “Aixian Design”
ang store kung saan ako bumili ng damit
MARK: Meron kayang tao dito, tao po, tao po, (pasigaw na sinabi) parang walang
namang tao
JEFF: Hindi kasi ganyan ang pagtawag sa taong natutulog, tao po!, tao po!, may tao
po ba ( malakas na sigaw at sabay katok sa pintuhan ng store ) lubas ka diyan harapin mo
kami, huwag kang magtago
KUYA DAN: (Naglakad paharap mula sa likuran nila Mark at sabay nitong binuksan
ang pintuhan ng store niya at nagsabi ng) Kung ang kandado ng bahay o store ay nasa labas at
ito ay naka-lock ang ibig sabihin niyon walang tao sa loob, wait lang nag-aaral ba kayo?
JEFF: Aba oo naman!
KUYA DAN: Sino ba kayo?
JEFF: Ako si Jeff Soriano at siya naman si Mark Dominguez
KUYA DAN: At magkaibigan kayo
MARK: Hindi kami magkaibigan, magkakilala lang kami
KUYA DAN: Yung sinabi ko at yung sinabi mo na magkakilala lang ko ay pareho
lang yun pero diko lang alam sayo
JEFF: Lasing ba siya ( tanong kay Mark)
MARK: Hindi ko alam, siya tanungin mo huwag ako
KUYA DAN: Hindi ako lasing, umiinom lang ako, pero ano pala sadya niyo dito sa
store ko (patanong sa dalawa)
MARK: Ibalik mo yung pera namin (pagalit na sinabi kay Dexter o Kuya Dan)
JEFF: Mark!, ano kaba, huwag mong tanungin nang ganyan yang tao
KUYA DAN: Bakit ko naman ibabalik yung pera ninyo, eh ginusto niyo naman ang
bumili dito sa store ko
MARK: Hindi ko sana sasabihin ang bagay na yun sayo kung ang mga damit na binili
namin ay tunay at hindi peke ( seryosong sinabi)
KUYA DAN: Ang mabuti pa pumasok tayo sa loob ng bahay ko, masama kasi ang
nag-uusap sa labas ng bahay nakaka-tanggal daw ng suwerte kaya doon tayo sa loob ng
bahay ko mag-usap patungkol dito ( kaagad namang pumasok si Mark sa loob ng bahay ni
Dexter o Kuya Dan)
JEFF: Mark, Mark (patawag na sinabi kay Mark) hay nako!, ano na naman itong
gulong pinasok ko dito ( at agad naman siyang pumasok sa loob ng bahay ni Dexter o Kuya
Dan)
KUYA DAN: Sorry ha! Pagpasensyahan niyo na ang gulo ng bahay ko, hindi kasi ako
umuwi dito sa bahay ko nang ilang araw kaya ganito, magulo
MARK: Bumalik tayo sa usapan natin kanina, ibabalik mo ba ang pera namin o hindi?
KUYA DAN: Alam mo ang tapang mo, ngayon lang ako nakakita ng katulad mong
tao sa buong buhay ko at parang gusto ko nang tigilan itong iniinom kong wine ( sabay ngiti
kay Mark)
MARK: Wala akong pake alam sa wine mo, basta ang gusto ko ibalik mo yung pera
namin
JEFF: Mark! magdahan-dahan ka naman sa pananalita mo at baka tayo’y kanyang
bugbugin dito sa bahay niya ( pabulong na sinabi kay Mark)
KUYA DAN: Anong pinagbubulungan niyo?
MARK: Wala kana don!, ano? nakapagdesisyon kana ba! na ibabalik mo yung pera
namin
KUYA DAN: Pero patingin nga yang damit na sinasabi niyong peke at hindi
kahintulad ng original na “ Aesthetic Shirt”
MARK: ( Tinanggal niya ang kanyang damit at sabay abot ito kay Dexter o Kuya
Dan) oh! ( pagalit na sinabi)
KUYA DAN: Ang mga damit na katulad nito ay hindi masasabing isang peke, dahil
ang aking store ay isa sa mga nagproproduce ng magagandang damit na tulad nito
JEFF: Pero yang mga damit at iba pang klase ng mga ganyan ay masasabing peke
dahil sa tela palang niya ay makikita nang peke
KUYA DAN: Sa totoo lang, oumm (huminto sa pagsasalita ng ilang segundo) tama
naman kayo, dahil ito lang ang paraan ko para kumita ng pera sapagkat mag-isa nalang ako,
wala na akong iba pang makakasama sa buhay ko
MARK: Eh bakit di ka mag-asawa nalang para may makasama ka sa buong buhay mo
KUYA DAN: Sa tingin ko, walang taong magkakagusto sa akin dahil lubos akong
mahiyain sa mga ganyang bagay
JEFF: Hayy nako naman!, sa ganyang edad mo hindi kapa nakakatagpo ng babaeng
para sayo ( pangiting sinabi) buti pa ako ka’y raming mga babae ang nagkakagusto sa akin
(sabay tawa ng malakas)
KUYA DAN: Ah sige, sige, tama na itong emotional moment ko na ito buti pa
sumama kayo sa akin at meron akong ipapakita sa iyong kakaibang dahilan kung bakit ako
gumagawa at nagtitinda ng ganitong mga sikat na damit ( sa pagkakataong iyon sila ay
nagtungo sa isang lugar na bida ang taong magaling sa kasuotan na meron siya, at doon nga
ibinida ni Kuya Dan o Dexter ang pekeng damit ni Mark kung saan tila ba naging mas
original pa ito sa buong tao doon)

KABANATA 8: Kagustuhan ni Mark at Jeff


TAGAPAGSALITA: Nang matapos nga ang tila ba kasiyahan na iyon ay nag-usap-
usap ang tatlo patungkol sa damit na iyon, kung ibabalik ba ni Kuya Dan ang pera nila o
hindi

JEFF: Ang galing mo kanina na tila ba ikaw ang tinaguriang “The Fashion King” ng
bayan at ang tawag pa nila sayo Kuya Dan, ang sikat na Fashion Specialist sa buong bayan,
tama ba ako!
KUYA DAN: Oo tama ka, ako nga ( pangiting sinabi), ano meron pa ba kayong
gustong ireklamo sa akin?
MARK: Oo meron pa! (pagalit na sinabi)
KUYA DAN: Hayy nako! ano na naman yun? parang gusto kuna talagang umiwas sa
pag-inom ng wine, nakakabaliw talaga kung masusobrahan mo yung pag-inom
MARK: Gusto kong maging katulong mo, sa bahay mo o kahit saan, pwede akong
maging driver mo at iba pa, pwede po ba?
KUYA DAN: Kayo talagang mga kabataan na sisiraan na kayo nang bait, buti pa
umuwi na kayo
MARK: Sige na po Kuya Dan, gusto ko po kasing maging katulad niyo (nag-
mamakaawang pasabi)
KUYA DAN: Oumm (sabay tingin kay Mark nang pataas at pababa)
JEFF: Ako din po sana guro (sabay lumuhod sa harap ni Kuya Dan) kunin niyo po
akong kasama ni Mark bilang utusan niyo
KUYA DAN: Kailangan mo pa ako naging guro, (sabay batok kay Jeff) eh di naman
kita tinuturuan
JEFF: pasensya na po Kuya Dan! ( sabay tayo sa pagkakaluhod nito) pwede po ba
kunin niyo po kaming utusan niyo para naman po matuto kami kung paano maging katulad
niyo
KUYA DAN: Oh sige dahil makulit kayo at para hindi niyo na ako kukulitin pa, bukas
na bukas magtungo kayo sa store ko at tuturuan ko kayo, sige magsi-uwi na kayo
MARK: Maraming salamat po Kuya Dan, ano na naman yun Jeff?
MARK AT JEFF: Come On, Baby!!
KUYA DAN: Kanino niyo narinig yan?
MARK: Sayo, bakit di mo maalala? masaya kapa kaninang nagsasabi sa mga kaibigan
mo nang Come On, Baby!!
KUYA DAN: Ahh, naaalala kuna! ano na naman yun? (at sabay sabay silang nagsabi
ng Come On, Baby!!)

KABANATA 9: Pangarap ni Mark


TAGAPAGSALITA: Tinupad nga ni Kuya Dan ang kanyang pangako kay Mark at
Jeff na turuan silang maging isang model at taong magaling sa pagkilatis sa mga damit na
kanilang sinusuot

KUYA DAN: Ang pagiging isang model dapat meron kang kagustuhan sa ginagawa
mo and most especially dapat meron kang “Classic”, alam niyo kung ano yung classic?
MARK: Hindi, ano ba yung classic na tinatanong mo?
JEFF: Oo nga ano ba yung classic na sinasabi mo? eh pareho naman kaming walang
alam diyan
KUYA DAN: Hindi niyo alam? ang “Classic” na sinasabi ko, ay isang value o quality
nang isang bagay na kahit pa man, isang peke ang damit ay pwede niyo naman siyang bigyan
ng “ Classic” ikaw mismo ang magbibigay ng originality nito through your fit and body
JEFF: Ano na naman yung fit? na sinasabi mo
MARK: Hayy nako naman!!, (sabay kamut sa ulo nito)

TAGAPAGSALITA: Nagpatuloy nga ang dalawa sa kanilang pag-eensayo bilang


tunay na model, sa pamamagitan nga ni Kuya Dan ay tinuturuan niya si Mark kung paano ba
magpost sa harapan nang camera at tinuturuan niya rin ang dalawa kung paano ba magkaroon
ng fit na fit, na katawan

KUYA DAN: Ano kaya niyo pa ba?


MARK AT JEFF: Opo kaya pa po namin (habang nag-eexercise sila ng iba’t ibang uri
ng work out )
KUYA DAN: Come On!! (pasigaw na sinabi)
MARK AT JEFF: Baby!! (pasigaw at sabay na sinabi)

WITH BACKGROUND MUSIC OR THEME SONG: “DOMINO”, BY :JESSIE J


( Background music with this kabanata 9)
KABANATA 10: Tunggalian sa paaralan
TAGAPAGSALITA: Nagkaroon nga ng isang tunggalian sa paaralan nila Mark kung
saan ibibida ng mga sikat na estudyante ang kanilang mga kasuotan na original at sikat rin sa
mga social media at mga mamahalin na damit

HANS: Mga kapwa ko mag-aaral kayo ngayon ay narito sa isang patimpalakan kung
saan bida ang taong maporma at sikat dito sa campus
ASHLEY: Kaya ngayon mga kapwa ko mag-aaral, ating tunghayan ang ating unang
kandidata “ Ms. Liza Minnelli ”
HANS: Tignan niyo naman mga kapwa ko mag-aral, ang isang babaeng tila ba diwata
sa lahat, ang kanyang kasuotan na mamahalin, na galing pa sa Europa napaka-ganda niya
mga kaibigan
ASHLEY: At ang susunod naman na kandidata ay walang iba kundi ang campus crush
nasi “ Mr. Vincent Demorh” , tignan mo naman partner ang kanyang kasuotan isang “
Aesthetic Shirt” nasa pagkaka-alam ko diyan sa damit nayan ay nagkakahalaga ng isang
milyon
ASHLEY: Ano? isang milyon, wow ngayon lang ako nakakita ng ganyang damit na
nagkakahalaga ng isang milyon
HANS: Wala talagang katulad ang dalawang ito na tila ba pati ang body guard ni Liza
ay mamahalin din ang kanyang kasuotan
ASHLEY: Talaga ba!, pero sandali lang si naman itong dumarating
JEFF: Excuse me everyone, may introduce you my friend, “ Mr. Mark Evangelista
Dominguez” ang anak nang CEO ng kompanyang “ Aixan Design”
HANS: Ano? talaga ba siya ang anak nang CEO ng kompanyang “ Aixan Design”
ASHLEY: My goodness partner para akong mawawalan ng hininga, dahil lahat pala
ng mga sikat na estudyante ay narito na!, pero tignan mo partner ang bagong lipat na lalaking
ito, hindi ko lubos maisip friend na siya pala ang anak nang CEO ng kompanyang “ Aixian
Design”
HANS: Oo nga partner ako din, hindi ko lubos maisip na sikat pala ang mga
magulang nito, parang isa na siya sa mga famous dito sa campus
VINCENT: Hello! (pangiting sinabi) Mr. Dominguez, ang isa na ngayong sikat dito sa
campus, nice to meet you
MARK: Ako din naman, hindi ko din alam na isa ka palang model and fashion King
dito sa campus natin
LIZA: Hindi ko inaasahan na ang lalaking binigyan ko nang twenty pesos ay sikat
pala ang mga magulang niya at isa palang mayaman, nice to meet you, Mark
MARK: Nice to meet you too Liza, hindi ko din inaasahan na magkikita tayo ulit
Liza, oh sige maiwan na kita Liza, masama ang taong nananatili sa paligid ng bulkan at baka
sumabog pa ito
ZACK: Nang iinsulto ba yung dalawang yun, kung makaasta parang sila na ang tunay
na sikat dito ( pagalit na sinabi)
VINCENT: Pigilan mo ang iyong galit Zack, dahil ang katulad ng mga taong iyan ay
madaling mamatay sa pamamagitan ng nakaraan, yan ang ipapatrabaho ko sayo Zack ( sabay
ngiti)
ZACK: Yan lang pala eh, madali lang ang bagay na yan, sa pamamagitan ng nakaraan
mawawasak ang pangarap niyang maging katulad niyong sikat
LIZA: Kung ano man ang binabalak mo sa kanya, huwag mo nang ituloy dahil wala
naman siyang ginagawang masama sayo
VINCENT: Kung sinumang humarang sa daanan ko, na kahit sino pa mang punsio
pilato yan, dudurugin ko at hindi mo ako mapipigilan Liza, dahil girlfriend lang kita
LIZA: Kung yan ang gusto mong gawin, eh di gawin mo ( sabay lisan sa kanyang
kinaroroonan )
ZACK: Liza sandali lang, ako nang bahala sa kanya Vincent, huwag kang mag-alala
kakausapin ko siya para magkasundo kayo ulit
VINCENT: Sige, pagbutihin mo (seryosong sinabi)

KABANATA 11: Tanong ng pag-ibig


TAGAPAGSALITA: Umuwi nga na masaya ang mukha ni Mark dahil nagagawa na
niya ang kanyang pangarap bilang sikat na estudyante sa kanilang paaralan at liban pa roon
marami na rin siyang mga kaibigan at fans na sobrang humahanga sa kanyang aking
kakisigan

MARK: Mama narito na po ako


LORA: Oh, nandyan kana pala anak, kumusta ang pag-aaral mo (patanong na sinabi
kay Mark)
MARK: Okay lang naman po mama
LORA: Oo pala anak meron palang isang lalaki kanina ang naghahanap sayo
MARK: Sino naman po iyon, pero sinabi po ba niya, yung pangalan niya sa inyo
LORA: Hindi naman, pero meron siyang sinasabi kanina na ang taong mayroong
nakaraan daw ay siyang huhugot sa kanyang pagbagsak, diko alam kung anong ibig sabihin
ng kanyang mga sinabi kanina, di ba kayo nagkita kanina sa baba
MARK: Hindi naman po baka nakaalis na siya kanina nang dumating po ako
LORA: Baka nga
MARK: Mama, si Jenny po umuwi na po ba kanina
LORA: Oo, halos sabay lang kayong umuwi, bakit may problema ba?
MARK: Wala naman po, pupunta muna po ako kila Jenny
LORA: Mark, Mark, huwag kanang umalis, hayy! itong batang talagang ito, umaalis
nalang bigla (pangiting sinabi)

TAGAPAGSALITA: Nagtungo nga si Mark sa bahay nila Jenny upang ipakita ang
kanyang kasuotan at kakisigan, gayunpaman , napag-isip rin ni Mark na anyayahan si Jenny
na mamasyal sa susunod na araw
JENNY: Oh!, bakit ka napatungo rito, may sasabihin ka ba?
MARK: Oumm, wala ka bang napapasin sa akin
JENNY: Wala naman, yang buhok mo, normal lang naman, at yang damit mo, okay
lang naman, walang pinagbago, pero!, huwag mong sabihing nagpa-transgender ka (pangiting
sinabi)
MARK: Ano ka ba naman? huwag mo nalang ngang pansinin itong buhok ko at
lalong lalo na itong damit na suot ko, nakakahiya naman
JENNY: Bakit, ano bang gusto mong sabihin, may kailangan ka ba?
MARK: Gusto sana kitang anyayahan bukas na mamasyal, pwede ka ba bukas
JENNY: Oo naman, wala naman akong gagawin bukas at tsaka plano ko kaya na
mamasyal bukas, pero sabi ko wala akong kasamang mamasyal pero ngayon meron na
MARK: Ganun ba, saan mo ba gustong mamasyal
JENNY: Ay mayroon akong alam na magandang puntahan, sigurado matutuwa bukas
MARK: Talaga, saan naman yun
JENNY: Basta, bukas ko nalang sasabihin sayo
MARK: Oh di sige, bukas hah!, bukas mo sasabihin kung saan yun
JENNY: Oo naman, pero matanong ko lang, maganda ba ako?
MARK: Oumm, oo naman, bakit mo ba natanong yan
JENNY: Mali yang sagot mo, umuwi kana, bukas nalang tayo mag-usap
MARK: Hah! okay ka lang, anong mali doon
JENNY: Wala, basta umuwi kana, baka hinahanap kana ng mama mo
MARK: Itong taong talagang ito, parang baliw hindi ko maintindihan, hayy naku
talaga ang mga babae parang ewan
KABANATA 12: Ang magandang balita ni Jeff kay Mark
TAGAPAGSALITA: Maaga ngang umalis sina Mark at Jenny para mamasyal at
upang magtungo sa isang sikat na unibersidad sa kanilang lugar, ngunit sa pagkakataong iyon
ay mayroong isang bagay na hindi inaasahang dumating

JENNY: Hindi ko inaasahang ganito kaganda rito, ang ganda at maraming mga
estudyante ang dumarating para mamasyal, pero alam mo ba Mark, ang mga estudyanteng
iyan ay nagtutungo rito para makita, ang isang napakalaking Library dito sa “Unibersidad ng
Dela Michigan”
MARK: Hayy nako naman Jenny, akala ko ba mamasyal tayo, pero bakit tayo narito
sa “Unibersidad ng Dela Michigan”, stress naman ang ginagawa mo!
JENNY: Oo alam ko yun, pero ang purpose ko dito ay para mabasa ang isang sikat na
libro ni “Michigan Dela Santos Antonio” ang isang dakila na manunulat sa ating bansa
MARK: Kung yun ang gagawin mo, maiiwan nalang ako dito at tsaka hindi naman
ako mahilig sa pagbasa ng libro
JENNY: Paano mo naman kasi magugustuhan ang pagbabasa, eh puro ka cellphone at
laro ng mga online games sa computer mo, wait lang Mark nakikita mo ba yung papalapit
dito, yung babae na naman, na puro harot ang dala
MARK: Sino ba yun? (patanong na sinabi)
JENNY: Hayy nako!!, nandyan na yung virus sa campus natin!
LIZA: Hello Mark, it’s a great opportunity na magkita na naman tayo, nandito pala
kayo ng kapatid mo sa isang sikat na unibersidad dito sa bayan natin
MARK: Hello din ano palang ginagawa mo dito
LIZA: Oumm, pumunta ako dito, para makita ang isang sikat na library dito sa
“Unibersidad ng Dela Michigan”, sige maiwan nakita (sabay halik kay Mark)
MARK: Ah-ah (napatutula sa ginagawa ni Liza)
LIZA: Sige!!, bye
JENNY: Tignan mo yun Mark, napaka-harot niya pati ikaw hinahalikan kahit
mayroon na ngang kasintahan, huyy Mark okay ka lang
MARK: Oumm, oo naman, bakit! ano bang nangyari?
JENNY: Hayy nako, pati ikaw nakuha na nang halik niya, tara na nga sa loob ng
unibersidad
JEFF: Mark! Mark! sandali lang mayroon akong magandang sasabihin (pasigaw na
sinabi)
MARK: Jenny naririnig mo yun, parang may tumatawag sa akin
JENNY: Oo nga parang may sumisigaw at tumatawag sayo, pero huwag mo nalang
pansinin yun
JEFF: Mark, Jenny, sandali lang (sumihingal na nagsasalita)
MARK: Hayy! (nagulat) ikaw pala iyan Jeff akala ko kung sino yung sumisigaw
JEFF: Hah,hah napagod ako sa kakahabol at kakahanap sa inyo (pagod na nagsasalita)
hinanap kita sa bahay niyo pero wala ka doon, tapos sinabi ni tita Lora dito daw kayo pupunta
kaya pumunta na rin ako dito dahil mayroon akong magandang balita sayo Mark
MARK: Bakit ano ba yun? (nagtatakang patanong)
JENNY: Oo nga ano ba yun? parang ang halaga nang sasabihin mo sa kanya?
JEFF: Natatandaan mo ba yung sinalihan natin na “MEN OF THE FASHION
STYLE”
MARK: Oo bakit? natatandaan ko yun, bakit mayroon na bang balita patungkol doon
JEFF: Tama ka sa sinabi mo, dahil isa tayo sa mga na-qualified
MARK: Hah! talaga ba, (pagulat na sinabi) tama ba yang narinig ko sayo, na isa tayo
sa mga na-qualified
JEFF: Oo na-qualified tayo, sa wakas matutupad na rin ang ating pangarap Mark na
maging isang sikat
JENNY: Hayy nako mga “OA” kayo akala ko ba kung ano na iyon, yan lang pala
MARK: Alam mo dika na nakakatulong at di mo kasi ramdam kung ano yung feeling
ng makasali sa mga ganitong event
JEFF: Huwag na kayong mag-away buti pa pumunta nalang tayo diyan sa loob nang
unibersidad para mamasyal
MARK: Hmmm, kayo nalang ouwi na ako, sige bye
JEFF: Huyy Mark sandali lang
JENNY: Basta ako tutuloy ako, kahit wala akong kasama, diyan na kayo bye
JEFF: Halla, pati ba naman ikaw Jenny, huyy Jenny wait lang, hayy nako naman mga
tao talaga di maintindihan

KABANATA 13: Pagpapatawad ng kasalanan


TAGAPAGSALITA: Sa gabing iyon ay nagpasiya si Jenny na pumunta sa bahay nila
Mark, upang humingi ng paumanhin sa kanyang ginawa at para sabihin rin sa kanyang
kaibigan na sumusuporta siya sa mga ginagawa ni Mark.

JENNY: Tao po (dalawang ulit na sinabi)


LORA: Sandali lang, sino ba ito?, gabi na pero gusto paring mamasyal, hayy nako
naman (sabay bukas sa kanilang pintuan)
JENNY: Hello po tita Lora, nandiyan po ba si Mark?
LORA: Ahh! ikaw pala iyan Jenny, pumasok ka iha, meron siya diyan sa kanyang
kuwarto ngunit hindi pa lumalabas, sandali lang at tatawagin ko
JENNY: Ayy hindi na po, ako nalang po ang pupunta sa kanyang kuwarto, dahil may
gusto po akong sabihin sa kanya
LORA: Bakit ano ba iyon, bagsak na naman ba siya sa kanyang pagsusulit?
JENNY: Hindi po iyon tita, actually po tita, pasado po siya sa kanyang mga pagsusulit
and quizzes
LORA: Talaga ba iha, alam mo hindi sisipag sa pag-aaral iyan si Mark kung hindi
dahil saiyo iha, atsaka marami siyang pinagbago mula noong pumunta kami dito
JENNY: Oo nga po eh napansin ko, sige po tita Lora, pupunta na po ako doon sa
kuwarto ni Mark
LORA: Oh sige sabihin mo kung mayroon kayong kailangan sa inyong pag-aaral at
ako na ang bibili kahit gabi na
JENNY: Tita naman, hindi naman po kami gagawa ng project para magpabili pa
sainyo tita Lora (pangiting sinabi)
LORA: Hindi joke ko lang iyon, sige sige pumunta kana sa kuwarto ni Mark, hayy
buti nalang mayroon si Jenny para tulungan si Mark sa kanilang pag-aaral, kung wala siguro
si Jenny malamang puro bagsak si Mark ngayon sa kanyang pagsusulit at mga quizzes
(nagsasalita sa kanyang sarili)
JENNY: Mark nandiyan ka ba (patanong na sinabi kay Mark) oumm mayroon sana
akong sasabihin saiyo
MARK: Pumasok ka, bukas yang pintuan ng kuwarto ko (malungkot na sinabi)
JENNY: Oumm anong ginagawa mo? nakakaabala ba ako sayo?
MARK: Wala naman!, bakit ano bang gusto mong sabihin?
JENNY: Oumm sorry pala sa sinabi ko kanina dahil hindi ako nagdahan-dahan sa
pananalita atsaka hindi ko nais na masaktan ka sa sinabi ko, patawarin mo sana ako
MARK: Hmm, hayaan muna iyon, sabagay totoo naman yung sinabi mo na OA ako at
hindi naman ako tulad ng iba diyan na sikat at mayaman
JENNY: Alam mo, hindi iyon ang gusto kong sabihin saiyo, marami kanang
pinagbago mula noong pumunta kayo dito ni tita Lora, para ngang ikaw na ngayon yung sikat
sa iskol natin eh
MARK: Para ngang, ayaw ko nang tumuloy sa mga ganitong event nakakadismaya
para sa akin
JENNY: Ano ka ba? kaya nga nandito ako para tulungang magkaroon ng self-
confidence at proud sa iyong sarili
MARK: Talaga ba, susuportahan mo ako
JENNY: Oo naman ikaw pa, wait lang ano yung tumutunog, para may tumatawag
MARK: Ahh yung cellphone ko iyon, wait lang at kukunin ko, at sino kaya itong
tumatawag ng gabi (patanong na sinabi habang kinukuha ang kanyang cellphone)
JENNY: Sino yang tumatawag sayo?
MARK: Si Kuya Dan
JENNY: Kuya Dan! sino yun?
MARK: Basta!! mamaya ko nalang sasabihin sayo kung sino siya, hello po Kuya
Dan, bakit po kayo tumawag ng gabi, may kailangan po ba kayo sa akin?
KUYA DAN: Alam mo na ba yung balita, nasabi na ba sayo ni Jeff yung magandang
balita patungkol sa ating sinalihan?
MARK: Opo Kuya, alam ko na po iyon, nasabi po sa akin ni Jeff noong pumunta
kami sa Unibersidad ng Dela Michigan
KUYA DAN: Buti naman alam muna, kaya ako tumawag sayo dahil gusto kong
sabihin na kailangan niyong pumunta dito sa bahay ko bukas at mayroon akong gustong
sabihin patungkol sa event na inyong sasalihan
MARK: Sige po, sasabihin ko po kay Jeff ang ating pinag-usapan ngayon
KUYA DAN: Oh sige bye!
JENNY: Sabihin mo nga sa akin Mark kung sino yung taong iyon
MARK: Hayy, yung taong iyon ay siya ang tumutulong sa amin ni Jeff para
magkaroon nang mga damit na sobrang sikat sa lahat
JENNY: Ahhh kaya pala marami kang damit na kakaiba dahil sa taong iyon
(nagtatakang patanong)
MARK: Kung gusto mo sumama ka sa amin kay Jeff, para makilala mo si Kuya Dan
at para hindi ka na rin nagtataka
JENNY: Talaga, sige sasama ako sa inyo kay Jeff bukas at para naman makabawi ako
sayo
MARK: Oh sige, hindi ka pa ba ouwi, gabi na?
JENNY: Oo ouwi na ako pero may gusto lang akong tanungin, maganda ba ako?
MARK: Hah! nakakabigla naman yang tanong mo sa akin
JENNY: Ano sagot mo, para maka-uwi na ako?
MARK: Oumm, syempre oo naman ma-maganda ka
JENNY: Talaga ba (naka-ngiting sinabi) mali pa rin, sige sige bye na, bukas nalang
MARK: Hah! ( nagtataka) parang may something sa kanya na diko maintindihan,
hayy nako naman talaga!

KABANATA 14: Simula ng semi battle


TAGAPAGSALITA: Pinatawag nga ni Kuya Dan sina Mark at Jeff para paghandaan
ang kanilang pagsali sa event na “MEN OF THE FASHION STYLE”, dahil nga dito
kailangan nilang mas pagbutihin ang mga paraang gagamitin nila sa pagsabak ng event
naiyon

KUYA DAN: Buti naman nandito na kayo para ating paghandaan ang inyong pagsali
sa event na “MEN OF THE FASHION STYLE” mahalaga ang event na ito hindi lang sa akin
kundi pati rin sainyo
MARK: Opo alam namin iyon Kuya Dan at handa na po kami na sumabak sa
ganitong event
JEFF: Atsaka po marami na po kaming alam patungkol sa mga ganitong event dahil
po sa mga tinuro niyo sa amin
KUYA DAN: Hindi lang sa sapat na, ang dapat niyong sabihin kundi kailangan
niyong mas paghusayan ang susunod na hakbang ninyo, maliwanag
MARK: Opo Kuya Dan! diba Jeff
JEFF: Oo naman!
KUYA DAN: Come On (pasigaw na sinabi)
MARK AT JEFF: Baby (sabay na sinabi)
KUYA DAN: Sandali lang, sino naman ito? (nagtatakang patanong)
MARK: Oumm, si Jenny po Kuya Dan, kaibigan ko po
JENNY: Hello po Kuya Dan (naka-ngiting sinabi)
KUYA DAN: Talaga lang hah Mark, baka naman tita mo
JEFF: Kaibigan po namin Kuya Dan, kapit-bahay po nila Mark
KUYA DAN: Oh sige na nga, tigilan nating pag-usap ang mga bagay nayan, buti pa
pagplanuhan na natin ang gagawin sa event na ating pupuntahan
JEFF: Mabuti pong ideya iyan Kuya Dan, para sa ganoon mas gumaling kami kay
Mark sa pagkilatis ng mga sikat na damit po Kuya Dan
MARK: At mabuti naman naisip mo iyan Jeff (naka-ngiting sinabi kay Jeff)
JENNY: Hahhhh!(sumigaw)
MARK: Ohh Jenny! bakit may masama ba nangyari?
JENNY: Si-si Vincent isa rin sa mga na-qualified kagaya niyo at nagpost pa siya nang
kanyang larawan suot yung sikat at mamahalin niyang damit
JEFF: Hayy iyan lang pala eh! Akala ko ba kung ano naiyon
KUYA DAN: Sinong Vincent ang sinasabi niyo? sikat ba siya, kung hindi sobrang
yaman at hindi naman kagaya ng kilala ko ay huwag na ninyong pag-ubusan pa nang
panahon
MARK: Hindi naman po sa ganon Kuya Dan, iniisip ko lang po kung ang taong iyon
ay nag-iisa, malamang sa sobrang yaman ng kanyang ama baka pati event mapasakanya
JENNY: Sorry kung makisaw-saw ako, ngunit batay po sa akin ang kanyang ama ay
isa sa mga taong nagmamay-ari sa “DIAMOND JEWELRY COMPANY” na alam naman
natin, na ang kumpanyang iyan ay sikat ngayon
KUYA DAN: Ano ba kayo kumpanya lang iyan, matatapos rin ang kasikatan nila pero
tayo tao hindi mamatay kung kakain ng tatlong beses sa isang araw diba
JEFF: Oo nga naman atsaka ang kumpanya hindi kumakain pero tayo nabubusong
kahit pagkain lang
MARK: Hmmm, sana nga magawa natin Ito
KUYA DAN: Come On!
MARK, JEFF AT JENNY: Babyyy! ( sabay nilang tatlong sinabi)
KUYA DAN: Hahh!! (nagtatakang patingin kay Jenny)
JENNY: Oumm sorry po, na dala lang

KABANATA 15: Ang pagsisiyasat sa katutohanan


TAGAPAGSALITA: Dahil nga sa alam ni Vincent na isa si Mark sa mga na-qualified
ay gumawa siya nang paraan upang kanyang mapatunayan nasi Mark ay hindi karapat-dapat
sa event naiyon, ngunit liban pa roon ay malalaman na rin ni Liza ang buong pagkatao ni
Mark

ZACK: Hello Vincent!! alam ko na ang buong pagkatao ni Mark, dahil naka-usap ko
yung dating kaklase ni Mark na sobrang kinakainisan niya (nag-uusap habang nasa telepono)
VINCENT: Mabuti kung ganon!!
ZACK: Dagdag pa diyan, mayroon akong video ni Mark nasa tingin ko, ito ang buong
pagkatao ni Mark Evangelista Dominguez
VINCENT: Isend mo sa akin ang videong iyan at ako ang bahala sa pagsikat ni Mark
sa katotuhanan niya
ZACK: Sige isesend ko sayo mamaya
VINCENT: Sige, bye
MARK: Alam mo Jeff, ano kaya magandang gawin kung sikat na tayo
JEFF: Oumm malamang, pwede tayong mamasyal kung saan-saan o di kaya sa ibang
bansa diba
MARK: Wait lang Jeff, bakit lahat ng mga estudyante dito sa campus natin sa akin
nakatingin
JEFF: Hahh! (nagulat sa kanyang nasaksihan, sa kanyang cellphone) Ma-Mark tignan
mo
MARK: Patingin nga, Hahh!! sinong may gawa nito?
VINCENT: Well, well, well it’s a great na makita ang tunay mong pagkatao
JEFF: Ikaw!!! (nagagalit)
MARK: Ako nang bahala dito Jeff, pigilan mo ang iyong galit sa kanya
VINCENT: Congratulations Mark, iyan sikat kana ngayon, by the way nalaman ko rin
na hindi ka pala tunay na anak nang CEO ng kompanyang AIXAN DESIGN, kundi ikaw ay
isang impostor
MARK: Bakit mo ito ginagawa sa akin? may masama ba akong ginawa sa sayo?
VINCENT: Wala naman, pero nagsisimula palang ako, diba Liza
MARK: Hahh, pati rin ikaw Liza?
VINCENT: Sabihin mo sa kanya Liza, kung sino ka talaga sa akala niya?
LIZA: Oumm, ikaw Mark, hindi ko lubos maisip na sobra ka palang lampa sa
paningin ko atsaka ang bilis mong mauto sa akin, la-lampa ka
JENNY: Mark! ayos ka lang, nakita ko yung video mo, nag-alala ako kung na paano
kana kaya pinuntahan kita rito
MARK: Ayos lang ako Jenny, huwag kang mag-alala sa akin, laban ko ito
VINCENT: Oh buti naman nandito na kayong lahat, kompletos rekados na, alam niyo
wala kayong binatbat sa akin dahil para lang kayong langgam sa paningin ko, kaya mabuti pa
tigilan na ninyong mangarap nang mataas
JENNY: Hoyy, ikaw tao ka o kahit pa mang sinong punsio pilato ka, hindi ako
natatakot sayo at ikaw babae ka kung akala mo parang santo naman, yun pala parang mas
masama pa sa demonyo na kagaya mo
MARK: Hmmm, tama na Jenny huwag mo silang patulan!
JENNY: Pero hindi maganda ang ginawa nila sayo, gusto lang kitang tulungan Mark
(nag-aalala)
MARK: Oo ako iyan hindi ko ikinakahiya kung sino ako ngunit hindi batayan ang
videong iyan sa kung ano ang pangarap ko, na kahit man ilabas mo ang buong pagkatao ko
hindi ako titigil sa pagkamit ng aking pangarap, tandaan mo iyan Mr. Vincent Demorh
VINCENT: Hahh, hindi pwede ito bakit ganon nalamang ang nangyari (nagtatakang
sinabi sa kanyang sarili) hindi man lang siya napahiya sa ginawa ko
MARK: Tara na Jenny, Jeff umalis na tayo rito
JEFF: Mabuti pa nga!!

KABANATA 16: Masamang plano ni Vincent

TAGAPAGSALITA: Hindi nga lubos maisip ni Vincent na ganon nalamang ang


nangyari na tila ba siya ang napahiya sa kanyang ginawa dahil nga sa mga nangyari ay ninais
ni Vincent na gumawa si Zack nang isang plano

You might also like