You are on page 1of 2

SCRIPT FOR REPORTING

Kahulugan

CASSANDRA: Ang mahalagang salik sa produksyon na ito ay tumutukoy sa mga bagay na nanggagaling sa
kapaligiran na ginagamit sa paggawa o pagbuo ng mga produkto. Sumasaklaw rin ito sa lahat ng orihinal
at lahat ng hindi mapapalitang yaman ng kalikasan. Dito rin nanggagaling ang mga hilaw na materyales na
ginagamit sa proseso ng produksyon.

STEPHANIE: Ang mismong lupa, deposito ng mineral, kahoy, kagubatan at tubig ay ilan lamang sa mga
halimbawa nito. Dito rin ipinatayo ang mga pabrika, factories, at mga imprastraktura ng produksyon. At
kinakailangan ang katangian ng lupa ay may tiyak na lawak at sukat upang mapakinabangan ang halaga
nito para sa produksyon.

Kaugnayan

KIM: Ito ay napakahalaga para sa indibidwal sapagkat ito ang nagiging dahilan kung bakit tayo nakakakuha
ng ibat ibang angking yaman na ating nagagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Dito rin pumapaloob
ang pinagtatayuan ng mga pinag-gagawan ng produkto tulad ng pabrika, planta at iba pang imprastuktura.
Ang lupa ang siyang nagiging isa sa mga pangunahing pangangailangan dahil kung wala ito ay hindi tayo
makakapagtanim, makakaani na siyang ilang pinagkakahanap-buhayan nating mga Pilipino. Lupa rin ang
isa mga nagagamit ng mga magtatanim para mapataba o mapalusog ang kanilang mga halaman. Sa
madaling salita ang lupa ay umuugnay sa produksyon dahil ito ang nagsisilbing dahilan upang may
maipangtustos sa bawat indibidwal o pamilya. Bukod riyan ang lupa rin ang isa sa mga rason kung bakit
may mga nauupahang kabahayan ang trabahador na malayo sa kanilang pamilya, sa paraang ito ay
nagbabayad sila upang patuloy silang makatira habang ang nag-papaupa naman ay kumikita.

MILCAH: Ang lupa ay isa sa mga may malaking ambag sa produksyon sapagkat ang mga hilaw na
materyales na ating kinakailangan sa paggawa ng produkto ay dito natin kinukuha. Isang halimbawa na
rito ay ang paggawa ng paso, sa paggawa nito ay kinakailangan natin ng lupa. Ang lupa ay umuugnay sa
salitang produksyon dahil maaari nating magamit ito sa iba't ibang paraan tulad na lamang ng sabi ni Kim
na dito nakakakuha ng pangunahing hanap buhay tayong mga Pilipino, bukod doon ay pinagtatayuan ito
ng napakaraming gusali. Sa huling banda ng pagpapaliwanag kung ano nga ba ang kaugnayan nito, ay lupa
ang isa sa napakahalagang bagay upang makakuha tayo ng kapital at maisagawa ang produktong ating
gagawin.

Kahalagahan

LUKE: Napakahalaga ng lupa kung pag-uusapan natin ang produksyon dahil halos lahat ng mga produkto
na ginagamit natin sa pang-araw-araw nating gawain ay nanggagaling mismo sa lupang tintayuan natin.
Sa Lupa, makikita halos lahat ng mga hilaw ng materyales at mga likas na yaman na ginagamit sa
produksyon. Halimbawa nalamang nito ay ang mga puno na nasa paligid natin, dito makukuha ang mga
kahoy na ginagamit natin sa pagawa ng iba’t ibang produkto katulad na lamang ng mga upuan, lamesa at
mga papel. Makikita rin sa pinaka-ilalim ng ating lupa ang mga mineral, tulad na lamang ng dyamante at
ginto, na ginagamit sa pagawa ng mga mamahaling alahas na isinusuot natin araw-araw. Ang isa pang
halimbawa ng mga hilaw na materyales na makukuha natin sa lupa ay ang ating mga pagkain, katulad na
lamang ng mga prutas at gulay na mahahanap mo sa mga halaman.

Ginagamit din natin ang ating lupa sa pagpapalaki ng iba’t ibang mga hayop, katulad na lamang ng mga
baka at kambing, na nagbibigay ng karne at iba pang produkto na siya nating kinakain sa pang araw-araw.
Ang mga hayop na ito ay kumakain ng mga damo at iba pang mineral na nangagaling sa mismo sa ating
lupa upang ito ay lumaki. Kapag ito ay lumaki na ng sapat ay pwede na natin kunin ang mga produkto nito.
Hindi naman lahat ng gamit sa lupa ay puro materyales, ang lupa din natin ay ginagamit upang tayuan ng
iba’t ibang mga gusali at mga factories na ginagamit natin sa pagawa ng iba’t ibang mga produkto na
ginagamit sa natin sa pang araw-araw.

GHIAN: Bilang ang lupa ay tumutukoy sa lahat ng limitadong likas na yaman na biyaya ng kalikasan. Kung
kaya’t may malaki itong gampanin sa produksyon na siyang sumasailalim sa iba’t ibang pamamaraan o ang
proseso ng produksyon. May kahalagahan ito na dahil ang lupa bilang isang mahalagang salik na
kinakailangan sa produksiyon ay ang pinagkukunan ng mga likas na yaman na siyang esensyal upang
maisaalang-alang at maisagawa ang proseso ng produksiyon upang sa ganoon ay magkaroon ng tinatawag
na output o ang kompleto o pinal na produkto na may utility o halaga pamilihan o maituturing bilang
economic good at higit sa lahat ay ang serbisyong maihahatid nito. Dagdag pa rito, mahalaga rin ito
sapagkat hindi lamang yamang lupa o yamang tubig ang nakukuha natin dito bagkus ay ang iba’t ibang
klase ng enerhiya mula sa iba’t ibang pinanggalingan nito ay kabilang sa naturang salik ng produksiyon na
makatutulong sa pagsusuplay ng mga naglalakihang negosyo o industriya na nagdudulot ng malaking pag-
unlad sa ekonomiya, gayundin kahit sa tinatawag nating Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) na
sa kasalukuyan ay isa sa pinagbibigyang tuon ng administrasyon at nakatuong ahensya sa ekonomiks. Sa
kabilang banda, mahalaga ito dahil ang lupa ay itinuturing bilang salik ng produksiyon na siyang
pinagmumulan ng espasyo kung saan nagaganap ang proseso ng produksiyon. Mahalaga rin ito bilang
isang karakterisidad nito ay ang pagiging tiyak ng lawak o sukat nito kung kaya’t kailangan ay lubos na
mapakinabangan ang halaga nito para sa produksiyon habang isinusulong naman ang napapanatiling
paggamit nito. Sa makatuwid, mahalaga ang lupa sa produksiyon bilang ito ang nagsisilbing pinagkukunan
ng lahat ng likas na yaman na biyaya ng kalikasan upang maisagawa ang proseso ng produksiyon at
makapagbigay ito ng positibong kahihinatnan sa estado ng ekonomiya.

You might also like