You are on page 1of 7

Salik

Siksik!
Araling
Panlipunan 9
Mga Salik ng
Produksiyon
Lupa
Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang
tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka
o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito
ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim
nito, pati ang mga yamang tubig, yamang
mineral, at yamang gubat.
Paggawa
Kinakailangan ang mga manggagawa sa
transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa
pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo.

Ang mga manggagawa ay may malaking


ginagampanan sa ating pang araw-araw na
pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng
produkto at serbisyo ang tumutustos sa ating
pangangailangan.
Kapital

Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal


na nakalilikha ng iba pang produkto.
Mas magiging mabilis ang paggawa
kung may mga makinarya o
kasangkapang gagamitin ang mga
manggagawa.
Ang kapital ay isa sa mga salik sa
pagtamo ng pagsulong ng isang
bansa. .
Entrepreneurship
Ang entrepreneur ang tagapag-
ugnay ng naunang mga salik ng
produksyon upang makabuo ng
produkto at serbisyo.
Ang inobasyon o patuloy na
pagbabago ng entrepreneur sa
kaniyang produkto at serbisyo ay
susi sa pagtamo ng pagsulong ng
isang bansa.

You might also like