You are on page 1of 19

SEKTOR NG

INDUSTRIYA
I pi nep re sen ta n g Hu ff l epuff

IKALAWANG GRUPO
Puffle power
Kapag kayo ay nakakita ng
isang pogi o maganda, isigaw
ang "pufflehuffle dodge the
double" upang magkaroon ng
karagdagang puntos
INDUSTRIYA
Ang sektor ng industriya ay isa sa may napakalaking gampanin
sa pag-unlad ng bansa. Ito ay nakapagbibigay ng maraming
trabaho sa mamayang Pilipino at nakadadagdag sa kita ng
bansa.

Makabagong makinarya ang ginagamit upang mas mapabilis


ang produksiyon upang makasabay sa mabilis na takbo ng
ekonomiya. Pabrika, minahan, konstruksiyon at utilities ay
ilan lamang sa kabilang sa sektor ng industriya na ang layunin
ay matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.
MGA KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA

1. Katatagan ng Ekonomiya:
• Ang industriyalisasyon ay nagbibigay ng katatagan ng ekonomiya sa bansa kung saan ang
bansa ay hindi lamang umaasa sa iisang sektor. Pinapanatili nito ang balanse sa pagitan ng
dalawang sektor ng ekonomiya upang mas mapahubog pa ang kaunlaran

2. Pagtaas ng reserbang foreign exchange:


• Sa pagpapakilala ng parami nang parami ng mga industriya, magkakaroon ng pagtaas sa
mga kita ng foreign exchange. Ang mga pag-export ay tataas at ang mga pag-import ay
magsisimulang bumaba sa mga numero. Kung mas marami ang cash inflow, tataas ang
self-sufficiency.
MGA KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG
INDUSTRIYA
3. Pagpapabuti sa Pamumuhunan at Paggastos:
• Ang industriyalisasyon ay nagiging sanhi ng pagtaas ng kita ng mga tao, at pagpapabuti ng
kanilang antas ng pamumuhay. Mayroong pagtaas sa kita, at kaya ang rate ng savings, rate ng
investment at rate ng paggasta ay awtomatikong tumataas din. Ito ay isang mahalagang
kaganapan para sa mabilis na pag-unlad ng isang bansa.

4. Employment
• Nagbibigay ito ng malaking antas ng employment sa bansa na siyang ring sumasalba sa
karamihang suliraning panlipunan at pang-ekonomiya. Ang kawalan ng trabaho ay siyang
rutang sanhi ng mga kakulangan ng bansa, kung kaya't malaki ang papel ng industriya sa
pagbabawas ng unemployement rates.
MGA KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA
5. Pagpapabuti ng Balanse ng Pagbabayad at kita ng pamahalaan:
• Dahil sa industriyalisasyon, ang mga domestic goods i.e. mga kalakal na gawa ng sariling bansa ay
tumataas, at gayundin ang mga export. Ito ay paborable para sa balanse ng pagbabayad dahil ang
halaga ng mga natapos na produkto ay tumataas kumpara sa mga pangunahing produkto. Ang
koleksyon ng mga buwis tulad ng excise duty , indirect taxes, income taxes ay tumataas din sa
industriyalisasyon.

6. Paggamit ng Likas na Yaman:


• Maaaring mayroong maraming mapagkukunan na hindi nagagamit tulad ng mga tigang na lupain at
mineral, na maaaring walang silbi sa mga sektor ng agrikultura o pananalapi ng isang bansa.
Samakatuwid ang pag-unlad ng industriya ay magdaragdag sa paggamit ng naturang mga
mapagkukunan.
ANG APAT NA
SUBSEKTOR
H u ff l e p u ff
PAGMIMINA
Ang pagmimina ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha
ng mga yamang mineral mula sa lupa. Ang pagmimina ng
mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksiyon,
paghango, o paghugot.

Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng


mga metal at mga mineral o mga iba pang bagay.
MGA EPEKTO NG
PAGMIMINA
MABUTI
• Nagproproseso ng mga yamang mineral upang
MASAMA
• Pagdudulot ng negatibong epekto sa kalikasan
gawin mga aksesorya o palamuti katulad ng climate change, pagkasira ng mga
bundok, pagkabulok ng mga ilog at pagwatak ng
• Nagbibigay ng trabaho at pagkakakitaan ng mga
ecosystem.
residenteng nasa minahan
• Pagkakaloob ng malaking turnover sa gobyerno • Paglason sa mga yamang tubig dahil sa

na siyang ginagamit bilang karagdagang badyet nahahalong kemikal dulot ng pagmimina


sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko • Pagpapatay sa mga oraganismong nakatira
• Mas mataas na antas ng teknolohiya na malapit sa mga pagminahan
• May potensyal na malagutan ng hininga o
nagdudulot ng mas mataas na pag-unlad
madisgrasya ang mga nagmimina sa malalalim at
madadalim na kalupaan
.
PAGBABAG
O
PAGMAMANUPAKTUR
Ang pagmamanupaktura ay ang proseso ng paglikha o paggawa ng mga produkto sa pamamagitan

A
ng paggamit ng mga hilaw na materyales, kagamitan, lakas-paggawa, makinaryo at teknolohiya.

Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng


maraming mga paraan katulad ng pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o paghahalo ng kimikal.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pagmamanupaktura sa industriya sapagkat ang kabuuang


produksyon ng mga iba't ibang kagamitan ay nagmumula rito. Mula sa gadget pang-elektronika,
kasuotan, gamit pambahay, pangkusina at eskuwela, sasakyan, at iba pa.
MGA EPEKTO NG PAGMAMANUPAKTURA
MABUTI MASAMA
• Nagproproseso ng iba’t ibang kagamitan upang • Pagkakaroon ng polusyon dulot ng mga nakakapinsalang
makatulong sa pangaraw-araw nating trabaho hangin mula sa pabrika
• Pagtratransporma ng mga bago at mas kapaki- • Banta ng mga nakakamatay na sakit at panganib ng

pakinabang bersyon ng mga hilaw na materyales pagkalipol ng malinis na hangin


• Pagdudulot ng negatibong epekto sa kalikasan at
• Nagtataguyod ng pagbabago, kaunlaran,
ecosystem na pwedeng magresulta sa pagkamatay o pag-
pinalagong kalakan, pagdami ng kita at trabaho extinct ng mga iba’t ibang hayop at organismo
• Ang mga makinarya ay nagbibigay rin ng serbisyo • Paglalabas ng sobra-sobrang greenhouse gases (kagaya ng
at paglilingkod sa konstruksyon ng mga proyekto carbon dioxide at methane) na nagreresulta sa pagbabago
at imprastraktura ng klima (climate change), pag-iinit ng globo (global
warming), mga mapinsalang kalamidad, man-made na
suliranin, at pagsira ng mundo
CHLOROFLUOROCARBON
KONSTRUKSYO
Ang konstruksiyon ay isang prosesong binubuo ng
N
paggawa o pagtatayo, ng imprastruktura, kalsada,
tirahan, at iba pang istruktura. Ito ay Itinuturing na fixed
capital para sa paggawa ng mga produkto.

Ang industriya ng konstruksiyon ay isang sektor ng


ekonomiya na, sa pamamagitan ng pagpaplano, disenyo,
pagpapanatili, pagkukumpuni, at pagpapatakbo, ay
nagbabago ang iba’t ibang mapagkukunan sa mga
itinayong pasilidad
Nakabatay ang trabaho at kita sa iba’t ibang pasilidad na
nakatayo sa isang lugar. Naapektuhan rin ng mga salik sa
pagpapatayo ng imprastraktura (katulad ng lokasyon,
katatagan ng materyales, tagal ng paggawa) ang produktibidad
at pagkaunlad ng ginawang gusali.
MGA EPEKTO NG
KONSTRUKSYON
MABUTI MASAMA
• Pagbubuo ng napakalaking dami ng basura at
• Lumilikha ito ng mga trabaho na siyang daan
plastiks dahil sa sobra-sobrang produksyon at
sa paglago ng ekonomiya, at pagkaroon ng
kulang sa aksyong pamamahala ng waste disposal
solusyon para sa mga hamon sa lipunan, at segration.
klima, at enerhiya. • Nag-aambag ito sa polusyon ng hangin, inuming
• Mas napapabilis ang trasportasyon ng mga tubig, at lupa dulot ng basura.
• Banta ng kaligtasan at kalinisan ng kapaligiran
produkto at ng mga lakas-paggawa sa
• Mga pangmatagalang epekto sa wildlife katulad ng
kanilang kauukulang trabaho pagsira ng habitual environment at pagkaait ng
• Nagkakaroon ng capital goods ang natural resources para sa mga organismong
pamahalaan nangangailangan rin nito
UTILITIES
Tumutukoy sa mga mahahalagang serbisyo sa publiko katulad ng
pagsusuplay ng kuryente, tubig, naturang gas, singaw at pagtatanggal ng
dumi sa alkantarilya na siyang nagsisilbi daan sa pag-unlad ng ekonomiya
at lipunan.

\Karamihan sa mga kumpanyang pang-utility ay pribado, ngunit dahil


nagbibigay sila ng pampublikong serbisyo, napapailalim sila sa malaking
pangangasiwa at regulasyon ng pamahalaan.

Samantala, ang pamumuhunan sa sektor na ito ay pangmatagalan sapagkat


ginaganap ang mga serbisyo ng tuluy-tuloy sa kabila ng pandemya, unos at
sakuna.
MGA EPEKTO NG
UTILITIES
MABUTI
• Nagbibigay ito ng iba’t ibang imprastraktura na
MASAMA
• Pagkakaroon ng mga panandaliang pagkaputol ng
esensyal sa paghatid at pamamahagi ng mga serbisyo serbisyo, tulad ng brownout, pagkaputol ng supply ng
sa mga gusali, tahanan, negosyo at buong nasyon. tubig, at unstable na telekomunikasyon na maaaring
• Gumaganap ang utility bilang isang mahalagang magdulot ng kahirapan sa iba’t ibang industriya lalo
instrumento sa pangkahalatang paglago ng maraming pa’t ang regulasyon ay hindi malinaw o hindi
industriya. Kung wala ito, mahihirapan ang mga napapanahon.
negosyo na makapag-akit ng customers at magkaroon
ng mahusay na pag-unlad. • Ang mga limitasyon na maaaring ipatupad sa paggamit
• Tumutulong ito sa paglikha ng mga trabaho, ng mga utilities, tulad ng mga patakaran sa paggamit
pagsuporta sa pagmamanupaktura ng de-kalidad na ng enerhiya o tubig, ay maaaring magdulot ng mga
kagamitang pangserbisyo at pagbabago sa loob ng mga hamon at pagtaas ng gastos para sa mga industriya.
komunidad
SULIRANIN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA
SULIRANIN EPEKTO
• Kawalan ng malaking kapital upang tustusan ang • Kakulangan ng produkto at pagtaas ng presyo
pangangailangan sa produksyon. nito.

• Pinsala sa mga mamayanan at kapaligiran.


• Mga White-elephant projects (Proyektong
walang pakinabang) ng pamahalaan.
• Pagbabawas sa produksyon at pagtaas sa
presyo ng produkto.
• Kakulangan sa hilaw na materyales
• Pagsasara ng mga lokal na industriya at
• Malayang pagpasok ng murang produkto mula sa pagkawala ng hanapbuhay ng maraming
ibang bansa dahil sa import liberalization. mamayanan.

You might also like