You are on page 1of 10

INDUSTRIYALISASYON

MARKET GROUP
Industriyalisasyon
Ang esensiya ng ekonomiya’y
ang pagsisiguro na ginagamit
ang likas-yaman ng isang bansa
sa paggawa ng mga produktong
pasok sa pangangailangan nito
at pakikinabangan ng mas
nakararaming tao.
Industriyalisasyon
"Walang bayan sa daigdig na umunlad nang
hindi nag-iindustriyalisa. Ang
ekonomikong kaunlaran ay kasingkahulugan
ng industriyalisasyon.“-Gloria Macapagal
Arroyo

SUSI SA MASIGLANG EKONOMIYA


Ang industriyalisasyon ay kalagayan ng isang
ekonomiya na nagpapakita ng kapasidad at kakayahan
ng isang bansa na makalikha ng maraming produkto
mula sa mga hilaw na material ng agrikultura na
tutugunan sa pangangaylangan ng local na pamilihan
at sa pamilihan sa labas ng bansa.

Hindi lamang ito nangunguhulugang paggamit ng


makinarya at pag unlad ng industriya,tinutukoy din
nito ang pagbabagong teknolohikal na sinasabayan
ng mga pagbabago sa kultura,lipunan at
sikolohiya.Tinatanggap dito ang kaayusang
teknolohikal sa halip na ipanatili ang kaayusang
tradisyunal.
LAYUNIN NG INDUSTRIYALISASYON
◦ Malinang at mapaunlad ang pinagkukunang yaman ng bansa.
◦ Makapagbigay pagkakataong maitaas ang antas ng kabuhayan ng tao.
◦ Makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

KAHALAGAHAN NG INDUSTRIYALISASYON
o Daan para sa maunlad na bansa.
o Pagbabagong teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong
pangkultura, panlipunan at pansikolohiya
o Mas magaan na gawain para sa mga manggagawa.
2 URI NG INDUSTRIYA
◦ PRIMARY INDUSTRIES ◦ SECONDARY INDUSTRIES
◦ Ito ay industriya na mula sa agricultura, pang ◦ Tumutukoy ito sa komplikadong gawain mula sa
gugubat at pagmimina. pagpoproseso ng mga pangunahing produktong
agricultural patungo sa mas malaking produksyon na
kalimitay gumagamit ibat-ibang uri ng makinarya.
KATANGIAN NG ISANG INDUSTRIYALISADONG BANSA

◦ Nagtataglay ito ng malaking kapital.


◦ Mataas na antas na teknolohiya.
◦ Matatag na negosyo.
◦ Modernong imprastraktura.
◦ Makabagong teknolohiya.
◦ Episyenteng serbisyong publiko.
MAHALAGANG PAPEL NG SEKTOR NG INDUSTRIYA SA
EKONOMIYA
◦ Ang sektor ng ekonomiya ay nahahati sa mga subsektor na pagmimina,
konstruksyon, pagmamanupaktura, elektrisidad at gas.

PAGMIMINA
Ito ay ang pagkuha o
pagkatas sa mga mineral na
matatagpuan kalimitan sa
ilalim ng lupa tulad ng
iron ores, ginto, pilak,
chromite, nikel, marmol,
tanso at iba pa.
KONSTRUKSYON
◦ Naglalayong maipatayo ang mga
kailangang daan, tulay, gusali,
daungan, paliparan at iba pang
imprastraktura.
◦ Sa pamamagitan naman ng enerhiyang
nalilikya ng subsector ng
elektrisidad at gas, napapatakbo ang
mga makina para sa produksyon,
kagamitan para sa telekomunikasyon
at mga sasakyan para sa
transportasyon.
KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA
◦ Ang mga trabahong nalilikha ng sector ng industriya ay nakapagpapataas sa
antas ng pambansang kita at nakapag-aambag sa kaunlaran ng bansa.
◦ Nakatutulong ito upang mabigyan ng hanapbuhay ang maraming pamilyang
Pilipino.
◦ Mahalaga ang papel ng sector ng industriya sa pagpapataas ng antas ng
teknolohiya sa bansa.
◦ Mahalaga ang papel ng pambansang industriyalisasyon upang lalong malinang
ang kasanayan at kakayahan ng bawat Pilipino.
◦ Magkakaroon ng mas magandang ugnayan sa pagitan ng sector ng agrikultura.
◦ Makatitipid ng dolyar ang bansa.
◦ Mas hihigit ang ugnayan sa pagitan ng sector ng local na agrikultura at
sector ng industriya.
◦ Mas bubuti ang katayuang ekonomiko ng mga manggagawa dahil sa mas mataas na
pasahod.
◦ Mas magiging makabayan ang mga mamamayan.
◦ Makapagluluwas na ang bansa ng produkto.
◦ Mapabubuti ang antas ng teknolohiya.

You might also like