You are on page 1of 5

SEKTOR NG INDUSTRIYA

Ang sektor ng industriya ay isa sa may napakalaking gampanin sa pag-unlad ng bansa. Ito ay
nakapagbibigay ng maraming trabaho sa mamayang Pilipino at nakadadagdag sa kita ng bansa.

Makabagong makinarya ang ginagamit upang mas mapabilis ang produksiyon upang makasabay sa
mabilis na takbo ng ekonomiya. Pabrika, minahan, konstruksiyon at utilities ay ilan lamang sa
kabilang sa sektor ng industriya na ang layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

MGA KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA

1. Katatagan ng Ekonomiya:

Ang industriyalisasyon ay nagbibigay ng katatagan ng ekonomiya sa bansa kung saan ang bansa ay
hindi lamang umaasa sa iisang sektor. Pinapanatili nito ang balanse sa pagitan ng dalawang sektor ng
ekonomiya upang mas mapahubog pa ang kaunlaran

2. Pagtaas ng reserbang foreign exchange:

Sa pagpapakilala ng parami nang parami ng mga industriya, magkakaroon ng pagtaas sa mga kita ng
foreign exchange. Ang mga pag-export ay tataas at ang mga pag-import ay magsisimulang bumaba sa
mga numero. Kung mas marami ang cash inflow, tataas ang self-sufficiency.

3. Pagpapabuti sa Pamumuhunan at Paggastos:

Ang industriyalisasyon ay nagiging sanhi ng pagtaas ng kita ng mga tao, at pagpapabuti ng kanilang
antas ng pamumuhay. Mayroong pagtaas sa kita, at kaya ang rate ng savings, rate ng investment at
rate ng paggasta ay awtomatikong tumataas din. Ito ay isang mahalagang kaganapan para sa mabilis
na pag-unlad ng isang bansa.

4. Employment

Nagbibigay ito ng malaking antas ng employment sa bansa na siyang ring sumasalba sa karamihang
suliraning panlipunan at pang-ekonomiya. Ang kawalan ng trabaho ay siyang rutang sanhi ng mga
kakulangan ng bansa, kung kaya't malaki ang papel ng industriya sa pagbabawas ng unemployement
rates.

5. Pagpapabuti ng Balanse ng Pagbabayad at kita ng pamahalaan:

Dahil sa industriyalisasyon, ang mga domestic goods i.e. mga kalakal na gawa ng sariling bansa ay
tumataas, at gayundin ang mga export. Ito ay paborable para sa balanse ng pagbabayad dahil ang
halaga ng mga natapos na produkto ay tumataas kumpara sa mga pangunahing produkto. Ang
koleksyon ng mga buwis tulad ng excise duty , indirect taxes, income taxes ay tumataas din sa
industriyalisasyon.

6. Paggamit ng Likas na Yaman:

Maaaring mayroong maraming mapagkukunan na hindi nagagamit tulad ng mga tigang na lupain at
mineral, na maaaring walang silbi sa mga sektor ng agrikultura o pananalapi ng isang bansa.
Samakatuwid ang pag-unlad ng industriya ay magdaragdag sa paggamit ng naturang mga
mapagkukunan.
ANG APAT NA SUBSEKTOR

PAGMIMINA

Ang pagmimina ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga yamang mineral mula sa lupa.
Ang pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksiyon, paghango, o paghugot.

Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga metal at mga mineral o mga iba pang
bagay.

MGA EPEKTO NG PAGMIMINA

Mabuti:

• Nagproproseso ng mga yamang mineral upang gawin mga aksesorya o palamuti


• Nagbibigay ng trabaho at pagkakakitaan ng mga residenteng nasa minahan
• Pagkakaloob ng malaking turnover sa gobyerno na siyang ginagamit bilang karagdagang badyet
sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko
• Mas mataas na antas ng teknolohiya na nagdudulot ng mas mataas na pag-unlad
Masama:
• Pagdudulot ng negatibong epekto sa kalikasan katulad ng climate change, pagkasira ng mga
bundok, pagkabulok ng mga ilog at pagwatak ng ecosystem.
• Paglason sa mga yamang tubig dahil sa nahahalong kemikal dulot ng pagmimina
• Pagpapatay sa mga oraganismong nakatira malapit sa mga pagminahan
• May potensyal na malagutan ng hininga o madisgrasya ang mga nagmimina sa malalalim at
madadalim na kalupaan

PAGMAMANUPAKTURA

Ang pagmamanupaktura ay ang proseso ng paglikha o paggawa ng mga produkto sa pamamagitan


ng paggamit ng mga hilaw na materyales, kagamitan, lakas-paggawa, makinaryo at teknolohiya.

Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng


maraming mga paraan katulad ng pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o paghahalo ng kimikal.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pagmamanupaktura sa industriya sapagkat ang kabuuang


produksyon ng mga iba't ibang kagamitan ay nagmumula rito. Mula sa gadget pang-elektronika,
kasuotan, gamit pambahay, pangkusina at eskuwela, sasakyan, at iba pa.

MGA EPEKTO NG PAGMIMINA

Mabuti:

Ang pagmamanupaktura ay ang proseso ng paglikha o paggawa ng mga produkto sa pamamagitan


ng paggamit ng mga hilaw na materyales, kagamitan, lakas-paggawa, makinaryo at teknolohiya.

Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng


maraming mga paraan katulad ng pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o paghahalo ng kimikal.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pagmamanupaktura sa industriya sapagkat ang kabuuang


produksyon ng mga iba't ibang kagamitan ay nagmumula rito. Mula sa gadget pang-elektronika,
kasuotan, gamit pambahay, pangkusina at eskuwela, sasakyan, at iba pa.
Masama:

Pagkakaroon ng polusyon dulot ng mga nakakapinsalang hangin mula sa pabrika

Banta ng mga nakakamatay na sakit at panganib ng pagkalipol ng malinis na hangin

Pagdudulot ng negatibong epekto sa kalikasan at ecosystem na pwedeng magresulta sa pagkamatay


o pag-extinct ng mga iba’t ibang hayop at organismo

Paglalabas ng sobra-sobrang greenhouse gases (kagaya ng carbon dioxide at methane) na


nagreresulta sa pagbabago ng klima (climate change), pag-iinit ng globo (global warming), mga
mapinsalang kalamidad, man-made na suliranin, at pagsira ng mundo

KONSTRUKSYON

Ang konstruksiyon ay isang prosesong binubuo ng paggawa o pagtatayo, ng imprastruktura, kalsada,


tirahan, at iba pang istruktura. Ito ay Itinuturing na fixed capital para sa paggawa ng mga produkto.

Ang industriya ng konstruksiyon ay isang sektor ng ekonomiya na, sa pamamagitan ng pagpaplano,


disenyo, pagpapanatili, pagkukumpuni, at pagpapatakbo, ay nagbabago ang iba’t ibang
mapagkukunan sa mga itinayong pasilidad

Nakabatay ang trabaho at kita sa iba’t ibang pasilidad na nakatayo sa isang lugar. Naapektuhan rin ng
mga salik sa pagpapatayo ng imprastraktura (katulad ng lokasyon, katatagan ng materyales, tagal ng
paggawa) ang produktibidad at pagkaunlad ng ginawang gusali.

MGA EPEKTO NG KONSTRUKSYON

Mabuti:

Lumilikha ito ng mga trabaho na siyang daan sa paglago ng ekonomiya, at pagkaroon ng solusyon
para sa mga hamon sa lipunan, klima, at enerhiya.

Mas napapabilis ang trasportasyon ng mga produkto at ng mga lakas-paggawa sa kanilang


kauukulang trabaho

Nagkakaroon ng capital goods ang pamahalaan

Masama:

Pagbubuo ng napakalaking dami ng basura at plastiks dahil sa sobra-sobrang produksyon at kulang sa


aksyong pamamahala ng waste disposal at segration.

Nag-aambag ito sa polusyon ng hangin, inuming tubig, at lupa dulot ng basura.

Banta ng kaligtasan at kalinisan ng kapaligiran

Mga pangmatagalang epekto sa wildlife katulad ng pagsira ng habitual environment at pagkaait ng


natural resources para sa mga organismong nangangailangan rin nito

UTILITIES

Tumutukoy sa mga mahahalagang serbisyo sa publiko katulad ng pagsusuplay ng kuryente, tubig,


naturang gas, singaw at pagtatanggal ng dumi sa alkantarilya na siyang nagsisilbi daan sa pag-unlad
ng ekonomiya at lipunan.
Karamihan sa mga kumpanyang pang-utility ay pribado, ngunit dahil nagbibigay sila ng pampublikong
serbisyo, napapailalim sila sa malaking pangangasiwa at regulasyon ng pamahalaan.

Samantala, ang pamumuhunan sa sektor na ito ay pangmatagalan sapagkat ginaganap ang mga
serbisyo ng tuluy-tuloy sa kabila ng pandemya, unos at sakuna.

MGA EPEKTO NG UTILITIES

Mabuti:

Nagbibigay ito ng iba’t ibang imprastraktura na esensyal sa paghatid at pamamahagi ng mga serbisyo
sa mga gusali, tahanan, negosyo at buong nasyon.

Gumaganap ang utility bilang isang mahalagang instrumento sa pangkahalatang paglago ng


maraming industriya. Kung wala ito, mahihirapan ang mga negosyo na makapag-akit ng customers at
magkaroon ng mahusay na pag-unlad.

Tumutulong ito sa paglikha ng mga trabaho, pagsuporta sa pagmamanupaktura ng de-kalidad na


kagamitang pangserbisyo at pagbabago sa loob ng mga komunidad

Masama:

Pagkakaroon ng mga panandaliang pagkaputol ng serbisyo, tulad ng brownout, pagkaputol ng supply


ng tubig, at unstable na telekomunikasyon na maaaring magdulot ng kahirapan sa iba’t ibang
industriya lalo pa’t ang regulasyon ay hindi malinaw o hindi napapanahon.

Ang mga limitasyon na maaaring ipatupad sa paggamit ng mga utilities, tulad ng mga patakaran sa
paggamit ng enerhiya o tubig, ay maaaring magdulot ng mga hamon at pagtaas ng gastos para sa
mga industriya.

SULIRANIN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA

Suliranin:

Kawalan ng malaking kapital upang tustusan ang pangangailangan sa produksyon.

Mga White-elephant projects (Proyektong walang pakinabang) ng pamahalaan.

Kakulangan sa hilaw na materyales

Malayang pagpasok ng murang produkto mula sa ibang bansa dahil sa import liberalization.

Epekto

Kakulangan ng produkto at pagtaas ng presyo nito.

Pinsala sa mga mamayanan at kapaligiran.

Pagbabawas sa produksyon at pagtaas sa presyo ng produkto.

Pagsasara ng mga lokal na industriya at pagkawala ng hanapbuhay ng maraming mamayanan.


SANGAY NG PAMAHALAAN NA TUMUTULONG SA SEKTOR NG INDUSTRIYA

1. DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI)

Gumagabay ito sa mga mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo. pangunahing ahensya ng


pamahalaan na may responsibilidad sa pagpapaunlad ng industriya ng bansa, pamamahala sa mga
programa at proyekto na may magpapabuti sa mga negosyo at pagkakaroon ng malakas at
makukumpeteng mga sektor

2. BOARD OF INVESTMENTS (BOI)

Isang kasapi ng DTI na tumutulong sa pagpapalakas ng mga negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay


ng mga insentibo at pribilehiyo sa mga mamumuhunan. Sila ang nagbibigay ng mga tax incentives at
iba pang suportang pang-ekonomiya para sa mga Negosyo.

3. DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY (DOST)

Ang DOST ang siyang nangunguna sa pagbibigay ng mga teknikal na tulong, pagsasanay, at iba pang
suporta para sa mga pang-industriyang sektor na nangangailangan ng pagpapalakas ng kanilang mga
produkto at serbisyo.

4. DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE)

Ang DOLE ay may responsibilidad sa pag-aalaga sa kapakanan ng mga manggagawa at sa


pagpapatupad ng mga labor standards sa bansa. Sila ang nagbibigay ng pagsasanay, mga programa
ng pagpapabuti ng mga kakayahan ng mga manggagawa at suportang pang-empleyo para sa bansa

5. TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA) Nagbibigay ng mga


pagsasanay at pagpapaunlad ng mga kasanayan upang magkaroon ng mas mataas na antas ng
kahusayan ang mga manggagawa sa industriya. Ang kanilang courses ay tungkol sa iba't ibang aspeto
ng paggawa na maaaring pag-aralan ng mga pre-graduate at post-graduate na mga estudyante, ng
walang nililimitang edad.

6. SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION (SEC)

Ang SEC ay responsable sa pagpapatupad ng mga regulasyon at patakaran na may kaugnayan sa mga
korporasyon, kapital na pamumuhunan, at iba pang mga pinansyal na seguridad sa Pilipinas. Ito ay
naglalayong protektahan ang mga mamumuhunan at mangyaring ang pagpapatakbo ng mga negosyo
ay sumusunod sa tamang mga pamantayan at proseso.

7. PHILIPPINE ZONE AUTHORITY (PEZA)

• Ito ay responsable sa pagtataguyod at pagpapatakbo ng mga Economic Zones sa bansa - ang mga
espesyal na lugar na nakalaan para sa mga lokal at dayuhang kumpanya na nais magpatayo ng
negosyo sa Pilipinas.

Ang mga karagdagang economic zone ay may mga pribilehiyo at insentibo upang hikayatin ang kapwa
negosyante upang mamuhunan sa bansa.

Sa pangangasiwa ng PEZA, nagdudulot ito ng malaking bilang ng mga manggagawa, pagbubukas ng


mga oportunidad sa trabaho at pagpapabuti ng kabuhayan pangmamamayan.

You might also like