You are on page 1of 6

Pagmimina

Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa
proseso upang gawing tapos na produkto (halimabawa ay hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang yaring kalakal
(halimbawa ay tornilyo para sa kotse). Ang mismong produkto, hilaw man o naproseso ang nagbibigay ng kita para sa
bansa.

SANHI AT BUNGA NG PAGMIMINA

SANHI:

1. Isa sa ating kailangan ang pagkuha ng mga mineral na batong ito upang magamit ng ating mga kababayan para sa
ating kabuhayan

2. Dumarami ang mga nagmiminahan dahil malaking pera ang naibibigay sa kanila nito at ginagamit nila ito upang
sila'y lalong yumaman.

BUNGA:

Matapos mahalukay ang yamang natatangi sa lugar ay iniiwan na lamang nilang nakatiwangwang. Kalimitan pa ang
sistema ng pagproproseso sa pagmimina ay isang maskarang mapanlinlang, na kung saan ang likido at kemikal na
ginagamit ng ilang ganid na dambuhalang korporasyon ay pimupinsala sa balanse ng isang ekosistema na unti-unting
pumapatay sa kahinaan ng mga may buhay sa isang kapaligiran na kung saan nagaganap ang 'di makatuwirang
aktibidades.

Hindi lamang iyon, ito rin ay may malaking dulot sa pang-kabuhayang sakahan at pangisdaan ng ating mga
maralitang kababayan at lalot higit sa ating mga kapamilyang katutubo. Damay din dito ang kalusugan ng ilan nating
mga kababayan, na kung saan naapektuhan ng nasabing pagmimina.

EPEKTO NG PAGMIMINA:

1.Permanente nitong sinisira ang kalikasan at nawawalan ng tirahan ang mga hayop. Ayon sa mga eksperto, mahigit
sandaang taon ang bibilangin bago bumalik ang natural na komponent ng nasirang habitat.

2. Hindi sapat ang trabaho at buwis na naiaambag ng mga industriya ng pagmimina sa pinsalang maaring maidulot
nito sakaling gumanti ang kalikasan.

3. Walang mahusay na pamamaraan ng pagmimina. Dahil dito ang masirang kalikasan ay permanente na habambuhay
at ang mga dating naninirahang hayop sa lugar at malapit dito ay hindi na maaaring bumalik pa.

4. Walang pinipiling lugar ang pagmimina. Kahit sa mga lugar na may potensyal bilang destinasyon ng mga turista ay
pinapayagan. Ang turismo sa bansa ay industriyang maaring maging alternatibo sa pagmimina.
Pagmamanupaktura

Ang pagmamanupaktura (Ingles: manufacturing, Kastila: manufactura) ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na
materyal upang maging magagamit na mga produkto. Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng
mga materyal sa pamamagitan ng maraming mga paraan, katulad ng paggupit sa hindi kailangang mga piraso,
pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o ginagamitan ng mga kimikal. Maaaring paraanin sa makinarya sa pabrika ang
mga materyal, o sa paraang mekanikal. Ang pagmamanupaktura ay may kaugnayan sa mga
katagang paggawa, pagyari, pagtahi-tahi, o pagkatha-katha ng mga produkto na karaniwang ginagawa sa loob ng
mga pabrika.
Konstruksiyon

Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land improvements
halimbawa ay tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan. Kasama
rin sa sekondaryang sektor na ito ang probisyon sa pagbibigay ng serbisyong teknikal at konstruksiyon tulad ng
pagsasaayos at pagmimintina kasama na rin ang ang personal na konstruksiyon ng mga tirahan.
Utilities (koryente, gas, at tubig)

Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan sa tubig, koryente, at gas. Sa sekondaryang sektor na ito, malaki ang papel ng pamahalaan upang
masiguro ang maayos na serbisyo. Kasama sa mga tungkuling ito ang paglalatag ng mga imprastruktura at angkop na
teknolohiya upang maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng tao. Ito ay bilang paninigurong ang bawat
mamamayan ay maaabot ng mga nasabing serbisyo.
Kahalagahan ng Sektor ng Industriya

Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran. Karaniwang


iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ay alinsunod sa
modernization theory ni Walt Rostow batay sa artikulo ni Peter Kasanda na nagsaad na
ang kaunlaran ay matatamo kung susundan ang mga dinaraanang na proseso ng mga
mauunlad na bansa. Ayon naman sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV nina
Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw sa mga kanluraning ekonomista, ang
kaunlaran ay maaaring maganap kung magkakaroon ng transpormasyon ang isang
lipunan mula sa ‘pagiging rural, agricultural, atrasado, at mapamahiin patungong
urban, industriyal, progresibo, at modern’. Ang paniniwalang ito ay naging isang mainit
na paksa sa maraming panig ng mundo dahil sa magkakaibang paniniwala at
kalagayan. Ang isang debate tungkol sa teorya ay batay sa hindi magkakaparehong
katangian ng mga bansang papaunlad. Ngunit sa anumang kaparaanan, malinaw ang
mensahe na ninanais ng bawat bansa, ito ang makamit ang kaunlaran na mayroon ang
mayayamang bansa tulad ng Japan, Singapore, Switzerland, at iba pa.

Ayon kina Balitao et al. (2012), may kaukulang kahulugan ang konsepto ng
industriyalisasyon. “Hindi lamang ito nangangahulugan ng paggamit ng mga makinarya
at pag-unlad ng mga industriya. Higit sa lahat, tinutukoy nito ang pagbabagong
teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at
pansikolohiya. Nagpapakita ito ng pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal sa halip
na panatilihin ang isang kaayusang tradisyonal. Pinakatiyak na katibayan ng
industriyalisasyon ang pag-ikot ng industriyal na pagawaan. Masasabing may
kaunlarang pang industriya kung lubos na napakilos ang lahat ng mga pabrika at may
mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.”

You might also like