You are on page 1of 9

SEKTOR NG

INDUSTRIYA
SEKTOR NG
INDUSTRIYA
Ang SEKTOR NG INDUSTRIYA ay ang
secondaryang SEKTOR NG Isang
bansa na nakatuon sa
pagpoproseso Ng mga hilaw na
sangkap upang makalikha Ng
panibagong produkto

Sinasaklaw nito ang iba-


ibang uri Ng mga industriya
tulad Ng
pagmimina,manufacturing,
konstruksiyon,at utilities
ASPETONG MANUFACTURING
Ang aspetong manufacturing o Ang paglikha Ng produkto ay
yaonh mga pagawaan o planta na lumilikha Ng mga produkto
gamit Ang hilaw na mga materyales na Isa sa mga
pangunahing bumubuhay sa ekonomiya Ng bansa

MINAHAN
Ikalawa at Ang mga minahan na siyang kumukuha Ng mga
mineral sa iba-ibang bahagi Ng bansa tulad Ng
ginto,nickel,manganese,copper,at tungsten na marami sa bansa

PAGBIBIGAY NG TRABAHO SA
MARAMING MGA PILIPINO
Ikatlo ay Ang pagbibigay ng trabaho sa maraming mga
pilipino tulad Ng paglikha Ng mga impraestrukturang,
kalsada,Tulay,bahay,at mga industriya na gusali

UTILITIES
Ikaapat na saklaw Ng industriya ay yaonh mga nakatuon sa
PAGbibigay Ng serbisyo sa mga mamamayanbtulad Ng
ginagawa Ng industriya Ng utilities,mga Industriya sa
komonikasyon,kuryente,at tubig
KAHALAGAHAN NG
SEKTOR NG INDUSTRIYA
1. NAGBIBIGAY NG MGA YARING PRODUKTO
Kung ang sektor ng agrikultura ang nagbibigay ng hilaw na
materyales, ang sektor ng industriya naman ang naglalaan ng mga
produkto na kailangan ng mga mamamayan. Kapag nagkakaroon
ng kakulangan sa mga produktong nagmumula rito ay
magreresulta ito sa kakulangan sa mga pangangailangan ng mga
mamamayan. Kaya mahalagang bigyang pansin ng pamahalaan
ang kalagayan ng industriya upang maiwasan ang pagkakaroon ng
kakulangan sa produkto
2. NAGLALAAN NG TEKNOLOHIYA SA PAMAYANAN
Ang industriya ay lumilikha at nagbibigay ng mga
teknolohiya na maaaring magpadali sa pamumuhay ng
mga tao tulad na lamang ng industriya ng enerhiya.
Halimbawa, ang pagkakaroon ng mga solar panel na
magiging dahilan upang magamit ng bansa ang biyaya ng
pagiging tropikal na bansa at iba pang kagamitan ay
makatutulong sa pagpapadali ng pamumuhay ng tao.
KAHALAGAHAN NG
SEKTOR NG INDUSTRIYA
3.NAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY SA MGA PILIPINO
Sa pagdagsa ng mga namumuhunan sa Pilipinas bunga ng murang
halaga ng paggawa ay dumami rin ang mga pagawaan na nagbibigay
ng hanapbuhay para sa mga Pilipino. Ang pagdami ng oportunidad na
ito sa hanapbuhay ay nagbigay daan sa malaking buwis na maaaring
makolekta ng pamahalaan at ang pagkakaroon ng pagkakataon ng
mga mamamayan na matugunan ang mga pangangailangan.

4.NAGLULUWAS NG PRODUKTO SA PANDAIGDIGANG PAMILIHAN


Ang mga produktong pinoproseso sa Pilipinas ay iniluluwas
din sa pandaigdigang pamilihan at ang mga produktong
iniluluwas natin ay naghahatid din ng kitang dolyares para
sa bansa. Ang mga produktong electronics at semi-
conductor na nililikha sa mga pabrika sa Pilipinas ay
ginagamit din sa ibang bansa gayundin ang mga sapatos,
bag, damit, tela, at iba pang produkto na gawa sa loob ng
bansa at may mataas na kalidad.
MGA SULIRANIN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA

PAPASOK NG MGA PAGDAGSA NG MGA


DAYUHANG PRODUKTONG
NAMUMUHUNAN INIANGKAT

PAGTAAS NG KAKULANGAN NG
KONSUMO SA SUPORTA AT SUBSIDYO
PAGGAWA MULA SA PAMAHALAAN
UGNAYAN NG
AGRIKULTURA
AT
INDUSTRIYA
Bilang primaryang sektor, tungkulin ng agrikultura na
magprodyus ng mga hilaw na sangkap na gagamitin naman
ng sektor ng industriya upang maiproseso at maging tapos
na produkto. Ibig sabihin, kapag ang sektor ng agrikultura ay
nanamlay ang sariling produksiyon dahil sa mga hindi
nabigyang solusyon na mga suliraning kinakaharap nito ay
paniguradong maaapektuhan din ang produktibidad ng
sektor ng industriya partikular ang pagmamanupaktura.

Isa pang kaugnayan ng dalawang sektor ay ang ukol sa lakas-


paggawa. Sa mga panahon na hindi aktibo sa mga gawaing
agrikultural ang mga manggagawa, sila ay lumilipat sa sektor ng
industriya upang mamasukan. Maaaring magamit ang kanilang
lakas at kakayahan sa mga gawaing may kaugnayan sa
konstruksiyon, pagmimina, at maging sa mga planta o pabrika sa
ilalim ng pagmamanupaktura.

Sumunod na kaugnayan ng primarya at sekondaryang sektor ay


sa aspekto ng aplikasyon o paggamit ng mga makabagong
teknolohiya sa mga gawaing agrikultural. Ang mga makinarya
tulad ng traktora ay gawa ng industriya. Ang krudo na ginagamit
sa mga naturang makinarya ay mula naman sa sub-sector ng
pagmimina na prinoseso ng pagmamanupaktura at kinakalakal
ng mga utilities. Maging ang mga impraestruktura at pasilidad na
ginagamit ng sektor ng agrikultura tulad mga farm to market
roads, at mga post-harvest facilities tulad ng mga warehouse o
mga bodega na ginagamit bilang imbakan ng mga aning
produkto ay gawa din sa ilalim ng sektor ng industriya partikular
ang konstruksiyon.
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like