You are on page 1of 2

Ekonomiya

Magagandang dulot
- Umunlad ang kalakalang pandaigdig sa paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi
bunga ng pagkakaroon ng Pandaigdigang Pamilihan. Mas maraming mga produkto ang
naiiluwas at ipinapasok para sa pgkakaroon ng malawakang pagpalitan ng mga produkto.
Naging daan din ito upang makapag import tayo sa ibang bansa at mas makilala ang ating
produkto. Ang mga produktong di makikita sa ating bansa ay nanggaling sa ibang bansa na
naging dahilan ng pagkakaroon ng hindi mga matatagpuan dito.
- lumaki ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo kasabay ang pagtaas ng bilang ng mga
trabaho na bunga ng paglawak ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal. Dumami
ang mga Transnasyunal at Multinasyunal na mga korporasyon. Dahil sa mga pagpasok ng mga
dayuhang kumpanya, mas dumami ang mga trabaho na maaring pasukan at nagpasimula ng
mas masaganang ekonomiya. Ito rin ang naging dahilan kung bakit halos lahat ng mga trabaho
sa mga gusali at establisyemento ay tinahak ng mga mamamayan. Sapagkat habang tumatagal
mas dumarami ang pumapasok at nakikipag palitan. Dahil rin sa pag labas ng mga produkto ay
naging dahilan upang dumami ang mga inaangkat at ginagawang produkto ng mga
manupaktura.
- Nalansag ang epekto ng "Cold War" na nagbunga ng malapit na ugnayan ng mga bansa.
Nagbunga ito ng pagtatayo ng mga pandaigdigan at panrelihiyong samahan ng mga bansa
tulad ng UNITED NATIONS, ASEAN, APEC at marami pang iba. Dahil sa mga digmaan noong
mga nakaraang panahon, ito ang nagbukas upang magkaroon ng mga samahan at ugnayan
upang magkaroon ng samahang magproproktekta sa isat isa. Naging daan rin ito upang
magkaroon ng mga koneksyon ang naturang bansa sa iba pang bansa at mas mapadali ang
pagkakaibigan at pagtutulungan nito. Nagkaroon rin ng mga palitan at maayos na kalakalan sa
bawat bansa.
- Umunlad ang larangan ng agham na nakatulong sa pagtuklas ng mga gamot sa iba't ibang
sakit at mga epidemya. Sa kasalukayan ang pag aaral upang makatuklas ng gamot at vaccin
para sa COVID 19. Dahil na rin sa mga koneksyon sa maraming bansa, nakatulong ito upang
mapadali ang pagtulong lalo na kung parehong bansa ang nakararanasan nito. Ang
pagtutulungan nito ang naging dahilan upang makabuo at mas mabilis na maipalaganap ang
mga bakuna. Dahil na rin sa mga siyentista ng bawat bansa ay nagkaroon ng mausisang
proseso upang mas madali ang pagkakaroon ng mga impormasyon sa agham at medisina.

Di magagandang dulot
- Nalugi ang mga lokal na industriya dulot ng malakas na kompetisyon mula sa mga
dambuhalang korporasyon. Lalo pang humina ang mga lokal na negosyo dahil sa pag alis ng
mga patakarang nagbibigay proteksyon sa mga ito. Nagbunga ito ng malawakang kawalan ng
ng trabaho at pagtaas ng antas ng kahirapan. Dahil na rin sa mabilis na pagpasok ng maraming
kompanya at ang pagkakaroon ng kompitensya upang maging malago ay napipilitan ang
pagsasara ng maliliit na kompanya dahil sa pagkalugi. Kung kaya't napipilitan rin silang
magtanggal ng kanilang mga empleyado na nagiging dahilan ng malawakang pagkawala ng
trabaho. Naging mahirap rin ang mga paghahanap ng pwesto sapagkat halos pinag mamayari
na ng mga pribado at malaking kompanya.
- bumaba ang halaga ng sahod ng mga manggagawa dahil sa paglakas ng kompetisyon sa
paggawa. Maraming mga pabrika ang gumagamit na ng mga makinarya sa paggawa ng
produkto na lalong nagpababa sa pangangailangan sa mga manggagawa. Dahil sa pagiging
makabagong teknolohiya at pagkakaroon ng halos puro makinarya na ang gumagawa ng mga
produkto dala na rin ng mga mayayamang bansa na kaya ang halos kalahatan ng makinarya,
nagiging dahilan ito upang mawalan ng trabaho ang mga manggagawa. Bagama't may mga
nangangailangan pa rin ng mga tao sa paggawa, kadalasan ang nangangailangan nito ang mga
maliliit na kompanyang nalulugi.
- pagkasira ng kalikasan dahil sa pagdami ng ginagawang mga gusali at establisyemento para
sa mga manupaktura sa ekonomiya. Naging talamak na suliranin ang polusyon sa hangin at
tubig dulot ng industriyalisasyon. Dahil sa dami at bilis ng produktong kinakailangan, mas
maraming mga pabrika ang kinakailangan upang magawa ito. Kung kaya't napakaraming usok
ang inilalabas nito na nagiging dahilan ng pagkasira ng kalikasan. Nagiging dahilan rin ito
upang magputol ng sobra sa mga puno at kagubatan upang gawing pagpapatayo sa mga
gusaling pabrika. Kadalasan rin ang mga produktong gawa sa puno ay nagsasanhi nito.
- Ang mabilis na transportasyon ay nagdulot ng mabilis na paghahawa ng mga sakit tulad ng
COVID ngayong panahon. Hindi lamang COVID kundi ang ibat iba pang nakakahawa na sakit
tulad NG EBOLA. Kung matatandaan ang pinagmulan ng Covid ay galing China ngunit dahil rin
sa mga koneksyon at mabilis na pagpasok ng mga dayuhan sa ating bansa lalo na ang mga
namumuhunan dito, mabilis na kumalat ang mga sakit na kanilang dala na galing sa kanilang
bansa. Ang ating mga produkto rin ay kadalasan iniluluwas rin galing ibang bansa na
nagsasanhi ng mabilisang paghahawa hawa.

You might also like