You are on page 1of 1

Dizon, Diana A.

BSN4A-3
Panatikang Panlipanun/ Sosyedad Oktubre 13, 2022

Marxismo at Reparative Reading sa Makabagong Lipunan

Ang Marxismo ay nagagamit sa pagsusuri ng kalagayang panlipunan, paguugali at motibasyon


ng mga tauhan sa kwento, binibigyan nitong pansin ang tunggalian ng tauhan sa kanyang sarili,
sa ibang tauhan lipunan o kalikasan. Samantalang ang reparative reading ay ang paggawa ng
kakaibang kahulugan ng isang mambabasa, naghahanap ng kagandahan sa isang pangit na
karanasan. Magkasalungat ang ideya ng dalawang ito, ngunit kung ang parehong ideolohiya ay
gagamitin upang alamin ang nilalaman ng isang akda o babasahin, maraming katanungan ang
magagamit upang magkaroon ng iba pang kahulugan. Halimbawa na lamang ang paano
ihahalintulad ng may akda ang kaganapan sa lipunan ng hindi gumagamit ng hidwaan o
pagkakaiba? Maaring magamit rin ito sa pagtugon sa kung anong hinaharap na suliranin sa
talata. Sa mga problemang panlipunan malaking tulong ang mga ito upang malaman ang
kahulugan kasaysayan at katangian ng iba’t ibang pananaw at teoryang pampanitikan. Sa
pamamagitan ng matalinong pagpili ng angkop na pananaw o teorya, ang pagtalakay at
pagsusuri ng isang partikular na akda ay nagkakaroon ng batayan at direksyon. Nalilimitahan
din nito ang saklaw ng talakayan at ng panunuri at dahil sa limitasyon nagkakaroon ng malalim
ng kahulugan ang isang akda.

You might also like