You are on page 1of 10

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa pagsusuri ng


panitikang Filipino na nakatuon sa mga tekstong literari na tumatalakay sa lipunan.

Pamantayang Pagganap: Nakagagawa ang mag-aaral ng mga pagsusuri at paglikha ng


sariling tula, sanaysay at/o maikling kuwento hango sa napapanahong isyu.

==================================================================

GABAY NG NPC KURSONG PANG-ONLINE AY 2020-2021

Pamagat ng Kurso : Sosyedad at Literatura

Pangkat : BSED ENG– 2A

Talatakdaan : Martes, 5:30PM - 8:30PM

Pangalan ng Fakulti : Prof. Christopher Sobremesana

Bilang ng Modyul : 3 sa 10

Paksa/Aralin : Panitikan hinggil sa Kahirapan (Ang Tundo Man ay May Langit Din ni
Andres Cristobal Cruz)

Bilang ng Linggo : 3

Nilalayon ng Kurso sa Pagkatuto

Ang nilalayon ng kursong ito ay ang:


1. Natutukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may
kabuluhang panlipunan.

2. Naibubuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang binasa.

1
Kagamitang Pansuporta sa Pagkatuto at Pagtuturo

GAWAIN 1: Suriin ang pabalat ng libro. Ano ang mga salitang


naiisip ninyo sa pabalat na ito? Iugnay sa salitang obra maestra ang
mga salitang naisip. Gumawa ng isang pahayag mula rito. Ipadala
ang inyong sagot sa platform na sasabihin ng guro.

https://www.google.com/search?

Magtuloy tayo sa pagtalakay! q=Lalaki+sa+Dilim&tbm=isch&ved


=2ahUKEwjr5Jf2wK7rAhX9xIsBHcp

Pagtalakay at Lektura
Nagkaroon tayo ng kaalaman hinggil sa panunuring pampanitikan at kung paano
sinusuri ang isang akda ayon sa pamantayang dapat nating malaman.

Si ANDRES CRISTOBAL CRUZ ay


isang makata, nobelista at kuwentista.
Naging malaki ang ambag niya sa
panitikang Filipino. Bukod sa pagiging
isang manunulat, naglingkod din sya
sa pamahalaan. Nagtapos siya sa UP
College sa ilalim ng Arte at Agham.
Ang nobelang Ang Tundo Man ay May
Langit din ang kauna-unahang akda
na kaniyang nasulat. Namatay siya sa https://www.google.com/search?
q=andres+cristobal+cruz&sxsrf=ALeKk01KTQkZ0diMHunhb

edad na 74 dahil sa Internal Organ omvZFN2tvqhXg:1598085433940&tbm=isch&source=iu&ictx=


1&fir=ly0suzdHrAUh1M%252CxhUIranAxZCj6M

Failure.
%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTKjLkcGvRJwzWyA1zPW3IjwZlaMQ&sa=X&ved=2ahUKEwj
Xh_GUtK7rAhWKBKYKHRS2BgIQ9QEwA3oECBEQIQ&biw=
1366&bih=625#imgrc=ly0suzdHrAUh1M

Suriin natin ang isang kabanata mula sa nobelang ito.

Ang Tundo Man ay may Langit Din


Kabanata 42
(ni Andrew Cristobal Cruz)

ANG unang pisil ni Victor sa kamay ni Alma ay hindi niya akalaing magtagal at
humigpit. Tinugon iyon ni Alma. Lalong matagal at mahigpit. Hindi sila nagtitinginan.
Waring sapat na ang pagsasagutang iyonng kanilang mga kamay upang ang pananabik

2
sa isa’t-isa ay maipagtapat at maipaunawa.
At ano ang naging dahilan niyon? Alam ni victor na hindi ang pagkakabanggit
niya sa pangalan ni Flor ang dahilan ng kanilang paghahawakan ng kamay ngayon ni
Alma. At alam niyang hindi dahil sa naninibugho o nagdaramdam si Alma kung kaya
tinutugon nito ang bawat pisil ng kanyang kamay.
Nagpatuloy sila sa ganoong paglalakad. Walang tiyak na paroroonan. Waring
nasabi na nilang lahat ang dapat malaman ng isa’t isa, subalit lalong namumuno ang
dibdib ng bawat isa sa marami pang bagay na ibig nitong ipagtapat.
Hindi napaghusto ni Alma ang kanyang kasiyahan sa kanyang dibdib. Umaapaw
ang kanyang kasiyahan.
“Nahihirapan ako kapag wala kang kibo,” wika niyang nangatal ang tinig, “Akala
mo hindi ako nasasaktan sa iyong mga pag-iwas sa akin?”
“Iniiwasan ba kita?” tanong ni Victor. “At maiiwasan ba kita?”
“Kung minsan, hindi ko alam kung ano ang niloloob mo,” pagtatapat ni Alma.
“Marami akong ipinagtatapat sa iyo, marami akong sinasabi at ipinahihiwatig, tapos ay
wala kang kibo. Kung sumagot ka man, pulos pabiro. O kaya’y pang-uuyam.”
Nagtatawa si Victor.
“Ganyan ka, para kang laging nakakaloko,” wika ni Alma. “Tatawa-tawa.”
“Sino naman ang hindi matatawa?” tukso ni Victor, “Ang husay mong manligaw!”
Biglang bumitiw si Alma sa kamay ni Victor. Sinundut-sundot niya ng kurot si
Victor. Bumulung-bulong siyang napapahiya sa sarili. “Pasalamat ka sa uri ng lipunang
pinagmulan ko. Basta’t naibigan, hindi sumusunod sa kalakaran. Tapat, at walang
masyadong pasikut-sikot.”
“Bigyan mo naman ng pagkakataon ang ibang tao,” wika ni Victor na nagtatawa
pa rin. “Sa lagay ba’y hindi na pag-iisipan ang mga bagay-bagay?”
“Kaya naman ganito ako, dahil sa iyo,” pagtatapat ni Alma.
“Bigla naman yata,” sabi ni Victor at pinagmasdan niya sa malamlam na ilaw na
nagmumula sa mga nagdaraang sasakyan sa Dewey Boulevard ang magandang mukha ni
Alma.
“Paano’y hinahamon mo ako,” wika ni Alma. “May namana na akong ugaling
Tundo.”
“Ano?”
“Ang magsikap, ang maghanap ng langit para sa aking daigdig.”
“At natagpuan mo?”
“Ano sa akala mo?”
“Sagutin mo ako.”
“Ikaw, e.”
“Mabuti pa’y magbalik na tayo sa kotse,” anyaya ni Victor, at hinawakan na niya sa
braso si Alma. Naglakad silang pabalik. “Malayo na pala ang ating inabot. Napagod ka ba?”

3
Umiling si Alma. “Ikaw?”
“Ako? Hanggang dulo ng impyerno, basta’t ikaw ang kasama ko, hindi ako
mapapagod,” tukso ni Victor at pinisil niya pa sa braso si Alma.
“Yabang.”
“Masarap mabuhay, Alma, di ba?” tanong ni Victor.
Tumango si Alma. Muli silang nagkahawakan ng kamay.
Sa isip ng Victor ay ang maraming kataga ang magyao’t parito, mga katagang
hanggang doon na lamang sa kanyang isip, ayaw niyang bigkasin sapagkat waring hindi
na kailangan.
“Nabasa mo ang aking talaarawan, di ba?” tanong ni Alma.
“Ano ka ba? Ang tigas naman ng ulo mo, e!” at nagtatawa si Victor. “Kung ayaw
mong maniwalang hindi ko nabasa ang diary mo, ikaw ang bahala. Paniwalaan mo ang
ibig mong paniwalaan…Matagal ka na bang may talaarawan?”
“Matagal-tagal na rin. Bago pa tayo magtapos.”
“Bakit?”
“Sapagkat mayroong mga bagay na ayaw kong kalimutan. Mga natutuklasan sa
sariling ibig kong matandaan.”
“Tulad ng ano?”
“Tulad ng mga taong naging mahalaga sa akin.”
“Sino? Sinu-sino?”
“Si Dolores, si Flor, ikaw,” sagot ni Alma.
“Ako, naging mahalaga sa iyo? nagtatawa si Victor.
Tumango si Alma. “Hindi mo lamang nalalaman kung gaano ka kahalaga sa akin.
At ako’y nagpapasalamat. Kaya lamang…”
“Kaya lamang ay ano?”
“Ako,” sabi ni Alma, “ako ang walang halaga sa iyo. At kung minsan, naiisip kong
nililinlang ko ang aking sarili.”
“Kung minsan lang?” sabat ni Victor. “Hindi mo ba alam na sa bawat sandaling
isipin mong maaaring mangyari ang ibig mong mangyari tungkol sa ating dalawa,
nililinlang mo ang iyong sarili?”
“Bakit?”
“At paano si Monching, o ang ibang katulad niyang katiyap ng mga kinagisnan
mo’t minanang uri ng pamumuhay? At ang iyong ama? Isipin mong sa kabila ng kanyang
mga naging pagkukulang ay anak ka pa rin niya. Ano ang kanyang iniisip ngayon,
pagkatapos mong ipagtapat ang tungkol kay Dolores?
Nakarating sila sa kotse. “Ihahatid na kita,” sabi ni Alma. Pumayag si Victor.
Noong gabing iyon ay dadalaw si Paking, ang kanyang kaibigang pulitiko’t kandidato.
May caucus sa Looban.
“Ano kaya ang nasa loob ng Daddy mo? usisa ni Victor. “At bakit mo naman

4
naipagtapat?”
“Dahil sa iyo,” pagtatapat ni Alma, at sinabi niya kay Victor ang tungkol sa
pagtutol ng daddy niya sa pamamasyal nilang dalawa. “Galit na galit siya sa aking
pagtuturo. At akala niya’y dahilan ko lamang iyon upang magkalapit tayo. Isa lamang ‘yon
sa mga dahilan. Katulad ng sinabi ko sa ‘yo, iniuugnay ko ang Tundo kay Dolores. Sinabi
kong ako ang nagbibigay ng sustento para sa kanayang anak kay Dolores.”
“At ang natitira sa suweldo mo’y nauuwi sa mga gamit ng dukhang iskuwela mo,”
sabi ni Victor.
“Paano mo nalaman?”
“Sa teachers’ room ba’y maipagkakaila ang mga ganoon?
“Ibig kong makatulong.”
“Hindi tulong ang ginagawa mo. iyon ay pag-aambag. Ang pinaka mabuting
tulong na magagawa mo para sa mga bata’y ang maimulat ang kanilang isipan, maihanda
sila upang maunawaan nila ang kanilang Karapatan at ang kapananagutan bilang
mamamayan.”
Nakarating na sila sa Tundo. At habang patungo sila sa kalyeng bababaan ni
Victor, isinalaysay ni Victor ang ilang tagpong natatandaan niya sa ganoo’t ganitong
pook. Sa Moriones, salaysay niya, naganap ang pagsunog ng mga aklat, nobela, tula, at
kung anu-anong literaturang Tagalog na hindi nagugustuhan ng mga kritiko. At doon din
nagsasalita ang mga malalaking pulitiko. Sa Angustia, doon naghahari-harian si Asyong
Salonga, isa lamang sa maraming nilikha ng mga pagkakataon, ng mga kalagayang hindi
mapapangibabawan kung hindi susundin ang batas ng patalim o baril.
“Nakalimutan mo,” wika ni Alma,” na dito rin sa Tondo isinilang si Bonifacio. Si
Honorio Lopez ng Kalendario ni Lopez, dito rin; ganoon din si Huseng Sisiw; at sa pook
ding ito lumaki ang nagtayo ng FEU. Dito rin itinatag ang Katipunan at bago pa rito, ang
La Liga Filipina ni Rizal.”
“Hindi ko nakakalimutan,” sagot ni Victor. Paakyat na sila sa tulay ng Pritil. “Ang
ilog na ito ay hindi naman talaga ilog,” wika ni Victor. “Ito’y ang Canal de la Reina. At
narito ang bunganga ng esterong tuluy-tuloy sa looban.”
“Opo, alam ko na,” sabi ni Alma. “Kamakailan mo lamang ako inilibot sa Tundo.”
Ibinaba ni Alma si Victor sa labasan. Nakita ni Victor si Pasing, ang weytres na
nililigawan ng kanyang matandang kapatid na si Lukas.
“Paano?” tanong ni Alma.
“Anong paano?” nagtatawang usis ani Victor. “Magkikita pa naman tayo bukas. At
uuwi ka ngayong gabi at mayroon ka na namang isusulat sa iyong talaarawan di ba?”
“Kung ganoon, nabasa mo?”
“Hulaan mo!” tukso ni Victor at nagtatawa.
“Suya ka naman, e!”
“Sige na, baka gabihin ka,” payo ni Victor.

5
“Ibig kong malaman mong…“ hindi nagpatuloy si Alma.
“Malaman kung ano?” bubuksan n ani Victor ang pinto ng maliit na kotse.
“Salamat, Victor…”
“Sa ano?”
“Nagmamang-maangan ka na naman diyan!” kunwari’y suyang tutol ni Alma.
“Sige, bumaba ka na at baka ihulog kita riyan.”
“Di bumaba!” sumunod si Victor. “Hayaan mo’t balang araw, ako naman ang
maghahatid sa’yo.”
“Sige, ha?” masayang tugong ni Alma.
“Ikaw ang bahala,” wika ni Victor.
“Ang takot mo lamang,” may paghahamon sa tinig ni Alma. “Ang takot mo lamang
tumungtong sa hagdan ng isang bahay na kabilang sa tinatawag mong lipunan mong
kinagisnan at minana.”
“Ako, takot? Mahiya ka. Hindi mo ako kilala. Kung gusto mo, sa Sabado, kahit
nandoon ang Tatay, e, ang Daddy mo…”
“Talaga?”
“Talaga.”
“Sige, ha?”
“Basta’t ikaw,” nakayukod pa ring pakikipag-usap ni Victor kay Alma. “Basta’t
ikaliligaya mo.”
“Salamat,” wika ni Alma. “Maligayang-maligaya ako.”
Nagtatawa si Victor. Isinara niya ang pinto. Pinaandar ni Alma ang kanyang kotse.
Sa kanyang pandinig ay tila isang tugtugin ang tunog ng makina ng kanyang kotse.
“Maligayang-maligaya ka,” sabi ni Victor, “at ang lungkut-lungkot ko naman.”
Nagtatawa si Victor.
“Hayan, nanloloko ka na naman! ungol ni Almang nagtatawa rin. “Sige,
goodnight!”
Tinanaw ni Victor ang kotse ni Alma hanggang lumiko ito sab ago umakyat ng
tulay ng Pritil patungo sa Tayuman.
Nagdaan muna si Victor sa restawran sa kanto upang bumili ng sigarilyo. Lumapit
si Pasing, ang weytres.
“Nandiyan na si Lukas,” balita ni Pasing kay Victor.
“Kanina pa?”
“Ngayon-ngayon lamang,” sabi ni Pasing.
Nagtuloy sa looban si Victor. Mapupuyat siya ngayong gabi. Ngunit hindi marahil
dahil sa caucus. Nasa isip niya si Alma, at ang pangako niyang dadalaw siya sa darating na
Sabado sa bahay nito.

GAWAIN 2: Sa gawaing ito, suriin ang pagkakabuo ng akda at ano ang kaugnayan nito sa

6
panlipunang aspekto sa ngayon. Dagdag pa, suriin din ang uri ng genre, paksang-diwa, at
simbolismo.

Samantala, ang kaugnayan nito sa Makikitang binibigyang-tuon ng pangunahing tauhan ang


kanyang pag-aaral upang makatapos ng pag-aaral at maging ganap na titser o guro. Ang paraang
ito ang siyang kasagutan upang maiangat ni Victor hindi lamang ang kanyang sarili maging ang
mga katulad niyang taga-Tundo na hindi nakatuntong sa paaralan maging sa mga hindi nakatapos
ng kanilang pag-aaral.

Hindi mapasusubaliang malaki ang ginagampanang papel ng mga guro sa kabataan at sa lipunan.
Ito ang siyang nakikitang paraan ni Victor upang matulungan ang mga katulad niyang taga-Tundo
na nangangarap ding makapag-aral at magkaroon ng magandang kinabukasan. Samantala,
matutunghayan din sa akda ang pagiging agresibo ng mga taong lumaki sa lugar na gaya ng Tundo
kung saan mulat sila sa maraming bagay gaya ng kaguluhan o karahasan. Dahil dito, hindi
maiiwasang masasangkot sa away ang gan'ong uri ng mga tao sa isang lipunan upang maipakita
lamang na sila ay malakas at walang kinatatakutan. Ito rin ang siyang naging dahilan ng
pagkakaputok ng kilay ni Victor sang-ayon sa naging pahayag nit okay Alma.

Mungkahing Gawain para sa Pagkatuto

GAWAIN 3: Sumuri ng isang akda at ang tuon lamang ay ang sumusunod: pamagat,
manunulat, tauhan, banghay (bilang kabuuan), at tunggalian. Isaalang-alang ang
pagkakabuo ng manunulat sa akda.

PAMAGAT: Kita kita(2017)


Manunulat:  Sigrid Andrea P. Bernardo

Tauhan: Lea and Tonyo starring Alessandra de Rossi and Empoy Marquez

Banghay:

SIMULA:

Si Lea ay isang Filipina tour guide na naninirahan sa Sapporo, Japan na engaged kay Nobu, isang
binatang Hapon. Isang gabi, matapos makatanggap ng note na makipagkita sa isang beer house,
nadiskubre niya ang kanyang kasintahang nanliligaw sa kanyang sariling kaibigan, isang babaeng
Filipino-Japanese. Bago ilabas ang kanyang galit, dahan-dahan siyang nagbibilang mula isa
hanggang sampu, at inaalala ang lahat ng masasayang alaala na ibinahagi niya kay Nobu sa bawat
bilang. Habang siya ay lumalabas, isang pagkabulag na dulot ng stress ay nangyayari at siya ay

7
bumagsak.

SULIRANIN:

Si Lea ay nagpupumilit na umangkop sa isang buhay na may pansamantalang pagkabulag. Maya-


maya, si Tonyo, ang kapitbahay ni Lea na isa ring Filipino ay nagpakilala sa kanya at nag-effort na
magluto para sa kanya at pasayahin siya sa kabila ng ilang beses na tinanggihan. Sa kalaunan ay
nakuha ni Tonyo ang kakilala ni Lea at hinikayat itong maglibot kasama niya sa loob at paligid ng
lungsod. Ginugugol ng dalawa ang halos lahat ng kanilang oras sa paglalakbay sa paligid ng mga
tourist spot sa Sapporo, kasama si Tonyo na nagsisilbing mga mata ni Lea sa lahat ng kanilang
sandali. Sa kalaunan ay umibig sila at nangakong muli nilang bibisitahin ang lahat ng lugar na
kanilang napuntahan sa sandaling muling magkita si Lea. Kalaunan ay ipinagdiwang nila ang isang
pseudo-wedding kung saan binigyan ni Tonyo si Lea ng isang Daruma doll—isang Japanese na
manika na pinaniniwalaang tutuparin ang mga hiling ng taong pumupuno sa mga mata nito—at
hinihiling na gumaling siya mula sa pagkabulag.

KASUKDULAN: Sa isang date nila, iniwan ni Tonyo si Lea sa tabi ng kalsada para kumuha ng stuff
toy na balak niyang ibigay kay Lea. Sa puntong ito, nagsimulang mabawi ni Lea ang kanyang
paningin at, sa unang pagkakataon ay nakita niya si Tonyo na kumakaway sa kanya mula sa
kabilang bahagi ng kalsada. Si Tonyo, nagulat at puno ng saya, ay sumugod kay Lea ngunit
nabangga ng sasakyan at namatay.

KAKALASAN: Pagkamatay ni Tonyo, binisita ni Lea ang kanyang tahanan, at natuklasan ang isang
liham na iniwan niya para sa kanya. Nalaman niya na lumipat si Tonyo mula sa Tokyo patungong
Sapporo, na nagdusa ng wasak na puso nang siya ay niloko. Ito ay pagkatapos ay ipinahayag na sa
katanuyan ay nakilala niya ng maaga si Lea. Isa siyang lasing na natutulog sa kalye sa harap ng
bahay ni Lea. Panay ang pag-aalaga sa kanya ni Lea, binibigyan siya ng sinangag na repolyo para sa
pagkain at isang kumot. Naantig sa kanyang kabaitan, nanumpa siya na pagbutihin ang kanyang
sarili, at lumipat sa isang bahay malapit sa bahay ni Lea.

Noong isang gabi, ang isang heartbroken na si Lea—na nakasuot ng higanteng heart suit—ay
naglaan ng oras sa isang banana mascot na lingid sa kanyang kaalaman ay si Tonyo din. Siya ang
nagpadala sa kanya ng sulat para makipagkita sa isang beer house matapos matuklasan ang
pagtataksil ng kanyang nobyo at binuhat siya pauwi pagkatapos nitong gumuho noong gabing
nawala ang kanyang paningin. Ibinunyag din sa liham na si Tonyo ay may problema sa puso. Ang
kanyang puso ay pinalaki mula noong siya ay siyam na taong gulang; Sinabihan siya na maaari
itong sumabog anumang oras at mamamatay siya, kaya’t nangako siyang gagawin niya ang lahat
para kay Lea bago ito mangyari.

WAKAS: Dahil sa pagdadalamhati, ginugunita ni Lea ang kanilang mga sandali at tinupad ang
kanyang pangako sa pamamagitan ng muling pagbisita sa lahat ng lugar na kanilang napuntahan,

8
na naglalagay ng piring sa bawat lugar.

TUNGGALIAN:

Tao sa sarili – sapagkat nalaman lang mismo ng pangunahing tauhan na si Lea sa bandang hulihan
ng kwento na si Tonyo pala lahat ang kanyang mga nakasalamuha at nakasama kahit pa sa simula
pa lamang ng pelikula at nalaman niya lamang ito nung nawala na si Tonyo. Marahil ay
nakaramdam rin siya ng pagsisisi bukod sa pagkalungkot at pagdadalamhati sa oras na kanyang
nabasa ang sulat ni Tonyo para sa kanya dahil hindi na muli nilang magagawang magkasama ang
kanilang pagpunta sa mga lugar noong siya ay mayroon pang panandaliang pagkabulag. Sa huli,
siya na lamang ang tutupad nun mag-isa at mananatiling sa ala-ala na lamang ang lahat ng
kanilang pagsasama.

Pagtataya/ Awtput

Panuto: Gumawa ng isang replektibong sanaysay hinggil sa pinag-aaralan natin ngayon.


Isaalang-alang sa gawaing ito ang mga naging PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN.
Ipapasa ito sa pamamagitan ng fb group page (inihanda ng guro/propesor).

Paalala: Buksan ang link (https://prezi.com/zshkyjly57vv/pagsulat-ng-repleksyon/?


fallback=1) upang maunawaan ang paraan ng pagsulat.

Pinakamahusay Mahusay Malilinang


Pamantayan
10 puntos 5 puntos 3 puntos
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang
komprehensibo ang nilalaman ng bawat kakulangan sa
nilalaman ng bawat talata. nilalaman.
talata.
Organisasyon Organisado, simple at Malinaw at maayos Maayos ang
malinaw ang daloy ng ang presentasyon presentasyon ng
paglalahad ng kaisipan. ng ideya. Malinaw mga ideya. May
May tamang ang daloy ng bahaging di
pagkasunod-sunod ang paglalahad ng gaanong malinaw
ideya. kaisipan. na paglalahad ng
kaisipan.
Kabatiran ng Maayos at detalyado Maayos ang May kalabuan sa
mga ang ideyang nais ideyang nais ideyang nais
pangunahing iparating. iparating. iparating.
konsepto

9
Babasahin at iba pang Sanggunian

Para sa mas interesanteng pagbasa o mapapanood magtungo sa mga link at sorses na


nasa ibaba upang na ito upang madagdagan ang inyong kaalaman sa tinalakay natin.

 Toledo, P. A. M. (n.d.). Talambuhay. Scribd. Retrieved August 22, 2020, from


https://www.scribd.com/doc/121168342/Talambuhay

Pagkilala sa mga Manunulat at iba pang Lumikha

CRISTOPHER S. SOBREMESANA
Guro sa Filipino

Rebecca T. Anonuevo, PhD


NPC President

10

You might also like