You are on page 1of 2

Kabanata 3

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, proseso at pamamaraan ng mga


mananaliksik upang makuha ang kasagutan sa itinakdang suliranin buhat sa mga respondente.
Saklaw nito ang disenyo ng paglalahad, metodo ng pag-aaral, kalahok sa pag-aaral,
instrumentasyon sa pangangalap ng datos, statistical treatment ng datos, at kalendaryo ng
pananaliksik. Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay talaan ng talatanungan,
paraan ng pagbibigay halaga sa mga datos at ang gagamiting istatistika sa pananaliksik upang
lubos pang maunawaan ang pananaliksik na ito.

Disenyo ng Paglalahad

Gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang deskriptibo. Ang pamamaraang ito ay


ginagamit dahil may limitadong bilang ng mga respondente ang ginagamit ng mga mananaliksik
upang matukoy ang Pagiging Epektibo ng Pagsasagawa ng Negosyo ng mga BS
Entrepreneurship na nasa Ika-apat na Antas.

Metodo ng Pag-aaral

Ang tinatawag na “Survey Questionnaire” o talaan ng talatanungan ang angkop na


pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik. Ito ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik
sa pagkuha at pagtipon ng mga datos na kailangan sa pamamagitan ng mga datos ng mga
respondente.

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral sa Marinduque State
College na nasa ika-apat na antas ng kolehiyo sa kursong BS Entrepreneurship.

Respondente Lalaki Babae Kabuuan

Mga mag-aaral na
nasa ika-apat na
antas ng kursong BS 25 25 50
Entrepreneurship

Instrumentasyon sa Pangangalap ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng mga talatanungan o


pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng gabay na mga tanong na naglalayong na
makapangalap ng datos upang masuri ang Pagiging Epektibo ng Pagsasagawa ng Negosyo ng
mga BS Entrepreneurship na nasa Ika-apat na Antas. Nakatulong din sa mga may akda ang mga
impormasyon na nakalap sa internet para makalikom ng mga datos na makakatulong upang
mabigyang katuparan ang mithiin ng pag-aaral.

Statistical Treatment ng Datos

Ang mga datos na nakalap mula sa talatanungan ay susuriin at bibigyang-kahulugan sa


pamamagitan ng paggamit ng weighted mean. Ang gagamiting istatistika ng mananaliksik ay ang
weighted mean. Narito ang formula:

Percentage: Weighted Mean:


P = Fx100
Wm = TWF/N
N
WM = Weighted Mean
Ang ibig sabihin,
TWF = Total Weighted Mean
P = Percentage o Bahagdan
N = Total Number of Respondents
F = Frequency

You might also like