You are on page 1of 7

MODYUL 2: PANLINANG NA GAWAIN (Enrichment Activities)

Gawain 1:

Panuto: Basahin ang nilalaman ng mga sumusunod na akda. Sagutan ang mga tanong
na may kinalaman sa nasabing babasahing akda pagkatapos. Isulat ang inyong sagot sa isang
puting papel gamit ang cursive style in writing.

• “Mga Suliranin sa Intelektuwalisasyon ng Filipino” ni Pamela C. Constantino


• “The Intellectualization of Filipino” ni Bonifacio P. Sibayan
• “Intelektuwalismo at Wika” ni Renato Constantino
• “Ang Wikang Filipino Tungo sa Intelektuwalisasyon” ni Florentino H. Hornedo

Paalala: Magsaliksik sa nilalaman ng itinakdang babasahin sa anumang mapagkukunan.


 Mga Suliranin sa Intelektuwalisasyon ng Filipino” ni Pamela C. Constantino
 “The Intellectualization of Filipino” ni Bonifacio P. Sibayan
 “Intelektuwalismo at Wika” ni Renato Constantino
 “Ang Wikang Filipino Tungo sa Intelektuwalisasyon” Florentino H. Hornedo

Magsimula sa mga tanong na ito (50 points - 5 puntos bawat isa):

1. Papaano at kalian nga ba masasabing intelektwalisado na ang wikang wikang Filipino?


Hanggang ngayon, hindi pa masasabi na ang wikang Pilipino ay isang intelektuwal na wika. Para
magiging mas intelektuwal ang wikang Pilipino, kailangan gamitin ito sa larangan ng
akademya at sa antas ng eskuwelang gradwado. Hindi ito nangyayari ngayon dahil ang
wikang Ingles ang tanging ginagamit sa larangang ito kaya ang wikang Ingles ay umuunlad
habang ang wikang Pilipino ay nananatili sa mababang antas.
2. Sa iyong palagay intelektwalisado na ba ang ating wika, ang wikang Filipino?
3. Ano-anong mga suliranin sa intelektwalisasyon ng Filipino ang tinalakay ni Pamela
Contantino sa kanyang sinulat? Bakit?
4. Papaano ang pagbubuo ng mga salita o leksikal na elaborasyon ng wika na isang
mahalagang elemento ng intelektwalisasyon?
5. Isa-isahin ang mga mahahalagang puntos na tinalakay sa mga nasabing babasahin?
6. Bakit kinakailangan na maging intelektwalisado ang isang wika?
7. Ano-ano ang bumubuo sa paglinang ng wika ayon kina Einar Haugen at Charles
Ferguson? Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng halimbawa sa mga ito.
8. Paano ang pagpapayabong at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino ayon sa
pagaaral ni Bro. Andrew Gonzales
9. Ano ang balakid sa pagkakaroon ng maayos at intelektwalisadong pambansang wika?
10. Ano ang tinatawag na imperyalismong tagalog? Ipaliwanag ito sa papagitan ng
bagbibigay ng halimbawa.

__________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
Gawain 2:
Panuto: Magtala ng mga terminolohiyang ginagamit sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Tukuyin kung paano hiniram ang bawat isa sa Filipino (salin, lubusang hiram, o transliterasyon)
at kung anong uri ng panghihiram ang ginawa sa bawat isa. Isulat sa angkop na kolum ang
salitang hiram mula sa salitang-ugat o terminolohiyang napili na itinala mo sa unang kolum (20
pts).

Paalala: Magsaliksik sa itinakdang pagtatala sa anuman o alinmang mapagkukunan. Huwag


kalimutang ilagay sa hulihang bahagi ng sagutang papel ang mga sangguniang ginamit.

Terminolohiya/Salita Salin Lubusang Hiram Transliterasyon


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Sanggunian/Pinagkukunan: ____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________

Gawain 3:

Panuto: Ilarawan ayon sa pagkaunawa ang kaibahan ng “intellectually modernized language”


at sa “popularly modernized language” sa pamamagitan ng iskemata (schematic diagram) at
magbigay ng mga halimbawang pagkakataon kung kalian ito masasabing ganoon. Isulat sa loob
ng talahanayang nasa ibaba (20 pts).

Iskemata:

_____________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________

Isatandardisasyon ng Wika Halimbawang mga pagkakataon

Intellectually modernized language

Popularly modernized language

Gawain 4:

Panuto: Magbasa ng isang akdang pampanitikan sa gusto mo at ipaliwanag kung


paano mong nalinang ang kasanayang metakognitiv mula sa binasa. Gawin ang pagpapaliwanag
sa paraang pasanaysay. Isulat sa paraang cursive (10 pts).

_____________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________

Gawain 5:

Panuto: Ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng pagtuturong epektibo


sa larangan ng panitikan. Magsaliksik at punan ng impormasyon ang mga paksang nakatala sa
ibaba. Huwag kalimutang banggitin ang pinagkukunan ng impormasyon sa bawat paksa (40
pts).

- Iba’t ibang teorya ukol sa mga layunin sa pagtuturo ng Panitikan


- Iba’t ibang epektibong layunin sa pagtuturo ng panitikan
- Iba’t ibang kagamitang pampagtuturo
- Pagtataya ng tamang mga kagamitang pampagtuturo na epektibo at nakalinya sa
panitikan

_______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________
Gawain 6:
Panuto: Nakatala sa ibaba ang iba’t ibang teoryang pampanitikan. Basahin ang mga ito
at unawain ang paliwanag o diskripsyon. Pagkatapos ay pumili o maghanap ng mga akdang
pampanitikan na umaangkop sa paliwang/diskripsyon nito at panindigan kung bakit mo napili
ang akdang ito para sa tiyak na teoryang napili (5 pts each) – 23 x 5 = 115 pts

TEORIYANG PAMPANITIKAN

1. KLASISISMO. Sa pananalig-klasisismo, pinangingibabaw ang kaisipan kaysa sa


damdamin. Nasa klasisismo ang pagiging maayos. Sa paggamit ng wika, matipid sa
salita ang klasisismo. Bukod sa maingat sa pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin
hindi angkin sa mga klasisista ang paggamit ng mga salitang balbal at labis na emosyon.
Ilan sa mga katangian nito ay ang: pagkamalinaw, pagkamarangal, pagkapayak,
pagkamatimpi, pagka-obhetibo, pagkakasunod-sunod at pagkakaroon ng hangganan.

2. ROMANTISISMO. Salungat ito sa klasisismo sapagkat higit na pinapahalagahan ang


damdamin. Romantiko ang itinatawag na paraan ng pagsulat ng mga akda dahil may
pagkaromantiko ang paksa, tema at istilo. Naniniwala ang mga romantiko sa lipunan na
makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad. Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng
mga romantiko para mabatid ang nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan.
Pinaniniwalaan din nilang inspirasyon at imahinasyon ang tanging bumubuo sa pagiging
totoo at maganda.

3. SIMBOLISMO. Saklaw nito ang paglalahad ng mga bagay, damdamin at kaisipan sa


pamamagitan ng mga sagisag. Mayaman ito sa mga pahiwatig ng mga nakakubling
kahulugang pangkaluluwa at pangkaisipan.

4. REALISMO. Naglalarawan sa paraang siyentipiko at hindi namimili ng mga bagay na


nadarama at napag-uukulan ng pagmamasid. Inilalarawan nito ang buhay sa katunayan
nito at walang idealism. Katotohanan kaysa kagandahan ang ipinaglalaban ng realism.
Ang mga paksang laganap sa mga akda ay nauukol sa kahirapan, kamangmangan,
karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon at iba pa.

5. NATURALISMO. Ang pananalig na nagsisikap na mailarawan ang kalikasan nang buong


katapatan. Layunin nito ang siyentipikong paglalarawan ng mga tauhang pinagagalaw
sa mga puwersang impersonal, pangkabuhayan at panlipunan. Binibigyang pansin ang
kapaligirang sosyal at hindi ang indibidwal na katauhan.

6. EKSPRESYUNISMO. Ang pananalig na sa pagpapahayag ng manunulat ng kanyang


kaisipan, lalong-lalo na ng kanyang nadarama ay hindi mababahala sa maingat na
paglalarawan ng mga maliliwanag na pakiramdam na kanilang inipinapahiwatig. Ang
karaniwang mambabasa sa mga akda ng mga manunulat ay tila isang tambak na mga
walang kawawaang bagay, na ang pagkakahanay ng mga salita’y kakaiba, mga bantas na
halu-halo, mga pananalitang hindi makilala at mawatasan kung sakali.

7. IMPRESYUNISMO. Ito’y batay sa pagkakakilalang mga bagay ay hindi dapat ilarawan


nang masusi kundi alinsunod sa kakintalang naiwan sa isipan ng manunulat sa sandali
ng pagmamasid. Ang impresyong naiwan sa kanya ang inilalahad niya. Ang akdang may
himig impresyunista ay nagiging parang pasambut-sambot parang humihingal, pero
hindi naman nasisira ang hugis at kaanyuan.

8. SURREALISMO. Sinsisikap ng pananalig na ito na matamo sa pamamagitan ng


paghahanap ng mga salita sa paraang salungat sa karaniwan at di-makatwiran. Makikita
dito ang mga katakatakang bagay na nagaganap sa guniguni ng isang tauhang nasa
panahon ng realidad. Tumutuon ito sa masining na pagbubuklod ng realidad. Batay ito
sa paniniwalang ang daigdig ng kawalang-malay na ipinahahayag sa pamamagitan ng
pantasya at panaginip ay may realidad na nakahihigit pa sa phenomenal na salita.

9. EKSISTENSYALISMO. Ang pananalig na hinahanaan ng katibayan ang kahalagahan ng


personaliad ng tao at binibigyang-halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan ng tao laban
sa katwiran. kalayaan at awtentiko ang tanging nais kilalanin ng eksistensyalismo.

10. HUMANISMO. Ang pokus ng teoryang ito ay ang tao. Naniniwala ang humanista na ang
tao ay sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang maipagkaloob sa kanya ang
kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Ang panitikan ng
mga humanista ay nakasulat sa wikang angkop na angkop sa akdang susulatin. Ito’y
nagtataglay ng magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan,
nakaaaliw at nagpapahalaga sa katotohanan.

11. SIKO-ANALITIKO. Sa teoryang ito, may malaking impluwemsiya ang pahayag ni Freud
(Villafuerte, 2000), na tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. May
kinalaman ito sa paniniwalang naghahanap-buhay tayo para lamang lasapin ang sarap
ng buhay at nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang
kamalayan sa kahirapan.

12. INSTRUKTURALISMO. Simulain ng teoryang ito na ang wika ay hindi tamang hinuhubog
ng kamalayang panlipunan kundi humuhubog din sa kalayaang panlipunan. Dahil dirom
napakahalaga ng diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan.

13. BIOGRAPIKAL. Ang unang dapat mabatid ng isang mambabasa ng panitikan ay ang
buhay ng may-akda. Hindi sapat na mabatid niya ang pangalan at talaan ng mga akdang
naisulat ng may-akda, kundi higit na mahalagang matuklasan at maunawaan ang
katauhan o personalidad nito. Napakahalaga ng pagbabahagi ng kamalayan ng
manunulat sa mga mambabasa upang lalong matuguanan ang maraming katanungang
taglay ng isang akda, na tanging ang may-akda lamang ang makakasaot. Maraming
kahalagahan ang biograpikal o patalambuhay na kritisismo: Una, nililiwanag nito ang
sinulat ng may-akda sa pamamagitan ng paglikha ng mga pangyayaring naganap sa
pagsulat ng akda. Ikalawa, ang bayograpikal na kritisimao ay tumatanaw sa mga gawain
bilang pagpapahayag ng mga malalim na pakahulugan o tunggalian ng may-akda. Ikatlo,
inaalam ng kritisismo ang masining na paraan sa paghalukay o pagdalumat sa
pangkaloobang daigdig ng manunulat, kung kaya’t natutuklasan ang mga pinagkunan
niya ng kanyang mga paksa, tema o simbolo. Ikaapat, matutuklasan ang iba pang
impluwensutang makakatulong sa sining ng manunulat. Ikalima, sa pamamagitan ng
patalambuhay na kritisismo, mapapag-alaman ng mambabasa ang pag-unlad ng alagad
ng sining at mailagay ang akda sa kalooban ng malaking huwaran nito.

14. PORMALISTIKO. Dito pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aralan ang mga
elementong bumubuo sa katha. Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral ng isang akda kung
inihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring kinasasangkutan ng may-akda. Ang
kaluluwa ng pag-aaral ng panitikan sa dulog na ito ay ang pisikal na katangian ng akda,
tuluyan o patula. Pangunahing pangangailangan ang masusing pagbabasa ng teksto.

15. SOSYOLOHIKAL. Batay ito sa paniniwalang may kaugnayan ang isang likhang-sining at
ang lipunan, at maaaring magpalalim ang pagsuri sa kaugnayang ito sa pagpapahalaga sa
naturang likha. Sa dulog na ito, tinitingnan ang panitikan hindi basta likha ng isang tao,
kundi ng isang manunulat na saksi sa isang tiyak na panahon at aktibong nakikibahagi sa
isang komunidad na maari niyang maimpluwensiyahan. Sinusuri dito ang
pagkakabigkis ng akda, manunulat at social milieu. Sa dulog na ito, maaring tingnan ang
panitikan sa dalawang paraan: (1) upang ipaliwanag at suriin ang tauham sa liwanag ng
kalagayan niya sa lipunan, ang kayang pagtingin sa mga mores, tradisyon at pamantayan
o norms at tungkulin sa lipunan at (2) upang maunawaan at maupaliwanag ang isang
lipunan sa isang panahon. Sa ganitong dulog, ang sistema ng pagpapahalaga sa lipunan
ang binibigyang pokus.

16. HISTORIKAL. Mahalagang matuklasan sa teoryang ito ang pwersang pangkapaligiran at


panlipunan na may malaking impluwensiya sa buhay ng manunulat. Kung kaugnay sa
wika, sinisiyasat ang pagbabagong nagaganap sa wika at ang pag-unlad na nagaganap
dito nang pana-panahon.

17. SIKOLOHIKAL. Maituturing na susi sa pag-unawa sa mga paraan ng sining, sa mga


nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng mga tauhan sa akda.
Magagamit ang dulog na ito kung ang nais bigyang-diin ay ang pakikipagtunggali ng
tauhan sa kanyang sarili.

18. MORALISTIKO. Ito ay batay sa kumbensyon ng lipunan o relihiyon. Dapat ipakita ang
pamantayang moral na nakapaloob sa akda. Sa dulog na ito, pinag-aaralan ang panitikan
at may pagtangkang gamitin bilang instrumento ng pagbabago ng tao at ng lipunan. Sa
pag-aaral ng akda ay naroroon ang moralistikong pananaw at binibigyang-diin ang
layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan.

19. ARKETIPAL. Ang dulog na ito ay tinatawag ding totemiko, mitolohikal o ritwalistiko.
Ang mga arketipo ay mga simbolikong imahen na paulit-ulit na ginamit sa mga unang
salaysay ng mga mito at kwentong-bayan.

20. ISTAYLISTIKO. Pag-aaral ito ng partikular na ginawang pagpili ng manunulat upang


ipahayag ang nais na kalimitan at “culture-bound” o sitwasyunal. Isang magandang
paraan sa pagsusuri sa istio at mga devices na ginagamit ng awtor ang dulog istaylistiko.
Dito, nasusuri ang iba’t ibang prosodic devices na makapagpapayaman ng kahulugan ng
mga salita.
21. LINGGWISTIKA. Sa dulog na ito sinusuri ang mga salita/parirala/pangungusap sa akda
at mga elemento ng wika kaugnay sa ponolohiya, morpolohiya at sintaksis.

22. FEMINISMO. Sa dulog na ito binibigyang pansin ang mga sumusunod: ang manunulat na
baba at ang kanilang kakayahang lumikha ng obra; mga dahilan kung bakit sila kulang sa
pansin; at ang kanilang mga akda.

23. HISTORIKAL-BIOGRAPIKAL. Ito ay ang pagtingin sa panitikan bilang repleksyon ng


buhay at panahon ng manunulat o ng panahon at buhay ng mga tauhan sa akda.

- WAKAS -

You might also like