You are on page 1of 1

Maraming reports ang lumabas na habang sa panahon ng lockdown,

hindi lamang ang kalidad ng hangin ang nagbago kundi maging ang ilog
at dagat ay nagkaroon ng mabuting epekto. Ang pagtigil ng operasyon
ng mga industriyang nagtatapon ng basurang pang-industriya ay natigil
at ito ay nagkaroon ng positibong epekto sa kalidad ng tubig. Hindi lang
ang tubig at hangin kundi maging ang polusyon sa ingay ay nagkaroon
ng improvement. Kung walang factories na nag-ooperate, kung walang
mga sasakyan sa kalye na nagbubuga ng usok ay maliwanag na
magiging maganda rin ang kalidad ng pamumuhay sa buong mundo.

Yan ang positibong epekto ng lockdown sa pagpapatigil “pansamantala”


ng mga pabrika, paglabas ng mga sasakyan, at iba pa. Pero ang
sandaliang lockdown ay hindi sapat upang malunasan ang matagal nang
pinsala na dulot ng pag-aabuso sa kalikasan. Ang lockdown ang
pansamantalang nagbigay ng positibong epekto sa buhay ng sang-
katauhanang epidemya ng isang nakakahawang sakit na kumalat sa isang
malaking rehiyon, halimbawa, sa maraming lupalop o sa buong mundo,
na nakakaapekto sa isang malaking bilang na mga indibiduwal.

You might also like