Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo . Amen.
O Mahal na Nuestra Señora de la O
Ina ng aming Panginoong Hesukristo na loob ng siyam na buwan ay nasa iyong sinapupunan ang anak ni David at hari ng mga hari na sinasamba ng mga Pangileño at lahat ng debotong nangangailangan kahit na ang batang si Hesus ay nasa loob pa ng iyong sinapupunan. Kami’y nagsusumamo sa iyo aming reyna nagmula sa bansang Espanya sa bayan ng Pangil dinala upang sa lahat ay ipakilala. Dinadalangin namin sa iyo O Birheng nagdadalantao ang aming kahilingan.
(Tahimik na banggitin ang personal na panalangin)
Kami ay naniniwala na ikaw O Mahal na Birhen de la O ang daluyan
ng pagpapala na yaong nasa iyong sinapupunan kami ay nagmamakaawa na bahaginan ng mga biyaya kaming mga naglalakbay sa ibabaw ng lupa. O Mahal na Birhen de la O, batid namin ang aming kahinaan at pagkukulang kaya’t kami ay lumalapit sa iyo upang anuman ang di namin kayang gawin ay mapasaamin sa pamamagitan ng iyong panalangin. Amen.
Dasalin ng Tatlong ulit ang
Ama Namin… Aba Ginoong Maria.... Luwalhati.... Nuestra Señora de la Nuestra Señora de la O, ipanalangin mo kami! O