You are on page 1of 1

WEEK 2

Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito.

Ang pagpapasya (Ingles: decision making) ay maituturing bilang isang


prosesong kognitibo na nagreresulta sa pagpili ng isang paniniwala o kurso ng
kilos mula sa ilang mga kapalit o alternatibong mga eksena. Bawat proseso ng
pagdesisyon ay nakagagawa ng isang huli o hindi na mababago pang pagpili,
na maari o hindi maaring may maagap na aksiyon. Ang kinalabasan ay
maaaring isang galaw o aksiyon o kaya isang napiling opinyon.

Maaring makatuwiran o hindi makatuwiran ang paggawa ng pasya. Isang


proseso ng pangangatuwiran ang proseso ng pagpapasya na nakabatay sa
pagpapalagay ng pagpapahalaga, kagustuhan, at paniniwala ng gumawa ng
pasya.
Mga hakbang sa pagpapasiya
1. Alamin ang suliranin
2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.
3. Isaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat sitwasyon.
4. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga.
5. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pikamabuting solusyon.
6. Pag-aralan ang kinalabasan.
7. Isip at damdamin ang ginagamit sa pagpapasiya
8. Magkalap ng kaalaman
9. Magnilay sa mismong aksiyon
10. Hingin ng gabay ng diyos sa isasagawang pagpapasya.
11. Taglayin ang damdamin sa napiling isasagawang pagpapasiya.
12. Pag-aralang muli ang pagpapasiya.

Inihanda ni: Bb. MARY NEŇA M. ROSALITA, LPT, MAED-EA

You might also like