You are on page 1of 4

ANO NGA BA ANG DAPAT GAWIN SA ARAW NG BOTOHAN?

#1. MAGPAREHISTRO. Ito ang una mong dapat pakatandaan bago ka bumoto.
Siguraduhin mong nakarehistro ang iyong pangalan or identity sa COMELEC para
marecognized ka as a registered voter in that particular place. Isang beses lang
ang pagparehistro. Hindi kailangang marami at paulit-ulit. Huwag mong itulad
diyan sa lovelife mo na marami kang naging jowa at paulit-ulit mo silang
sinasaktan at pinapaasa. Kung nakarehistro na, okay na yan. Okay na yung isa.
Chura mo! – CARYL done

#2. HANAPIN ANG IYONG PRESINTO. Mas mabuti kung pupunta nang maaga sa
precinct na nakatalaga sayo upang maiwasan ang dami ng tao. Kung hindi mo pa
alam kung saan ang precinct number at lugar kung saan ka boboto, h’wag kang
magrelax d’yan, kung maaari ay bisitahin mo ang lugar ng inyong pagbobotohan
ilang araw bago ang eleksyon. Hanapin mo agad hangga’t maaga pa, para sa huli
ay hindi ka magsisi. Masakit yun. I know how it feels. CHARIZZ! Pero alam ko
namang sadyang tamad ka sa ganitong bagay, pwede mo namang hanapin ang
iyong precinct number via COMELEC precinct finder.. Hanapin mo nalang online,
search mo nalang siya! diyan ka naman magaling di ba? ninja moves na!

– ROLAND IVAN done

#3. ESTUDYANTE MOVES. Pwedeng magdala ng kodigo, ngunit bawal mangopya


sa katabi. Mas mapapabilis kung may listahan ka na ng iboboto mo, para hindi
tayo maka antala sa iba pang boboto. Hindi ito quiz na kelangan i-memorize mo
ang mga isasagot mo. Sa ganitong paraan, sigurado ka na sa desisyon mo, di ka na
magkakamali dahil natuto ka na kung sino ba talaga ang karapat-dapat. Sana
ganun ka rin sa taong mahal mo, dapat suriing mabuti kung sino ang nakalagay sa
kodigo ng puso mo para di na umasa pa yung mga taong naghihintay ng
pagmamahal mo. Sa pagboto, isulat ang kanilang pangalan at ang numero nila sa
balota. Huwag kang kokopya sa iyong katabi, baka mapagalitan ka ng guro. Just
mind your own, iba sa kanya, iba rin yung sa iyo, matutong rumespeto sa desisyon
ng iba para di ka na makasakit pa. – ANGEL (done)

#5. KILATISIN. Suriing mabuti ang balota bago pumunta sa voting area. Huwag
tatanggapin ang balotang may marka o dumi sapagkat maaaring hindi ito
tanggapin ng VCM o Vote Counting Machine. Suriing mabuti ang balota.
Kailangang ito ay malinis at bago bago gamitin dahil napakadelikado kung second
hand na pala at ginamit na pala ng iba. - KHRISHA done

#6. GUMAMIT NG BALLOT SECRECY FOLDER . itago ang iyong balota habang
bumuboto. Punuan ng marka ang bilog na hugis itlog na makikita bago ang
pangalan ng inyong napiling kandidato. Tandaan, ang pagpili ng boto ay napaka-
confidential at napakahalaga, katulad din ito ng pagpapahalaga sa’yo ng taong
mahal ka pero di mo siya pinahalagahan dahil may pinili kang iba. Charot! –
AMBER done

#7. DAHAN-DAHAN LANG. Iwasang mapunit, magusot, mabasa o matupi ang


iyong balota sapagkat maaari itong hindi tanggapin ng VCM. Tandaan, hindi na
maaari pang kumuha ng bagong balota kapag nangyari ito. Mayroon lamang sapat
na balota para sa lahat ng mga botante. – PRES IVAN

#8. TOO MUCH VOTE WILL KILL YOU. Iwasang mag-overvote. Halimbawa,
labindalawang kandidato lamang sa pagka-senador ang dapat piliin. Kapag
sumobra dito ay hindi bibilangin lahat ng VCM. Maaaring magkulang sa mga
iboboto pero hindi dapat sumobra. Okay lang na magkulang, katulad ng
pagmamahal niya sa iyo. MOVE ON NA! charrrot! – KEN (done)
#9. PATIENCE IS A SUPER VIRTUE. Pagkatapos bumuto ay lumapit sa VCM upang
ipasok ang iyong balota. Hintaying bumagsak ang iyong balota sa loob ng ballot
box. Pagkatapos ay ibigay muli sa Board of Election Inspectors (BEI) ang ballot
secrecy folder at ang marking pen sapagkat hindi ito maaaring iuwi. H’wag ka
munang umalis, matuto kang maghintay dahil pagtapos ma-cast ang iyong vote ay
merong automatic na lalabas na receipt para ma-tingnan mo kung tugma ba sa
iyong resibo yung nasa balota ng mga binoto mo bago ito ihulog sa isang box
intended for receipts. Sakaling tugma ito, eh panalo ka! Congratulations dahil sa
pagkakataong ito, kahit ngayon lang ay naranasan mo ang pakiramdam ng di
naloloko. At kung sakaling sa tingin mo ay may mali sa procedure na ito ay mag
voice out ka na at ipaglaban yang nararamdaman mo! #pushMoTeh! - ABIGAIL
done

#10. Kung Sakaling iluwa ng VCM ang iyong balota, maaari kang bumalik sa voting
area upang suriin muli ito. Huwag magtagal sa harap ng VCM para mabigyan ng
pagkakataon ang iba pang botante. Maaaring ulitin ang pagmarka sa bilog na
hugis itlog. Maaari kang magpasok ng balota ng hanggang apat na beses sa iba’t-
ibang posisyon. Sa ikaapat na beses at hindi pa din ito tinanggap ng VCM,
Magsabi ka na sa mga inspector para maisa-ayos. - ANGEL

#11. ALMOST DONE NAH! Pagkatapos bumuto ay magpalagay ng indelible ink sa


kuko ng inyong kanang hintuturo. At pagkatapos ay maglagay ng thumbmark sa
isang espasyong ibibigay malapit sa inyong pangalan. Indelible ink ito. Hindi ito
basta basta mawawala diyan sa daliri mo. Kailangan mo munang hintaying
lumipas ang mga araw na matanggal ito dahil kusa itong mawawala sa’yo ng di
mo namamalayan. Hindi ito masakit at wala kang ibang mararamdaman pag
nawala ito. Ganyan ka naman di ba? Walang pakiramdam! #yanka! – Pres Ivan

#12. UMALIS KA NALANG PAG TAPOS KA NA. Pagkatapos ay lisanin na ang inyong
presinto. Bibigyan ka lamang ng hanggang labinlimang minuto para bumuto.
Kapag humigit dito ay maaari ka nang ireport sa BEI at ipadakip sa pulis dahil
paghihinalaan kang nag-aantala sa halalan. Tandaan, madami pang botante ang
nais bumuto kaya bigyan sila ng pagkakataon. Pero sanay ka naman dito di ba?
Ikaw palagi yung nang-iiwan, Ikaw palagi yung nagbibigay ng paulit-ulit na rason
para maghiwalay kayo. Ganyan ka naman di ba? Pero h’wag kang mag-alala,
makakamove-on din siya. Makaka-move din siya ng wala ka. #tiwalaLang – Amber
done

https://kuruanan.wordpress.com/2016/04/28/mga-gabay-para-sa-tama-at-
responsableng-pagboto-ni/?
fbclid=IwAR28GI4asyi18GGiTVsXiUWxaHE4AvrNMVVDAs54hxy6z1Lb99wm1tTK
7rI

You might also like