You are on page 1of 2

Ang mga Kaganapan sa Halalan 2022

ni Jenny Rose J. Bautista ng BSIT - 2

Sa ganap na alas-sais ng Mayo 9, taong 2022, ang isa sa pinaka mahalagang okasyon
sa Pilipinas ay nagsimula na. Napakaraming araw ang hinintay ng mga Pilipino para sa
natatanging araw na ito, sapagkat sa araw na ito ay nabigyan ng pagkakataon ang mga
Pilipino upang bumoto sa mga kandidatong kanilang nais iluklok sa isang partikular na
posisyon. Ika nga nila, “Nasa inyong kamay ang kinabukasan ng ating bansa”, at dahil
nga demokratiko ang bansang Pilipinas, ito ay totoo. Sa isang demokratikong bansa,
ang tao ang naghahalal sa mga nais nilang mamuno, at nasabi ko nga na Pilipinas ay
isang demokratikong bansa, at sa araw na aking nabanggit ay ginanap ang pagboto sa
mga sumusunod na posisyon: Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senador, Partylist,
Miyembro ng House of Representatives, Gobernador, Bise Gobernador, Miyembro ng
Sangguniang Panlalawigan, Alkalde, Bise Alkalde, at mga Miyembro ng Sangguniang
Bayan.

Bilang isa sa mga nagboto sa nasabing araw, nasaksihan ko ang mga kaganapan sa
aming lugar sa pagboto. Sa pagsapit ng umaga, karamihan sa ating mga kababayan ay
nagsipunta na sa kani-kanilang presinto kung saan sila ay magboboto. Pagpasok pa
lamang sa tarangkahan ng paaralan dito sa aming barangay ay nagdasaan na ang mga
tao, isang mahabang pila ang bubungad sa iyo. Dahil nga sa tumitirik na ang araw,
marami sa mga nakapila ang nagsi-alisan sa kanilang kinatatayuan at naghanap ng
masisilungan, ang ilan sa kanila ay ininda ang init na nararanasan, habang ang iba
naman ay umuwi upang bumalik na lamang kapag maikli na lamang ang pila at hindi na
maaraw. Isa ako sa mga taong umuwi muna, lalo na at ako ang naatasan ng aking mga
magulang na magluto ng aming pananghalian, ngunit sa aking pagbalik sa paaralan
kung saan ako’y boboto, iilan na lamang ang nakapila. Bago papuntahin sa presinto
kung saan ka itinalaga, kukuhanan ka nila ng temperatura. Kahit pa kakaunti na lamang
ang tao, pinaupo muna kami ng itinalagang tao na kumuha ng aming temperatura. Mga
ilang minuto rin ang lumipas at hinayaan nila kaming pumunta sa kanya-kanyang
presinto namin.

Bago makapagboto, ang mga botante ay maaaring hanapin ang kanilang pangalan
kung tama nga bang ang presintong kanilang pinuntahan ay tama o ang pangalan nila
ay nasa listahan ng presintong iyon, ngunit sa paaralan kung saan kami ay naitalaga,
ang gurong nagbabantay ng pila bago makapasok at makaboto, ay siya na rin ang
naghahanap ng iyong pangalan ay mayroon siyang ibibigay na maliit na papel kung
saan isusulat nya ang numero ng iyong pangalan sa persinto mo. Kapag nakuha ang
maikling papel, sasabihan kang pumasok sa isa sa mga silid sa paaralang iyon upang
maghintay sa iyong oras. Kapag ikaw na ang papasok, kukuhain ng personnel ang
iyong numero at hahanapin ang iyong pangalan sa listahan kung saan ikaw ay
papapirmahan, at pagkatapos pumirma, ibibigay na sa iyo ang balota. Sa bawat upuang
nasa presintong iyon, ay nakalatag ang polder upang magsilbing panakip sa iyong
balota, at nandoon rin ang isang marker o pangmarka na iyong gagamitin pang shade
sa nais mong iboto. Matapos makapag shade, direstso na sa Vote Counting Machine o
VCM, kung saan ipapasok mo ang iyong balota, at ilalabas nito ang resibong
naglalaman ng iyong boto. Ang resibo ay ibibigay sa iyo upang suriin kung ito nga ba ay
tama, kung ito ay tama, ibibigay mo ito sa personnel at papatakan na ng tinta ang iyong
hintuturo na syang simbolo na ikaw ay tapos na magboto.

Sa aking pag-uwi sa aming tahanan, napagtanto ko na sa kamay ko mga talaga ang


kinabukasan ng ating bansa, at ang patunay nito ay ang tintang nasa aking hintuturo.
Ito ang aking unang karanasan sa pagboto, ibig sabihin ay ito lamang ay ang aking
perspektibo sa nangyaring halalan. Sa ibang panig ng ating bansa, maaaring sa mata
ng ibang tao, ang halalang naganap ay isang okasyong magbibigay sa kanila ng
determinasyon at pag-asa sa buhay, habang ito ay isa lamang sa mga bagong
karanasan ko sa aking buhay, ngunit sa mga lilipas pang mga botohan, ay maaaring ito
rin ang aking isipin, dahil nga, ang halalan ang syang magtatakda ng kapalaran ng ating
bansa, kabilang tayong mga botante at mamamayan nito.

Sa demokratikong bansang meron tayo, hindi natin malalaman kung sino nga ba ang
karapat-dapat sa posisyon na sila ay ihahalal. Nasa atin ang desisyon, sino nga ba ang
maghihila sa atin mula sa kahirapang ating nararanasan? Sino nga ba ang tunay na
may busilak na kalooban? At sino nga ba ang karapat-dapat sa posisyon? Ang boto ng
bayan, ang kinabukasan nito. Tanging ang mga naitalagang mamamayan ang
makapagsasabi, dahil sa demokratikong bansing ito, nasa iyong kamay ang
kinabukasan ko.

You might also like