You are on page 1of 2

 Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating

kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa


kanilang kinabukasan.
 Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral
ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang
sa pagbibigay patnubay at suporta sa kanilang mga anak.
c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang
isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang
DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.

d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko


 Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang
lokal ang pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi
dahil sa lumalalang krimen.
 Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para
sa mga batang lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen
sa kalsada.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba


ng paksa at/o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa.
Gayunman, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na
tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig
lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako Sa isang banda, mabuti na
ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya sa kanilang
pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-
dapat na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.
b. Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika
hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng
bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.
3. Samantala Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya
kung paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga
taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-
dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.
Ang PANG-ABAY NA PAMANAHON ay nagsasaad kung kalian ginanap,
ginaganap, o gaganapin ang pangyayari o kilos. Maaaring may pananda,
walang pananda at nagsasaad ng dalas.

Mga Pang-abay na Pamanahon


1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)
Mga Halimbawa:
a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa
daan.
b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.
c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos
makapagtampisaw sa lawa.
d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan.
e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang
mga kinnaree.
f. Mula noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at
Prinsesa Manorah.
g. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang nilakbay
ang daan patungo sa kabayanan.

2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)

Mga Halimbawa:
a. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng tulong.
b. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
c. Ngayon darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw.
d. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kaniyang
asawa.
e. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton.

3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)


Mga Halimbawa:
a. Ang mga kinnaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa loob ng
kagubatan upang magtampisaw.
b. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang
nagtatayugang mga puno.
c. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa kaharian
ng Bundok Grairat.
d. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili ng
mga kagamitan.

You might also like