Professional Documents
Culture Documents
BSBA-HRDM 3-2N
Sa aking paglaki, unti-unti akong nagkaroon ng mga kaibigan. Sila ang nagdagdag
ng aliw at saya sa aking buhay. Binigyan nilang kulay ang lapis na iginuhit ng mga
magulang ko para sakin. Mula sa paglalaro hanggang sa pagtutulungan at pagdadamayan,
nariyan ang kaibigan. Iminulat rin nila ako sa di kanais-nais na maidudulot ng
pakikipagkaibigan. Ang pagtataksil, paninira, panloloko, pananakit at pang-iiwan ay
isinampal ng reyalidad sa aking mga mukha. Doon ko natutuhang hindi basta-bastang
buksan ang aking puso sa lahat ng gustong pumasok, sapagkat kailangan kong ingatan ang
mga kayamanan sa loob nito na maaari nilang sirain at nakawin.
Dinala ako ng aking mga paa sa di kalayuang baryo sa aming lugar. Dito ko
natunghayan ang mga Igorot na namumuhay ayon sa kanilang nakagisnan. Ibang-iba sa
aking uri ng pamumuhay. Mula sa kanilang suot, hanggang sa kung paano sila kumilos at
magsalita. Dito ko natuklasan na may kanya-kanyang uri ng kultura ang meron tayo sa
ating bayan.
Ito ang lipunan. Ako, ikaw, tayo na namumuhay ng may kani-kaniyang papel na
ginagampanan sa bawat isa. Namumuhay upang magbigay buhay sa ibang tao. Nariyan
ang pamilyang nagsisilbing sanktwaryo ng bawat isa, kaibigang handang umalalay sayot
magbigay saya, ekonomiyang sumusustento sa ating pamumuhay, relihiyong nagbibigay
pag-asa satin at pananampalataya sa Diyos at pamahalaang nagbibigay direksyon sa ating
bansa. Ngunit ang lipunan ay may taglay na malubhang sakit na dulot ng mga kanser sa
lipunan na resulta ng kawalang-malasakit sa isat isa. Ang lipunan ay sumasalamin sa ibat
ibang uri ng buhay mayroon ang bawat tao.