You are on page 1of 2

NAME: Marco Jacob D. Asuque GRADE/SECTION: 10 SSC-CHARITY DATE: Nov.

21, 2022

TAKDANG ARALIN: Gumawa ng isang sanaysay na sasagot sa tanong na, anong mga
paraan ang maaari mong gawin upang hindi ka maapektuhan ng mga salik sa makataong-
kilos?

Pananagutan sa Makataong-kilos

Pagdating sa makataong-kilos, ang una kong iniisip ay dapat na maingat na isaalang-


alang ang ating mga kilos maging ang mga salita para sa ikabubuti ng lahat. Ang makataong-
kilos ay maaaring maging normal na pagkilos ng tao, depende sa mga salik na nakakaapekto
rito. Ang mga salik na ito ay direktang nakakaimpluwensya o nagbabago sa pag-uugali ng
tao, lalo na ang isip at ang papel nito. Ang epekto ng mga salik na ito ay maaari ring
mabawasan ang responsibilidad para sa makataong kilos (Mga Salik na Nakakaapekto sa
Makataong-kilos 6). Minsan hindi natin namamalayan na ang mga salik na ito ay
nakakaapekto na sa mga pananagutan natin bilang tao kaya't ang mga paraan upang ito'y
maiwasan ay kinakailangan.

Sa salik ng kamangmangan, nararapat lamang na tayo ay magkaroon ng sapat na


impormasiyon bago pa man isagawa ang isang kilos. Kinakailangang huwag mag padalos-
dalos sa mga aksiyong gagawin. Upang maiwasan ang mga pagkakataong maging mangmang
sa pagsasagawa ng kilos, atin munang tiyakin ang katotohanan sa likod ng mga sitwasyon at
palawakin ang kaalaman sa isang bagay ng sa gayo'y ang makataong-kilos ay maisagawa ng
may pananagutan.

Hindi mawawala kailan man ang mga sitwasyon na kung saan nagnanaig ang ating
mga damdamin sa pagsasagawa ng makataong-kilos. Oo, importante ang ating emosyon sa
pagpapasiya o pag-kilos ngunit kung ating mamarapatin, hindi sa lahat ng bagay ang ating
mga damdamin ay wasto sa kalagayang kinatatayuan. Kadalasa'y kahit alam na nating mali,
dahil ito ang isinisigaw ng ating mga kalooban wala na tayong magagawa kung hindi sundin
ito. Sa pagkakaroon ng kontrol sa ating mga damdamin ating maiiwasan ang salik na ito.
Kapag napapamahalaan ng maiigi ang ating mga emosyon at ito'y nailulugar, maari nating
maisagawa ang ating mga kilos ng may pananagutan bilang isang makataong kilos.

Ang takot ay maari nating madaig kung bilang isang tao alam natin ang kaakibat na
mga pananagutan sa bawat kilos na ating isasagawa. Kahit na may mga pagbabantang
nagaganap sa ating kalagayan, dahil alam mo sa iyong sarili ang nararapat, ito ay iyong
gagawin. Maging sa salik ng mga karahasang pumipilit sa iyo na gumawa labag sa iyong
kilos-loob, kapag alam mo ang mga pananagutan ng iyong mga kilos ang impluwensiya ng
iba ay wala ng magagawa.

Mahirap lumayo at kalimutan ang isang bagay lalo na kung ito'y iyong nakagawian.
Sa patuloy na pagsasagawa ng isang kilos, ang salik na ito ay hinahamon ang pananagutan
natin bilang tao. Kapag tayo'y nasanay na lamang sa pagsasagawa ng mga di kaaya-ayang
kilos lubusan nitong maaapektuhan ang pagsasagawa natin ng makataong-kilos. Pero, kung
bilang isang tao nasa kalooban mo ang baguhin ang iyong mga gawi upang magkaroon ng
pananagutan sa iyong kilos, ito'y maiiwasan.
Sa ating pang araw-araw na pamumuhay, iba't ibang salik ang maaring
makapagbawas sa pananagutan ng ating mga kilos. Ang mga makataong kilos ay may mga
kaakibat na responsibilidad kaya't nararapat lamang na tayo'y magkaroon ng mga paraan
upang ang mga salik na nakakaapekto rito ay mapigilan. Bilang isang tao, tayo ay mqy
kakayahan na mag-isip at magsagawa ng kilos, kaya't kung ating gagamitin ng wasto ang
kakayang ito, madali na lamang nating mapagnanaigan ang mga salik na ito. Kung tayong
magkakalap ng kaalamang may kaugnayan sa isang sitwasyon, kung tayo ay may sapat na
impormasiyon at tayo'y masugid sa pagkamit ng makataong-kilos, kapag tayo ay may kontrol
at kayang pamahalaan ang bawat kilos ng may pananagutan, at higit sa lahat kung tayo bilang
nilalang ng Diyos ay malugod na tumutupad sa pagsasagawa ng kilos para sa ikabubuti ng
lahat, kaya nating manaig laban sa mga salik na nakakaapekto sa makataong-kilos. Pero kung
tutuusin wala ring saysay ang mga ito, kung ikaw sa sarili mo ay walang planong kumilos ng
may pananagutan. Ngayo'y nagbigay na ng iba't ibang paraan, ang tanong, kaya mo ba itong
isagawa man lang?

You might also like