You are on page 1of 14

8

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Ako at ang Aking Kapuwa
Ikalawang Markahan - Unang Linggo

1|P ahi na
Edukasyon sa Pagpapakatao – 8
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Ako At Ang Aking Kapuwa
Ikalawang Markahan - Unang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Efegenia B. Elejorde


Editor/Tagasuri: Yolanda S. Sanada
Tagaguhit / Taga-anyo: John Ernest J. Basco
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sion
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
AKO AT ANG AKING KAPUWA

Panimula

Ang tao ay nabubuhay kasama ang iba. Walang sinuman ang nabubuhay
mag-isa. Lahat tayo ay nangangailangan ng kalinga, pagmamahal, atensyon,
pagmamalasakit, at pagrespeto mula sa ibang tao.
Sa araling ito ay mas mapapalalim mo ang iyong kaalaman tungkol sa
pakikipagkapuwa. Sa pamamagitang ng mga gawain at pagtalakay sa araling ito ay
masasagot mo kung bakit kailangan ng tao ang makipagkapuwa?

Kasanayang Pampagkatuto

Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa. EsP8PIIa-5.1.

Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspektong


intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at pulitikal. EsP8PIIa-5.2.

Mga Layunin

Matapos mong sagutan ang mga gawain, ikaw ay inaasahang:


1. makatutukoy ng mga taong itinuturing na kapwa at ang kahalagahan ng
pakikipagkapwa;
2. makasusuri ng mga impluwensya ng kapwa sa aspektong intelektwal,
panlipunan,pangkabuhayan, at politikal;
3. makapagsasagawa ng isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga
mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayan sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.

1|P ahi na
Balik Aral

Basahin nang mabuti ang sumusunod na tula na nagpapakita ng


kahalagahan ng makabuluhang pakikipagkapuwa at subukang sagutin ang ilang
katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ano-anong aspekto ng pagkatao ang malilinang sa pakikipag-ugnayan sa


kapuwa?
2. Paano mo pakikitunguhan ang taong ayaw makiisa at makibahagi sa mga
gawain ng pangkat?

ANG PAKIKIPAGKAPUWA

Ang tao’y likas na


panlipunang nilalang
Pakikipagkapuwa-tao’y dapat na malinang;
Aspektong intelektwal, politikal, panlipuna’t pangkabuhayan
Lubhang mapagyayaman sa pakikipag-ugnayan.

Pangangailanga’y madaling matugunan


Sa pagkakaroo’t pagiging bahagi ng mga samahan
Nalilinang ating kusa’t pagiging mapanagutan
Pati na ang pagtaguyod sa ating karapatan.

Paano pakisamahan ang taong mapagmalaki?


Ayaw makiisa, lubha pang makasarili?
Huwag magpaapekto at magpakakagalit
Kabutihang panlahat ang atin laging isaisip.

Pakikipagkapuwa’y linangin nang may pagmamalasakit


Laging isipin na kapwa’y kapantay, katulad din natin
Sa bawat salita’t kilos, iwasang makasakit
Nakabubuti sa atin, kapwa’y gawin din.

Kung ang kapwa ay minamahal nang lubusan


Sa bawat pagkakataon, tunay siyang paglingkuran
Ibahagi ang sarili, makipag-ugnayan nang makabuluhan
Kapanatagan, kaligayahan, at kaganapan, ating ngang makakamtan.

-ecm

2|P ahina
Pagtalakay sa Paksa

Ang “kapuwa” ay isang konsepto na tumutukoy sa ibang tao. Ang lahat ng


tao na kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan ay maituturing na kaniyang
kapuwa. Ang isang lipunan ay binubuo ng mga taong may pangangailangang
makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ayon kay Dr. Manuel Dy, Jr., isang espesiyalista ng
Sosyolohiya at Philosopiya sa Ateneo de Manila University, ang tao ay isang
panlipunang nilalang at hindi lamang ito dahil kasama niya ang kapuwa kundi dahil
ang lahat ng bagay na kaniyang ginagawa at iniisip, maging ang pagpapaunlad at
pagbuo ng sarili, ay mula sa kapuwa at para sa kapuwa.

Napakahalaga sa isang tao na maunawaan niya ang pagiging kapuwa niya sa


ibang tao. Ito ay dahil nabubuhay tayo na kasama natin sila at kailangan natin ang
isa’t isa.
Sa iyong araw-araw na pamumuhay, may mga taong nakakasalamuha ka sa
iba’t ibang pagkakataon na maituturing mong kasa sa lwak ng iyong kapuwa. Bukod
sa iyong mga magulang, kapatid, at kaibigan, nariyan din ang iyong mga kamag-
aral, guro, kapitbahay, kabaranggay, at iba pang mga tao na maaaring hindi mo
nabibigyang-pansin.
Mayroong walong antas ng pakikipagkapuwa ayon kay Enriquez (1994). Sa
bawat antas, nagkakaroon ng iba’t ibang pagkilos, damdamin, at kaisipan ang isang
tao patungkol sa kaniyang kapuwa.

1|P ahi na
1. Pakikitungo – Ito ang pinakamababang antas ng pakikipagkapuwa. Dito
naipakikita ng isang tao ang pagnanais ng maayos na ugnayan sa iba kahit
hindi niya ito kilala o kasama sa pangkat. Halimbawa, ang pagngiti, pagtango,
o pagbati sa mga tao ay ginagawa upang hindi mapagkamalang mayabang.

2. Pakikisalamuha – Sa antas na ito, napalalalim nang bahagya ang


pakikitungo sa pamamagitan ng mga maiikli at kaswal na pakikipag-usap
gaya ng pagtatanong ng oras o pagbibigay ng komento ukol sa panahon.

3. Pakikilahok – Ang isang taong nasa antas na ito ay maaaring nakikita na o


nakikilahok na sa mga gawain ng ibang tao gaya ng pagdalo sa isang
pagtitipon at programa.

4. Pakikibagay – Sa antas na ito mayroong pagpapakita ng interes o pagkawili


sa mga gawain ng ibang tao kung kaya maaaring ginagawa rin ang nakikitang
gawain ng iba gaya ng paglilinis sa sariling bakuran.

5. Pakikisama – Kusang pagsama sa mga gawain ng iba kahit hindi pa lubusang


nauunawaan o nagugustuhan ito gaya ng pakikinahagi sa paglilinis ng kalye
ng pamayanan.

6. Pakikipagpalagayang-loob – Nagsisimula sa antas na ito ang pagbubukas ng


sarili at pagbibigay ng tiwala sa kapuwa na makikita sa pagbabahagi ng mga
personal na impormasyon ukol sa sarili.

7. Pakikisangkot – Dito maituturing ng isang tao ang kaniyang sarili bilang


kalahok o kasama sa anumang suliranin, layunin, o gawain ng kaniyang
kapuwa kung kaya nakikibahagi siya sa mga ito. Halimbawa, kung may
suliranin ang isang kapitbahay, maaaring siya ay dinadamayan o
tinutulungan upang malutas ang kaniyang suliranin.

8. Pakikiisa – Sa antas na ito, naituturing ng isang kapuwa at iisa ang kanilang


suliranin, layunin, o gawain. Sa antas na ito, naipakikita ng isang tao ang
kaniyang pagmamahal sa kapuwa sa pamamagitan ng pakikiramay at
pagtulong sa paglutas sa suliranin nito. Itinuturing niya na ang suliranin ng
kaniyang kapuwa ay suliranin niya din.

Dapat lamang tandaan na hindi lahat ng pagkakataon ay nakabubuti ang


pakikisama, pakikisangkot, o pakikiisa. Halimbawa, ang pakikisama sa mga
barkada o kaibigan na lulong sa bisyo ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa
sarili.
Ayon kay Enriquez (1994), may dalawang kategorya ang ating pakikipagkapuwa
na maaaring matukoy ayon sa antas ng pakikipag-ugnayang ginagawa mo sa kanila.

Unang kategorya ang sinasabing “ibang tao” kung saan nakikitungo ka nang
walang komitment sa pangkat at maaaring hindi mo gaanong nauunawaan ang
kanilang mga ginagawa o layunin. Subalit kailangan mong makisama sa kanila para
masabing kabilang o kabahagi ka ng kanilang pangkat. Sa kategoryang ito,

2|P ahina
maaaring isama ang mga taong nakakasalamuha kahit hindi mo sila ganap na
kakilala gaya ng mga kamag-aral, kasama sa pamayanan, at mga kabatian. Ang mga
taong ito ay itinuturing na “iba” hindi dahil sila ay mas mataas o mas mababa kaysa
sa iyo, kundi dahil sila ay hindi pa ganap na kabilang sa pangkat ng mga tao na
iyong pinagkakatiwalaan. Ang kapuwa ay nasa unang limang antas na ito ay nasa
kategoryang “ibang tao”.

Ang ikalawang kategorya ay tinatawag na “hindi ibang tao” sapagkat dito ay


ipinalalagay na ang isang tao ay talagang kabilang na sa pangkat at nakikiisa sa
damdamin at kaisipan ng pangkat. Naroroon ang pagkapalagay ng loob,
pakikisangkot sa mga suliranin, pagmamalasakit sa pangkat, at pakikiisa sa mga
gawain nito. Sa kategoryang ito kabilang ang pamilya at nag mga matatalik na
kaibigan. Sa mga taong ito nakikita at nararamdaman ang pagiging “isa” o hindi
pagiging iba sapagkat mayroong identipikasyon sa iisang pangkat at pagkakatulad
ng layunin. Sa huling tatlong antas na ito, ang kapuwa ay nasa kategoryang “hindi
ibang tao.”

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng itinuturing mong kapuwa at isulat ito sa loob
ng graphic organizer. Gawing gabay ang graphic organizer sa ibaba. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

Tatay Kahoy Lola Lolo Aso


Kapatid Pari Kaaway

Guro Alagang Ibon Pulis


Nanay Kapitbahay Halaman
Manok

KAPUWA

3|P ahi na
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto:Gumuhit ng sariling konstelasyon. Gawing halimbawa ang konstelasyon sa
ibaba. Ngunit maaaring gumawa ng sariling konstelasyon kung kulang ang mga
bilog sa ibaba. Ang mga bilog papalayo sa iyo ay ang mga taong nakauugnayan o
nakakasalamuha mo sa araw araw. Ilista mo sa tapat ng bawat bilog kung sino-sino
ang mga ito, mula sa pinakamalapit ang ugnayan sa iyo hanggang sa pinakamalayo.
Isulat sa bawat bilog sa konstelasyon sa ibaba ang mga taong natukoy mo sa
listahan. Halimbawa, maaaring ang iyong pamilya ang iyong ilalagay sa pinamalapit
na bilog sapagkat sila ang my pinakamalapit na ugnayan sa iyo. Pagkatapos magawa
ang sariling konstelasyon ay sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Ako

1. Ano-ano ang ginamit mong batayan sa iyong sagot sa konstelasyon? Bakit?


2. Anong mahalagang realisasyon ang iyong nakuha mula sa pagkukumpara
at pagbabahagi ng iyong mga konstelasyon?

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Basahin at unawain ang Batayang Konsepto sa ibaba at sagutin ang
Mahalagang Tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Ang tao ay likas na panlipunang nilalang. Siya ay namumuhay sa


tulong ng kapuwa at siya ay namumuhay rin para sa kapuwa. Sa
pamamagitan ng kaniyang pagkatao at natutugunan hindi lamang ang
kaniyang sariling pangangailangan kundi pati ang kaiyang kapuwa.

Bakit kailangan ng tao ang pakikipagkapuwa?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_

4|P ahina
Rubriks para sa Pang-isahang Pagsasanay.

Kraytirya 10 puntos 8 puntos 6 puntos 3 puntos 2 puntos

Nakapagtala Nakapagtala Nakapagtala Nakapagtala Nakapagtala Nakapagtala


ng angkop ng 5 na ng 4 na ng 3 na ng 2 na ng 1 na
na sagot sa pangungusa pangungusa pangungusa pangungusa pangungusa
pagpapaliwa p na p na p na p na p na
nag sa nagpapaliwa nagpapaliwa nagpapaliwa nagpapaliwa nagpapaliwa
konsepto ng nag sa nag sa nag sa nag sa nag sa
pakikipagka konsepto ng konsepto ng konsepto ng konsepto ng konsepto ng
puwa. pakikipagka pakikipagka pakikipagka pakikipagka pakikipagka
puwa. puwa. puwa. puwa. puwa.

Pagsusulit

Panuto: Ipakita ang iyong pag-unawa sa paksang natalakay sa pamamagitan ng


pagkumpleto sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Para sa Pilipino, ang kapuwa ay nangangahulugan ng


pagiging_________________ ng sarili at ng iba.
2. May walong antas ang pakikipagkapuwa. Ito ay ang_________________,
______________, ________________, __________________, ________________,
_______________, ________________, at__________________.

Pangwakas

Panuto: Punan ang mga patlang upang ipahayag ang nahinuha mong batayang
konsepto sa pakikipagkapuwa. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

5|P ahi na
Ako at ang aking Kaya’t nakikipag- At sa
kapuwa ay likas na ugnayan siya upang pamamagitan
nilalang ng Diyos . malinang sa mga ng ___________
aspektong: sa kapuwa, na
indikasyon ng
1.___________________ _____________.
2.___________________

3.___________________ Nakakamit ng
tao ang
4.___________________
kaniyang
_______________.

Mga Sanggunian

Punsalan, Twila G., Sylvia T. Caberio, Myra D. Nicholas, Wilma S. Reyes, Kaganapan
ng Pakikipagkapwa. Manila: 28 Rex Book Store Inc., 2007

Dy, Manuel Jr. (2009). “Values in Philippine Culture and Education. Philippine
Philosophical Studies.” Kinuha noong Agosto 14, 2017. Mula sa
https://books.google.com.ph/books/about/Values_in_Philippine_Culture_and
_Educati.html?id=hRoYc2Pg2sC&redir_esc=y.

Hall,John (2016). “10 Simple Ways To Improve Your People Skills And Relationships.”
Kinuha noong Oktubre 6, 2017. Mula sa
https://www.forbes.com/sites/johnhall/2016/03/20/10-simple-ways-to-
improve-your-people-skills-and-build-relationships/#3ed5ff2ed518.

San Juan, E. Jr. (2008). Re-visiting Sikolohiyang Pilipino: In Honor of Virgilio Enriquez.
“Toward A Decolonizing Indigenous Psychology in the Philippines; Introducing
Sikolohiyang Pilipino.” Kinuha noong Nobyembre 20, 2017. Mula sa
https://philcsc.wordpress.com/2008/08/08/re-visiting-sikolohiyang-pilipino-
in-honor-of-virgilio-enriquez/.

Kagawaran ng Edukasyon. Modyul para sa Mag-aaral Edukasyon sa Pagpapakatao


8

Punsalan, Twila g., Marte, Nonita C., Ganzales, Camila C., Nicolas, Myra Villa D.,
Kagawaran ng Edukasyon. Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

6|P ahina
7|P ahi na
Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
1.Tatay
2.Nanay
3.Lolo
4.Lola
5.Guro
6.Pulis
7.Kapitbahay
8.Kapatid
9.Kaaway
10.Pari
Pagsusulit
1. Bukas
2. Pakikitungo, pakikisalamuha,
pakikilahok, pakikisama,
pakikipagpalagayang-loob,
pakikisangkot, pakikiisa
Pangwakas
1. Intelektwal
2. Politikal
3. Panlipunan
4. Pangkabuhayan
Pagmamahal
kaganapan
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng
tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag
at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang
tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang
pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng
pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga


manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan
upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at


mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang
kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang


patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga
magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat


asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,
sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na
pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy


sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay
upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang
bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

8|P ahina
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong
panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay
na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o tumawag
sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like