You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7
ZestforProgress
Z Peal of artnership

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 8
Katangian at Papel ng mga Tauhan

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
1
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dina P. Saladaga

Editor:

Tagasuri: Charity D. Rim/ Perla A. Galon

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat: Carmelita R. Mangaoil

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI


OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD


EPS – Filipino

2
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Naipamamalas ng mga mag- Naisasagawa ng mag-aaral ang
aaral ang pag-unawa sa Ibong malikhaing pagtatanghal ng ilang
Adarna bilang isang Obra Maestro saknong ng koridong naglalarawan
sa panitikang Pilipino. ng mga pagpapahalagang Pilipino.

Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan


ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan. (F7PB-IVg-h-23)

Handa ka na ba? Halina’t simulan na


natin.Kumusta ka na kaibigan? Binabati kita at natapos mo na
ang ikapitong modyul. Tiyak kong ang dami mo nang
natutuhan. Panibagong aralin na naman ang ating tatalakayin
sa loob ng modyul na ito. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa
mga gawaing inihanda ko para saiyo.

Ang araling ito ay sadyang inihanda upang


matulungan ka para sa ibayong paglinang ng iyong kasanayan
sa pang-unawa sa tekstong iyong binabasa. Inilalahad sa
araling ito ang ilang tiyak na teknik para sa mabisang
pagsusuri sa mga katangian at papel na ginagampanan ng
pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan.

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG


SARILING SAGUTANG PAPEL.

3
Aralin Pagsusuri ng Katangian at Papel ng
8 mga Tauhan

Balikan

Gawain A: Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na


teksto. Tukuyin kung aling bahagi ng pagsulat ng iskrip
napabilang ang mga ito. Isulat ang titik sa patlang bago ang
bilang.

A. Prewriting stage B. Writing Stage C. Rewriting stage

_________1. Pag-iisip at pagpaplano ng konsepto ng kuwento.

_________2. Pagsusulat ng isang sentence outline.

_________3. Pagsusulat ng diyalogo ng mga tauhan.

_________4. Pagpapakritik at muling pagsusulat ng iskrip


upang maging malinaw at madaling maitanghal.

_________5. Pagbubuo ng paksa ng kuwento.

Nasagot mo ba nang tama ang Gawain? Huwag kang mag-


alala. Halina’t tuklasin natin.

4
Tuklasin
Handa ka na ba sa bagong aralin? Tara na’t ating talakayin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bahaging saknong ng Ibong


Adarna at sagutin ang mga katanungan.

Ang Panaghoy ni Donya Leonora


(Mga Saknong 777-792)

777 Samantalang si Don Jua’y


patungo
4 sa Reynong Cristal,
si Leonorang matimtiman
araw-gabi’y nalulumbay.

778 Araw-gabi’y tumatangis


sa kinalagyang silid,
walang laging nasasambit
kundi si Don Juang ibig.

779 “O, kasi ng aking buhay


lunas nitong dusa’t lumbay
ano’t di ka dumaratal
ikaw kaya’y napasaan?

780 “Hindi ka na nabalisa,


gayong ako’y nasa dusa,
walang gabi at umagang
di ikaw ang aking pita?

781 “Ano’t iyong natitiis


ako sa ganitong sakit,
di ba’t ikaw aking ibig
ang aliw ko kung may hapis?

782 “Di ba tunay, aking giliw,


pangako mong walang maliw
ako’y iyong mamahalin,
ano ngayo’t di mo tupdin?

783 “Pitong taong pag-iisa


hiningi sa iyong ama,
upang kung dumating ka
mabihis mo yaring dusa.

784“Pagkat di ko matatanggap
makasal sa hindi liyag
buhay ko man ay mautas
pagsinta ko’y iyong hawak.
5
785 “Kung narito ka, Don juan,
makikita yaring lagay,
ang dibdib mo kahit bakal
madudurog din sa lumbay.

786“Bakit ngaba hindi, irog,


lalo pa kung matatalos,
ang hinagpis at himutok
kayakap ko sa pagtulog?

787 “Ayaw kong bigyang-laya


munting ako’y mapayapa,
panabay
5 nang naro’ng iwa
sa dibdib ko, puso’t diwa.

788 “Iwang pakaantak-antak


may mabagsik na kamandag,
kamandag na umuutas
sa buhay kong kulang-palad.

789 “Kaya lamang di mapatay


yaring mahina kong buhay
ay pananggol kong matibay
ang pagsinta mong dalisay.

790 “Pag-asa ko, aking giliw,


buhay ka at darating din,
darating ka’t hahanguin
si Leonora sa hilahil.

791 “Pagkat kung di ka binuhay


ng lobo kong pinawalan,
kaluluwa mo man lamang
sana sa aki’y dumalaw.”

792 Panaghoy ni Leonora


pa’nong maririnig baga,
si don Jua’y malayo na,
di na din siya alaala.

Panuto: Buuin ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng titik


ng nararapat na sagot. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Batay sa akda, si Donya Leonora ay labis na nagdadalamhati dahil


sa___.
a. paglisan ni Don Juan
b. pagmamalupit sa kanya ni Don Pedro
c. pangungulila niya sa kanyang pamilya
d. pinipilit siyang pakasal sa lalaking hindi niya minamahal

6
2. Ang pagsinta ni Donya Leonora sa kanyang iniirog ay sadyang
walang maliw. Nangangahulugan lamang na ang kanyang pag-ibig
ay___.
a. dakila
b. makapangyarihan
c. matatag
d. wagas

3. “Bakit ba hindi irog lalo pa kung matatalos, ang hinagpis at


himutok kayakap ko
sa pagtulog?” Ang tagpong maaaring mabuo sa isipan sa taludtod na
ito ay isang taong____.
a. naguguluhan
b. nagagalit
c. naghihinagpis
d. natatakot

4. Ang nangingibabaw na damdamin sa taludturang “Pag-asa ko,


aking giliw, buhay ka at darating din” ay______.
a. kawalang pag-asa
b. hindi nawawalan ng pag-asa
c. pagkainip at pagkabagot
d. pagnanais na makita ang minamahal

5. Ang pahayag na “Ang dibdib mo kahit bakal, madudurog din sa


lumbay” ay nangangahulugang___.
a. kahit ang taong may matigas na puso ay mahahabag
b. matigas man ang kalooban ay magdaranas din ng
kalumbayan
c. ang kalumbayan ay nagpapalambot sa pusong bakal
d. pilit na itinatago ng taong may matigas na puso ang kanyang
pagkahabag sa ibang tao

Suriin
Binabati kita sa iyong pagsagot sa bahaging Tuklasin.

Ang bahaging ito ng Ibong Adarna ay naglalaman ng mga


hinaing at salitang nagpapakita kung gaano kalungkot ang buhay ni
Donya Leonora nang siya ay iniwan ni Don Juan. Nagustuhan mo ba
ang ipinakitang gawi ng Donya? Ano ang katangian niya bilang tauhan
sa akdang ito?

May iba’t ibang katangian at papel na ginagampanan ang mga


tauhan sa kuwento.Ito ay maaaring inilalarawan nang di tuwiran at
makikilala sila sa pamamagitan ng kanilang panlabas na kaanyuan-
pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at pili
ng mga salita.

7
Halika’t talakayin at linawin nating mabuti.

KLASIPIKASYON NG TAUHAN AYON SA GINAGAMPANAN:

1. Pangunahing Tauhan-tinatawag ding protagonista. Siya ang bida


sakuwento.Sa kanya umiikot ang karamihan o halos lahat ng mga pangyayari
sa kuwento. Kung minsan, ginagawang huwaran ng mambabasa ang
pangunahing tauhan dahilsa taglay niyang kabutihan o kaya’y sa katatagan
ng kanyang prinsipyo. Maaari ding itinuturing na bayani o tagapagligtas ng
mga naaapi kaya ginagawang huwaran ng mga mambabasa.

Halimbawa:

drama.fandom.com esquiremag.ph

pep.ph amandagriffinjacob.com

2. Katunggaling Tauhan- tinatawag din itong antagonistao kotrabida


sapagkat siya ang nagiging hadlang sa mga mithiin o hangarin ng bida.

Halimbawa:

ang-probinsyano.fandom.comfamousfix.com

pep.ph medium.com

8
3. Pantulong na tauhan- bagama’t maliit ang papel na ginagampanan ng
pantulong na tauhan sa isang kuwento, malaki ang naitutulong nila sapag-unlad
sa galaw o daloy ng mga pangyayari sa kuwento sapagkat katuwang sila sa
pangunahing tauhan. Halimbawa nito ay ang kaibigan, kapatid, kapamilyao
kasamahan ng pangunahing tauhan. Ang ilan naman ay maaaring kakampi
sakontrabida o kalaban ng pangunahing tauhan.

DALAWANG URI NG TAUHAN:

1. Tauhang flat o istatiko (plain character) - ay uring tauhan na hindi


nagbabago ang katauhan sa loob ng kuwento.

2. Tauhang dinamiko (round character) - ay uri ng tauhan na


nagbabago ang katauhan sa loob ng kuwento.

Ngayon ay alam mona ang klasipikasyon at uri ng tauhan. Lagi mong


tandan na ang paglalarawan ng tauhan ay maaaring di tuwiran at maaaring
mahinuha mo ito sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang kanyang
ikinikilos, paano ito nagsasalita at kung paano nagpapakita ng kanyang
naging reaksyon sa isang sitwasyon sa kuwento.

Game ka na ba? Tara na’t gawin ang mga sumusunod na Gawain.

Pagyamanin
GAWAIN 1

Panuto: Punan ng mga katangian ang Venn Diagram. Isulat ang


pagkakatulad at pagkakaiba ng tauhang protagonista at antagonista.

PROTAGONISTA PAGKAKATULAD ANTAGONISTA

Source: lucidchart.com

9
GAWAIN 2:

Panuto: Anong katangian ng mga tauhan ang inilalarawan sa bawat


bilang?Pumili ng sagot sa kahon. Isulat lamang ang letra ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

_____1. Laging nagsusuot ng face mask at face shield si Aling Nita sa


tuwing siya’y namamalengke.
_____2. Dahil pinagbabawal ang paglabas ng kabataan habang may
pandemya, gumawa ng napakagandang hardin ng bulaklak si ate.
_____3. Pinipilit ni Mang Adolfo ang anak niyang si Jun Jun na
tumulong sa kanya sa pag-aararo at pinagbabawalan niyang sumama
ito sa mga barkada.
_____4. Araw-araw kaming kinamusta ng aking kapatid mula sa
malayong lugar.
_____5. Araw-gabi ay nag-aaral si Andrea sa kanyang modyul.

a. masipag b. maingat c. madaldal

d. masikap e. mahigpit f. masinop g. tamad

h. pabaya i. maalahanin

Isaisip
Napakahusay! Napagtagumpayan mo ang mga naunang gawain. Sige
nga’t alalahanin nating muli ang ating mga natutuhan.

pisikal pananamit ugali tauhan


pili ng mga salita pangunahing tauhan flat
tunggaling tauhan suportang tauhan round

Panuto: Kompletuhin ang mga sumusunod upang mabuo ang mahalagang


impormasyon tungkol sa pagsusuri ng katangian at papel na ginagampanan ng
tauhan. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Ang tauhan ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang


panlabas na kaanyuan- (1) _______, at (2) ___________, kilos na nagpapahiwatig ng
kanilang (3) __________at (4) _______________.

10
May tatlong klasipikasyon ito batay sa papel na ginagampanan; (5)
___________, (6) ___________at (7) _______.

Ang tauhan at (8) ______kapag di nagbabago ang katauhan nito sa loob ng


kuwento mula simula hanggang dulong bahagi ng kuwento. Ito ay (9)
__________naman kapag may pagbabago sa katauhan ng tauhan sa loob ng kuwento.

Sa galaw at ugali ng mga (10) __________ nakasalalay nang malaki ang


kagandahan ng akda. Kailangang siya’y maging tunay at buhay.Sila ay inilarawan
ng di-tuwiran kaya napakahalaga ng kaalaman ng mambabasa sa pagsusuri ng mga
katangian nito upang lubos na mapapahalagahan ang isang akda.

Tayahin

Panuto:Sa pamamagitan ng mga nakatalang pahayag ay suriin


kung ano ang katangian ng mga tauhan sa akdang binasa.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. “Mga mata’y pinapungay, si Leonora’y dinaingan: Prinsesa kong


minamahal, aanhin mo si Don Juan?” Si Pedro ay:
a. mapagmataas
b. taksil sa kapatid
c. maramot
d. mapang-akit

2. “Ano ba’y gagayunin ang bunso kong ginigiliw, ito nama’y di


salarin na dapat pagbayarin.” Si Haring Fernando ay:
a. mabangis
b. mayabang
c. nagpapahalaga sa katarungan
d. mahigpit

3. “O, Panginoong Haring mataas, Panginoon naming lahat, sa


alipin mo’y mahabag na ituro yaong landas,” Si Don Juan ay:
a. mapagpaubaya
b. madasalin
c. matatakutin
d. mahina

11
4. “Malayo nga lamang dito ang kinalalagyang reyno, gayunpaman,
prinsipe ko, pagpagurang lakbayin mo.” Ang ibong adarna ay:
a. masipag
b. masunurin
c. matapang
d. maalalahanin

5. “Pairugan si Leonorang magpatuloy sa panata; Pedro’y pasasaan


bagang di matupad iyang pita.” Si Haring Fernando ay:
a. mapagbigay
b. mapagtotoo
c. konsintidor na ama
d. mabangis

6. “Huwag, Leonorang giliw, ang singsing mo’y dapat kunin; dito ako
ay hintayin ako’y agad babalik din.” Si Don Juan ay:
a. mapagmalaki
b. matalino
c. matapang
d. gagawin ang lahat para sa minamahal

7. “Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkupkop, na bayan mong


matapos ang panata ko sa Panginoon.” Si Donya Leonora ay:
a. makabayan
b. makatao
c. maka-Dios
d. makasarili

8. “Kapwa kami mayroong dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat


ako ang panganay sa akin ang kaharian.” Si Don Pedro ay:
a. makapangyarihan
b. mayabang
c. makasarili
d. masagana

9. “Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito


po’y kasalanan patawad mo’y aking hintay.” Si Donya Leonora ay:
a. mapagkumbaba
b. mapagmahal
c.masunurin
d. mapagmalasakit

10.“O, kasi ng aking buhay, lunas nitong dusa’t lumbay ano’t di ka


dumaratal ikaw kaya’y napasaan?” Si Donya Leonora ay:
a. nangungulila
b. napapagod
c. nalulungkot
d. nagagalit

12
Karagdagang Gawain
Panuto: Panoorin ang pelikulang Ang Probinsyano. Pagkatapos ay sagutan
mo ang hinihinging impormasyon sapagbuo ng character map.

Katangian: Protagonista: __________ Katangian:


_______________ Pangalan ___________________
____ ng bida

Antagonista: ________ Pamagat ng pelikulang Suportang tauhan:


Pangalan ng napanood: __________ ___________________
kontrabida

Katangian: Suportang Tauhan: Katangian:


___________________ __________________ __________________
_

Katangian:
___________________

Binabati kita! Natapos mo nang sagutan ang modyul na ito. Maaari


ka ng magpatuloy sa susunod namodyul.

13
14
ISAISIP
KARAGDAGANG TAYAHIN 1. Pisikal
GAWAIN 2. Pananamit
1. B 3. Ugali
Maaaring iba-iba 2. C 4. Pili ng mga salita
ang sagot ng mga 3. B 5. Pangunahing Tauhan/
mag-aaral sa 4. D Protagonista
gawaing ito. 5. A 6. Tunggaling Tauhan/
6. D Antagonista
7. C 7. Suportang Tauhan
8. B 8. Flat
9. A 9. Round
10. A 10. Tauhan
PAGYAMANIN
Gawain 1
(Posibleng Sagot)
PROTAGONISTA PAGKAKATULAD ANTAGONISTA
Mabuti Kapwa mahalaga sa Masama
Malakas pagbuo ng kuwento. Pasaway
Matulungin Negatibong Karakter
Positibong Karakter
Maka-Dios
Bayani
Gawain 2
1. B 2. A 3. E 4. I 5. D
BALIKAN
TUKLASIN
1. A
1. D 2. B
2. D 3. B
3. C 4. C
4. B 5. A
5. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
“Ang probinsyano.” Accessed December 2020.
https://drama.fandom.com/wiki/Ang_Probinsyano.

“Jose Romeo Diaz.” Accessed December 2020. https://www.famousfix.com/topic/romy-diaz.

“Katangian at papel ng mga tauhan.” Accessed December 2020.


https://prezi.com/f9nbnu-c2x4z/katangian-at-papel-ng-mga-
tauhan/?fallback=1.

“Lily Ann Cortez.” Accessed December 2020. https://ang-


probinsyano.fandom.com/wiki/Lily_Ann_Cortez.

“Venn diagram maker.” Accessed December 2020.


https://www.lucidchart.com/pages/examples/venn_diagram_maker.

Anarcon, James Patrick. “Where are they now: Mara Clara 1992 cast.” Published August 17,
2019. https://www.pep.ph/guide/tv/145352/where-are-they-now-mara-clara-1992-
cast-a724-20190817-lfrm.

Beso, Andrew. “Ako si Princess Sarah.” August 24, 2020. https://medium.com/pluma-


manila/ako-si-princess-sarah-8238184ef18.

Chua, Paolo. “10 rare photos of Fernando Poe, Jr. through the years: Looking back at the life of
one of the Philippines’ greatest actors.” August 20, 2020.
https://www.esquiremag.ph/culture/arts-and-entertainment/fernando-poe-jr-rare-
photos-a00297-20200820.

Department of Education. “Filipino: Mga katangian ng tauhan.” Published February 23, 2018.
https://www.slideshare.net/alicetejero9/filipino-6-dlp-21-mga-katangian-ng-
tauhan.

Griffin, Amanda. “The evolution of Camille.” July 22, 2011.


http://amandagriffinjacob.com/camille-prats/.

Julian, Ailene. Pinagyamang pluma 7 (ikalawang edisyon). Quezon City: Phoenix


Publishing House, Inc., 2018.

Julian, Ailene. Pinagyamang pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
2013.

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints. A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad Upon whose bosom snow has lain;
and helpless?” Who intimately lives with rain.

And the LORD replied “My son, My Poems are made by fools like me,
son, I have never left you. There was But only God can make a tree.
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
16

16

You might also like