You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 7


I. LAYUNIN: Sa isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

A. Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.

B. Pamantayan sa Pagganap:
 Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita tungkol sa kanilang sariling
lugar.

C. Kasanayan ng Pagkatuto
 Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang ginamit batay sa denotasyon at konotasyon
nito.
 Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa
konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at
kasalungat nito. (F7PT-IIIh-i-16)
 Nakabubuo ng pangungusap ayon sa pagpapakahulugang Konotasyon at Denotasyon
gamit ang mga sumusunod na salita.

II. Paksang-Aralin
A. PAKSA: Pagkilala sa Konteksto ng Pangungusap: Denotasyon at Konotasyon

B. KAGAMITANG PANTURO: laptop, Power point presentation

C. SANGGUNIAN: Learning Activity Sheets


Filipino 7 Ikalawang Markahan pp. 168-180
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Sabay-sabay na tumayo at


nanalangin)
Magandang Umaga klas! Magandang Umaga din po
ma’am
Mayroon bang lumiban sa klase? Wala po, ma’am

Sasabihin ng guro ang mga kailangang sundin na alituntunin ng mga (Nakikinig ng mabuti)
magaaral sa klase.

A.PAGGANYAK
Magpapakita ang guro ng mga larawan at tatanungin ang mga
mag-aaral kung ano ito.
Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500
Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Ano ang nakikita nyo sa unang larawan? (Ang lahat ay nakilahok at


nakinig)

Ano naman ang nakikita niyo sa ikalawang larawan? (Mga bahay po ma’am)

( mukha po ng isang tao)

Okey! Magaling napakahusay niyong lahat, ang iyong mga ideya ay tama.

Alam ba ninyong lahat tayo ay magkakaiba ang mga pananaw sa buhay?


kaya iba’t iba ang napansin niyo sa dalawang larawan na aking ipinakita.

B. PAGLALAHAD
Base sa dalawang imahe na aking ipinakita ano sa tingin niyo ang ating (Nakikinig lamang nang mabuti)
talakayin ngayong araw?

Magaling! Ito ay may kaugnay sa ating paksang aralin na tatalakayin (Nakikinig lamang nang mabuti)
ngayong Umaga. Ang Denotasyon at Konotasyon.

TALASALITAAN

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Panuto: Piliin sa Hanay B Ang konotasyon at denotasyonng kahulugan Ng


mga salita o parirala sa Hanay A. Isulat ang letra Ng tamang sagot sa
patlang.

HANAY A HANAY B
Mga tamang sagot:
__1. Nagsusunog ng kilay (konotasyon) a. sinusunog Ang kilay 1. G
__2. Buhay alamang (konotasyon) b.umusbong 2. I
__3. Nagpantay Ang paa (konotasyon) c. Patay na 3. C
__4. Nagsusunog ng kilay (denotasyon) d. kulay 4. A
__5. Nagpantay ang paa (denotasyon) e. Buhay na alamang 5. F
__6. Lumaki o tumubong f. Pantay ang paa 6. B
Halaman(denotasyon)
__7. Pusang itim (denotasyon) g. Mag-aaral ng mabuti 7. H
__8. Buhay alamang (denotasyon). H. Uri ng hayop na nangangalmot, 8. E
Kulay itim at ngumingiyaw
__9. Krus (konotasyon) i. Mahirap 9. J
__10. Itim (denotasyon) j. Relihiyon 10. D

C. PAGTATALAKAY

Maraming pwede magawa o maimpluwensiyahan gamit lamang ang


wika. Ang anumang salita o pahayag ng isang tao ay lubos na
nakadudulot ng ibang kahulugan depende sa pagkakaunawa nito
sapagkat hinuhubog ng wika ang saloobin ng bawat tao.

Sa ganitong konteksto, nararapat na hindi lamang natin alamin kundi


intindihin ang papel na ginagampanan ng Denotasyon at Konotasyon
sa wikang Filipino na kung saan ito ang ating bagong paksa sa linggong
ito.

(Maglalabas ng isang pulang rosas)

Nakikita niyo ba ang bulaklak na ito? Iyan po ay Isang literal na

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

bulaklak na rosas po ma’am.


Ano sa tingin ninyo ito?

Tumpak! Ito ay isang uri ng bulaklak na matinik ang sanga at may


berdeng dahon.

Isa ito sa halimbawa ng DENOTASYON na nangangahulugan ng mga (Nakikinig lamang nang mabuti)
tiyak o literal na kahulugan ng mga salita na makikita sa diksyunaryo.

Magbigay kayo ng halimbawa ng denotasyon. Marites po ma’am, ito po ay


karaniwang pangalan Ng isang
babae.

Tama! Ilan lamang iyan sa halimbawa. Bumalik tayo sa pulang rosas. Ang pulang rosas po ay
Ano sa tingin ninyo ang ibig sabihin nito o sinisimbolo ng bulaklak na sumisimbolo Ng pakalinga at pag-
ito? ibig po.

Magaling! Bukod sa literal o tiyak nitong kahulugan ay may mga


kahulugan pa ang bulaklak na ito.

Ito ay tinatawag na KONOTASYON na kung saan ang mga bagay o (Nakikinig lamang nang mabuti)
salita ay may pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat liban sa
iginigiit ng panahon. Ito ay pagpapakahulugang iba kaysa sa
karaniwang pangkahulugan.

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Gaya na lamang ng ibinigay ninyong halimbawa na si Marites. Sa


literal nitong kahulugan ay ito‟y karaniwang pangalan ng isang babae
ngunit alam natin na may isa pa itong kahulugan at ano nga iyon? Ito rin po ay Ang taong laging
nakikichismis.
Tumpak! At ang tawag sa mga ganitong salita ay? Konotasyon po ma’am.

Paano naman sa mga literal na kahulugan ng mga salita? Anong tawag Denotasyon po ma’am.
dito?

Magaling! So, naintindihan ba ang konotasyon at denotasyon? Opo, ma’am.

Magaling! Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng laro ito ay


tinatawag na (4 PICS AND ONE WORD) with a twist ang twist sa larong
ito ay magbibigay ako ng pangungusap .

1. Taong may mapagkunwaring pag-uugali.

2. Mayroong mayabang na pag-uugali.-hangin

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

3. Bahagi ng mundo na natatakpan ng ulap.-langit

E. Pangkatang Gawain
Ngayon Naman ay pangkatin ko kayo ng apat na grupo. Bibigyan ko
kayo ng limang minuto upang buoin ang inyong awtput. Sa gawaing ito ay
susubukin nating palawakin pa ang inyong kaalaman sa denotasyon at
konotasyon.

Pangkat I
Paano nakakatulong ang paggamit Ng denotasyon at konotasyon sa Unang pangkat:
(Babasahin ng isa sa mga mag-
ating pakikipagsalamuha sa kapwa?
aaral Ang awtput Ng kanilang
pangkat)
Pangkat II
Bumuo ng limang pangungusap ng denotasyon at konotasyon at Pangalawang pangkat:
salungguhitan ang salitang naglalarawan sa salitang denotasyon at (Babasahin ng isa sa mga mag-
konotasyon? aaral Ang awtput Ng kanilang
pangkat)
Pangkat III
Ikatlong pangkat:
Ano ang kahalagahan Ng konotasyon at denotasyon sa ating pang- (Babasahin ng isa sa mga mag-
araw-araw aaral Ang awtput Ng kanilang
pangkat)
Pangkat IV
Ikaapat na pangkat:
Ipaliwanag ang konotasyon at denotasyon? (Babasahin ng isa sa mga mag-
aaral Ang awtput Ng kanilan
F. PRESENTASYON NG AWTPUT

Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Mga Batayan Napakahusay Mahusay Di-gaanog


Mahusay

Nilalaman Magkaugnay Magkaugnay Di


ang nilalaman ngunit may magkaugnay
Ng takdang kakulanganan ang nilalaman
aralin g nilalaman na Ng ipinakita sa
ipinakita sa takdang paksa
takdang paksa
Presentasyon Napakahusay at Mahusayang Dibgaanong
naipaliwanag presentasyon mahusay at
ang pangkatang at maayos Ang
gawain naipaliwanag ginawang
ang presentasyon
pangkatang
gawain
Naipapamalas Naipapamalas Naipamamalas
Ng buong ng halos lahat Ang
Kooperasyon miyembro Ang ng miyembro pagkakaisa Ng
pagkakaisa sa ang iilang
paggawa Ng pagkakaisa sa miyembro sa
pangkatang paggawa Ng paggawa Ng
gawain pangkatang pangkatang
gawain gawain

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

G. PAGPAPAHALAGA
Pagbibigay kahulugan: Denotasyon at Konotasyon

Ang wika ay isang napakahalagang aspeto ng ating pang-araw-araw na


buhay.

Ito ay isang mahalagang bahagi ng pagpapahayag ng ating mga saloobin,


kaisipan, at karanasan.

H. SINTHESIS

Dahil dito, mahalaga na maging maingat sa paggamit ng mga salita at


siguruhing nauunawaan natin ang kanilang denotasyon at konotasyon. Sa
ganitong paraan, tayo’y magiging mas epektibo at malikhain sa ating
komunikasyon at pagsusulat.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga sumusunod mga pangungusap. Tukuyin kung Denotasyon o Konotasyon Ang
ginagamit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Mukha lang siyang matapang pero siya ay may pusong mamon.
_____2. Mahilig maglaro ng bola ang mga bata.
_____3. Huwag basta-bastang magtiwala, hindi natin alam baka ahasin ka nila.
_____4. Napakagandang pagmasdan ang mga bulaklak sa hardin.
_____5. Ayon sa balita, nagtaas daw ang presyo ng sibuyas kada kilo.
_____6. Huwag na tayong tumuloy sa ating lakad, may pusang itim sa daanan.
_____7. Hindi ka dapat basta-basta naniniwala sa mga balitang kutsero.
_____8. Kaawa-awa ang kalagayan ng mga basang sisiw sa Lungsod ng Maynila.
_____9. Maraming mga magagandang bulaklak sa aming klase.
_____10. Ang kaniyang anak ay mabait, galing kasi sa mabuting puno.

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

V. TAKDANG ARALIN
Dahil tapos na tayo sa ating paksa sa araw na ito ay bilang isang takdang aralin ay gumawa kayo ng isang
repleksyon gamit ang pormat na ito. Isulat sa kalahating papel. (10 pts)
Ang natutunan ko sa araling ito ay
___________________________________________.
Ang nais ko pa pong malaman sa araling ito ay ____________________________________________.

VI. TALA:
VII. PAGNINILAY

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph

You might also like