You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region XII
Kimarayag, Pigcawayan, Cotabato
James Q. Llaban, Sr. High School

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 8

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagbabahagi ng mensaheng nakapaloob sa napanood na Kabanata III na pinamagatang “Sa
Loob ng Mapanglaw na Gubat”;
b. Natutukoy ang simbolismong ginamit sa akda; at
c. Naihahambing ng masining ang gubat noon at ngayon sa pamamagitan ng awit, tula at islogan.

II. Paksang-Aralin
Paksa: Sa Loob ng Mapanglaw na Gubat (saknong 1-10)
Sanggunian: Florante at Laura ni: Conception D. Javier, Florante C. Garcia at Servillano T. Marquez Jr.
Kagamitang Pampagturo:
Tsart, Manila Paper, Pentel Pen, Larawan/flashcard, Tablet, LED TV
Pagpapangalaga: Napapangahalagahan ang Kalikasan

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo magsimula hingin muna natin ang Ama naming makapangyarihan sa lahat,
gabay ng ating Panginoon na sinasamba ka po namin... Amen.
pangungunahan ni Mark Jay.
2. Pagbati
Magandang umaga din po Ma’am.
Magandang umaga sa inyong lahat.
Salamat po.
Maaari na kayong umupo.
3. Pagtala ng Lumiban Wala pong lumiban sa klase Ma’am.
May lumiban ba sa klase?
Mabuti’t wala. Kung gayon bigyan natin ng
limang bagsak ang ating mga sarili.

 Irespeto ang bawat isa (iwasan ang


4. Paglalahad ng Alituntunin mga salitang di kaaya-aya)
Para maging maaayos ang ating talakayan  Makilahok at makibahagi sa ating
ngayong umagang ito. Bubuo tayo ng mga talakayan (maging aktibo, huwag
alituntunin na siyang magiging batayan at mahiyang sumagot sa mga
katanungan)
gabay ng lahat. Nais ko na magmula sa inyo  Handang matuto (pinakamahalaga
ang mga mungkahing alituntunin. na maging bukas sa mga bagong
kaalaman)
Maraming salamat sa inyong pakikiisa.

B. Pagbabalik-aral
Ang atin pong tinalakay kahapon ang para
Ano ang pamagat ng ating tinalakay kahapon? sa mga babasa ng akda.
Tama! Ano ang kaisipang nais ipahatid ng may- Guro, ang nais ipahatid ng may-akda para
akda sa mga babasa ng Florante at Laura? sa babasa ay huwag palitan ang berso at
dapat pakasuriin muna ito bago pintasan at
ipinakiusap din niya na huwag baguhin ang
mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay
Magaling! Talagang kayo ay may natutunan sa baka ay sumama pa ang akda.
ating huling aralin.

C. Paghawan ng Sagabal
Narito ang mga salitang ating mababasa sa ating
bagong aralin ngayong umaga. Babasahin ninyo
ng malakas. Maliwanag ba? Opo, guro.

NAKAKASINDAK
NAKAKASINDAK MASANGSANG
MASANGSANG MAPANGLAW
MAPANGLAW KAMANDAG
KAMANDAG NAKALULUNOS
NAKALULUNOS
IV. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang sinisimbolo o sinasagisag ng mga sumusunod. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Titik
lamang ang isulat.

a. Taong mapanlinlang
1. Tigre
b. Pilipinas
2. Sipres at Higera c. Taong ganid sa kapangyarihan at
3. Ahas kayamanan
4. Mapanglaw na Gubat d. Taong walang kalaban-laban
5. Florante e. Taong walang malasakit sa bayan

SAGOT:
1. C
2. E
3. A
4. B
5. D

V. Takdang-Aralin
Panuto: Basahin at ipaliwanag ang saknong sa ibaba mula sa araling nabasa sa pamamagitan ng tatlo hanggang
limang pangungusap.

Sa mga gitna nitong mapanglaw na gubat,


May punong higerang daho’y kulay pupas

Inihanda ni: SHARON A. AVENTURA, T-I Iniwasto ni: HAIDE T. ONG, T-II

You might also like