You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF URDANETA CITY
CLUSTER 6
TULONG INTEGRATED SCHOOL
_____________________________________________________________________________

School: TULONG INTEGRATED SCHOOL Grade & Section: 3 – Ruby


Daily Teacher: DANN VINEDICK M. CASPILLAN Learning Area: Filipino
Lesson Log School Head: FERFEL ROSE ANN D. LIM, EdD Quarter: First
Date/ Time: September 28, 2023 / 1:50 – 2:40

I. Mga Layunin
a. Cognitive: Natutukuy ang mga gamit ng panghalip panao (ako, ikaw, siya)
b. Affective: Nakasusulat ng pangungusap gamit ang panghalip panao (ako, ikaw, siya)
c. Psychomotor: Nagagamit ang mga panghalip panao (ako, ikaw, siya) sa pangungusap
II. Paksang Aralin Values Integrated: EsP – Pagkamagalang Pagka-Pilipino
a. Paksa: Panghalip Panao F3WG -Ie - h - 3
b. Sangsunian: MELC p.204
Batang Pinoy Ako (Kagamitan ng Guro)
Batang Pinoy Ako (Kagamitan ng Mag-aaral)
K-12 self-learning module sa Filipino 3
c. Kagamitan: Activity Sheets
Powerpoint Presentation (Gamit ang Hyperlink)
Metacards
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pambungad na
panalangin Tumawag ng isang bata na siyang mangunguna sa paunang panalangin
2. Pagtala ng liban at
pagsasaayos ng silid Tawagin isa-isa ang mga bata para sa kanilang attendance

B. Balik-Aral Ipabasa sa mga mag-aaral ang maikling kwento.


Ano-anu ang mga element ng kwento?
C. Paglalahad Basahin ang kwento
1. Pagganyak: Unang araw sa paarakan, wala pang masyadong kakilala at kaibigan si Roger. Pero isang mag-
aaral ang kanyang nakasabay sa silid at ninais nitong makipag kaibigan sa kanya. “Magandang
umaga, ako nga pala si Roger. Ikaw, ano ang pangalan mo?” “Ako nga pala si Jam”, pakilala
niya. “Roger, may mga kaibigan ka ba dito?”,tanong ni Jam. “Wala e, ikaw lang yung una kong
kakilala.”,sagot ni Roger. “Sige tara, ipakikilala kita sa mga kaklase natin.” ,paanyaya ni Jam.
Ipinakilala ni Jam si Roger sa kanyang mga kaklase. “Siya nga pala si Roger, ang bago nating
kaklase.” ,wika ni Jam. “Ikinagagalak ko kayong makilala!” ,masayang wika ni Roger.

Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


Saan naganap ang kwento?
Napansin ba ninyo ang mga salitang may kulay?
Ano-anu ang mga salitang ito?
2. Pagtalakay: Ipabasa muli ang mga salitang ako, ikaw, siya sa mga mag-aaral.
Ipabasa ang mga pangungusap sa mga mag-aaral.

1. Ang pangalan ko ay Roger. Ako ay masahaying bata.


2. Tinanong ni Myra si Jojo. Ikaw ba ay marunong nang bumasa?
3. Si Lando ay mahusay sumayaw. Siya ay mahilig sumali sa mga patimpalak ng sayawan.
Talakayin ang paksa:
Address: Tulong, Urdaneta City Pangasinan 2428
Contact Number: 09171003354
Email Address: ferfelroseann.lim@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF URDANETA CITY
CLUSTER 6
TULONG INTEGRATED SCHOOL
_____________________________________________________________________________
Ang mga salitang ako, ikaw at siya ay tinatawag nating Panghalip Panao.
Ang panghalip Panao ay mga salitang pamalit sa ngalan ng tao.
Ako – ipinapalit ito sa taong nagsasalita
Ikaw – ipinapalit ito sa taong kinakausap
Siya – ipinapalit ito sa taong pinag-uusapan
3. Paglinang ng
Kasanayan: Panuto: Punan ng panghalip na ako, ikaw, at siyaang patlang.

Nasa bukid ang magkakaibigan. Pinanonood nila ang mga bituin.

Divine: Hayun, tingnan mo, may falling star.


Ivy: Yehey, nag-wish ako. Eh, _____ Divine ano ang wish
mo?
Divine: Wish ko makarating _____ sa buwan. Anong wish mo?
Ivy: Makita kung sino ang nagpapadala sa falling stars.
Divine: Weh, tao ba yun?
Ivy: Kung sino man _____ , gusto ko siyang makita.
Divine: Bakit gusto mo siyang makita?
Ivy: Hihingi _____ ng maraming bituin, para mas maraming
wishes.

Anong mga panghalip panao ang ginamit sa usapan?

4. Pagsasanay Hayaang bumuo ng pangungusap ang mga mag-aaral gamit ang panghalip panaong: ako, ikaw at
siya.
D. Paglalahat: Itanong sa mga mag-aaral:

Ano ang panghalip panao?


Sino ang tinutukoy ng panghalip panaong: ako, ikaw at siya?
E. Paglalapat Panuto: Salungguhitan ang angkop na panghalip panao sa loob ng panaklong.
1. Si Lara ay pupunta sa probinsya. (Ako, Ikaw, Siya) ay magbabakasyon doon.
2. Si Sandra ay magaling kumanta. (Ako, Ikaw, Siya) ang kakanta bukas. Ang
3. Abby, kibasado mon a ba ang iyong aawitin? (Ako, Ikaw, Siya) ang unang magtatanghal.
4. Si Ate Rose ang aking yaya. (Ako, Ikaw, Siya)ang sumusundo sa akin.
5. Pedro ang pangalan ko. (Ako, Ikaw, Siya) ay pitong taong gulang.
IV. Pagtataya Panuto: Isulat ang Ako, Ikaw o Siya para mabuo ang pangungusap.

1. Halika rito Paul. ___________ ang mag sulat nito.


2. Mike ang tawag sa akin. ________________ ay mahilig maglaro ng sipa.

3. Si Ate Joy ay naglilinis. ___________ ay tutulungan ko.


4. _________ ay si Luna. Bantay ang pangalang ng aso ko.
5. Si Rolly ay pinsan ko. Nag-aaral __________ sa Tulong Integrated School.
V. Takdang Aralin: Sumulat ng tagtatatlong pangungusap na ginagamitan ng panghalip panaong ako, ikaw at siya

Prepared by: Noted:

DANN VINEDICK M. CASPILLAN FERFEL ROSE ANN D. LIM, EdD


Adviser/ Teacher III School Head
Address: Tulong, Urdaneta City Pangasinan 2428
Contact Number: 09171003354
Email Address: ferfelroseann.lim@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF URDANETA CITY
CLUSTER 6
TULONG INTEGRATED SCHOOL
_____________________________________________________________________________

Address: Tulong, Urdaneta City Pangasinan 2428


Contact Number: 09171003354
Email Address: ferfelroseann.lim@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF URDANETA CITY
CLUSTER 6
TULONG INTEGRATED SCHOOL
_____________________________________________________________________________

Si Linong Pilipino

Ako si Lino,

Na isang Pilipino.

Pagiging kayumanggi

Hindi ko itinatangali

Laging bilin,

Ng aking magulang.

Lahat ay igalang,

Lahat ay mahalin.

Saann man mapunta,

Sino man ang makasama,

Pagiging Pilipino,

Laging isasapuso.

Address: Tulong, Urdaneta City Pangasinan 2428


Contact Number: 09171003354
Email Address: ferfelroseann.lim@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF URDANETA CITY
CLUSTER 6
TULONG INTEGRATED SCHOOL
_____________________________________________________________________________

Address: Tulong, Urdaneta City Pangasinan 2428


Contact Number: 09171003354
Email Address: ferfelroseann.lim@deped.gov.ph

You might also like