Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Ikaapat na Markahan
KALIPUNAN NG GAWAING
PAMPAGKATUTO
COPYRIGHT PAGE
Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”
This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.
Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS , PhD, CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD,CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : CHERRY S. RAMOS EdD., CESO V , Santiago City
Asst. Schools Division Superintendent: JONATHAN A, FRONDA, EdD, CESE, Santiago City
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : JANETTE V. BAUTISTA, EdD
Development Team
Writers: MARY GRACE G. PABLO, Patul National High School, Santiago City
MARIETTA M. RAMOS, & NICOLE R. GATIWAN, Rizal National High School, Santiago City
MARIA CECILIA M. FERNANDEZ, Cabulay High School, Santiago City
FREDELYN JOY B. APOLONIO, & NESOLYN D. LAMAGON, Rosario NHS, Santiago City
CHARLES DARWIN R. SANGLAY, Balintocatoc Integrated School, Santiago City
CONSTANTE G. CASTISIMO JR, Cabulay High School, Santiago City VISITACION L.
VILLAROZA, Sinsayon NHS, Santiago City
JERIC S. DANIELES, Salvador Integrate School, Santiago City
ROBERTO R. TINIO, Divisoria High School-Main, Santiago City
Content Editors: FEMELYN M. CABREROS, Santiago City National High School, Santiago City
MARJORIE P. MENDOZA, Rosario National High School, Santiago City
MARIA CECILIA M. FERNANDEZ Cabulay High School., Santiago City,
NORALIE CABANG, RENROSE S. RODRIGUEZ, ROMANO SALAZAR, NOEL A. ESTRADA
Language Editors: ELIZABETH R. BERDADERO, Education Program Supervisor– FILIPINO,
NORALIE CABANG, RENROSE S. RODRIGUEZ, ROMANO SALAZAR, NOEL A. ESTRADA
Layout Artists: JENELYN B. BUTAC, Division Librarian
Focal Persons: ELIZABETH R. BERDADERO, Education Program Supervisor– FILIPINO
MARIVEL G. MORALES, Division LRMDS Coordinator
ROMEL B. COSTALES, Education Program Supervisor– FILIPINO,CLMD, DepEd R02
RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS, CLMD, DepEd R02
Ang sukat nito ay aapating taludtod bawat saknong at wawaluhing pantig bawat taludtod. Isahan ang
tugma nito. Ito ay isang uri ng tulasinta (metrical romance). Binubuo ito ng 1,034 saknong.
Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kuwentong bayan ng iba't ibang bansa
tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia at iba pa.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ito ng mga estudyanteng nasa ikapitong baitang sa sekundarya. Bago
natin basahin ang koridong ito ay basahin muna natin ang panawagan ng may-akda sa mga mambabasa.
4 Labis yaring
1 Oh Birheng kaibig ibig, pangangamba, na lumayag
Ina naming nasa langit na mag isa
Liwanagin yaring isip, nang Baka kung mapalaot na,
sa layo'y di malihis ang namamangka'y di
2 Ako'y isang anak hamak makaya
lamang, taong lupa ang 5 Kaya, Inang
katawan matangkakal, ako'y iyong
Mahina ang kaisipan, at patnubayan
maulap ang pananaw Nang mawasto sa pagbanghay
3 Malimit na makagawa, ng , nitong kakathaing buhay
hakbang na pasaliwa 6 At sa tanang nariritong,
Ang tumpak kong ninanasa, nalilimping maginoo
kung mawari ay pahidwa Kahilinga'y dingin ninyo,
buhay na aawitin ko
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga
motibo ng may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda (F7PB-Iva-b-20)
PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na taludtod na halaw mula sa koridong Ibong Adarna.
Pagkatapos, suriin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain.
Buod ng Kabanata 1: Ang Kaharian ng Berbanya (Saknong 1 – 29) Tanyag, sagana at mayaman
ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at payapang namumuhay ang mga tao rito. Malimit na nagkakaroon ng
pagdiriwang at mga piging sa nasabing kaharian sapagkat mabuti at mapagmahal ang mga namumuno rito
na sina Don Fernando at Donya Valeriana. Sila ay may tatlong magigiting at matitikas na mga supling na
sina Don Pedro, Don Diego at si Don Juan. Ang tatlong prinsipe ay kasalukuyang pinagsasanay sa
pakikidigma upang sa takdang panahon ang isa sa kanila ay magmamana ng trono.
Dahil sa isang bangungot, nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don Fernando. Nakita niya ang isa sa
kaniyang mga anak na si Don Juan na pinaslang ng dalawang buhong at pagkatapos ay inihulog sa balon.
Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari dahil sa labis na pagkabalisa. Isang medikong paham ang
nagsabi na ang tanging lunas daw sa sakit ng Hari ay ang awit ng isang ibong tanging matatagpuan lamang
sa bundok ng Tabor partikular sa kumikinang na puno ng Piedras Platas. Agad namang inutusan ang
panganay na anak na si Don Pedro na hulihin ang natatanging lunas para sa sakit ng hari
Dahil hindi na nasilayang muli ang panganay na si Don Pedro, inatasan ng Hari ang ikalawang anak na si
Don Diego upang hulihin ang ibong adarna. Naglakbay ng limang buwan ang nasabing prinsipe. Naakit din
siya sa kinang nito at napaisip kung bakit walang ibang ibon ang naaakit dito. Nagpahinga muna siya
habang matiyagang naghihintay sa mahiwagang ibon ngunit dahil sa lambing ng pag awit nito, ay agad
ding nakatulog. Nasaksihan man ni Don Diego ang pagpapalit kulay ng mga balahibo nito, siya ay nanatiling
bigo. Napatakan siya ng dumi nito at naging bato na rin. Nagmistulang magkatabing puntod ang
magkapatid.
Pagkalipas ng tatlong taon, lalong lumala ang karamdaman ng hari. Masakit man para sa hari ang mawalay
sa pinakamamahal niyang anak ngunit wala siyang magawa kundi ang bindisyunan ang bunsong anak sa
paglalakbay nito.Natakot si Don Fernando at baka magtanan si Don Juan. Siya ay maglalakad lang papunta
ng Bundok Tabor at may baong limang tinapay. Isang beses sa isang buwan lang siya kumakain. Habang
binabagtas ang daan patungo sa nasabing bundok, panay ang sambit sa Birheng Inang marilag na nawa ay
matagalan ang paghihirap na dinaranas. Sa ikaapat na buwan, tumigas na ang baon niyang tinapay. Sa gitna
ng paglalakbay ay may nakita siyang ermitanyong sugatan.
Nanglimos kay Don Juan ang leprosong matanda at ibinigay ang nag-iisang tirang tinapay. Sa wakas ay
nadatal na ni Don Juan ang puno at muntik nang makalimutan ang bilin ng matanda dahil sa ganda ng puno.
Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng tinapay na ibinigay niya sa leprosong matanda. Nalaman
niya na engkantado ang ibong adarna. Sa gabi lang ito masisilayan. Pitong beses iyong umaawit habang
nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit. Sa oras na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang
kanyang palad at pipigaan ng dayap upang hindi makatulog. Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don Juan ang
sintas na Ginto upang gamitin sa paghuli ng mahiwagang ibon.
1. Naging matapang ang tatlong magkakapatid sa pagsuong sa panganib para lamang makahanap
ng lunas sa sakit ng kanilang ama. Sa aking palagay, ang motibo ng mayakda sa paglalagay ng
bahaging ito ay :
2. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng hari. Sa aking palagay, ang motibo ng may-
akda sa paglalagay ng bahaging ito ay :
3. Matibay ang paniwala di hamak magpakababa,’ pag matapat ka sa nasa umaamo ang biyaya. Sa
aking palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay
4. Pinagbilinan ng matanda na huwag masilaw o mahumaling sa kinang ng mahiwagang puno upang
makaiwas sa kapahamakan. Sa aking palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng
bahaging ito ay :
SANGGUNIAN
A.Mula sa Aklat Dayag A. 2017. Pinagyamang Pluma 7, Ikalawang Edisyon. Quezon City. Pheonix Publishing House, Inc
Inihanda ni:
MARYGRACE G. PABLO
SDO- Santiago City
FILIPINO 7 (2)
IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAING PAMPAGKATUTO Kahulugan at Katangian ng Korido
PANIMULA (SUSING KONSEPTO)
Ang mga Espanyol ang unang sumakop sa ating bansa. Tatlo ang layunin nila sa pananakop sa Piliinas. Una,
upang palaganapin ang katolisismo. Ikalawa, ang pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagpaparami ng mga sakop na bansa.Ikatlo, ang paghahanap ng mga pampalasa, masaganang likas-yaman
at mga hilaw na materyales upang matustusan ang kanilang mga pangangailanagng pang-ekspedisyon.
Ayon sa talang sinulat ni Jose Villa Panganiban, et al. sa aklat na pinamagatang Panitikan ng Pilipinas, ang
panitikan noong panahon ng Espanyol ay sinasabing may tatlong katangian. May sari-saring kaanyuan at
pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo,
sarswela, talambuhay, at mga pagsasaling-wika. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon. Ang lalong
nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong Espanyol.
Naging mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na mapalaganap ang relihiyong Katolisismo sa bansa.
Isa sa pinakatanyag ng uri ng panitikang nagbibigay-halaga sa diwang Kristiyanismo ay ang mga tulang
romansa na nauuri sa dalawang anyo - ang awit at ang korido.
Madalas, ang mga ito ay nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo.
Kalimitang ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihang karaniwang kinasasangkutan ng
mga prinsipe at prinsesa at maharlikang tao kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa
kaniyang mataimtim na pananalig at matiyagang pagtawag sa Diyos.
Napakahalaga ang pagbabasa ng akdang Ibong Adarna para sa mga mag-aaral dahil napakaraming
importanteng aral ng buhay ang matutunan dito lalo na ang mga kabanatang patungkol sa pag-ibig kaya
mas madaling makaugnay at maunawaan ng mga kabataang mag-aaral dahil sa kasalukuyang panahon ay
nararanasan nila ang mga karamihang pangyayaring naganap sa
akda. Higit sa lahat ipinakita rin sa akdang ito ang pagmamahal sa magulang at kapatid, pagmamalasakit
at pagsunod sa kanilang utos.
Ang Ibong Adarna ay isang Korido na isunulat noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na
ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Ito ay tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan.
Nakasentro ang kuwento ng Ibong Adarna sa isang ibong nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na
nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Ang akdang
ito ay walang tiyak na petsa kung kalian isinulat. Wala ring nakakaalam kung sino ang sumulat nito. May
mga nagsasabing at naniniwalang si Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ang sumulat nito. Siya ang nagturo kay
Francisco Balagtas kung paano sumulat at bumigkas ng tula.
Ang kuwento ng akdang ito ay umiikot sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng
kahariang Berbanya sa paghahanap sa Ibong Adarna sa isang pambihirang puno na matatagpuan sa
Bundok Tabor na tinatawag nilang Piedras Platas na kung saan dito nananahan ang Ibong Adarna. Ang
akdang ito ay tungkol din sa buhay na pinagdaanan ng tatlong prinsipeng magkakapatid na sina Don Juan,
Don Pedro at Don Diego na anak nina Haring Fernando at Donya Valeriana sa kaharian ng Berbanya.
Ang akdang ito napakahalagang salaysaying-bayan dahil ito ay nagpasalindila hanggang sa ito ay
naging bahagi na ng ating Panitikang Pilipino.
Gawain 1
Panuto: Isulat sa ang salitang TAMA kung wasto ang diwa ng pangungusap tungkol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng akdang Ibong Adarna at salitang MALI kung hindi wasto
ang isinasaad.
1. Napakaraming importanteng aral ang mapupulot sa akda.
2. Hindi makatotohan ang mga pangyayari sa akda.
3. Umikot ang kuwento ng Ibong Adarna sa pakikipagsapalaran ni Don Juan mahanapan lamang
ang lunas sa sakit ng kanyang ama.
4. Naging bahagi ng Panitikang Pilipino ang akda.
5. Si Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ang sumulat ng akda.
6. May tiyak na petsa kung kailan isinulat ang koridong Ibong Adarna.
7. Masisinag sa binasang korido ang kulturang Pilipino.
8. Ipinakita rin sa akdang ito ang pagmamahal sa magulang at kapatid, pagmamalasakit at pagsunod sa
kanilang utos.
9. Nakasentro ang kuwento ng Ibong Adarna sa isang ibong nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan.
10. Ang akdang Ibong Adarna ay isang dula.
Gawain 2
Panuto: Sa pamamagitan ng pananaliksik ng mahahalagang impormasyon tungkol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng koridong Ibong Adarna sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
SANGGUNIAN
Mula sa Aklat : Dayag, Alma M. (2019) Pinagyamang Pluma 7. Quezon City. Phoenix Publishing House,Inc.
Mula sa Internet: https://ratantee.wordpress.com/about/kahalagahan-ng-ibong-adarna/
https://brainly.ph/question/1438788
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. TAMA 6. MALI
2. MALI 7. TAMA
3. TAMA 8. TAMA
4. TAMA 9. TAMA
Inihanda ni:
Marahil ay narinig o may kaalaman ka na tungkol sa koridong pinamagatang Ibong Adarna. Kung
hindi pa sapat ang iyong kaalaman tungkol dito ay maaari mong dagdagan ito sa pamamagitan ng
pananaliksik sa kaligirang pangkasaysayan nito upang lalong maunawaan ang akda.
Ang pananaliksik ay nakatutulong upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa bagay na gustong
malaman upang maging maayos ang pagbibigay ng impormasyon. Magiging sistematiko ang pagsulat ng
mga impormasyon kapag ang sumusulat ay maraming naitalang kaalaman tungkol sa paksa.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
Gawain 1
Sa tulong ng grapikong pantulong, magbigay ng kultura, paniniwala, at kaugaliang taglay ng Ibong Adarna
kung kaya’t itinuturing pa rin itong bahagi ng panitikang Filipino kahit hindi hindi ito orihinal na akda ng
Pilipinas.
Kultura , paniniwala at
kaugaliang taglay ng Ibong
Adarna
Mula sa Aklat : Dayag, Alma M. (2019) Pinagyamang Pluma 7. Quezon City. Phoenix Publishing House,Inc.
Mula sa Internet
https://allanalmosaortiz.blogspot.com/2016/12/kaligirang-pangkasaysayan-ng-ibong.html
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring
Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania
2. Walang tiyak na petsa ng pagkakalimbag ang tula
3. Pinaniniwalaan ng ilan na isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz ang Ibong Adarna
ngunit wala pa ring matibay na katibayan na siya nga ang sumulat nito. Ayon kay Julian Cruz
Balmaceda, Si Huseng Sisiw ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng
tula.
4. Ito ay gumamit ng sukat na wawaluhin at may isahang tugma.
5. Sa panahon ng pananakop ng Español, nakaabot sa Mexico ang koridong Ibong Adarna at di
kalaunan ay nakarating sa Pilipinas. Ginamit ito ng mga Español sa pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo na kinapalooban ng katutubong kaugalian ng mga katutubo sa Pilipinas.
Inihanda ni:
NICOLE R. GATIWAN
May-akda
FILIPINO 7 (5)
IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAING PAMPAGKATUTO Suliranin sa Akdang Ibong Adarna
PANIMULA (SUSING KONSEPTO)
PANAGINIP NG HARI((Mga Saknong 030-045)
Ngunit itong ating buhay sa kalooban ng Diyos
talinghagang di malaman may nakuhang mangangamot
matulog ka nang mahusay ito nga ang nakatalos
magigising nang may lumbay sa sakit ng haring bantog
Gabi ng katahimika’t
Mula noo’y nahapis na
payapa sa kabundukan
kumain man ay ano pa!
kung umuwi ay humimlay
luha at buntonghininga
sa kahoy na kanyang bahay
ang aliw sa pag-iisa
PANGKALAHATANG PANUTO: Suriin at unawain nang buong husay ang mga gawaing inihanda para sa
iyo na makatutulong sa paglinang sa kakayahang makapagmungkahi ng mga angkop na suliranin mula sa
akdang iyong binasa.
Gawain 1: Ayusin mo Ako!
Panuto: Ayusin ang mga naghalong mga titik isulat ang iyong kasagutan sa tabi nito.. Paalala may
mga titik na naihalo na magsisilbing pangggulo lamang. Mainam na unawaing mabuti ang binasang akda.
1. YULMBAS
2. SSONLLUNAU
3. NASLAPAMAT
4. KANARMO
5. GGLYAI
Gawain 3 Panuto: Batay sa binasang akda, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang naging epekto ng panaginip ng hari? Bakit kaya labis niyang dinamdam at naging sanhi pa
ng kanyang pagkakasakit ang panaginip na iyon?
2. Paano nasabing kakaiba ang gamot na inireseta para sa sakit ng hari?
3. Kung ikaw ang isa sa mga kaanak ng hari, ano ang gagawin mo nang malaman mong siya’y may
sakit?
SANGGUNIAN : Dayag, Alma M. (2019) Pinagyamang Pluma 7. Quezon City.
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1.Lumbay
2.Nalulunos
3.Tampalasan
4.Monarka
5.Liyag
Gawain 2at 3
Ang sagot ay nakadipende sa mag-aaral Inihanda ni:
CHARLES DARWIN R. SANGLAY
Guro sa Filipino
Balintocatoc Integrated School
FILIPINO 7 (6)
IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAING PAMPAGKATUTO Pagsusuri sa mga Pangyayari sa Akda na Nagpapakita sa
Suliraning Panlipunan
Tayong mga Pilipino ay mayroong napakayamang panitikan na sumasalamin sa ating mga kultura
na siyang salamin ng ating pagka-Pilipino. Ang korido ay isa sa mga akdang pampanitikan na nagpapakita
ng ating mga napakayamang tradisyon, paniniwala at mabuting asal na minana pa natin sa ating mga
ninuno. Kasama ng ating mga kaugalian at tradisyong Pilipino ang pag-iwas sa mga suliraning panlipunan
na dapat mabigyan ng solusyon. Ang mga nasabing suliranin ay maiiwasan sa pamamagitan ng pag-aaral
at pagsusuri sa mga ito upang makabuo ng epektibong sagot. Ang pag-unawa sa bawat saknong ng obra
maestrang Ibong Adarna na sumasalamin sa mga pangyayari sa totoong buhay na maari nating gawing
gabay sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Ito rin ay makatutulong nang malaki sa paggawa ng
iskrip ng itatanghal dula na hango sa korido.
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat
mabigyang solusyon (F7PB-IVc-d-21)
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang ilang bahagi ng akdang “Ibong Adarna.” Pagkatapos, sagutin
nang buong husay ang mga inihandang gawain.
Gawain 2
Sagutin at bigyang pakahulugan ang mga ideya sa mga tampok na saknong ng bahagi ng koridong
Ibong Adarna na pinamagatang “Ang Ikalawang Paghahanap”
1. Sino ang tinutukoy na Prinsipe na gustong makita ang kapatid sa saknong 82?
2. Anong pakiramdam ang nangingibabaw sa saknong 95?
3. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng pagkamangha ni Don Diego sa saknong 89?
4. Anong pagpapahalagang (ugali) Pilipino ang ipinamalas ni Don Diego sa saknong 102?
5. Kung ikaw si Don Diego, paano mo iiwasan ang trahedyang nangyari sa saknong 109?
6. Ano ang naging saloobin ng Berbanya sa hindi pagbabalik ni Don Pedro? Ano ang hakbang na
ginawa ng hari ukol dito?
7. Sa iyong palagay, sino ang may mas mahirap na misyon sa dalawang magkapatid? Bakit?
8. Maiuugnay ba natin sa aralin ang kasabihang “Blood is thicker than water”? Sa paanong paraan?
9. Tunay nga kayang ang kagandahan ay nakabubulag? Iugnay ito sa nangyari sa dalawang
magkapatid.
10.Kung ikaw si Don Diego, paano mo paghahandaan ang iyong misyon?
SANGGUNIAN IBONG ADARNA, BINAGONG EDISYON Isinaayos nina Isidro G. Manrique at Dolores R.
Aranda ,TRINITAS PUBLISHING, 2011
Inihanda ni:
CONSTANTE G. CASTISIMO JR.
May-akda
FILIPINO 7 (7)
IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAING PAMPAGKATUTO Ang Pagkahuli sa Ibong Adarna at Ang Unang Pagtataksil kay Don
Juan
PANIMULA (SUSING KONSEPTO)
Naranasan mo na bang mapagtaksilan? O mayroon ng tao na malapit sa iyo na hindi mo nakasundo? O
napaniwala ka na totoo ang kaniyang pakikitungo sa’yo? Marahil isa ka na sa mga nakaranas ng mga ganitong
sitwasyon. Sadyang ang mundo’y mapaglaro na minsa’y mararanasan mo ang saya at minsa’y mararanasan
mo rin ang sakit. Mayroon ka bang kapatid? Maayos ba ang pakikitungo niyo sa isa’t isa o hindi? Natural
lamang sa magkapatid ang mag-away o may hindi pagkakaunawaan. Natural lamang din na magbangayan
kung simple at mababaw lamang ang inyong pag-aawayan na sa bandang huli, magkakasundo o magbabati
pa rin kayo.
Matutunghayan natin ngayon sa bahagi ng Ibong Adarna kung paano magpagtagumpayan ni Don Juan sa
tulong ng Ermitanyo na mailigtas sa pagiging bato ang kaniyang mga kapatid at matutunghayan din kung
paano siya pagtaksilan ng kanyang mga kapatid na sina Don Pedro at Don Diego.
Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may
pagkakatulad sa akdang tinalakay (F7PD-IVc-d-18)
PANUTO
Basahin at unawaing mabuti ang ilang bahagi ng akdang “Ibong Adarna.” Pagkatapos, sagutin
nang buong husay ang mga inihandang gawain.
Ang Paghuli Sa Ibong Adarna At Ang Unang Pagtataksil Kay Don Juan (Bahagi)
Sumunod na naglakbay ang bunsong anak ni Haring Fernando. Sa kanyang paglalakabay papuntang
Piedras Platas ay kanyang nasalubong ang matandang ketongin. Humingi sa kanya ang matanda ng pagkain
at agad naman niya itong binigyan ng kanyang baong pagkain. Nagtanong matanda kay Don Juan kung ano
ang pakay nito at bakit ito magtutungo sa Piedras Platas. Sinabi nitong hahanapin nito ang Ibong Adarna
dahil ito ang susi upang gumaling ang kanyang amang hari. Sa kanyang pagpapatuloy sa paglalakbay, ay
nasalubong niya ang isang ermitanyo. Inilahad ng ermitanyo kung paano mahuhuli ang ibong Adarna.
Nagtagumpay nga si Don Juan na makarating sa Piedras Platas at Nakita niya agad na dumapo ang
ibon sa puno. Nag-umpisa nan gang umawit ang ibon at sa oras na iyon upang hindi siya maantok ay sinunod
niya ang bilin ng ermitanyo sa kanya. Hiniwa niya ang kanyang palad at pinatakan ng katas ng dayap.
Nagising nga si Don Juan at hindi naantok dahil sa pag-awit ng ibon. Umawit ng pitong beses ang ibon at
pitong ulit din nagpalit ng balahibo. Sa pagkahuli ni Don Juan sa ibong adarna agad niya itong itinali ang
mga paa a dinala ito sa ermitanyo. At pagkatapos, binilinan siya ng ermitanyo na sumalok ng tubig at buhusan
ang dalawang bato para bumalik sa anyong tao ang kanyang dalawang kapatid.
Sa kanilang pagbabalik sa kaharian, habang sila’y nasa gitna ng paglalakbay ay mayroong masamang
binabalak si Don Pedro sa kanyang kapatid na si Don Juan. Dahil sa labis na pagkainggit ni Don Pedro dahil
alam niyang may matatanggap na gantimpala si Don Juan sa kanilang pagbabalik ay binugbog ng dalawang
nakakatandang kapatid ang kanilang bunsong kapatid at iniwan nila ito. Nakarating nga si Don Pedro at Don
Diego sa kaharian na hindi nila kasama si Don Juan. Masayang-masaya sila na ipinamalita na nahuli nga nila
12 Practice proper hygiene protocol at all times
ang ibong adarna ngunit nagtaka ang hari dahil hindi nila kasama sa pagbalik ang bunsong anak. Tinanong
nga niya ang mga ito ngunit sabi nila hndi nila alam. Dahil ditto, lumubha ang sakit ng hari at ang balahibo
ng adarna ay pumangit at ayaw nitong kumanta.
Habang lumulubha ang sakit ng hari, si Don Juan ay gumagapang sa damuhan. Nanalangin ito na
sana ay pagalingin siya sa kanyang natamong mga sugat. Pinakinggan nga ang kanyang panalangin dahil
mayroong isang matanda na galling sa bundok at tinulungan siya at ginamot ang kanyang mga sugat.
Sa kanyang pagbabalik sa kaharian, sa kabila nang nangyaring pagsubok sa kanya ay labis ang
kasiyahan ni Donya Valeriana na nakabalik ang kanyang bunsong anak nang ligtas. At dito, natakot ang
magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa nagawa nilang kataksilan si mismo nilang kapatid. Pagkakita ng
Adarna kay Don Juan nagbalik sa napagkandang anyo ang ibon at nag-umpisang umawit at ikinuwento nito
ang mga pangyayari na kataksilan na ginawa ng magkakapatid. Paparusahan sana ng hari ang magkapatid
ngunit ang sabi ni Don Juan sa ama na patawarin nalang sa halip na parusahan.
Gawain 1
Basahin at sagutin nang buong husay ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa nakalaang
espasyo ang iyong sagot.
1. Sa paglalakbay ni Don Juan, sino ang nakasalubong at nagbigay ng payo upang mahuli niya ang Ibong
Adarna? Nakatulong ba ang mga payo na ito sa kaniya?
2. Kung ikaw si Don Juan, paano mo maipapakita sa taong tumulong sa’yo ang lubos na pasasalamat dahil
nahuli mo ang Ibong adarna at nailigtas mo ang iyong mga kapatid na naging bato?
3. Kung sakaling may pagsubok na darating sa’yo, anong katangiang mayroon si Don Juan ang iyong dapat
mong taglayin? Ipaliwanag.
4. Ano ang naging bunga ng labis na pagkainggit nina Don Pedro at Don Diego? Kung ikaw ang
nakatatandang kapatid, tutularan mo rin ba ang ganitong gawain nina Don Pedro at Don Diego? Bakit?
5. Sa iyong palagay, ano ang masamang naidudulot ng labis na pagkainggit sa buhay ng tao? Bakit hindi
dapat pairalin ang ganitong pag-uugali?
6. Batay sa iyong sariling karanasan, paano mo masasabing naririnig ng Diyos ang ating panalangin?
Maglahad ng patunay batay sa iyong sariling karanasan.
Gawain 2 Ang pangyayaring naganap sa pagitan nina Don Juan, Don Pedro at Don Diego ay
nangyayari pa rin sa kasalukuyan sa mga magkakapatid o maaaring sa mga magkakaibigan.
Basahin ang sipi sa ibaba. Pagkatapos ay suriin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagot sa
kasunod nitong mga tanong.
1. Ano-ano ang mga karaniwang dahilan kung bakit may alitan o pag-aaway ang magkakapatid sa
dalawang siping binasa?
4. Ipaliwanag ang kahulugan ng kasabihang “Walang lihim ang hindi nabubunyag.” Iugnay ito sa mga akdang
binasa.
5. Sa iyong palagay, paano makaiiwas sa mga hindi mabuting pag-uugali tulad ng labis na pagkainggit,
galit o poot at alitan sa pagitan ng magkakapatid o magkakaibigan?
MGA SANGGUNIAN
Mula sa Aklat:
Biasa-Julian Ailene G., et.al. (2014) Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing
House Mula sa Internet: https://ibongadarna101.wordpress.com/
https://news.abs-cbn.com/news/03/29/18/magsasaka-pinatay-ng-kapatid-dahil-sapaghihiganti
SUSI SA PAGWAWASTO
Ang isang korido na isinulat noong panahon ng kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at
Mitolihiyang Filipino. Tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. At ang Ibong Adarna
ay isang korido na mabilis ang pagbigkas. Nakasentro ang kuwento ng Ibong Adarna sa isang Ibong
nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumanng karamdaman sa
sandaling umaawit at marinig ang tinig nito.
(142.) Pagkakita kay Don Juan, (151.) “Ama ko po’y nakaratay ang matanda’y
nanambitan, sa malubhang karamdaman sa malaking
kaawaan Ibong Adarna nga lamang
ay madaling nilapitan ang mabisang kagamutan.”
(143.) Anang matandang may dusa, (152.) “Bukod dito’y may isa pa,
“Maginoo, maawa ka, ngayon po’y tatlong taon na,
Kung may baon kayong dala ang kapatid kong dalawa’y
Ako po ay limusan na.” nawawala’t di makita.”
(144.) “Parang habagna ng Diyos (153.) “Sa aba ko, o, Don Juan,”
magdalita sa may lunos, sa matandang katugunan,
kung sa sakit ko’y matubos “Malaki pang kahirapan
ako nama’y maglilingkod.” ang iyong pagdaraanan
(145.) Sagot nitong si Don Juan; (154.) “Kaya, ngayon ang bili ko
“Ako nga po ay may taglay, ay itanim sa puso mo;
Natirang isang tinapay mag-ingat kang totoo
Na baon sa paglalakbay.” at nang di ka maging bato.”
(184). “Don Juan, iyang hanap mo’y (194). “Matapos ang pitong kanta
Paghihirapan mong totoo, magbabawas ang Adarna,
Ang Adarna’y may engkanto ilagang mapatakan ka
Na wala pang tumatalo.” Nang hindi ka madisgrasya.”
Inihanda ni:
NESOLYN D. LAMAGON
SDO- Santiago City
FILIPINO 7 (9)
GAWAING PAMPAGKATUTO Ibong Adarna
PANIMULA (SUSING KONSEPTO)
Sa panimula ng araling ito ay binanggit na ang pinakamasarap at pinakamasakit na damdaming maaaring
maranasan ng tao ay ang pag-ibig.Nakita natin ito sa karanasan ni Don Juan.Labis siyang nasaktan dahil sa
paulit-ulit na pagtataksil ng kanyang dalawang kapatid na prinsipe ngunit nang dahil sa pag-ibig ay muli
siyang nagpatawad. Hindi maipaliwanag ang kasiyahan ng magkakapatid nang sila ay magkasundo at
nagsama-sama sa bundok Armenya. Nang dahil din sa pag-ibig ay nagawang ipakipagsapalaran ni Don Juan
ang kanyang buhay para sa dalawang prinsesang sina Donya Juana at Donya Leonora.Paano nga nasusukat
ang wagas na pag-ibig?At ano ang damdaming mararamdaman kapag ang isang tao ay umiibig?
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantelebisyon at
pampelikula. (F7PD-IVc-d-19)
GAWAIN 1
Kuwento ng Buhay Mo, Ibahagi Mo! Pagsulat ng liham: Ikaw ay isang letter sender sa programang
Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos.Isusulat mo ang kuwentong kapupulutan ng aral at mabubuting kaisipan
ng mga manonood o taga-pakinig. Isulat ito sa isang buong papel.
GAWAIN 2
Panuto: Pag-Guhit Kung iguguhit mo ang nilalaman ng iyong puso para sa isang taong pinakamamahal mo,
ano ito? At bakit? Iguhit sa isang bondpaper.
SUSI SA PAGWAWASTO: May iba’t ibang kasagutan ang mga mag-aaral ng naaayon sa kanilang
pananaw sa aralin
SANGGUNIAN
Mula sa aklat: Dayag, Alma M.et.al.(2015)Pinagyamang Pluma7 at 8 .Quezon City.Phoenix Publishing
House. Inc.
Isinumite ni: Visitacion L. Villaroza
Sinsayon National High School
FILIPINO 7 (10)
IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAING PAMPAGKATUTO Pagsusuri sa mga Salitang Ginamit sa akda
PANIMULA (SUSING KONSEPTO)
Ang kaisipan sa pagbasa ay nararapat na nahahasa para mas maging matatag ang pagiisip. Ang pagbasa
ay isang intelektuwal na gawain para makaunawa't makapagigay ng teknikal na pagpapakahulugan. Isa rin
itong pagtataya't pag-unawa sa mga ideya't simbolo.
18 Practice proper hygiene protocol at all times
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa
akda (F7PS-IVc-d-21)
PANUTO
Basahin at unawain ang halimbawa ng isang maikling kuwento at sagutan ang mga
inihandang gawain nang buong husay at katapatan.
Reynang Matapat
Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating kapuluan. Nakilala siya
dahil sa katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay pinagdarayo na ng mga mangangalakal
na Arabe, Intsik at Hindu ang kaharian ng Kutang-Bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang-Bato
ay siya ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga Kutang-
Bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang lumalabag sa ipinag-uutos ng Reyna ay
pinarurusahan.
Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng
kanyang mga tauhan.
Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato.
Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa katapatan ng kanyang mga
tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa
kaharian ng Kutang-Bato.
Minsan, isang negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot
ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling
mahigpit ng Reyna Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot ng ginto.
Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kanyang nasasakupan upang sa ganito ay muling datnan ng may-
ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng
kautusan tungkol sa katapatan.
Sagutin ang mga sumusunod katanungan ayon sa akdang binasa.
1. Ano ang mga katangian ni Reyna Sima na nabanggit sa kuwento?
2. Sa paanong paraan naging masagana ang kaharian ng Kutang-Bato?
3. Ano-ano ang mga batas na mahigpit na ipinag-uutos ni Reyna Sima?
4. Ano ang pangunahing ideya ang nais ipabatid ng kuwento?
5. Bilang isang mamamayan, bakit kailangang sumunod sa mga ipinatutupad na batas?
Gawain 2. Bumuo ng isang kaisipan o pagpapakahulugan sa larawan batay sa sariling
karanasan
MGA SANGGUNIAN
Pinoy Edition © 2020 - All rights reserved.
Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kuwento/reynang-matapat/
https://ph.images.search.yahoo.com/
https://www.slideshare.net/
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1 Ang sagot ng mga mag-aaral ay nakabatay sa akdang binasa.
19 Practice proper hygiene protocol at all times
Gawain 2 Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring magkakaiba.
Inihanda ni:
JERIC S. DANIELES
Salvador Integrated School
FILIPINO 7(11)
IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAING PAMPAGKATUTO Pagsulat ng Iskrip
PANIMULA (SUSING KONSEPTO)
Sa mga nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang mahalagang elemento ng isang salaysay. Sa pagsulat ng
Iskrip ay mahalagang isinasaalang-alang ang mga bagay na ito. Kailangang maging malinaw ang plot o
banghay, tauhan, tagpuan at mahahalagang kaisipang hatid nito sa mga manonood.
May tatlong mahahalagang bahagi ang pagsulat ng Iskrip.Ito ay ang pre-writing,writing at re-writing
stage.Ayon sa isang magaling na manunulat na si Ricky Lee sa kanyang aklat na Trip to Quiapo:Scriptwriting
manual ang pre writng stage ay ang bahagi ng pag-iisip at pagplaplano.Dito binubuo ang konsepto ng
istorya,sino ang tauhang gaganap kabilang ang bida at kontrabida,saang lugar o tagpuang gagawinat anong
banghay ang gagamitin.Pasok din sa bahaging ito kung anong paksa ng iskrip.
Pagkatapos ng pre- writing stge ay maaari nang magsimulang sumulat at ito na ang tinatawag na
writing stage.Sa simula ng pagsulat ng Iskrip ayon kay Lee ay makabubuting sumulat muna ng sentence
outline.Ang Sentence Outline ay isang de numerong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng
istorya.Hindi mga deskripsyon,hindi mga iniisip ng tauhan, kundi ang eksena.
Kapag nagawa na ang sentence outline ay repasuhin ito at pinuhin, sa bahaging ito ay maaari
nang buuin an gang iskrip kasama tauhang magsasalita, props, eksena, at iba pa.
Kapag natapos ang pagsusulat ay muling babasahin ang nabuong iskrip. Ipapabasa ito sa taong
alam mong makakatlong sa iyo sa pag pino o pag kritik upang lalong gumanda ito.
Tandaan ang pagsusulat ng iskrip ay mahalagang isa alang alang ang mga natutuhan sa gramatika
at retorika. Ito ay mahalaga upang higit na maging mabisa, makatotohanan at malinaw ang pag-buo ng
Iskrip.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat
ng iskrip (F7PT-IVc-d-23)
PANUTO: Magsagawa ng malikhaing pagtatanghal sa inyong tahanan bilang pangwakas na gawain sa
pag-aaral ng Ibong Adarna. Ikaw, ay naatasang sumulat ng Iskrip tungkol sa pinakanagustuhan mong
bahagi ng akda na naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino nang sa gayon ay mapahalagahan at
maisabuhay ito lalo nang kabataang katulad mo.
GAWAIN I ISKRIP PARA SA MALIKHAING PAGTATANGHAL NG PABORITONG BAHAGI NG
IBONG ADARNA:
Gawain: Sumulat ng isang orihinal na iskrip gamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng
isang iskrip.
Isaalang-alang ang rubric sa paggawa.
1. mahinhin, mayumi,______________
2. nalulungkot, ______________, nahahapis
3. umiiyak, tumatangis, ______________
4. walang katapusan, walang hangganan.walang ______________
5. dumarating, sumasapit, ______________
6. pumapatay, ______________,pumapaslang
7. kabalisahan, kalungkutan, ______________
8. tunay, ______________,wagas
Gawain 2 Suriin ang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong.
1. Bakit labis-labis ang lumbay na nararamdaman ni Donya Leonora?
2. Paano pinatunayan ni Donya Leonora ang katapatan at pagiging wagas ng kaniyang pagibig kay Don
Juan?
3. Sa iyong palagay, sino ang dapat sisihin sa ginawang paglimot ni Don Juan kay Donya Leonora?
Ipaliwanag.
4. Kung ikaw si Donya Leonora, magagawa mo rin bang maghintay ng pitong taon para sa taong
minamahal? Bakit?
5. Sa iyong pananaw, bakit may mga taong madaling makalimot sa kanilang mga pangako? Ano-ano ang
iyong maipapayo sa mga taong nakagagawa ng ganito?
6. Nakaranas ka na rin ba ng matinding kalungkutan at pangungulila? Paano mo ito nilabanan?
7. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa mga taong nakararanas ng matinding kalungkutan at
pangungulila?
SANGGUNIAN Baisa-Julian, Ailene G, et al. Pinagyamang Pluma 7 (K to 12). Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. Matimtiman 2. nalulumbay
3.nananaghoy 4.maliw
5. dumaratal 6. umuutas
7. hilahil 8.dalisay
Gawain 2 . Ang kasagutan ng mag-aaral ay magkakaiba.
Inihanda ni:
ROBERO R. TINIO
Divisoria High School