You are on page 1of 1

Ang pana at ang awit

Binibit sa busog ang palasong hawak,


na tinutudla ko’y hangin sa itaas,

alam kong sa lupa ito ay lumagpak


sabali’t kung saa’y hindi ko matatap!
Awit kung kinanta’y tinangay ng hangin,
Alam kong sa lupa ito’y lumagpak din;

Ngunit ang hindi ko malama’t malining


Ay kung saan ko ito hahanapin.

Ngunit nang maraming taon ang lumipas,


Palaso’y nakitang buo’t nakaratak
Sa puno ng isang kahoy na mataas.

Gayon din ang awit,aking natagpuan


Buhat sa simula hanggang katapusan
Sa puso ng isang mutyang kaibigan.

You might also like