You are on page 1of 2

ALAMAT: MALIGAYA

Isinulat ni: Caboboy, Ma. Jean Kristel A.

Noong unang panahon ilang araw pa lang ang nakalilipas ay may matandang
babaeng pulubi na pumunta sa bahay ni Mal at Ligaya.

Matanda: Tao po..

Ligaya: Sino ang kumakatok? Tanong niya sa kaniyang asawang si Mal

Mal: Aba Malay ko! Buksan mo ang pinto ng malaman mo kung sino iyan!

Binuksan ni Ligaya ang pinto, isang napakapangit na matanda ang kaniyang


nabuksan at nagulat siya.

Ligaya: Ay kapre! Sino ka?

Matanda: Ako si Bilak.

Ligaya: Ano ba ang kailangan niyo? Istorbo kayo e, bwesit!!!

Pagalit na sabi ni Ligaya sa matanda, nagalit ang matanda kaya ang sabi
nito

Matanda: Dahil sa kasakimang taglay mo, Uulan ng malakas at kasabay ng pag-


ulan maraming tao ang sabay na luluha!

Naglaho bigla ang matanda at natulala si Ligaya sa sinabi nito at pumunta


siya kay Mal.

Mal: Oh, ano ang nangyari sayo?

Ligaya: Nasaan ang mga anak natin?

Niyakap niya nang husto ang kaniyang mga anak. Dumating na nga ang araw
na sinabi ng Matanda, Bumagyo, Bumaha at Umulan ng malakas. Naanod si Mal at
Ligaya kaya pareho silang namatay. Humingi ng tawad ang mga anak ni Mal at
Ligaya sa Matanda kaya hindi nagdalawang isip ang matanda na patawarin ang mga
ito. Gayunpaman, patawarin man sila ng Matanda hindi na maibabalik ang buhay ng
kanilang mga magulang, ngunit nagpasalamat parin sila. Pinag-isa ang libingan nina
Mal at Ligaya kaya pinangalanan sila ng kanilang mga anak, ito ay naging
MALIGAYA. Namuhay ng matiwasay at mapayapa ang mga anak nina Mal at
Ligaya.

You might also like