You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 6

I. Layunin
Matapos ang talakayan, ang mga mag-aaral ng ika-6 na baitang ay inaasahang
maisasagawa ang sumusunod ng may 80% bahagdan kawastuhan:
a. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento.
b. Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan (F6PB- Ia- 1).
c. Nakasusulat ng isang liham batay sa binasang kuwento.

II. Paksang Aralin at Kagamitang Pampagtuturo


A. Paksa: Kuwento ng Magkapatid na Daga
B. Kagamitang Pampagtuturo;

C. Sanggunian:

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat para sa larong charade.
Bawat pangkat ay pipili ng representante at pupunta sa harapan. Mauunang maglaro
ang unang pangkat sa loob ng tatlumpong minuto at pagkatapos nito ay ang
pangalawang grupo naman.
Mekaniks sa paglalaro:
Ang representante sa harapan ay bubunot sa loob ng kahon na
naglalaman ng mga salitang dapat niyang ikilos habang hinuhulaan ng kanyang
kapangkat kung ano ang kanyang ikinikilos. Bibigyan lamang ng tatlumpung segundo
ang bawat pangkat sa paghula ng tamang sagot.
Mga salitang huhulaan:
Unang pangkat Pangalawang pangkat
Syudad Probinsya
Magkapatid Magkaibigan
Nagtataasang gusali Malawak na bukirin
1. Ano ang kaugnayan ng mga salitang nahulaan niyo sa ating tatalakayin
ngayon?
B. Pagsusuri
Babasahin ng guro ang kuwentong pinamagatang “Kuwento ng
Magkapatid na Daga” sa harap ng klase at pagkatapos ay itatanong ang mga
sumusunod:
1. Sino- sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Anong katangian ng magkapatid ang mayroon ka? Ipaliwanag.
3. Paano nila napatunayan na mahal nila ang isa’t isa?

C. Paghahalaw
Pipili ang guro ng isang representante sa dalawang pangkat upang
sagutin ang katanungan:
- Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ni Kiko at Tomas.

D. Paglalapat
Sabay- sabay na ipalilipad ng guro ang tatlong lobo na naglalaman ng
katanungan at kung sino man ang matamaan ng lobo ay siyang sasagot sa
katanungan.
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Kiko o Tomas, paano mo
maipakikita ang iyong pagmamahal sa iyong kapatid o kaibigan?
2. Ano ang mga karanasan mo sa buhay na maaaring maiugnay sa
binasang kuwento? Ano ang natutunan mo sa iyong naging
karanasan?
3. Anong aral ang napulot mo sa binasang kuwento?

IV. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng isang liham na batay sa kuwentong binasa naglalaman ng
pagmamahal sa isang kapatid o kaibigan. Ito ay binubuo lamang ng isang
pangungusap. Isulat ito sa isang buong papel.
Pamantayan sa pagmamarka:
Nilalaman -5
Organisasyon ng ideya -5
10
V. Kasunduan

You might also like