You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Learners’ Activity Sheets


Araling Panlipunan 8
Quarter 3 – Week 8

Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at


Pag-usbong ng Nasyonalismo

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Araling Panlipunan – Grade 8


Learners’ Activity Sheets
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo : Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
Pag-usbong ng Nasyonalismo
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the
work is created shall be necessary for the exploitation of such work for a profit. Such agency or office may,
among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this activity sheets are owned by their respective copyright holders. Every effort has been
exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The
authors do not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Learner’s Activity Sheet


Writer/s: Lovely Joy J. Francisco
Editor/s: Lalaine S. Gomera, Luzviminda M. Bojos
Illustrator:
Layout Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Suroysuroy
Management Team: Minerva T. Albis
Gemma A. De Paz
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Lalaine S. Gomera
Gina Malupa
Melinita Cotiangco

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 8
QUARTER 3 Week 8

Pangalan: _____________________________ Baitang/Pangkat: __________


Paaralan:______________________________ Petsa:___________________
Guro:_________________________________ Iskor:____________________

I. Pamagat : Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo/ Pag-usbong ng Nasyonalismo

II. Kasanayang Pampagkatuto

 Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng ikalawang yugto ng kolonyalismo at


imperyalismo.
 Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag -usbong ng Nasyonalismo sa Europa at
iba’t ibang bahagi ng daigdig. AP8PMD -IIIi - 10

III. Panuto: Ang mga sumusunod na gawain ay huhubog sa iyong kaalaman tungkol sa
Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europe at
iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

IV. Mga Gawain

Gawin 1: Magbasa at Unawain!


IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
 Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang
pumalaot ang mga barkong Europeo. Isa -isang nanakop ng lupain ang Portugal,
Spain, Netherlands, France at Britain at nagtayo ng mga kolonya sa Asia at
America.
 Ngunit lahat ng mga imperyong ito ay bumagsak bago nagsimula ang ika-19 na
siglo. Nawalan ng kolonya sa North America ang Netherlands at France.
Matagumpay na nakapag-alsa laban sa pamahalaan ang 13 kolonya ng Britain sa
America, ang Timog Canada at ang pinakamagandang kolonya ng Spain at Portugal
 Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at sa unang bahagi ng
ika-20 siglo, samantalang nagaganap ang ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang
panahon mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang
Pandaigdig noong 1914 ay panahon nang mabilis na paglawak ng pagkakanluranin
o Westernization ng ibang lupain.
 Pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang kapitalismo at
paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na magpalawak ng teritoryo
at ipalaganap ang kanilang kabihasnan ang mga dahilan sa pagkakalunsad ng
Ikalawang Yugto ng Pananakop.
 Nagkaroon ng panggagalugad at pag-aagawan sa gitnag Africa ng mga Kanluranin.
Pinaghatian ng mga bansang Belgium na may pinakamalaking bahagi ng
Congo,France, Britain, Germany, Portugal at Italy ang bahagi nito.
DAHILAN, URI AT LAWAK NG PANANAKOP

Ang dahilan ng iba ay upang


sanayin ang sarili sa
Ang doktrinang manifest
pamamahala at marami Ang protectorate ay
destiny may karapatang ibigay
pang pagbabalat- kayo. Iba- pagbibigay sa kolonya ng
ng Diyos ang United States na
iba rin ang uri ng kolonyang proteksiyon laban sa
magpalawak at angkinin ang
itinatag batay sa katayuan paglusob ng ibang bansa.
buong kontinente ng Hilagang
ng mamamayan. May Concession ay ang
America. Paniniwala naman sa
nagtayo ng kolonya, pagbibigay ng espesyal
white man’s burden na
protectorate, concession o na karapatang
tungkulin ng mga Europeo at ng
sphere of influence. Sa mga pangnegosyo.
kanilang mga inapo na panaigin
mananakop, pinakamalawak Samantalang ang sphere
ang kanilang maunlad na
ang imperyo ng Britain. of influence ay isang
kabihasnan sa mga katutubo ng
mga kolonyang kanilang lugar o maliit na bahagi ng
sinakop. bansa kung saan
kontrolado ang
pamahalaan at pulitika ng
makapangyarihang bansa.

Epekto ng
Epekto Ng Ikalawang Imperyalism
Yugto Ng Kolonisasyon o
sa mga Bansang
Nanakop Ang imperyalismo
sa Africa at sa
Maraming aspeto ng buhay Asya ay naging
na naaapektuhan ng daan upang
pananakop. Ang mga makaranas ng
gawaing pampolitika, pang- pagsasamantala
ekonomiya, panlipunan at ang katutubong
espiritwal at pangkultura ay populasyon mula
ginamit ng mga mananakop Epekto ng Kolonisasyon sa mga mapaniil
upang ganyakin ang mga sa mga Lupang Sakop na patakaran ng
bansang sakop na sumunod
sa kanilang ipinagagawa. Maraming pagbabago ang
ibinunga ng kolonisasyon sa
lupaing sakop. May
pagbabagong pampolitika, pang-
ekonomiya, panlipunan at
pangkultura.
NASYONALISMO SA IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIG
 Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring biglaan.
Kailangan itong madama, paghirapan ng mga tao upang mahalin nila ang kanilang
bansa.
 Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mga mamamayan. Hangad
ng mga tao na may maipagmalaki sila bilang isang bansa. Habang tumintindi ang
kanilang paghahangad higit nilang naramdaman ang pagkakaroon ng damdaming
pagiging makabayan.
 Nagpapasidhi ang damdaming ito na ipaglaban ang kanilang bansa na kadalasan ay
humantong sa mga digmaan.
 Nasyonalismo sa Soviet Union o Russia.
 Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang
Kristiyanismong Griyego (Orthodox) kaya tinawag siyang Vladimir the Saint.
 Ang himagsikang Ruso ang sia sa nakagimbal sa daigdig na naganap sa ika-20 siglo.
 Ang October Revolution ng mga komunistang Soviet ang unang pagkakataon na nagkaisa
ang mga Ruso at nagapi ang Czar na nagwakas sa aristokrasya sa bansa.
 Napalitan ito ng diktadurya ng Partido Komunista

 Nasyonalismo sa Latin America

 Tinatawag na Creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na


may lahing Europeo. Minamaliit ang mga bansang Latin America na creole ang
populasyon, tulad ng Argentina na may populasyong Indian at iba’tibang lahi.
 Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nagnais na palayain ang Timog
Amerika laban sa mga mananakop. Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa mga
nasimulan ni Francisco de Miranda, isang Venezuelan.
 Si Nivadavia, isang pinuno sa Argentina mula noong 1820 hanggang 1827,
ang nagtaguyod ng edukasyon, nagsikap na matamo ang karapatang bumoto para sa lahat
at gumawa ng paraan upang magkaroon ng makatarungang sistemang legal.

 Nasyonalismo sa Aprika

 Ang pangkabuhayang pangangailangan ang nagbunsod sa mga taga Europa na pag-


aagawan ang Aprika.
 Halos lahat ng bansa sa Aprika ay nagtamo ng kanilang kalayaan pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig subalit maraming suliraning naging hadlang sa lubusang
pag-unlad ng kontinente.

 May mga bansang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan


subalit maraming nagbuwis ng buhay upang lumaya tulad ng mga Pilipino, Amerikano,
Hindu at iba pa.
 Ang pagnanais na makamtan ang kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa
mamamayan upang magkaisa sa pagkakamit ng layunin . Nakahanda silang magbuwis
ng buhay upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban.
Gawain 2: Punan Mo Ako!

Panuto: Matapos mong mabasa at maunawaan ang teksto ay punan mo ang


hinihinging impormasyon ng Concept Map. Pagkatapos sagutin ang mga
pamprosesong tanong. Isulat ang inyong kasagutan sa sagutang papel.

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON

DAHILAN URI NG MGA LAWAK NG KOLONYA


TERITORYON NG MGA MANANAKOP
G ITINATAG

Pamprosesong tanong
1. Bakit naganap ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo?
2. Paano naapektuhan ng pananakop ang pag-unlad ng mga dating
kolonya?

Gawain 3: Ikahon Mo, Ideya Mo!

Panuto: Tukuyin ang ideya na kumakatawan sa pangungusap. Piliin at isulat ang sagot sa
sa sagutang papel.

Manifest destiny Protectorate


White man’s burden
Concession Sphere of Influence
1. Ang pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa
paglusob ng ibang bansa.
2. Ang pagbibigay ng espesyal na karapatang
pangnegosyo.
3. Ito ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung
saan kontrolado ang pamahalaan at pulitika ng
makapangyarihang bansa.
4. Ito ang paniniwala na tungkulin ng mga Europeo at ng
kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad
na kabihasnan
5. May karapatang ibigay ng Diyos ang United States na
magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng
Hilagang America.

Gawain 4: Mabuti O Masama?

Panuto: Tatayain ng gawaing ito ang pag-unawa hinggil sa mga epekto ng ikalawang yugto
ng imperyalismo at kolonyalismo. Lalagyan ng tsek (/) kung ito ay nakabubuti o
nakasasama. Ibigay ang dahilan ng napiling sagot. Pagkatapos ay sagutin ang
mga pamprosesong tanong na matatagpuan sa ibaba. Isulat ang iyong mga
kasagutan sa iyong sagutang papel.

MGA EPEKTO NG
IKALAWANG YUGTO NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN
NG IMPERYALISMO
AT KOLONISASYON
Maraming aspeto ng
buhay na
naaapektuhan ng
pananakop. Ang mga
gawaing pampolitika,
pang-ekonomiya,
panlipunan at espiritwal
at
pangkultura.
May pagbabagong
pampolitika, pang-
ekonomiya,
panlipunan at
pangkultura.
Ang imperyalismo sa
Africa at sa Asya ay
naging daan upang
makaranas ng
pagsasamantala ang
katutubong
populasyon mula sa
mga mapaniil na
patakaran ng mga
dayuhan.

Pamprosesong tanong

1. Alin ang mas maraming epekto ng pananakop: mabuti ba o masama? Bakit


kaya?
2. Kung ikaw ang tatanungin, mabuti ba talaga o masama ang epekto ng Ikalawang
Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ipaliwanag.

Gawain 5: Maalaala Mo Kaya?

Panuto: Tukuyin ang konsepto, personalidad o pangyayaring hinihingi sa


bawat bilang. Ang initial letter ay ibinigay na bilang iyong gabay.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

S B 1. Siya ang tinaguriang ‘Tagapagpalaya ng Timog Amerika’.


C 2. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing
Europeo.
N 3. Siya ay isang pinuno sa Argentina na nagtaguyod ng edukasyon, at
nagsikap na matamo ang karapatang bumoto para sa lahat.
V 4. Ipinalaganap niya sa Russia ang Kristiyanismong Griyego
(Orthodox)
N 5. Masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang
kaniyang kalayaan, karangalan at karapatan.

Gawain 6: Kuwentong May Kuwenta!

Panuto: Kapanayamin ang taong nakatatanda sa iyo.Maaring iyong lolo o lola, magulang,
tiyo o tiya, kamag-anak, o kakilala. Tanungin sila hinggil sa naganap na EDSA
rebolusyon,

Maaaring idokumento ang panayam gamit ang video camera o


anumang electronic gadget na makatutulong sa pagkuha ng impormasyon.
Kung walang gadget, maaring gumawa ng isang tala hinggil sa kanilang
mga tugon.

Itanong sa kanila ang sumusunod na mga tanong na magiging gabay


sa pakikipanayam.

1. Ano ba ang EDSA rebolusyon?


2. Napagkakitaan ba ng diwa ng nasyonalismo ang EDSA rebolusyon?
3. Bilang isang Pilipino, naging makabuluhan ba ang EDSA rebolusyon?
4. Kung nabigyan sila ng pagkakataon na makasali noon, sasali ba
sila? Bakit?
4. Mahalaga ba ang diwa ng nasyonalismo sa isang bansa?
Pangatwiran.
Rubrik Para sa Pagmamarka

Criteria Puntos
Kaalaman sa paksa 15
Kalidad ng mga impormasyon o 10
ebidensiya
Kaalaman sa kontekstong 10
pangkasaysayan
Estilo at pamamaraan ng 5
gawain
Kabuuang Marka 40

Gawain 7: LESSON CLOSURE: A Good Ending

Panuto: Punan ang lesson closure note. Tiyaking maging tapat at sinsero sa pagsulat ng
mga impormasyon.Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.

LESSON CLOSURE
Sa araling Pagsibol ng Nasyonalismo…

Isa sa mahalagang kaisipan ay…

Ito ay mahalaga sapagkat…

Nararapat itong tandaan dahil…

Sa pangkabuuan…

V. Panapos na Gawain: Repleksiyon

Panuto: Punan ang talata upang maipahayag ang iyong kaisipan hinggil sa aralin.

Sa kasalukuyan, nararanasan pa rin ba ang epekto ng pananakop? Ipaliwanag.

Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay,


bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino?
Rubric sa Pagmamarka ng Repleksiyon

Napakahusay Lubhang Mauhsay Mahusay


Dimensiyon ( 5 Puntos) (4 Puntos) (3 Puntos)

Nilalaman ng aralin , Lahat ng mga Tatlo lamang sa Dalawa lamang


paksa pamantayan ay mga pamantayan sa mga
matatagpuan sa ang matatagpuan pamantayan
kabuuang sa kabuuan ng ang
repleksiyon repleksiyon matatagpuan sa
Presentasyon ng
kabuuan ng
pagkakasulat repleksiyon

Maayos ang
pagkakasunod-
sunod ng mga ideya

Angkop ang mga


salitang ginamit
Sanggunian

Department of Education. 2020. Most Essential Learning Competencies (MELC)

Blando, Rosemarie C. et.al (2013) “Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan, Gabay sa


mga Mag-aaral, Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS) pahina 326-334. 381-392

https://drive.google.com/file/d/0B_TibwEltyeuNlF0NkhZQVpGUHc/view?
fbclid=IwAR26hxZsd9Zr-_WcXYX6QKJ5WtEliJM2hJije0uglKGEhVqAQjZnb8HnRJo
Gawain 2
Dahilan Uri ng Teritoryong Itinatag Lawak ng Teritoryong
Nasakop
 doktrinang manifest -protectorate,
destiny -concession
 white man’s burden -sphere of Aprika at Asya
 sanayin ang sarili sa influence
pamamahala .
Gawain 3
1. Protectorate
2. Concession
3. Sphere of Influence
4. White Man’s Burden
5. Manifest Destiny
Gawain 4 : Maaring magkaiba ang mga kasagutan
Gawain 5;
1. Simon Bolivar
2. Creole
3. Nivadavia
4. Vladimir I
5. Nasyonalismo
Gawain 6 : Ang gawain sa mamarkahan batay sa Rubrik.
Gawain 7: Maaring magkaiba ang mga kasagutan
Susi sa Pagwawasto

You might also like