You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte

SALIGANG BATAS NG SAMAHAN NG MGA MAGULANG AT


GURO

(AMENDED)
S.Y 2020-2021

PANIMULA

Kami ang mga magulang at guro ng Paaralang Elementarya ng Calasgasan ay nananalig


at humihiling sa Dakilang May-likha upang makapagtatag ng gumaganda at aktibong samahan
na magbubuklod n gaming adhikaing magampanan ang aming mga pananagutan bilang mga
magulang at guro, humubog at magmulat ng murang isipan ng mga kabataang mag-aaral sa
pamamagitan ng pag-ibig, pagtutulungan, dedikasyon at nabibigkis sa isang samahan na
magpapahayag, gagalang at susunod sa Saligang Batas na ito.

ARTIKULO I-PANGLAN AT TANGGAPAN

SEK. 1- Ang samahang ito ay makikilala at tatawaging Pangkahalatang Samahan ng mga


Magulang at Guro sa Paaralang Elementarya ng Calasgasan.

SEK. 2- Ang tanggapan ng samahang ito ay matatagpuan sa loob ng Paaralang Elementarya ng


Calasgasan, Daet, Camarines Norte.

ARTIKULO II-KAPAHAYAGAN NG SIMULAIN AT LAYUNIN

SEK. 1-Simulain;
1. Ang samahang ito ang siyang kikilalaning namamahalang kapulungan sa lahat ng kasapi,
mangangasiwa at mamamalakad alinsunod sa pinagtibay ng Saligang Batas.
2. Ang kapakanan ng lahat ng kasapi ang pangunahing adhikain ng samahan. Dahil dito,
ang lahat ay inaasahang susunod, gagalang sa batas at kautusang nakasaad sa Saligang
Batas na ito.

SEK.2-Layunin;
Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte

1. Magtaguyod ng gumagana at maayos na pagsasamahan ng mga magulang, guro at


pangangasiwaang pampaaralan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-
aaral.
2. Malinang ang pagkakaisa ng tahanan at paaralan sa pamamagitan ng maayos na pag-
uusap at pag-unawa sa kanikanilang bahagi. responsibilidad at gampanin upang
makapagtamo ng mataas na uri ng edukasyon para sa mga mag-aaral.
3. Mapagsulong at mapaunlad ang pag-uugali ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
nagkakaisang pagkilos ng mga magulang, guro, pangasiwaan at mga tao o samahan na
may adhikaing makatulong.
4. Kumakatawan, makipag-ugnayan sa ibang samahan, kilusan o ahensya ng pamahalaan, sa
anumang bagay na may kaugnayan sa ibang samahan. kilusan o ahensya ng pamahalaan,
sa anumang bagay na may kaugnayan na ikasusulong ng Gawain at tungkulin ng
samahan para sa kapakanan ng magulang, guro at mag-aaral.

ARTIKULO III

KASAPI, TUNGKULIN, GAWAIN, KARAPATAN AT


PREBELIHIYO

SEK.I- Kasapi;

1. Ang lahat ng magulang at legal na tagapangalaga ng mga mag-aaral na nakatalga sa taon


pampaaralan ay magiging regular na kasapi.
2. Ang mga gurong permanenteng nagtuturo kasama ang miyembro ng Administrative Staff
o katulong pangpangasiwaan ay ibibilang na regular na kasapi.
3. Honorary Member o kasaping Pangdangal. Sino mang mamamayan sa komunidad na
nagnanais na sumusuporta sa layunin ng samahan at susunod sa Saligang Batas.
4. Sustaining Member. Ito ay mga ahensya, ibang samahan, religious and civic organization
na nagnanais na makiisa sa mga layunin ng samahan, ang representante nito na maaaring
maging kasapi ng isang komitiba subalit hindi maaring ihalal sa anumang halal na
katungkulan.

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte

SEK.2- Tungkulin o Gawain;

1. Dumalo at makibahagi sa lahat ng mga pagpupulong at mga gawaing iminukha ng


samahan.
2. Magampanan agaran at may pagkukusa ang lahat ng moral at pinansiyal na obligsyon
bilang kasapi.
3. Ipagtanggol, sumunod sa Saligang Batas ng samahan, Itaguyod ang layunin at simulain
nito sa ikasusulong sa kabuuan.
4. Magpakita ng pamamalasakit at pangangalaga sa anumang pag-aar at proyektong naitatag
ng samahan.
5. Tumugon sa pagtawag ng guro na may kinalaman sa kanilang anak na pinag-aral.

SEK.3-Karapatan ng Kasapi;

1. Karapatang makibahagi at magpahayag ng kanyang mga saloobin sanpanahon ng pulong.


2. Maging kandidato sa anumang halal na tungkulin ng samahan ayon sa mga probisyon sa
Saligang Batas.
3. Bumuo sa lahat ng usapin na inihaharap at ginaganap sa panahon ng pulong.
4. Makapagsiyasat at makapagsuri ng may kinalaman sa pananalapi, pagaari at iba pang tala
ng samahan.
5. Mabigyan ng wastong ulat na may kinalaman sa mga nagawa at mga gawaing
isinakatuparan ng samahan.
6. Makipag-ugnayan sa mga guro ukol sa suliranin ng kanilang mga anak sa ikakapanuto
nito.

ARTIKULO IV

LUPON NA TAGAPAMAHALA (BOD) AT PAMUNUAN


(OFFICERS) AT TUNGKULIN

SEK. 1- Ang lupon na tagapamahala na mangangasiwa ng pamamalakad ng samahan,


mangunguna sa mga aktibidad at mangangalaga sa mga ari arian, ay bubuuin ng hindi lalampas
sa bilang na 15 kasapi. Sila'y inihalal sa pangkalahatang kapulungan.

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte

SEK.2- Ang pangunahing pamunuan na magsasagawa ng mga gawain ng samahan ay bubuuin


ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, Kalihim. Ingat Yaman, Taga-suri. Tagapamahala,
Tagapagbalita, Tagapamayapa. Ang pamunuang ito ay inihalal ng mga kasapi ng Lupon ng
Tagapamahala (BOD) sa gitna nila.

SEK.3- Ang lahat ng pangulo ng samahan ng mga guro ay magsisilbing kasapi ng Lupon ng
Tagapamahala (BOD). Gayunpaman siya'y hindi pahihintulutang humawak ng pangunahing
tungkulin sa pamunuan sa pagiging kalihim at kasapi ng Lupong Tagapamahala.

SEK. 1- Tungkulin ng Lupon:

1. Maghalal ng manunungkulang pamunuan sa gitna nila. Tiyak na magagampanan ng


bawat isa ang kanilang atas na tungkulin.
2. Ang lupon ay babalangkas ng mga patakaran, alituntunin, kautusan na susundin ng
samahan kasama ng pamunuang kinabibilangan.
3. Magsasasagawa, mangangasiwa at mamamahala sa lahat ng gawain at iba ang aktibidad
ng samahan.
4. Maghirang ng mga namumuno sa mga komitibang gaganap sa mga gawaing pansamahan.
Gagawa ng patakaran at alituntuning magiging giya at iba ang aktibidad ng samahan.
5. Magdisiplina ng mga kasapi at pinuno at napatunayang lumabag sa mga itinatadhana ng
saligang batas na ito at iba pang alituntunin na ipinatutupad ng samahan.
6. Magtibay ng budget ng samahan at ang pagpapalabas ng pondo nito.
7. Punan ang mga bakanteng posisyon o katungkulang hindi natapos.

SEK.5- Mga tungkulin ng Pamunuan

a. Pangulo
1. Manguna sa lahat ng mga pulong ng samahan at mga Lupan ng Pamunuan, alinsunod sa
parliyamentaryong paaralan. Mangasiwa sa lahat ng Gawaig isinakatuparan ng samahan.
2. Tumitiyak na ang Saligang Batas, mga alituntunin, kaayusan, resolusyon na pinagtibay
ng kapulungan ay maayos at tamang ipinatutupad.

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte

3. Nangunguna sa paghirang ng Tagapangulo at kasapi ng mga komitiba na itinakda ng


batas at tinitiyak na ang mga komitiba ay nakagaganap ng kanilang itinadhanang gawain.
4. Lumagda sa lahat ng katitikan at iba pang kasulatan na kailangang lagdaan sa kapakanan
ng samahan.
5. Mag-ulat sa samahan ukol sa kanyang nagawa sa loob ng panahon ng kanyang
pamamahala. Agarang maibigay ang lahat ng ari-arian at kasulatan sa sinumang nahalal
na kahaliling pamunuan ng samahan.

b. Pangalawang Pangulo
1. Gampanan niya ang tungkulin ng Pangulo sa panahong hindi niya maaaring gampanan
ang kanyang tungkulin sa mga sumusunod na kadahilanan: Mahabang pagkakasakit,
pansamantalang pagliban,pansamantalang kawalan ng kakayahang humawak ng
tungkulin.
2. Maging tagapangulo (Ex-officio Chairman) na committee on programs and program.

c. Kalihim
1. Siya ay magsisilbing tagatala ng katitikan ng lahat ng pagpupulong at taga-ingat ng
mahahalagang kasulatan ng samahan.
2. Siya ang maghahanda ng mga kalatas o komunikasyon na kaugnay ng mga gawain ng
samahan.

d. Ingat Yaman
1. Maglikom at mag-ingat ng lahat ng mga ari-arian at pondo ng samahan.
2. Maglabas ng pondo at kasama ng pangulo ay lumagda sa lahat ng bayarin at iba pang
kasulatang may kaugnayan sa pananalapi ng samahan.
3. Mag-ingat ng tala ng pananalapi at tumitiyak na totoo at wasto ang mga ito sa pana-
panahon.
4. Maghanda ng nasusulat na buwanan at taunang ulat ng kalagayan ng pananalapi ayon sa
paraang hinihingi ng pamamahala.

ARTIKULO V. MGA PULONG

SEK. 1- Uri ng Pulong

1. Ang regular na pagpupulong ng lupong tagapamahala ay gaganapin tuwing pangatlong


Biyernes ng bawat buwan.

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte

2. Ang pulong pangkagipitan ay maaring ipatawag ng pangulo upang isaalang-alang ang


mga bagay na nangangailangan ng kagyat na pagkilos, ang notisya ng pulong ay dapat na
maglaman ng layon kung bakit ito pinatawag. Walang ibang dapat pag-usapan maliban sa
layong nasasaad.
3. Ang pulong pangkalahatan ay gaganain ng hindi bababa sa dalawang ulit isang taon
tuwing Hunyo at Marso.

SEK.2- Ang kurum ay bubuuin ng kalahati at isa ng inaasahang bilang ngndapat dumalo sa
pulong.

SEK.2- Ang lahat ng pulong ay isasagawa sa pagsunod sa tinanggap na kaayusan ng Gawain


(Order of Business) maliban na iminumungkahi at pinagkaisahang baguhin ang kaayusan upang
maharap agad ang mga bagay na dapat pag-usapan.

ARTIKULO VI- MGA BAYARAN, PAGLILIKOM AT PAG-


INGAT NG PONDO

SEK.1- Mga Bayaran


1. Ang lahat ng regular at pandangal na kasapi ay mabibigay ng taunang bayad sa sapi
(Membership Fee) na halagang P200.00 at may dagdag na P25.00 bawat bata bilang
tulong pinansiyal sa Extra Curricular Activities ng mga mag-aaral. Ito ay ibibigay sa
ingat yaman sa anumang araw sa buwan ng Agosto hanggang matapos ang panuruang
taon. (School Year Calendar)
2. Ang taunang bayarin (Annual Dues) ay kinakailangan nasa katuwirang halaga na itinakda
ng lupong tagapamahala. Ang halaga at paraan ng pagbabayad ay kinakailangang sinang-
ayunan ng pangkalahatang kapulungan, sa pulong na tinatawag para sa gayong layunin.
3. Ang komitiba ng pananalapi katulong ang mga tinalagang mga guro at pamunuan ng
paaralan ang gagawa ng makatuwirang pagtataya ng halaga ng taunang bayarin batay sa
taunang pangangailangan. Ang tala ay dapat isumite sa lupon ng tagapamahala para sa
higit na pag aaral at pagsang-ayon bago iharap sa pangkalahatang kapulungan.

SEK.2- Paglilikom ng Pondo


1. Ang Ingat-yaman ng samahan o ang binigyan ng karapatan ang magsagawa ng
paglilikom ng bayad sapi at taunan bayarin. Sila ay
Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte
dapat laging magbigay ng resibo bilang katibayan ng pagbabayad. Walang sinumang
guro o kawani ng paaralan ng pagbabayad. Walang sinumang guro o kawani ng paaralan
ang dapat masangkot sa gawaing paglilikom maliban kung may pagtatalaga ng karapatan
mula sa ingat yaman ng sinang-ayunan ng lupon.
2. Ang samahan ay maaring makalikom ng ibang pondo sa mga sumusunod na kaparaanan,
donasyon, ambagan interes sa bangko.

SEK.3-Pag-lingat
1. Lahat ng nalikom na pondo ay ituturing na Trust Fund at ialalagak sa
mapagkakatiwalaang bangko. Walang sinumang kawani ng paaralan ang paghahabilinan,
mag-ingat o magpapalabas ng pondo na nalikom ng samahan.

SEK. 1- Pagpapalabas ng pondo


1. Ang anumang halagang palalabasin ay kinakailangan may pag sang-ayon ng lupon na
tagapamahala ng mga ito ay may opisyal na resibo na nilagdaan ng pangulo, ingat-yaman
at taga-suri. Ang taunang ulat ay dapat ding masuri ng independent External Auditor at
isusumite sa pangkalahatang kapulungan. Ang pamunuan ng samahan ay hindi
papayagan makapagkolekta muli ng anumang bayarin kung hindi makapagbibigay ng
taunang ulat ng pananalapi.

ARTIKULO VII- MGA KOMITIBA

SEK. I-Magkakaroon ng mga gumaganang komitiba na tutulong sa pangulo sa pagpapatakbo ng


samahan, ito ay ang mga sumusunod:

1. Komitiba ng Pananalapi (Committee of Finance)


2. Komitiba ng mga Programa at proyekto (Committee on Programs and Projects)
3. Komitiba ng Tagasuri at Tagapamahala (Audit and Supervisory Committee)
4. Komitiba ng Halalan (Election Committee)
5. Grievance Committee

SEK.2-Bawat Komitiba ay bubuuin ng Pangulo at dalawang kasapi na magmumula sa Lupong


Tagapamahala (BOD)

SEK.3- Ang Lupong Tagapamahala, sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng nakararami ay maaari


pang magtatag ng iba pang komitiba kung kinakailangan para sa higit na maayos na takbo ng
samahan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte

SEK.4-Ang bawat komitiba ay dapat bumalangkas ng mga taunang gawain upang patuluyan
itong gumagawa

ARTIKULO IX- MGA PAGBABAGO

SEK. I- Ang mga itinadhana ng Saligang Batas na ito ay maaaring pawalang bisa, baguhin,
bawasan, susugan sa pamamagitan lamang ng pagkakaisa at pagpapatibay ng may dalawang
ikatlong bahagi (2/3) ng kasapi.

SEK.2- Ang anumang pagbabagong gagawin ay para sa higit na kapakanan ng samahan.

SEK.3- Dahil sa paglaganap ng pandemyang COVID-19, ang mga opisyales ng GPTA ay


mananatiling nakaupo hanggang taong panuruan ng 2020-2021.

SEK.4- Ang mga magulang ang siyang kukuha ng modyuls sa paaralan na siyang gagamitin ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral (Distance Learning).

SEK.5- Ang mga magulang din ang pansamantalang magtuturo sa mga anak sa dahil sa
pagbabawalal ng face-to-face classes.

SEK.6-Ang pagkuha ng mga modyuls ay ayon lamang sa itinakdang araw at oras ng mga guro.

SEK.7-Inaatasan ang bawat kasapi ng samahan na sumunod sa mga health protocols na


ipinatutupad ng IATF.

ARTIKULO X-MGA PAGKAKAISA

Ang Saligang Batas na ito ay binubuo ng 10 Artikulo ay magkaka-isa matapos pahalagahan at


pagtibayin ng dalawang tatlong bahagi (2/3) na kasapi.
PAGPAPATUNAY

Ito ay pagpapatunay na ang Saligang Batas ng Samahan ng mga magulang at guro ng


Paaralang Elementarya ng Calasgasan ay pinagtibay ngayong ika-___________________ sa
Paaralang Elementarya ng Calasgasan, Daet, Camarines Norte.

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte

Kami ang mga lumagda na siyang bumubuo ng Lupong Tagapamahala at Pamunuan ng


Samahan ng mga magulang at guro ng mababang Paaralan ng Calasgasan, ay nagpapatunay na
ito ay totoo at wastong sipi ng Saligang Batas ng samahan na pinagtibay sa ginanap na
pangkalahatang pagpupulong na ginananp nong ___________________ sa Paaralang
Elementarya ng Calasgasan, Daet, Camarines Norte.

Lumagda:

Pangulo Pangalawang Pangulo

Kalihim Ingat-Yaman

Taga-Suri Tagapagbalita

BOARD OF DIRECTORS:
RONNEL V. ABANTE
Principal I

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte

GUIDELINES ON COMMITTEES ORGANIZED INVOLVING


INTERNAL AND EXTERNAL STAKEHOLDERS IN M&E

Members should

1. Review all relevant material before monitoring and evaluation.


2. Attend committee meetings and voice objective opinions on issues.
3. Pay attention to activities that affect or are affected by the committee's work.
4. Support the efforts of the committee chair and carry out individual assignments made by
the chair.
5. Work as part of the committee and staff team to ensure that the committee's work and
recommendations are in keeping with the general association mission and goals.

Staff Support

Each committee has one or more staff members who serve as liaisons and perform a variety of
tasks, including:

1. Contacting individuals to offer them committee appointments


2. Providing orientation for each new committee member and chair about their
responsibilities and work schedule. This may include a committee manual (in print or
electronic form), and will include a committee roster, access information for the
committee, minutes of previous committee meetings, background on recent committee
activities, information about key people with whom the committee or chair is likely to
interact.
3. Developing and maintaining committee descriptions, procedural information, and
minutes.
4. Working with the chairs of the committees to ensure that committee responsibilities are
fulfilled and meeting agendas are set.
5. Providing administrative assistance to the chair in setting up and conducting meetings.
6. Facilitating communications between committees and school management.

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office of Camarines Norte
CALASGASAN ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte
DOCUMENTATION IN SOFT AND HARD

COPY

All the files, such as pictures and documents of Calasgasan


Elementary School from school year 2018-2019 to school year 2020-2021
are all compiled in USB and hard drive which can be sent through
Facebook, messenger and Gmail. All the files can be accessed also
through the official Facebook page Calasgasan Elementary School.

Attached here are the sample pictures of USB and hard drive and a
screenshot of Calasgasan Elementary School official Facebook page.

RONNEL V. ABANTE
Principal I
3.4.15
Documentation
in Soft and Hard
Copy
INDICATOR 5 Level 3
Shared and participatory processes are used in
  Roles and responsibilities of accountable determining roles, responsibilities and
person/s and collective body/ies are clearly accountabilities of stakeholders in managing and
defined and agreed upon by community supporting education.
stakeholders.

III. ACCOUNTABILITY
AND CONTINUOUS
IMPROVEMENT

1.3.6
MOA/MOU/Board
Resolution (as applicable)

You might also like