Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Filipino
1. PASYA
2. PABOR
3. PUMASLANG
4. KASALI
5. NANGYAYARI
6. PAHAYAGAN
7. ITINATAGUYOD
8. PANANAW
9. HINAHARAP
10.PANTAY
GAWAIN 2: PALAISIPAN
GAWAIN 1: GAWAIN 2
A. MGA ELEMENTO NG PAGLALAHAD NA B. PAGPAPALIWANAG
GINAMIT
KALINAWAN DAPAT MAUNAWAAN NG NAKIKINIG O
BUMABASA ANG ANUMANG PAHAYAG
KATIYAKAN DAPAT NAKATUON LAMANG SA PAKSANG
TINATALAKAY
KAUGNAYAN KAILANGANG MAY KAUGNAYAN ANG
LAHAT NG BAHAGI NG TALATA O
PANGUNGUSAP AT NAGKAKAUGNAY SA
BAGAY NA PINAG UUSAPAN
DIIN DAPAT MAY WASTONG PAGPAPALIWANAG
SA PAGTATALAKAY
GAWAIN 2: GAWAIN 4
KAWASAN FALLS (BADIAN, CEBU)
Ang pumunta sa isang lugar kasama ang iyong pamilya ay isa sa mga magandang alaala na
hindi mo malilimutan.Hindi lang dahil sa ganda ng lugar,sa sarap ng pagkain kundi dahil
kasama mo ang pamilya mo at mga taong malalapit sa iyong puso. Nagiging mas masarap
ang bawat oras kapag sila ang kasama mo.Sa dami ng mga lugar na napuntahan ng isang tao
mas madaming alaala ang iyong mabubuo kung madami kayong pupunta sa isang
lugar;barkada, at pamilya.
Ang isa sa mga lugar na napuntahan ko na hindi ko makakalimutan ay ang pagpunta naming
magpapamilya sa Kawasan Falls sa Badian,Cebu. Dahil first time kong makapunta doon ay
isa ako sa mga taong excited makapunta sa lugar.Mga 15-20 minuto muna ang lalakarin mo
mula pagbaba mo sa sasakyan mo. Marami kang makikitang malalaking bato sa
paligid.Pagkatapos noon ay maririnig mo ang lalagaslas ng tubig kahit malayo ka pa.At
kapag nasa malapit ka na ay doon mo mararamdaman ang lamig. Pagdating namin doon ay
isa ako sa dali-daling lumusong sa malamig at malinaw na tubig. Marami ring turistang nag-
eenjoy sa kani-kanilang ginagawa. Mababait din ang mga taong nandoon at masasarap ang
kanilang pagkain. Pwede ka ring magluto ng iyong dalang pagkain kung gusto mo tulad ng
ginawa namin. Doon kami nagluto ng barbeque at doon na din kami kumain ng mga
pagkaing dala namin na niluto ni Mama.
Kapag may kasama kang pumunta sa isang lugar ay sadyang isang magandang alaala.Hindi
mo mahahangaan ang ganda ng isang lugar kung mag-isa ka lang. Ito ang isa sa mga
alaalang habang buhay mong maaalala at hindi mo malilimutan. Makapunta man ako sa
ibang magagandang lugar ang kawasan Falls ang hindi ko kailanman malilimutan at paulit-
ulit kong pupuntahan kung mapagbibigyan at isasama ko ang pamilya ko.
GAWAIN 1: GAWAIN 2
Sinasabi ng manunulat dito na ang Edukasyon ang buhay ng bawat isa ay pares ng isang
walang katapusang paglalakbay sa mundong pinaninirahan ng bawat tao. Ito ang sandata
para sa kinabukasan ng bawat isa. Edukasyon na magbibigay tuwid sa mga panahong ating
pinagdaanan.
GAWAIN 2: GAWAIN 5
Ang buhay ngayong New Normal ay hindi maikakailang mahirap. Para sa mga ordinaryong
Pilipino katulad ko, mahirap ang makipagsabayan ngayon dahil na rin sa ang lahat ng presyo
ay mataas. Maging ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan ay nagmahal din. Ang
mga ekonomiya ngayon ay lubusang naapektuhan ng krisis na ito. Marami ang nawalan ng
trabaho at mayroon ding mga kompanya na nagsara dahil na rin sa hindi na nila kayang
tustusan ang pangangailangan ng kanilang mga empleyado. Bilang isang ordinaryong
Pilipino, mahirap ang buhay higit lalo na kapag ang mga nasa posisyon ay nagiging bulag sa
pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino. Mahirap at nakakalungkot ngunit patuloy
pa rin ang buhay.
GAWAIN 1: ISAGAWA
GAWAIN 2: GAWAIN 3
Sa akin pang palagay, epektibo ang talumpati dahil sa simula pa lamang ay sinisikap na ng
nagtatalumpati na mapukaw ang interes o matawag ang pansin ng mga tagapakinig.
Kasabay nito ang pagpatibay ng ideya, kaisipan at paninindigan. Habang sa wakas ay
nililinaw ang mga paninindigan, sinisigurado na nag-iiwan ng kakintalan o ang impresyon sa
huli ay nanghihikayat tungo sa pagkilos.