You are on page 1of 1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan:___________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong. Isulat sa malinis na
papel ang titik ng napiling sagot.

I. Isulat kung TAMA O MALI ang mga sumusunod na pangungusap

__________ 1. Ang mga organisasyong pampamahalaan at di- pampamahalaan ay dapat


na may kompetisyon upang mas gumaganda ang kanilang mga proyekto.
__________ 2. Ang mga organisasyon ay may moral na pananagutan sa lipunan.
__________ 3. Dapat na maging pangunahing layunin ng isang organisasyon ay ang
kikitain nito mula sa mga proyekto upang magpatuloy ang organisasyon.
__________ 4. Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga mga katotohanang
kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito.
__________ 5. Dapat ng ipagkatitawala ng mga institusyon ang kanilang mga tungkulin
sa mga pribado at pampamahalaang organisasyon.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.

Isulat ang salitang PANTAY o PATAS kung ito ang tinutukoy ng pahayag.

____________ 1. Sa ating sistemang legal, ang parusang ipapataw sa isang nasasakdal ay


nakadepende sa bigat ng kasalanang kanyang nagawa.

____________ 2. Ang Gobernador ng Probinsya ay nagbigay ng relief goods sa lahat ng


pamilya na sakop nito

____________ 3. Ang pinakamabisang paraan ng pagbabahagi ng yaman sa Lipunang


Ekonomiya ay ang pagkakaloob ng yaman angkop sa pangangailangan ng tao.

____________ 4. Ang pamilyang nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan na


tinawag na Social Amelioration Program (SAP) ay mga pamilya na kwalipikado sa
pamantayan ng nasabing programa.

____________ 5. Bawat mamamayan ng Pilipinas ay protekdado ng mga batas na pinapairal


dito.

You might also like